Share

Chapter Three

Author: Peb Sy
last update Huling Na-update: 2022-02-18 14:27:20

Matagal ko nang alam na bastos kung maglaro ang tadhana. Minsan, hindi ito sumasama sa nais na gawin ng isang tao, kokontrahin at kokontrahin nito ang kung ano mang planong iyon. Minsan din, kabaliktaran, na kung iisipin ay masuwerte na kung tatawagin. 

Sa buhay ko ay ilang beses ko nang gustong unawain ang takbo ng tadhana ngunit nakatatawa mang isipin, tadhana na rin ang nagdidiktang ito ay kailanman hindi ko maiintindihan. Marahil ang mga utak ng tao ay may limitasyon lamang at hindi iyon maiintindihan ng isang katulad kong mas maliit pa sa tuldok kung ikukumpara sa laki ng sansinukob.

Naaalala kong ang tadhana rin ang una kong naisip noong dumating si Raphael sa buhay ko dahil iyon ay hindi ko kailanman inakalang mangyayari.

Masugid niya akong tagahanga dahil noong isa pa lamang akong freshman sa kolehiyo habang siya naman ay sophomore ay talagang kilala na siya sa buong campus dahil sa taglay niyang galing. Gwapo rin kasi ito, matangkad at sobrang talented. Nakahuhumali rin ang may kaliitang mga mata nitong tunay na may kakayahang bumuo ng mga paru-paro sa iyong tiyan sa tuwing nagtatama ang mga mata ninyong dalawa.

Crush na crush ko siya noong freshman pa lang ako kasi sino ba namang hindi mahuhulog sa katulad niya? Ni biyaya na kung maituturing kapag nakakapag-usap kami kahit iilang segundo lang ang itinatagal noon.

Kaya noong nakatanggap ako ng mensahe sa kanyang inaaya niya akong lumabas, ang tadhana ang unang sumagi sa isipan ko. Marahil inisip ko nga na baka nakatadhana kami para sa isa't isa. Marahil nga kasi sa laki ng aming campus, kahit sa pagkakataong ito ay hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung papaanong nangyari at napansin niya ako, lalong-lalo na't hindi naman ako madalas na nagpapapansin sa kanya noong panahong iyon.

Bata pa lamang ako ay mahilig na akong manuod ng mga drama kahit sabihin pang paulit-ulit lamang ang pinalalabas sa Pilipinas. Kaya nga gusto kong maging artista nang dahil doon. Gusto kong mag-acting at mapabilang sa mga tanyag na mga aktres sa bansa.

Sa pagkakataong iyon ay pakiramdam ko isa akong pangunahing tauhan sa mga pelikulang iyon. Akala ko rin ay puro kasiyahan at kilig lamang ang mamamayani sa aming relasyon katulad ng mga napapanuod ko sa mga pelikula ngunit hindi pala talaga ganoon.

Iba pala talaga ang pelikula sa totoong buhay.

Nagkaroon kami ng seryosong relasyon ni Raphael ngunit ang lahat ng iyon ay kailangan naming itago dahil sa mommy niyang sobrang strikto. Kapag nalaman daw na may karelasyon siya ay baka anong gawin nito sa akin lalong-lalo na't si Raphael ay galing sa isang mayamang pamilya. At kapag may pera ka, madali mo lang magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay—pati na ang pagpatay.

Ang sabi niya sa akin ay ginagawa niya iyon dahil gusto niya akong protektahan. Ako naman itong si tanga, naniwala. Siguro nga tanga talaga ako dahil sobrang dali niya rin akong nabitiwan. Binitiwan niya ako nang ganon-ganon lang, na para bang balewala lamang ang mga taong aming pinagsaluhan sa ilalim ng anino ng buhay.

Sobra-sobra na ang nagawa niya sa aking buhay kaya noong nalaman kong siya pala talaga ang taong nasa likod ng aking mga tanong at pangamba, gusto kong magwala at magmura. 

Akala ko ay iyon na. Akala ko ay wala nang magiging hadlang pa sa pangarap kong abot-kamay ko na. Pero bumalik siya at pakiramdam ko ay nahulog ako sa isang patibong na mahihirapan akong makawala.

Ang bastos ng tadhana.

"Huy," pagkukuha ni Harper sa atensyon ko. Kumaway-kaway ito sa aking harapan. Hindi ko namalayang muli na naman akong nahulog sa patibong ng aking isip. "Ano, okay ka lang ba talaga? Mukha ka talagang hindi okay, babe. I think you should sleep early tonight. Hatid na lang din kita sa inyo."

