Share

Chapter Two

Author: Peb Sy
last update Last Updated: 2021-09-16 17:36:07

Umuwi ako sa apartment nang balisa at wari bang wala sa pag-iisip. Nanlalambot ang aking mga tuhod at halos hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa nangyari roon sa audition. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas doon. Ang alam ko lang at ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ay kung bakit ang ipinabasang eksena sa akin ay ang esktaktong nangyari noong gabing iyon.

Nagkataon nga lang ba talagang ako ang kinuha sa role ni Anika? Nagkataon nga ba talagang masiyado kaming magkaugali ng tauhang iyon? Kasi kung nagkataon lamang iyon, edi ang swerte ko naman kung ganoon.

Kaagad akong napahiga sa aking kama nang maramdaman ang biglang pagkirot ng aking ulo. Ramdam ko pa rin sa aking pisngi ang mga butil ng luhang natuyo na dahil sa pag-iyak ko roon kanina. Lubos akong nalilito. Parang nagkabuhol-buhol na ang mga memorya sa aking utak. Pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng tadhana. 

Minasahe ko ang aking sintido tsaka napapikit, pinakikiramdaman lamang ang pagkabog ng aking dibdib na kahit sa oras na iyon ay malakas pa rin, hindi pa rin ako tinatantanan.

Gusto kong umiyak pero wari bang wala na akong luhang maibubuhos pa sa pagkakataong iyon. Pagod na pagod na ang aking mga mata. Pagod na rin ang utak kong mag-isip ng maaaring dahilan kung bakit ganoon na lamang ang nangyari.

Gusto ko na lamang magpahinga.

Pero kaagad na naputol ang aking pag-iisip nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone na nasa loob ng aking bulsa.

Kinuha ko ito at nakitang may text galing kay Harper. Kaagad akong napanguso nang dahil doon.

Ilang minuto rin ang iginugol ko, nakikipagtitigan lamang sa screen ng aking cellphone, malalalim pa rin ang aking bawat hininga. Hindi ko alam kung handa ba akong mabasa ang sasabihin ni Harper dahil alam kong kung hindi man nila nagustuhan ang performance ko, talagang paprankahin ako ng babaeng iyon.

Hindi ko alam kung handa ba akong marinig ang katotohanan kasi sa totoo lang, pagod na pagod pa ang kaloob-looban ko. Hindi ako takot sa katotohanan. Sadyang gusto ko lang talagang makapagpahinga muna bago malaman ang tingin ng mga taong wari bang mga hurado sa akin.

Pero alam kong kailangan kong basahin ang text niya kasi baka may kung anong importanteng bagay siyang gustong sabihin, lalong-lalo na't si Harper ay hindi ang klase ng taong nag-te-text ng mga mabababaw na mga topic. Hindi niya gusto ang mga small talk, ika nga. Naaalala niyang ang sabi ng babae ay nakatatamad mag-type sa cellphone kung ang pag-uusapan lamang ay ang mga bagay na hindi naman talagang importante.

Wala na akong magawa pa kung hindi ang basahin ako dahil mahirap na. Baka importante o emergency pala ang sinasabi ng dalaga. Huminga ako nang malalim bago binuksan ang text ni Harper sa akin, malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib.

    ‘Girl, ang galing mo talaga. Kuhang-kuha mo! Tuwang-tuwa sila sa ‘yo, lalo na screenwriter. Dinner tayo Friday night pagktapos ko rito sa mga paper works ko?’ basa ko rito. Hindi nabawasan ang sikip na nararamdaman ko sa aking dibdib kahit na nabasa ko iyon at napagtanto kong nagustuhan naman pala talaga nila ang naging performance ko. 

Kuhang-kuha ko raw. Paanong hindi ko makukuha ang eksena kung literal na iyon ang naranasan ko noon?

Ilang minuto pa ang ginugol ko sa pakikipagtitigan sa screen ng aking cellphone, nag-iisip ng itutugon dito. Nabablanko ang aking utak at hindi ko magawang maging masaya kahit na positibo naman ang ibinalita niya akin.

Pakiramdam ko'y para akong lasing. Siguro'y mas mabuti ngang tunay na lasing na lamang ako para may talagang rason akong maisasabi sa sarili ko. Mas mahirap kasi ang nangangapa pagdating sa mga bagay na hindi mahanapan ng sagot.

