Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.
Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.
Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.
Sa tuwing nagkakamali ako ay iniisip ko na lamang na ang pagkakamaling iyon ay mas huhubog pa sa 'kin nang lubusan. Sa bawat pagkakamali ay natututo ang isang tao. Iyon ang aking pinaniniwalaan.
Halos walang pagkakamali ang pinagsisihan ko, maliban na lamang sa isa—ang mahulog sa isang taong siyang naging dahilan kung bakit ang paniniwala kong iyon ay nagbago nang isang iglap.
"Hey, okay ka na? Handa na? Kalmado na?" sunod-sunod na tanong kaibigan kong si Harper na kumakaway-kaway sa harapan ko. Kaagad akong napataas ng kilay nang mapagtantong ilang minuto na rin pala akong nakatunganga lamang.
Nang nabalik ako sa wisyo ay pinaalala ko sa sarili kong nasa isang casting venue ako at ilang oras nang nakapila.
Tiningnan ko ang pila sa aking likuran at nakita ang mga kabadong mga mukha ng mga kasama kong kagaya ko ay naghahangad ding mapabilang sa isang proyekto mula sa isang tanyag na manunulat at tanyag na direktor saka ko napagtantong ako na pala ang susunod na sasalang. Nang dahil doon ay kaagad kong naramdaman ang pangangatog ng aking mga binti at ang pamamawis ng aking mga palad. Kani-kanina'y hindi ako kinakabahan kaya siguro doble ang kabang nararamdaman ko sa pagkakataong ito.
"Medyo kabado lang," sagot ko kay Harper. Tumaas ang mga kilay nito habang malalim ang titig sa akin. Mas lalo ko lamang naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil pakiramdam ko ay sumasalang na kaagad ako ng mga tingin nito kahit hindi pa nga nag-uumpisa ang audition.
Romolyo ang mga mata ni Harper tsaka tinapik ako sa balikat. "Bakit ka ba kabado oy. Napag-usapan na natin 'to kagabi. There's no reason for you to be nervous. You just have to show up—"
"Gusto ko lang kabahan," pagpuputol ko rito bago kaagad na naglakbay ang mga mata ko pabalik sa mga taong nakapila sa aking likuran. Nang makitang mukhang wala namang nakarinig sa sinabi ni Harper dahil ang mga ito'y mukhang may sari-sariling mga mundo ay nakahinga rin ako nang maluwag.
Kinausap ko si Harper gamit ang aking mga mata at muli akong nabunutan ng tinik nang nakitang naintindihan naman nito ang gusto kong sabihin. Tumango-tango ito nang ilang segundo kaya ako naman ang naparolyo sa mga mata.
"Balik na 'ko sa loob. Susunod ka na ha, huwag nang tumunganga. Wakey wakey na," huli nitong sabi pagkatapos akong tapikin sa balikat bago ito pumasok sa loob ng conference hall.
Sinundan ko na lamang ng tingin ang kaibigan habang malakas pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Halos hindi ako makahinga nang maayos dahil sa malakas at mabilis na pagtibok ng puso kong wari bang tumataginting na sa aking mga tenga. Nakabibingi.
Hindi ko mawari kung bakit ganoon na lamang ang kabang aking nararamdaman. Ilang beses na akong nag-audition, kadalasan nga ay roon sa mga audition na alam kong wala akong tsansang mapili. Marami akong mga kakilala sa industriya at alam ko kung paano tumatakbo ang industriyang matagal ko nang gustong mapabilang. Matagal ko nang alam na hindi lang swerte at galing ang hahatak sa isang tao para mapabilang sa industriyang ito.
Kahit sa mga reality show kung saan maraming nag-o-audition para maging isa sa mga contestant, mahirap ding makapasok ang mga ordinaryong mga taong may pangarap.
Masuwerte na nga ako dahil marami akong mga kakilala sa industriya, ang karamihan pa ay mga kasamahan ko noong kolehiyo. Katulad na lamang ni Harper na isa na sa mga producer at assistant director ng mga tanyag na pelikula at mga palabas sa tv ay kasamahan ko rin noong kolehiyo.
Nang dahil sa kanila, natutunan ko kung paano mapataas ang tsansa kong makapasok at makilala sa industriya. Sa mga nagdaang taon ay lubos kong pinagbubutihan ang mga proyektong kinabibilangan ko, maliit man ito o malaki.