Tumitig lamang ako sa mukha ni Harper. Maalam ako pagdating sa acting at pwede naman akong um-acting na parang wala lang ngunit mas nangibabaw ang pagkagulat at pangamba sa aking sistema na alam kong sobrang nakaaapekto sa aking kilos.

Ngunit alam kong inaakala lang siguro ni Harper ay dahil iyon sa pagod, lalong-lalo na't ilang oras din ang pinila ko roon. Hindi ko rin naman siya masisisi. Hindi ko siya masisising hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Raphael dahil isang tao lamang ang may alam ng relasyon namin noon. Ganoon kami kagaling magtago. Ganoon niya ako kagaling itago para hindi malaman ng iba.

Kahit nga iyong mga matatalik niyang kaibigan ay hindi ako kilala. Marahil kilala nila ako, pero hindi sa paraang iyon.

Ni hindi alam ni Harper na crush na crush ko si Raphael noong college kasi hindi naman kami naging sobrang malapit noong panahong iyon. Naging malapit lang kami noong huling taon na namin sa kolehiyo kasi bagong transfer lamang ito, noong wala na kami ni Raph.

"B-Bakit niya kamo ako gustong makausap?" tanong ko, pag-iiba sa usapan. Binitiwan ko ang kutsara't tinidor at ipinagsilop ang aking mga kamay upang pigilan ang panginginig ng mga ito.

Nakakunot pa rin ang noo ni Harper at magkasalubong pa rin ang mga kilay pero nang makitang hindi ako nagpatinag sa mga titig nito ay napabuntonghininga na lamang ang babae. "He's the one who wrote the story of both of your characters, kasali na iyong binasa mo kanina. He probably wants to discuss the whole thing with you."

Gusto kong matawa.

Ganoon ba talaga kung maglaro si Raphael? Na dahil alam niyang desperada akong matupad ang pangarap ko at may kakayahan siyang manipulahin ang bagay-bagay ay gagawin na niya iyon?

Bakit? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya bang ibahagi sa buong Pilipinas kung paano niya ako itinago at kung paano niya ako iniwan nang ganon-ganon na lang? Ganoon ba kalaki ang galit niya sa akin? Akal ko ba ayaw niya akong makita?

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit natanggap ako sa role at kahit ayaw ko mang isipin ay alam kong malaki ang posibilidad na ganoon na nga. Sa totoo lang ay hindi talaga ako makaisip ng kung anong rason kung bakit niya ginagawa iyon. Para akong bumalik sa umpisa, nangangapa at hindi alam kung anong dapat na isipin.

Wala naman akong ginawa sa kanya noon. Basta-basta na lamang siyang nakipaghiwalay. Basta-basta niya na lang binitiwan ang mga masasakit na salitang iyon.

"Hatid kita sa inyo. You really don't look well," muling komento ni Harper.

Bumuntonghininga ako, ramdam ang panginginit ng aking mga mata. Pinipigilan ko na lamang ang pag-iyak kasi wala akong maibibigay na rason kapag umiyak ako sa harapan ni Harper.

Iniangat ko ang aking tingin para salubungin ang tingin niyang may halong pag-aalala. "Gusto kong uminom. Sa Magallanes mo na lang siguro ako i-drop. Mas okay na rin kasi hindi out of the way for you," sabi ko.

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ng babae nang dahil sa sinabi ko. "Tigil-tigilan mo 'ko, Timothee ha. Alangan namang iwan kita roon nang mag-isa." Busy ito panigurado kaya hindi niya ako masasamahang uminom.

Ngumiti naman ako upang ipakitang okay lang sa akin. "Tatawagan ko si Ngel. Papasama ako," pagkukumbinsi ko sa kanya.

Malalim ang titig ni Harper sa akin, parang binabasa ang isip ko. Kampante naman akong hindi niya ako mababasa nang ganon-ganon lang kasi sino ba naman ang makaiisip na ang screenwriter at ang isa sa mga makasasama ko on set ay ang ex boyfriend kong bigla-bigla na lang akong iniwan noon? Wala. At siguradong hindi rin niya iyon maiisip.

"Ba't gusto mong uminom?" tanong nito.

Tumaas ang aking kilay. "Uh...to celebrate?" pagsisinungaling ko. Sa pagkakataong iyon ay gusto ko na lamang talagang magpakalunod sa alak at huwag nang magsalita pa. Parang naubos ang aking enerhiya kaya wala na akong lakas para makipagtalo pa kay Harper.