Huminga ako nang malalim bago umupo sa aking kama. Iginiya ko ang aking tingin sa kabuuan ng aking kwarto. Hindi mapirmi ang aking mga mata kaya ipinikit ko na lamang ang mga ito nang madiin.

"Putangina naman, Raph," pagmumura ko.

Bakit hindi mo pa rin ako tinatantanan?

Ilang taon na kaming magkahiwalay pero dumadayo pa rin siya sa aking isipan kahit na gaano kong pinipilit na kalimutan siya. Kung gayong hindi ko na ito masiyadong iniisip, tsaka naman mangyayari ang bagay na iyon na kailanman ay hindi ko inakalang mangyayari.

Hindi na naman ako umaasang magkakabalikan pa kami. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop siya matatagpuan at wala rin akong kahit na ang pakialam pagdating sa kanya. Wala na ring natitirang kaparehong pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya noon. Pero kahit na ganoon ay hindi niya pa rin ako tinatantanan. 

Siguro ay ganoon talaga kapag ikaw ang naiwan nang walang ibang sinabi, iniwan na parang basa basahan.

Huminga ako nang malalim tsaka nagtipa sa aking cellphone ng reply ko kay Harper.

'Salamat, babe. Payag ako sa dinner if libre mo hehehehe. Lams mo na. Wala pa tayo datung ngayon.'

Kaagad naman itong sumang-ayon. Talagang sanay na iyon sa akin lalo na't alam niyang strikto ako pagdating sa budget ko at hindi ko afford ang mga restaurant na madalas kinakainan nina Harper. Sa mga mahahalin na restaurant kasi madalas kumakain ang mga ito kaya sa tuwing na inaaya ako ng mga itong kumain sa mga mamahalling kainan na iyon ay laging libre pagdating sa akin.

Hindi pa ako handang magwaldas ng pera lalong-lalo na't ang natitirang pera ko ay galing pa roon sa huling sahod ko roon sa call center agency. Kung pipilitin kong magwaldas ay kay Ngel na naman ang bagsak ko. Kahit na palagi naman niyang sinasabi sa aking masaya siyang natutulungan niya ako kahit papaano'y hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kahihiyang sa paulit-ulit kong paghingi ng tulong sa kanya.

Sa tuwing may problema ako sa pera, palagin sina Ngel at Harper ang tinatakbuhan ko dahil pagkatapos ng mga nangyari, wala na ang kahihiyang nararamdaman niya. Kailangan niyang mangutang minsan para patuloy na mabuhay. 

Sinabi ko naman sa kanya na kapag ako naman ang magkaroroon ng malaking sahod ay ibibili ko siya ng kahit na anong gusto niya, although alam kong afford naman din ni Harper ang mga bagay-bagay. 

Pinangako ko sa sarili kong masusuklian ko rin ang lahat ng mga bagay na ibinigay ng mga kaibigan ko sa 'kin.

Sa pagdaan ng mga araw, halos nasa kwarto lamang ako at lumalabas-labas kahit papano para bumili ng makakain. Muli ay pinanuod ko ang mga paborito kong palabas, ikinukulong ang sarili ko roon. Gusto kong isipin ang mga bagay-bagay, ang nangyari roon sa audition, ang mismong nangyari noong gabing iyon, ang mga masasayang alaalang pinagsamahan namin ni Raph, lahat-lahat. Gusto kong damhin ang sakit at bawat kirot ng aking dibdib upang dumating man ang araw na hindi ko gustong mangyari ay handa ako.

Biyernes noong napagtanto kong may dinner nga pala kami ni Harper. I hadn’t heard anything from the girl again. Marahil dahil busy ito sa trabaho pero nagsasabi naman ito kapag hindi natutuloy ang mga lakad namin kaya alam niyang tuloy ang dinner naming dalawa.

Tumingin ako sa orasan at nakitang may limang oras pa ako bago pumatak ang alas siyete. May ilang oras pa ako para sa sarili ko, upang makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. 

