All Chapters of The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2): Chapter 11 - Chapter 20

47 Chapters

Chapter 11 Tutol

SYDPAGKATAPOS namin mag-shopping ni Kuya Miguel ay bumiyahe na agad kami pa-Tagaytay. Mayroon daw kasi siyang kakausapin na bagong customer ro’n na pagsu-supply-an niya ng yelo. Bago niya puntahan ang ka-meeting niya ay sa isang native kainan muna kami dumiretso, para makapananghalian.Halos hindi ko na mabuhat ang sariling tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Paano naman kasi, nag-uumapaw sa iba’t ibang klaseng sahog ang isini-serve nilang Bulalo rito. Sulit na sulit at abot-kaya pa ang presyo. Isang order lang pero parang pangtatluhang tao na ang katumbas na puwedeng kumain nito. Hindi ko na napigilang mapadighay, na siyang sabay na ikinatawa naming dalawa. “Solve?” tanong ni Kuya Miguel, bago itinuloy ang pag-inom sa Iced Tea na hawak.“Hay… sobra,” nakangiting sagot ko habang hinihimas pa ang tiyan. Perfect match talaga ang mainit na sabaw ng Bulalo para sa napakalamig na klima ng Tagaytay. “Grabe! Ang lakas mo kumain. Saan mo ba inilagay ang lahat ng iyon, ha? Eh, pagkaliit-liit
last updateLast Updated : 2023-01-23
Read more

Chapter 12

SYD NAGPAHINGA lang ako ng isang oras at bumangon na rin ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ako agad tumayo. Pa-indian sit lang muna akong umupo sa ibabaw ng aking kama. Itinukod ko ang isang siko sa gilid ng tuhod at pumangalumbaba. Sa totoo lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kay Kuya Lemy. Oo nga’t ipinagpahinga ko ang pagod kong katawan ngunit paikot-ikot naman na naglalaro sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya kanina. Napansin ko na ang biglang pagbabago ni Kuya Lemy kay Migs, simula no’ng gabi na nahuli niya kami na magkasama.Bakit ba kasi s’ya tutol na magkalapit kaming dalawa ni Miguel? May mali ba ro’n? Kung tutuusin, hindi na rin naman bago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Migs. Aware sila ro’n ng pamilya namin noon pa. Kaya hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan niyang mag-react nang gano’n?Hindi ba dapat matuwa pa nga siya kung sakali mang maging kaming dalawa? Dahil unang-una, kilala na naming lahat si Miguel. Malapit siya sa aming
last updateLast Updated : 2023-01-30
Read more

Chapter 13

SYDTAPOS ko nang banlawan ang lahat ng nilabhan ko. Iniisa-isa ko na ito ngayong inilalagay sa loob ng dryer nang biglang nagsalita si mama sa may likuran ko. “Tapos ka na maglaba, anak?” tanong n’ya na bahagya pang nakapagpagulat sa akin. “O-opo, ma,” nagkanda-utal na sagot ko. Hindi ko naman kasi akalain na nasa likuran ko na pala si mama. Ang totoo kasi niyan, ukupado pa rin talaga ang isip ko nang mga naging tagpo namin kanina ni Kuya Migs. “Nga pala, ma. Ano po’ng pinag-uusapan ninyo ni papa? Napansin ko po kasing mukhang biernes santo ang mukha niya, eh. May problema po ba?” tanong ko, habang hinihintay na matapos sa pag-ikot ang dryer. “Ma?” muling tawag ko kay mama nang hindi niya ako agad nasagot. Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit. “Oo, anak. May problema.” Muling bumalatay ang lungkot sa mukha n’ya. Nakaramdam na tuloy ako nang pag-aalala. “Pero hindi naman sa pamilya natin, hija. Kun’di sa asawa ng Tita Allyson mo.” Natigilan
last updateLast Updated : 2023-02-12
Read more