Mabuti na lamang at pumayag ito pagkatapos huminga nang malalim. "I’m still not convinced, but I know you know what you’re doing. Mag-iingat ka at siguraduhin mong kasama si Ngel ha. Kapag hindi, call me. I'll drive you home–"

"Ayos lang. Mag-co-commute na lang ako pauwi if ever mang hindi ako masasamahan ni Ngel. Baka maabala pa kita. I know you're busy," pagpuputol ko sa kanya. "Tsaka I can handle myself, don't worry. Para namang hindi mo ako kilala."

Tumitig pa ang babae sa akin nang isang minuto bago muling nagbuntonghininga. "Okay, but please finish your meal at least."

Parang wala ako sa aking pag-iisip habang ipinagmamaneho ako ni Harper papuntang Magallanes. Nakatunganga lamang ako, nakatingin sa labas ng bintana, sa kawalan. Masikip pa rin ang aking dibdib at aaminin ko, may parte pa rin sa aking hindi naniniwalang nangyayari sa akin ang talagang nangyayari sa akin sa pagkakataong iyon. Sino ba naman kasi ang mag-aakala?

Ibinaba na ako ni Harper pagkatapos niya akong paalahanang tumawag kapag andoon na si Ngel. Sinubok din nitong mag-abot ng pera sa akin pero tikas-tanggi naman ako kasi nakahihiya na. Ayaw ko ring makaramdam ng labis ng awa para sa sarili.

Gusto kong tawagan si Ngel upang magkaroon ng kasama kasi inaamin ko, nakatatakot pa ring mag-isa, pero alam kong sobrang hectic ng schedule niya at paniguradong wala siyang gaanong tulog. Ayaw ko namang maging pabigat sa kanya at abusuhin ang kabaitan niya kahit sabihin pang malapit kaming magkaibigan at paulit-ulit nitong sinasabing okay lang sa kanya anumang oras, basta ako.

Siya lang ang nakaaalam tungkol sa nakaraan namin ni Raph. Pinigilan ko ang sarili ko.

Nagtipa ako ng text kay Harper na magkasama na kami ni Ngel kahit na hindi naman ito totoo. Sana nga lamang ay hindi niya tawagan ang binata para kumpirmahin iyon kasi yari ako sa dalawa kapag iyon ang nangyari. 

Napagdesisyunan kong huwag na lamang isipin iyon. Tsaka ko na lamang siguro iisipin kapag talagang nangyayari na. Ang gusto ko lang talaga sa pagkakataong iyon ay uminom.

Ni hindi ako nagdalawang-isip pumasok sa isang bar na minsan ko na ring napasukan noong college kasama ang mga kaibigan. Ang kaibahan nga lang, mag-isa na lang ako at hindi ako naroon para magsaya. Kahit sahihin pang abot-kamay ko na ang matagal ko nang pinapangarap, hindi ko pa rin magawang maging masaya.

Sinalubong ako ng nakabibinging tugtugang kaagad nagpalakas ng kabog ng aking dibdib. Binigyan ko ang sarili ko ng ilang segundo upang masanay sa malakas na tugtog at sa mga ilaw. Minsan din ay nahihirapan akong huminga dahil sa malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil sa nakabibinging tunog sa mga bar.

Dumiretso ako sa bar counter at kaagad naman akong binalingan ng atensyon ng bartender. "Anong atin, Ma'am?" tanong nito sa akin.

Ilang segundo pa akong natuliro, iniisip kung ano ang aking sasabihin. Tumikhim ako bago sumagot, "Kuya, iyong medyo mura lang sana pero malakas ang tama," sagot ko. Wala na akong pakialam kung pagtatawanan ako ng bartender. Siguro iniisip nitong masiyado akong cheap na tao. 

Pero ngumiti lamang ito tsaka ako binigyan ng inumin. 

"May beer din kami, miss, baka mas trip ninyo," suhestiyon nito sa akin. Tumango-tango ako at kumuha rin ng beer.

Hindi ako malakas uminom pero sa pagkakataong iyon, wala akong pakialam. 

Marahil sasabihin ng mga nakakakitang ipingwawalang bahala ko ang kaligtasan ko, lalong-lalo na dahil mag-isa lamang ako at may balak pang magpakalasing. Sa totoo lang, kinakabahan din ako dahil alam kong ang ginagawa ko ay isang hindi magandang ideya. Nangangati ang aking kamay na tawagan si Ngel kasi kinakabahan din talaga ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tama o mali, gusto kong malasing.