At nang ako ay mabigyan ng pagkakataong pumirma sa isang kontrata bilang isa sa mga leading actress sa isang malaking proyekto, hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Ang sinabi nila sa akin, kakailanganin ko pa ring pumila sa audition pero tunay na pasok na ako.
Ang totoo niyan ay hindi ko pa lubos na maisip na abot-kamay ko na ang matagal ko nang pinapangarap—ang maging isang aktres at makilala sa buong bansa. Masaya, nakakakaba, pero hindi ko rin maiwasang malungkot para sa ibang nangangarap din katulad ko.
Napatingin muli ako sa mga taong nakapila sa aking likuran at hindi mapigilang makaramdam ng awa sa mga ito.
Bakas sa mukha ng mga kasama ang pinaghalong kaba at pagod. Ngunit kahit na ganoon ay mababanaag pa rin sa mga mata ng mga ito ang pag-asa, maaaring katiting pero iyon ang parehong pag-asang tumutulak sa mga ito para magpatuloy sa kanilang pangarap.
Madalas akong nalulungkot habang iniisip na mas maraming bilang ng mga taong may katangi-tanging talento ang kakayahan ang hindi mabibigyan ng pagkakataong maipakita ang mga ito sa mundo, kung ikukumpara sa bilang ng mga talentong napanunuod na ng lahat.
Malungkot man kung iisipin, napagtanto ko ring hindi lahat ng talentadong mga tao, ang pangarap ay maging sikat at makilala. Hindi rin lahat ay nakatadhanang makilala ng lahat. Iyon ang katotohanan; malungkot pero nararapat na tanggapin.
Dahil doon ay kahit na nakararamdam ako ng kaonting pagka-guilty dahil mas mataas ang pribeliheyo ko kung ikukumpara sa nakararami, hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ako karapat-dapat sa pangarap na matagal ko nang pinaghihirapang makamit.
Muli akong huminga nang malalim at sinubok na huwag nang isipin pa ang mga bagay na iyon. Pinakalma ko ang sarili ko dahil alam kong maaari akong tawagin at sumabak anumang minuto.
Marahil kabado ako dahil kahit na alam kong secured ko na ang role ko sa proyekto, malayo pa ang lalakbayin ko para patunayang karapat-dapat akong manatili (at posibleng umangat) sa industriya.
May mapatutunayan na ulit ako.
Sa kanya.
Kung saang lupalop man siya.
At sa sarili ko.
Sa kanila.
"Audreanna Timothee Dalman?" Kaagad akong napaayos ng pagkakatayo nang marinig na itinawag ang pangalan ko. Sa loob ng isa't kalahating segundo, naglakbay sa utak ko lahat ng mga pinagdaanan ko para lang makamit ko ang pangarap kong ito. Sa loob din ng katiting na oras na iyon ay lubos kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko, ang pangangatog ng aking mga binti, ang pamamawis ng aking mga palad, at ang pagpikit ng aking mga mata.
'This is it, Tim,' sabi ko sa sarili ko bago tuluyang humakbang papasok sa isang may kadilimang pintuan.
Malalalim ang aking hininga habang naglalakad ako papasok sa silid na iyon. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Harper sa gilid ko kasi nakatuon lang ang tingin ko sa mailaw na parte ng kwarto. Iyong parte lang talaga na iyon ang masasabi kong talagang maliwanag. Kahit ang mga parte ng mga staff at producer ay may kadiliman.
"Goodluck, babe. Just enjoy the moment," bulong sa 'kin ni Harper.
Noong nakatayo na ako sa liwanag ay ni hindi ko maaninag ang mga mukha nila ngunit ramdam ko ang mga titig ng mga ito sa aking buong pagkatao.
Halos ramdam ko ang pagtibok ng aking puso sa aking mga paa—ganoon kalakas ang pagkabog nito.
Nakakatawang isipin na sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang panliliit sa sarili, isang bagay ng isang beses ko lang talagang naramdaman. Pinilit ko ang sarili kong huwag nang isipin pa ang pangyayaring iyon dahil iyon ay nakaraan na, karapat-dapat kalimutan.
Ngunit taksil ang utak. Matagal na. The more you think about something, the more the memory would come closer to you, kahit na anong pigil mo.
Sa isang segundo ay wala na ako sa silid na iyon. Nasa pamilyar na grounds na ako ng aking dating kolehiyo. Malamig ang ihip ng hanging tumatama sa aking balat at nang iniangat ko ang aking tingin sa kalangitan ay nakita kong makulimlim ang langit, nagbabadyang umulan.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko, ramdam ang malakas na pagkabog ng aking dibdib dahil sa pinaghalong kaba at produkto ng ilang minutong pagtakbo kasi hindi ata sang-ayon ang tadhana't na-traffic pa kaya tinakbo ko na lamang kahit na malayo-layo pa ang kolehiyo ko.