Kahit na maraming mga bagay ang tumatakbo sa aking isipan ay hindi ko na lamang namalayang nakatulog na pala ako nang mahimbing. Hindi ako binangungot at laking pasasalamat ko dahil doon, pero gumising ako nang bahagyang kumikirot ang aking mga paa. Iyon ay siguro dahil nakatayo lang ako buong araw at lumiban pa ako ng lunch kasi ayaw kong iwan ang pwesto ko sa linya. Natuto na ako mula roon sa mga audition ko noon.

Nag-unat-unat ako at muling tumingin sa oras. Malapit nang mag-alas siyete kaya binilisan ko na ang kilos ko. Inihanda ko muna ang susuotin ko bago ako dumiretso sa banyo upang mag-half bath. 

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos nang sobra kasi kakain lang naman kami dahil paniguradong busy rin si Harper sa upcoming project nito.

Ni-lock ko na ang pinto ng aking apartment bago sumakay ng jeep papunta roon sa napag-usapan namin. Habang nakasakay sa jeep ay ramdam ko ang mga titig ng dalawang lalaking nakaupo sa aking harap. Sigurado akong mas bata pa sila sa akin dahil mukha silang mga college student. Hindi na bago sa akin ang bagay na iyon pero hindi naman ibig sabihin ay okay lang sa akin. Nakakailang pa rin lalo na’t nakikita ko sa gilid ng aking mga mata kung paanong bumababa ang tingin nila papunta sa legs ko.

Pinilit ko na lamang na huwag isipin ang mga posibleng iniisip nila habang tinitingnan nila ako nang ganoon.

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sinabi ko sa sarili kong bibili ako ng sariling kotse kapag sapat na ang perang naipon ko, kahit hindi na iyong sobrang gara dahil nakakaurat lang din talagang mag-commute minsan. Madalas ay nakakakuha ako ng mga bastos na tingin. May iilang beses din akong nahipuan. Sobrang nakaka-trauma pero anong magagawa ko? Kailangan kong makarating sa mga pupuntahan ko.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga lalaking iyon at kaagad ding bumaba ng jeep kahit na rinig ko pang tinatawag nila ako na may halong pambabastos. Napabuntonghininga na lamang ako nang tuluyan na akong nakababa at piniling huwag nang lumingon pa.

Men will be men.

Noong bumaba na ako ay nakita ko ring bumaba si Harper mula sa kotse nitong nakaparada. Kaagad akong kumaway-kaway rito habang naglalakad sa direksyon ng dalaga. Iyon ay sinuklian naman niya ng ngiti.

Sabay kaming pumasok ng restaurant at may kung anong sinasabi si Harper tungkol sa isang bastos na driver sa daan pero hindi ko iyon maintindihan sapagkat iba ang tumatakbo sa isipan ko.

Nag-usap lang kami tungkol sa araw namin nang makaupo na at habang naghihintay sa order namin. Ang sabi nito ay sobrang dami raw ng nag-audition kaya kinailangang ibahin ang cut-off. May audition naman talaga para sa ibang minor roles pero sa pagkakaalam ko ay fixed na ang mga gaganap sa mga main roles. Hindi ko alam ang buong lista ng mga gaganap pero alam kong marami silang mga kinuhang bagong mukha sa industriya kagaya ko.

Kaya rin labis na matunog ang pangalan ng television series kahit na sa mga susunod na buwan pa ito maipapalabas. The Second Time Around ang titulo ng series na ito. Sabi nga nila, "The series is one big attempt of producers to step out of the Philippine drama's grasps."

Masaya akong kabilang ako sa mga bagong mukhang maipapalabas kasi tunay naman talagang nakaka-proud na isipin, lalong-lalo na't isa rin sa mga pangarap ko ang makatulong sa pagkaroroon ng bagong lasa pagdating sa drama sa bansa. Ito ay dahil na rin simula pagkabata ay napansin kong paulit-ulit na lamang ang mga pinapalabas sa telebisyon at halos binibihisan lang upang magmukhang bago. Masasabi kong ang The Second Time Around ay isa sa maliit na hakbang ng Pilipinas patungo sa kaunlaran pagdating sa Philippine Entertainment.

"Gusto ka palang makausap ng screenwriter natin," sabi ni Harper habang nguya-nguya ang spaghetting kinakain. Napakurap-kurap ako at kaagad na naramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo sa katawan. Muling sumagi sa aking isip ang parte ng script na nabasa ko noong audition.