Sunod-sunod ang aking paglagok ng beer habang malalim ang iniisip. Mabuti na nga lang at walang kahit na sinong lumapit sa akin upang mambastos dahil kinakausap din ako ng bartender, siguro dahil pansin nitong nag-iisa ako at gusot ang mukha.

"Bakit ka pala mag-isa, Tim?" tanong nito sa akin. Sinabi ko kasi ritong huwag na akong tawaging 'Miss' kasi naiilang ako kapag ganoon.

Hindi ako sumagot dahil naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib nang dahil doon.

Sabay-sabay ang pagtulo ng aking mga luha habang iniinom ko ang mga binibigay na inumin ng bartender sa akin, ramdam ko ang pagdaloy ng likido pababa sa aking lalamunan. Hindi na ako nag-abala pang pigilan ang mga iyon kasi wala naman nang silbi.

Ni hindi ko alam kung sapat ba ang pera ko upang mabayaran ang mga iniinom ko sa oras na iyon pero wala na akong pakialam. Gusto ko na lamang magpakalunod sa alak at makaramdam ng iba bukod sakit at higpit ng aking dibdib.

Bakit naman kasi ganoon? Bakit ganoon, Raph? Waka namang akong ibang ginawa sa 'yo noon kung 'di ang mahalin at respetuhin ka. 

"Kung nararamdaman n'yo pa rin iyan hanggang ngayon, mas maigi po ata sigurong bumitiw na kayo sa mga alaala ninyong dalawa," sabi ng bartender na hindi ko matandaan ang pangalan dahil natutuliro ang aking utak.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya ngunit napagtanto kong nasabi ko pala iyon hindi sa aking utak lamang. Hindi ako nakaramdam ng kahihiyan kung 'di ang pagkayamot at pagkaawa sa sarili.

Siguro nga hindi ko pa rin binibitiwan ang iilan sa mga alaalang binuo naming dalawa.

"Tama na 'yan, Miss. I've been watching you from afar kasi napansin kong mag-isa ka lang at baka kung ako pang mangyari sa 'yo. Tama na 'yan." Hindi ko kilala ang kung sino man ang nagsalita at kumuha ng hawak-hawak kong baso.

Napadaing ako nang dahil doon. Umiikot na ang mundo at nakararamdam na ako ng tawag ng antok. Marahil hindi ko namalayang sobrang dami na pala ng aking nainom.

Sa isang segundo, nakaramdam ako ng kaba at nakalimutan ko na ang rason kung bakit ako nandoon.

Hindi ko na alam pa ang sunod na nangyari sapagkat kadiliman na ang bumungad at yumakap sa akin. Ang alam ko lang ay ang mukha niya ang huling sumalubong sa akin bago ako tuluyang makain ng dilim.

Kaugnay na kabanata

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Four

    Nagising ako kinabukasan nang sumasakit ang ulo. Ni hindi ko napansin na nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kwarto. Kaagad ako tumayo mula sa hinihigaang kama, ramdam ang umiikot kong kalamnan. Hindi ako makapag-isip nang maayos habang hinahanap ng mga mata ang banyo. Mabuti na lamang ay natagpuan ko kaagad ito nang pinihit ko ang unang pintong aking nilapitan.Banyo!Banyo!Paulit-ulit iyon sa aking utak na parang sirang plaka.Mabilis ang aking kilos papunta sa lababo bago isinuka rito ang lahat ng pagkakamali ko kagabi. Ang boses ng aking pagsuka ay rinig na rinig sa kabuuan ng kwarto ngunit sa pagkakataong iyon ay ni kititing na pakialam ay wala ako. Sumuka ako na wari bang wala nang buk

    Huling Na-update : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Five

    “Have you lost your mind?!” pangangaral ni Harper sa ‘kin sa telepono nang sagutin ko na ang mga tawag niya. Naglalakad na ako papunta sa aking apartment, ramdam ang samu’t saring emosyon sa aking dibdib.Hindi iyon ang unang beses na napangaralan ako ni Harper kasi control freak talaga ito, lalong-lalo na kung alam nitong tama naman ang mga pinagsasabi niya.Ang ginawa ko na lamang ay tanggapin ang lahat ng iyon at tumahimik na lamang kasi alam ko rin naman sa sarili kong naging pabaya ako at wala akong excuse sa naging actions ko kagabi, kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Anong sasabihin ko? Na nasaktan ako kasi bumalik ang ex ko at mukhang siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nakuha ang role na matagal ko nang hinihintay? Na malala kasi magkakasama kami sa set? Iyon ay ang mga bagay na kaila