Iyon ang unang beses pagkatapos ang dalawang buwang hindi pagkikita. Iyon ang unang beses na kinausap ulit niya ako. Sa kanyang liham, ang sabi niya ay magkita raw kami sa grounds ng kolehiyo namin nang 8 PM. Na-traffic ako kaya pagtingin ko sa relo ko ay magsasampung minuto na akong late.
Hindi sapat ang salitang 'kabado' para mabigyang kahulugan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Ayaw ko siyang pinaghihintay kaya ganoon na lamang din ang kabang nararamdaman ko.
Mas dumoble pa ang nararamdaman kong kaba nang matanaw ko siya sa kalayuan, nakatayo lamang at nakatalikod sa gawi ko. Gusto kong umiyak sa pagkakataong iyon, nagbabadya ang mga butil ng luhang gustong tumaksil sa 'kin.
Dalawang buwan ko rin siyang hindi nakita kaya hindi kailanman ako masisisi ninuman. Maraming mga bagay ang ibinaon ko upang mapag-usapan namin.
Kamusta na siya?
Anong ginawa niya sa loob ng dalawang buwan?
Namimiss niya ba ako?
Ang daming mga tanong ang bumabaha sa aking isip, naipon dahil sa dalawang buwang hindi pagkikita at kawalan ng balita ko rito. Inilista ko nga ang mga katanungang iyon sa notepad ko dahil natatakot akong baka makalimutan ko at mapatunganga na lang at sa harapan ni Marco.
Ngunit mapaglaro ang tadhana. Hindi ko kailanman inasahang maging totoo ang mga bagay na kinatatakutan kong mangyari.
Sa oras na nakita ako ng lalaki ay alam ko na. Sa oras na natanaw ko ang mga mata nito ay alam ko na. Wari bang alam ko na ang sasabihin nito kahit na hindi ko maintindihan.
"Huwag ka nang magpapakita sa 'kin," panimula ni Raphael. "I don't love you anymore. I just respect you a bit that's why I came here to finally cut our ties, to end my agony. I shouldn't have done this because looking at you makes me want to puke in disgust. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang mga salitang binitiwan nang ganon-ganon na lang.
Pitong taon kaming nagkasama pero winakasan niya ang mga taong iyon nang ganon-ganon lang. Wala man lang akong ni isang salita para maisalba ang relasyon namin kasi maski ako, hindi ko alam kung bakit, kung saan ako nagkamali, kung anong nagawa ko at ganoon na lamang ang galit at pandidiri sa mga mata niya.
Magaling akong mambasa ng mga tao at masasabi kong kilalang-kilala ko na si Marco kaya kahit na ganoon, may naramdaman akong kakaiba.
It seemed...rehearsed.
Sa pitong taon kong nakasama si Raph ay alam na alam kong sa pagitan naming dalawa, ako ang mas confident. Ako ang mas maalam kung paano magsalita. Kaya alam ko, nakikita ko sa mga mata niyang ilang oras niya rin siguro iyong pinaghandaan, marahil inulit-ulit sa kanyang sarili ang mga katagang iyon. I was the aspiring actress between the both of us. Kaya alam ko. Alam na alam.
Masiyadong rehearsed, pero hindi ibig sabihing hindi na masakit, hindi ibig sabihing hindi ko ito naramdaman sa aking kalamnan, sa aking mga buto at sa lahat ng parte ng aking katawan na kanyang nahawakan at nahagkan.
Ang pakiramdam ay maihahalintulad ko sa pagputol sa sarili kong mga binti at mga bisig. Ang kaibahan nga lang, hindi na maghihilom pa akong sugat.
Kahit ilang taon pa ang lumipas.
Kahit anong sakuna pa ang dumating.
Kahit anong sitwasyon pa ang aking kahaharapin.
"Please introduce yourself." Wari bang ang boses na iyon ay nanggaling sa lahat ng anggulo at sa isang iglap ay bumalik ako sa audition. Napakurap-kurap ako at muling nasilaw sa nakabubulag na liwanag na nakatutok sa akin.
May tumataginting sa aking tenga, parang sirena, nakabibingi. Sa pagkakataong iyon, ramdam ko ang aking buong katawan, pati ang paglakbay ng maliit na butil ng pawis pababa sa aking kanang binti.