Chapter 14

ALAS cinco y media pa lang ng umaga ay bumiyahe na ako paluwas upang masigurong hindi nga talaga ako male-late sa unang araw ko sa AGC.Sa totoo lang, hindi talaga mawala-wala sa isip ko ang katagang binitiwan ni Sir Yuan na I will punish you sa oras na ma-late raw ako sa pagpasok. Nagmistula iyong echo, na paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko. Habang naglalakad ay isinasabay ko na rin ang pagkakabit ng temporary ID sa gitnang bahagi ng blouse ko. Patakbo na nga ang ginagawa kong paghakbang sa limang baitang, paakyat sa pinaka main entrance ng building. Salamat sa Betadine at limang band-aid strips na ipinantapal ko sa mga paltos ko sa paa at nagagawa ko na ngayong maihakbang ang mga ito nang maayos. Nakita ko kaagad ‘yong guard na nakausap ko. May kinakausap ito sa radio transceiver na hawak, habang ang mga mata ay abala pa rin sa pagmamasid sa mga taong pumapasok sa loob. “Good morning po, Kuya Boy!” masiglang bati ko rito. Kinuha ko ang ballpen at agad na nag-time in sa l
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

Chapter 15

JUAN BENEDICTO ANTONIO lll“So what’s the next plan, hmm? Mr. Loverboy?” nakangising tanong sa akin ni Restituto. Magkasama kami ngayon sa madalas naming tinatambayang high-end bar kung saan naggi-gig ang isa naming kabarkada.Sinaid muna niya ang tagay na binigay ko, bago sabay na inakbayan ang dalawang babaeng nasa magkabilang gilid niya.Gusto ko na siyang batukan nang salitan pa niyang hinalikan sa noo ang mga bagong biktima niya. Kawawang mga kabataan– paniguradong sira ang mga kinabukasan. Kung alam lang nila na pagsasawaan lang sila ngayong gabi ng h*******k na ‘to. Hindi ko na mapigilan ang mapailing. I admit that I used to be like him. Malala pa nga, eh. But not anymore, lalo pa't makakasama ko na ang babaeng pinapangarap ko. I heaved out a sigh. Ipinag-krus ko ang mga braso at sumandal sa inuupuang couch. Makahulugan ko munang tiningnan si Resty, bago tinugunan ang tanong niya.“Like what I’ve said, she’s living with me.”“Woah… confident? Parang siguradong maisasama mo na
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

Chapter 16

YUAN Sa Penthouse ko, na nasa tuktok ng AGC Building ako tumuloy. Nakapili na ako ng susuotin ko para sa pagpasok sa opisina. Habang nagbibihis ay naalala kong muli si Syd. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mga nangyari. She’s so pretty. Lalo na sa ipinasuot ko sa kan’yang mini skirt na exposed na exposed ang mahahaba niyang legs. Kitang-kita ko kung gaano kakinis at kaputi ang kaniyang balat. I could almost imagine myself kissing and touching those nice pair of legs. Oh, damn! Here I go again. I set aside the thoughts. Itinigil ko ang pagbubuhol sa kurbata ko. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang kaibigan kong si Kristoff. I want him to give the latest update about Bob Likowski. “Yes, bro, good morning!” bungad niya. “Tatawag na sana ako sa’yo pero naunahan mo ako. Teka, papasok ka na ba sa office? Puntahan kita?” Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na sagutin si Kristoff. Tutal tungkol kay Bob din naman ang dahilan ng pagpunta niya kaya idineretso ko na sa kani
last updateLast Updated : 2023-04-06
Read more

CHAPTER 17

SYD “Mr. Antonio, your first meeting is in the conference room.” “Cancel, please. Just resched the appointment tomorrow,” dinig kong tinatamad na saad niya. “But, sir... Mr. Madrigal was already there,” narinig ko namang sagot ni Miss Roxy. “I’m not in the mood. Ikaw na’ng bahalang mag-alibi para sa akin.” Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko kay Mr. Antonio. I’m not in the mood daw? Napaka-unprofessional naman ng dating. So, totoo pala ang tsismis— na may katamaran nga talaga ang taong ‘to. Paano siya magiging CEO niyan, kung ganito ang mind set niya pagdating sa trabaho? “P-pero, sir—” “Kaya mo na ‘yan. Okay, bye.” Iyon lang at pinutol niya na agad ang linya. Ni hindi niya man lang muna pinatapos magsalita si Miss Roxanne. Grabe! Ganito ba talaga siya makitungo sa empleyado? Kinlaro ko ang lalamunan bago muling nagsalita. “Ahm, is there something that you want me to do, sir?” tanong ko. Umiling siya. “Are you sure, sir?” paniniguro ko. Tumango lang siya
last updateLast Updated : 2023-04-06
Read more