    Huling Na-update : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Six

    Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig lamang sa text message na nakuha ko galing kay Harper. Gusto kong magmura pero alam kong magtatanong lamang si Ngel kung may problema ba ako. Ayaw ko na siyang idamay pa sa mga problema ko kasi totoong nakahihiya na. Bakit ba niya ako gustong makausap? Hindi ba’t ang sabi niya sa akin ay ayaw na niya akong makita at nandidiri siya sa ‘kin? Kaya bakit?Siguro’y gusto niyang isampal sa pagmumukha ko na may utang na loob ako sa kanya, kung meron man.Now that I thought about it, nandoon ba siya noong nag-audition ako? Napanuod niya ba ang pag-iyak ko dahil sa script na sinulat niya? Iniisip ko pa lamang ang pagmumukha niyang pinagmamasdan ako ay hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Natuwa ba siya? Ginawa ba niya akong katuwaan? Nakakatuwa ba

    Huling Na-update : 2022-03-16
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Seven

    “You’re still an early bird even until now.” The moment I heard that familiar voice that she hadn’t heard for years, I immediately felt her heart racing fast and hard against my chest as if it was wanting to get out, and to punch the guy who just talked. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili kong lumingon habang ramdam ko ang presensya ng lalaki mula sa aking likuran, naglalakad papunta sa direksyon ko. Umikot sa utak ko ang sinabi niya at may isang parte sa loob kong pinagsisihang ako ‘yong naunang nandoon. Parang nasaktan ‘yong pride ko. White polo shirt ang suot niya. Naalala kong iyon ‘yong paborito niyan

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter One

    Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.

    Huling Na-update : 2021-09-15
  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Two

    Umuwi ako sa apartment nang balisa at wari bang wala sa pag-iisip. Nanlalambot ang aking mga tuhod at halos hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa nangyari roon sa audition. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas doon. Ang alam ko lang at ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ay kung bakit ang ipinabasang eksena sa akin ay ang esktaktong nangyari noong gabing iyon.Nagkataon nga lang ba talagang ako ang kinuha sa role ni Anika? Nagkataon nga ba talagang masiyado kaming magkaugali ng tauhang iyon? Kasi kung nagkataon lamang iyon, edi ang swerte ko naman kung ganoon.Kaagad akong napahiga sa aking kama nang maramdaman ang biglang pagkirot ng aking ulo. Ramdam ko pa rin sa aking pisngi ang mga butil ng luhang natuyo na dahil sa pag-iyak ko roon kanina. Lubos akong nalilito. Parang nagkabuhol-buhol na ang mga memorya sa a

    Huling Na-update : 2021-09-16

Pinakabagong kabanata

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Three

    Matagal ko nang alam na bastos kung maglaro ang tadhana. Minsan, hindi ito sumasama sa nais na gawin ng isang tao, kokontrahin at kokontrahin nito ang kung ano mang planong iyon. Minsan din, kabaliktaran, na kung iisipin ay masuwerte na kung tatawagin.Sa buhay ko ay ilang beses ko nang gustong unawain ang takbo ng tadhana ngunit nakatatawa mang isipin, tadhana na rin ang nagdidiktang ito ay kailanman hindi ko maiintindihan. Marahil ang mga utak ng tao ay may limitasyon lamang at hindi iyon maiintindihan ng isang katulad kong mas maliit pa sa tuldok kung ikukumpara sa laki ng sansinukob.Naaalala kong ang tadhana rin ang una kong naisip noong dumating si Raphael sa buhay ko dahil iyon ay hindi ko kailanman inakalang mangyayari.Masugid niya akong tagahanga dahil noong

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter Two

    Umuwi ako sa apartment nang balisa at wari bang wala sa pag-iisip. Nanlalambot ang aking mga tuhod at halos hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa nangyari roon sa audition. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas doon. Ang alam ko lang at ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ay kung bakit ang ipinabasang eksena sa akin ay ang esktaktong nangyari noong gabing iyon.Nagkataon nga lang ba talagang ako ang kinuha sa role ni Anika? Nagkataon nga ba talagang masiyado kaming magkaugali ng tauhang iyon? Kasi kung nagkataon lamang iyon, edi ang swerte ko naman kung ganoon.Kaagad akong napahiga sa aking kama nang maramdaman ang biglang pagkirot ng aking ulo. Ramdam ko pa rin sa aking pisngi ang mga butil ng luhang natuyo na dahil sa pag-iyak ko roon kanina. Lubos akong nalilito. Parang nagkabuhol-buhol na ang mga memorya sa a

  • The Second Time Around (Filipino)   Chapter One

    Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.

DMCA.com Protection Status