Dalawang segundo ko ring hinayaan ang sarili kong masanay sa liwanag bago ako ngumiti sa direksyon ng mga casting staff tsaka nagsalita, "Good day, everyone. I am Audreana Timothee Ward Dalman, 25 years of age. I am from San Francisco City, and I'm auditioning for the role of Anika Gatchalian."
Sa pagkakataong iyon ay iniwan ko nang panandalian ang nakaraan. Isinaisip kong ito ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Ang mahalaga ay ang mapatunayan ko sa lahat na ako ay karapat-dapat. Na hindi lamang ako nandoon dahil sa mga koneksyon ko kung hindi dahil meron din akong natatanging galing pagdating sa larangan.
"Good day, Miss Dalman. We are happy to see you here,” said the casting director na tinugunan ko naman kaagad ng isang matamis na ngiti. “I want to ask you something. Based on your prior knowledge about the character of Anika, how would you describe her?"
Ang tanong na iyon ay hindi na bago para sa akin. Dahil ilang beses na rin iyong natanong sa mga audition na sinalihan ko. Importanteng makilala ng mga aktor ang mga tauhang gagampanan nila sa isang pelikula sapagkat sa paraang iyon ay lubusan nilang maisasabuhay ang mga tauhan.
Nabasa ko na ang ilang parte sa storyline na ibinigay sa amin at ilang linggo ko rin iyong inaral. Kabisado ko na sa isip ko ang dapat kong sabihin kaya kahit na may kaonting kaba sa dibdib ay kampante kong sinagot ang tanong.
"To tell you honestly, I sympathize with her. Anika is the kind of person who doesn't stop stoop low to reach her dreams. May paninindigan siya and she's willing to do her best just to become the best version of herself," sabi ko habang nakaangat ang aking ulo, hindi pinakikita sa aking mukhang mayroong mga masasamang alaala ang nagpapapansin at paulit-ulit na bumubulong sa aking isipan.
Totoong nakikita ko ang sarili ko sa tauhang aking gagampanan. Nakakatawa ang tadhana dahil magkaugali kami at halos magkapareho ng prinsipyo. Wari bang para sa akin talaga ang role na iyon, nakatadhana.
“She’s a flawed character, just like any other real person in the world. But I do think that her flaws are the reason why she stands out. Hindi man siya ang leading lady, but I believe that it’d be easy for her to capture the hearts of the audience,” pagpapatuloy ko.
Pero hindi kagaya ko, sa tingin ko ay ang mga pagkukulang ni Anika ay nakatuon upang maging mas mabuting tao siya. Kaya madali siyang nagugustuhan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Samantalang ako…
Isang maikling katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin iyon na mas lalo lamang nagpakaba sa akin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko’y bumabaon sa aking balat ang mga titig nila. Hindi ko alam kung ilan silang nakatingin sa akin at hinuhusgahan ang aking sagot, ang aking pagkatao.
Madalas naman ay nakikita ko ang mga casting director at ilan sa mga iba pang staff sa tuwing sumasali ako sa mga audition. Isa o dalawang beses ko lamang naranasan ang katulad n’on. Kaya mas lalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.
“Thank you for that answer.” Rinig kong tugon ng casting director pagkatapos ng isang minuto.
Binasa ko ang aking labi bago muling ngumiti nang tipid, naghihintay ng susunod na gagawin. Ramdam kong tumutulo na ang pawis sa noo ko. Mabuti na lamang at hindi madaling mabura ang kaonting make-up na inilagay ko sa sarili, kung hindi mas lalo lamang akong mahihiya.
May lumapit sa aking isang staff at binigyan ako ng dalawang pirasong papel na may naka-print na parte ng script. Tinanggap ko iyon pero naghintay muna ng direksyon bago iyon binasa.
“What you have in hand is a copy of a scene from the series itself.” She heard. “We’ll give you a few minutes to read it, and we’ll ask you to interpret the scene. Is that fine with you, Miss Dalman?”
Kaagad akong tumango rito. “Yes. It’s perfectly fine,” tugon ko.
Binigyan nila ako ng limang minuto upang basahin ang naturang script. Binigyan din nila ako ng upuan upang maging mas komportable ang aking pagbabasa. Kahit na ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa akin ay ipinagwalang-bahala ko na muna ang mga iyon at nag-pokus sa binabasa.
Ang eksena ay tungkol sa isang break-up. Ang mga tauhan ay nasa isang open field at gabi iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ko ang naturang script. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo habang pinagpapatuloy ang pagbabasa.