Nakalimutan ko na sana iyon. Ipinagwalang-bahala ko na sana kahit na ilang araw rin ako binabagabag ng eksenang iyon at ng mga linyang pamilyar na pamilyar sa akin. 

Baka nagkataon lang. Baka hindi naman talaga magkatulad ang mga sinabi niya at ang mga sinabi ko roon sa mga nakasulat sa script.

Pero kahit na ilang beses kong pinaniniwala ang sarili ko rito, may kung anong parte pa rin sa aking dibdib na nakararamdam ng masamang kutob. Masamang kutob na ayaw kong paniwalaan kasi hindi ko alam kung posible ba talagang mangyari iyon dahil ilang taon na rin ang lumipas.

May kanya-kanya na kaming mga buhay.

Pero kung totoo ang aking hinala, why now? Bakit ngayon pa? Ganoon ba kalaki ang galit niya sa 'kin kaya kahit ilang taon na simula noong nakipaghiwalay siya ay gusto niya pa ring guluhin ang buhay ko? 

Hindi ko namalayang malalalim na pala ang hininga ko bago ako hinawakan ni Harper sa braso. "Are you fine? You look pale. May sakit ka ba?" tanong nito sa 'kin.

Napakurap-kurap ako tsaka umiling. "Nope, I'm fine. Medyo mainit lang," pagtanggi ko rito.

“Mainit? E halos nakatapat nga sa 'tin ang aircon." Napatingin ako sa aircon ng restaurant na nasa bandang gilid namin. Tumayo ang aking mga balahibo nang mapagtanto ko iyon.

Makabuluhan ang tinging ipinukol sa akin ni Harper nang dahil doon kaya ngumiti na lamang ako nang malapad tsaka mahinang tumawa. "Kinakabahan lang ako," sabi ko. 

"Ikaw ha, noong audition ka pa. It's very not like you," tugon nito.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What am I ba?"  tanong ko rito.

Romolyo ang mga mata ng babae bago pinisil ang pisngi ko. "You always know what you need to do kaya hindi ka madalas kinakabahan." Umangat ang kanyang kilay nang marinig iyon. "Alam mo 'yon, you're that kind of person who just knows better most of the time. You're not easily confused with things. Ta's alam mo ba, you're very very fit for the role."

Muli akong nakaramdam ng kaba nang marinig iyon. Ngumiti ako nang mapakla kasi nalalasahan ko ang mapait na lasa sa dulo ng aking dila.

Huminga ako nang malalim tsaka umiling-iling, bumaba ang tingin sa nanginginig kong mga kamay na hawak-hawak ang kutsara't tinidor. "You really keep on giving me too much credits," sabi ko.

Muling romolyo ang mga mata nito. "E sa totoo naman. By the way, speaking of, our screenwriter wants to talk to you personally."

Umangat ang tingin ko at napadilat. "Who screenwriter? Sir Phil?"

Hindi ko kailanman inakala na ang magiging sagot niya ang magbabago sa buhay ko.

"Hindi, babe. The other one. Si Raphael. Raphael Liu. Siya rin 'yong lead actor ng series, babe. Super gwapo at mabango."

Huminto ang aking mundo nang marinig ko iyon.

Related chapters

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Three

    Matagal ko nang alam na bastos kung maglaro ang tadhana. Minsan, hindi ito sumasama sa nais na gawin ng isang tao, kokontrahin at kokontrahin nito ang kung ano mang planong iyon. Minsan din, kabaliktaran, na kung iisipin ay masuwerte na kung tatawagin.Sa buhay ko ay ilang beses ko nang gustong unawain ang takbo ng tadhana ngunit nakatatawa mang isipin, tadhana na rin ang nagdidiktang ito ay kailanman hindi ko maiintindihan. Marahil ang mga utak ng tao ay may limitasyon lamang at hindi iyon maiintindihan ng isang katulad kong mas maliit pa sa tuldok kung ikukumpara sa laki ng sansinukob.Naaalala kong ang tadhana rin ang una kong naisip noong dumating si Raphael sa buhay ko dahil iyon ay hindi ko kailanman inakalang mangyayari.Masugid niya akong tagahanga dahil noong

    Last Updated : 2022-02-18
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Four