CHAPTER 18

SYD Feeling ko, mapuputulan na ako ng hininga nang walang hiya niya nang iniunan ang ulo niya sa aking mga hita. “Gusto ko munang magpahinga, kahit sandali lang.” Nakapikit siya habang sinasabi ang mga iyon sa akin. Hindi ko magawang makasagot. Feeling ko nga parang umurong ang dila ko at kahit simpleng hmm... lang ay ‘di ko pa magawang masabi. “Can you do it again for me, please? Mas mare-relax ako kapag ginawa mo ‘yon,” parang batang naglalambing na pakiusap niya. “O-okay...” Gamit ang nanginginig na mga kamay, sinimulan ko na ulit ang paghihilot sa kaniya. Pasimple kong tiningnan ang kinahihigaan niya. Tila lumiit ang malapad na couch dahil sa laki ng katawan ni Mr. Antonio. Nakabaluktot ang dalawang tuhod niya at naka-krus ang mga braso. Halata namang pinagkakasya niya lang ang sarili para lang makahiga rito. Hindi ko namalayan kung kailan pa ako nagsimulang huminto sa paghilot sa kaniya at kung gaano na rin ako katagal na nakatitig lang sa natutulog na lalaking ‘to.
last updateLast Updated : 2023-04-06
Read more

Chapter 19

SYD HINDI pa man siya tuluyang nakakalapit ay nasinghot ko na agad ang pamilyar niyang amoy. “Hi,” bati sa akin ni Mr. Antonio pagkasara niya sa pintuan ng sasakyan. “H-hello,” alanganing tugon ko sa kaniya. Ni hindi talaga sumagi sa isip ko na makikita ko siya rito— dito mismo sa amin. Iginala ko pa ang tingin sa kabuuan ng kotse niya. Baka kasi lumabas din mula ro’n si Sir Resty. Pero himala dahil mukhang hindi yata ‘yon nakabuntot sa kaniya ngayon. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palapit sa nakabukas na gate kung saan ako nakatayo. Kahit sa malayo, kitang-kita ko kung gaano ka-attractive ang mokong na ‘to. Ang ganda pa ng pagkakangiti niya, ha? Samantalang kanina, halos hindi na maipinta ang nakasambakol n’yang pagmumukha bago pa man kami maghiwalay sa opisina. Nakatingala ko siyang tiningnan nang tuluyan na s’yang tumigil sa harapan ko. Wow! As in wow! Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang kaguwapuhan niya. Matangos na ilong, chinitong mga mata, makakapal na kilay, a
last updateLast Updated : 2023-04-16
Read more

Chapter 20

SYD Wala na akong nagawa nang pumuwesto si Mr. Antonio sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Inabot niya ang tagay na binigay ni Noreen at walang alinlangang nilagok ito. Aaminin ko... medyo na-amaze ako ro’n, ha! Umiinom din pala ng Empi Light ang katulad niya? Sa pagkakaalam ko kasi, mga mamahaling alak lang ang iniinom ng mga mayayamang katulad niya. Hindi kaya mangati ang lalamunan niya dahil mumurahin lang itong sa’min? MAAYOS naman ang naging bonding namin kay Sir Yuan. Ready siyang makinig, kahit madalas ay wala namang ka-sense-sense ang mga ikinukuwento sa kaniya ng mga kaibigan ko. Nasasakyan niya ang mga biro at nasasabayan niya rin ang kakulitan ng mga ito. Walang alinlangan niya ding sinasagot ang bawat itinatanong ng mga ito sa kaniya. Habang ako naman, heto... nananahimik at nakikiramdam sa kaniya. Hindi talaga ako kumportable sa presensiya niya. Hindi ko rin puwedeng alisin ang boundary na pumapagitan sa amin bilang siya, na amo ko at ako, bilang empleyado niya.
last updateLast Updated : 2023-04-22
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status