Sigurado akong hiwalayan ang eksenang iyon at kakailanganin kong umiyak, magmakaawa at lumuhod. Pangdalawang tao ang eksena pero ang parte ko lamang ang kakailanganin kong bigyan ng buhay.
Hindi ko mapigilang mapalunok.
Hindi ko alam na-pa-paranoid lang ba ako o hindi kaya’y masiyado lang kabado pero pamilyar na pamilyar ang eksenang nasa papel. Pamilyar na pamilyar ang mga linyang binitawan ng mga tauhan.
Para akong mababaliw.
“Are you ready now, Miss Dalman?” tanong ng casting director.
Nakita ko ang panginginig ng aking mga kamay nang tuluyang na-proseso ang eksena sa aking utak. Ramdam ko ang pagdaloy ngaking dugo papunta sa aking mukha. Ibinaba ko ang mga papel sa aking hita bago ikinuyom ang mga palad para pigilan ang panginginig ng mga ito. Ayaw kong isipin nilang talagang kinakabahan ako nang dahil lang kailangan kong um-acting.
Huminga ako nang malalim.
Kumalma ka, Tim.
Maybe it was just a coincidence.
“Miss Dalman?”
Itinaas ko ang aking ulo at muling ngumiti tsaka tumango. “Yes, I’m ready,” sagot ko naman.
Binigyan na nila ako ng cue para mag-umpisa. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Halos hindi ako makahinga nang maayos nang dahil sa kalakasan ng pagkabog nito pero pinilit kong kumalma kasi nandoon na ako. Hindi na ako pwedeng mag-back out. Ang rami na ng pinagdaanan ko kung susuko ako roon pa lang.
Hinayaan ko ang sarili kong kumalma nang ilang segundo, nakatitig lamang sa mga letrang nasa papel, pinakikiramdaman ang panginginig ng aking mga kamay na sana’y hindi nila pansin,
Kung bakit nangyayari ang lahat ng iyon, hindi ko gustong isiping dahil pinaglalaruan ako ng tadhana. Grabeng paglalaro naman pala ang gusto nito. Ilang taon na ang lumipas. Nakaahon na ako mula sa pagkakadapang iyon. I have already fixed myself when he broke me.
"What? Anong sinasabi mo?" pag-aarte ko sa script na ibinigay sa akin. Napalunok ako habang nakatitig sa papel, ramdam ang panginginit ng aking mga mata. "H-Hindi kita maintindihan."
Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib nang sabihin ko iyon. Sa isang iglap, bumalik ako sa gabing iyon. Muli kong naramdaman ang malamig na paghalik ng hangin sa aking balat, ang panginginig ng aking tuhod at ang pakiramdam ko habang nakatayo sa kanyang harap, habang tinitingnan ako ng kanyang mga matang puno ng puot at pandidiri.
That was what I told him that night.
Hindi na bago sa akin ang pag-o-audition kaya alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Kadalasan sa mga casting call na sinalihan ko, may ipapabasa silang script, minsan character description, at hahayaan nila akong bigyang buhay ang tauhang iyon sa abot ng aking makakaya.
Ngunit hindi ko alam kung bakit para akong nanghihina sa eksenang iyon. Parang natutuliro ang aking isip.
Malabo ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko na mawari kung nagawa ko ba nang maayos ang eksena. Ang nasa isip ko lang ay ang nangyari noong gabing iyon.
"Great! You really captured the scene, Miss Dalman." She heard the casting director say, but she was still looking at the paper, her tears continued dropping, ruining the printed script.
Why wouldn’t I be able to when those were the exact things that were said, those were the exact things that happened that night?
Nakatingin lamang ako sa nanginginig kong mga kamay, magkasalubong ang mga kilay.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
Am I hallucinating things?