    Nagising ako kinabukasan nang sumasakit ang ulo. Ni hindi ko napansin na nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kwarto. Kaagad ako tumayo mula sa hinihigaang kama, ramdam ang umiikot kong kalamnan. Hindi ako makapag-isip nang maayos habang hinahanap ng mga mata ang banyo. Mabuti na lamang ay natagpuan ko kaagad ito nang pinihit ko ang unang pintong aking nilapitan.Banyo!Banyo!Paulit-ulit iyon sa aking utak na parang sirang plaka.Mabilis ang aking kilos papunta sa lababo bago isinuka rito ang lahat ng pagkakamali ko kagabi. Ang boses ng aking pagsuka ay rinig na rinig sa kabuuan ng kwarto ngunit sa pagkakataong iyon ay ni kititing na pakialam ay wala ako. Sumuka ako na wari bang wala nang buk

    Last Updated : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Five

    “Have you lost your mind?!” pangangaral ni Harper sa ‘kin sa telepono nang sagutin ko na ang mga tawag niya. Naglalakad na ako papunta sa aking apartment, ramdam ang samu’t saring emosyon sa aking dibdib.Hindi iyon ang unang beses na napangaralan ako ni Harper kasi control freak talaga ito, lalong-lalo na kung alam nitong tama naman ang mga pinagsasabi niya.Ang ginawa ko na lamang ay tanggapin ang lahat ng iyon at tumahimik na lamang kasi alam ko rin naman sa sarili kong naging pabaya ako at wala akong excuse sa naging actions ko kagabi, kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Anong sasabihin ko? Na nasaktan ako kasi bumalik ang ex ko at mukhang siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nakuha ang role na matagal ko nang hinihintay? Na malala kasi magkakasama kami sa set? Iyon ay ang mga bagay na kaila

    Last Updated : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Six

    Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig lamang sa text message na nakuha ko galing kay Harper. Gusto kong magmura pero alam kong magtatanong lamang si Ngel kung may problema ba ako. Ayaw ko na siyang idamay pa sa mga problema ko kasi totoong nakahihiya na. Bakit ba niya ako gustong makausap? Hindi ba’t ang sabi niya sa akin ay ayaw na niya akong makita at nandidiri siya sa ‘kin? Kaya bakit?Siguro’y gusto niyang isampal sa pagmumukha ko na may utang na loob ako sa kanya, kung meron man.Now that I thought about it, nandoon ba siya noong nag-audition ako? Napanuod niya ba ang pag-iyak ko dahil sa script na sinulat niya? Iniisip ko pa lamang ang pagmumukha niyang pinagmamasdan ako ay hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Natuwa ba siya? Ginawa ba niya akong katuwaan? Nakakatuwa ba

    Last Updated : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Seven

    “You’re still an early bird even until now.” The moment I heard that familiar voice that she hadn’t heard for years, I immediately felt her heart racing fast and hard against my chest as if it was wanting to get out, and to punch the guy who just talked. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili kong lumingon habang ramdam ko ang presensya ng lalaki mula sa aking likuran, naglalakad papunta sa direksyon ko. Umikot sa utak ko ang sinabi niya at may isang parte sa loob kong pinagsisihang ako ‘yong naunang nandoon. Parang nasaktan ‘yong pride ko. White polo shirt ang suot niya. Naalala kong iyon ‘yong paborito niyan

    Last Updated : 2022-03-17
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter One

    Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.

    Last Updated : 2021-09-15

Latest chapter

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Two

    Umuwi ako sa apartment nang balisa at wari bang wala sa pag-iisip. Nanlalambot ang aking mga tuhod at halos hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa nangyari roon sa audition. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas doon. Ang alam ko lang at ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ay kung bakit ang ipinabasang eksena sa akin ay ang esktaktong nangyari noong gabing iyon.Nagkataon nga lang ba talagang ako ang kinuha sa role ni Anika? Nagkataon nga ba talagang masiyado kaming magkaugali ng tauhang iyon? Kasi kung nagkataon lamang iyon, edi ang swerte ko naman kung ganoon.Kaagad akong napahiga sa aking kama nang maramdaman ang biglang pagkirot ng aking ulo. Ramdam ko pa rin sa aking pisngi ang mga butil ng luhang natuyo na dahil sa pag-iyak ko roon kanina. Lubos akong nalilito. Parang nagkabuhol-buhol na ang mga memorya sa a

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter One

    Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status