Umuwi ako sa apartment nang balisa at wari bang wala sa pag-iisip. Nanlalambot ang aking mga tuhod at halos hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa nangyari roon sa audition. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakalabas doon. Ang alam ko lang at ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ay kung bakit ang ipinabasang eksena sa akin ay ang esktaktong nangyari noong gabing iyon.Nagkataon nga lang ba talagang ako ang kinuha sa role ni Anika? Nagkataon nga ba talagang masiyado kaming magkaugali ng tauhang iyon? Kasi kung nagkataon lamang iyon, edi ang swerte ko naman kung ganoon.Kaagad akong napahiga sa aking kama nang maramdaman ang biglang pagkirot ng aking ulo. Ramdam ko pa rin sa aking pisngi ang mga butil ng luhang natuyo na dahil sa pag-iyak ko roon kanina. Lubos akong nalilito. Parang nagkabuhol-buhol na ang mga memorya sa a
Matagal ko nang alam na bastos kung maglaro ang tadhana. Minsan, hindi ito sumasama sa nais na gawin ng isang tao, kokontrahin at kokontrahin nito ang kung ano mang planong iyon. Minsan din, kabaliktaran, na kung iisipin ay masuwerte na kung tatawagin.Sa buhay ko ay ilang beses ko nang gustong unawain ang takbo ng tadhana ngunit nakatatawa mang isipin, tadhana na rin ang nagdidiktang ito ay kailanman hindi ko maiintindihan. Marahil ang mga utak ng tao ay may limitasyon lamang at hindi iyon maiintindihan ng isang katulad kong mas maliit pa sa tuldok kung ikukumpara sa laki ng sansinukob.Naaalala kong ang tadhana rin ang una kong naisip noong dumating si Raphael sa buhay ko dahil iyon ay hindi ko kailanman inakalang mangyayari.Masugid niya akong tagahanga dahil noong
Nagising ako kinabukasan nang sumasakit ang ulo. Ni hindi ko napansin na nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kwarto. Kaagad ako tumayo mula sa hinihigaang kama, ramdam ang umiikot kong kalamnan. Hindi ako makapag-isip nang maayos habang hinahanap ng mga mata ang banyo. Mabuti na lamang ay natagpuan ko kaagad ito nang pinihit ko ang unang pintong aking nilapitan.Banyo!Banyo!Paulit-ulit iyon sa aking utak na parang sirang plaka.Mabilis ang aking kilos papunta sa lababo bago isinuka rito ang lahat ng pagkakamali ko kagabi. Ang boses ng aking pagsuka ay rinig na rinig sa kabuuan ng kwarto ngunit sa pagkakataong iyon ay ni kititing na pakialam ay wala ako. Sumuka ako na wari bang wala nang buk
“Have you lost your mind?!” pangangaral ni Harper sa ‘kin sa telepono nang sagutin ko na ang mga tawag niya. Naglalakad na ako papunta sa aking apartment, ramdam ang samu’t saring emosyon sa aking dibdib.Hindi iyon ang unang beses na napangaralan ako ni Harper kasi control freak talaga ito, lalong-lalo na kung alam nitong tama naman ang mga pinagsasabi niya.Ang ginawa ko na lamang ay tanggapin ang lahat ng iyon at tumahimik na lamang kasi alam ko rin naman sa sarili kong naging pabaya ako at wala akong excuse sa naging actions ko kagabi, kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Anong sasabihin ko? Na nasaktan ako kasi bumalik ang ex ko at mukhang siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nakuha ang role na matagal ko nang hinihintay? Na malala kasi magkakasama kami sa set? Iyon ay ang mga bagay na kaila
Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang nakatitig lamang sa text message na nakuha ko galing kay Harper. Gusto kong magmura pero alam kong magtatanong lamang si Ngel kung may problema ba ako. Ayaw ko na siyang idamay pa sa mga problema ko kasi totoong nakahihiya na. Bakit ba niya ako gustong makausap? Hindi ba’t ang sabi niya sa akin ay ayaw na niya akong makita at nandidiri siya sa ‘kin? Kaya bakit?Siguro’y gusto niyang isampal sa pagmumukha ko na may utang na loob ako sa kanya, kung meron man.Now that I thought about it, nandoon ba siya noong nag-audition ako? Napanuod niya ba ang pag-iyak ko dahil sa script na sinulat niya? Iniisip ko pa lamang ang pagmumukha niyang pinagmamasdan ako ay hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Natuwa ba siya? Ginawa ba niya akong katuwaan? Nakakatuwa ba
“You’re still an early bird even until now.” The moment I heard that familiar voice that she hadn’t heard for years, I immediately felt her heart racing fast and hard against my chest as if it was wanting to get out, and to punch the guy who just talked. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili kong lumingon habang ramdam ko ang presensya ng lalaki mula sa aking likuran, naglalakad papunta sa direksyon ko. Umikot sa utak ko ang sinabi niya at may isang parte sa loob kong pinagsisihang ako ‘yong naunang nandoon. Parang nasaktan ‘yong pride ko. White polo shirt ang suot niya. Naalala kong iyon ‘yong paborito niyan

Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw.Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin.Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.