Philip Maaga akong ginising ng tawag ng aking ama. Ipinatawag kami ni Jane sa mansiyon at hindi kami pwedeng umayaw kaya naman isinabay ko ang kapatid ko pauwi kahit pa nga ayaw ko pa sanang iwan si Sarah. Sa Cornell mansion, batas ang salita ni Dad. Sa iisang bagay umikot ang napag-usapan namin ng pamilya ko habang nag-aagahan; itinakda ang kasal ni Jane sa mga Olsen. Kapalit niyon ay ang malaking suporta ng mga Olsen sa Sci-Fi project na inaayos namin. Mom explained that the Olsen Group would invest 1.2 billion dollars into the project. Pakiramdam ni Jane ay wala akong pakialam sa kanya ngunit malayo iyon sa katotohanan kaya naman hiniling ko kay Mom na kakausapin ko ang mga Olsen at planong ilagay ang mapagkakasunduan sa kontrata. "Brother Philip, why did you agree? Inaasahan ko na ipaglalaban mo ako at pagkatapos ay kakausapin mo pa ang mga Olsen para siguruhin ang lagay ko sa kanila?" Panay ang iyak ni Jane habang naroon kami sa sasakyan papuntang opisina. "Jane, I'm doin
Sarah Hinila ako ni Philip papasok sa pribado niyang opisina. Inilapat niya ako sa pintuan bago niya ako binigyan ng masarap na halik, mariin akong ipinid doon. "Philip, hang on!" reklamo ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinakinggan. He lifted me and then took me onto his grand table. Iniupo niya ako sa malapad na mesa. "Philip! Stop!" I said. Itinulak ko siya bago ako umalis sa pagkakaupo sa mesa. Nagtungo ako malayo sa kanyang puwesto. "Hindi ako nagpunta rito para landiin mo. Tsk!" Hindi pa ako nakababawi sa paghingi sa akin ni Jane ng tulong, may panibago kaagad akong hamon na natanggap sa katauhan ni Madam Olsen. At pagkatapos ay heto na kaagad si Philip sa kanyang kalandian. "Sorry, I just couldn't help myself after seeing you. So, what brings you here?" he asked with a flirtatious tone. "I came here about Jane! Is it true na nakatakda siyang magpakasal sa weekend?" "Yes. Biglaan ang desisyon." "Bakit ka pumayag na ipakasal siya sa mga Olsen? Narito ba si Madam Olsen
Sarah Pinasundo ako ni Amir sa airport sa driver ni Grandpa Mitchell kaya hindi ako nahirapan nang makarating ako sa Dubai. Sa Highland Hills pa lang ay may ideya na ang pamilya ko na papunta ako sa mansiyon ni Grandpa Mitchell. Ang pagod ay bumalot sa akin na parang mabigat na balabal, at ang pagnanais na makatulog ay sumasakop sa bawat hibla ng aking pagkatao. Kahit pa sabihin na naka-business class ako, nakakapagod pa rin ang biyahe ng eroplano. Lalo na at magulo ang isipan ko sa kasalukuyan. Nang makarating ako ng mansiyon ay sinalubong kaagad ako ni Amir. Masyado nang gabi at tulog na ang kalahati ng residente. Ngunit naroon si Amanda na nakangiti sa kanyang tabi. "Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Amir nang makababa ako ng sasakyan. Hindi ko alam kung kakausapin ko na ba siya tungkol sa pagsabi niya kay Jessica tungkol sa naganap sa akin with Marcus. "I'm fine. Bakit mo naitanong?" Amir crossed his arms and voiced his assumption. "Bigla kasi ang punta mo rit
Sarah "Grandpa, what do you mean she's my mother's twin?" It was Amir who raised the question. Mukhang wala rin siyang ideya na may kakambal ang nanay namin. Naglabas ng napapagod na hangin si Grandpa Mitchell. "Noong abala pa ako sa business at kabataan ko, wala akong ginawa kung hindi magtrabaho at nag-cause iyon ng rift sa amin ng asawa ko. Nagkasundo kami na maghiwalay matapos ang hindi pagkakaunawaan; mapupunta sa akin ang mommy n'yo at sa kanya si Marietta. "Nagkikita naman kami ni Marietta noon at ibinibigay ko pa rin sa kanya ang suporta. My wife married another man. And I thought everything was okay. Hindi ko akalain na malaki ang inggit ni Marietta sa mommy ninyo; in short, hindi sila magkasundo. Fast forward, both my two daughters got their degree. Your mom became a licensed accountant, and then an economist like me, and it made me happy. "However, Marietta… nagdagdag lang ng inggit sa kanya ang achievements ng mommy ninyo. And then, to satisfy Marietta's antics at par
Sarah “Miss, ayos ka lang ba?” tanong ni Amanda, napuna ang pananahimik ko habang naroon kami sa garden. Katatapos lang ng komosyon sa insidente ni Dr. Morgan. Hindi ko masabi kung ayos lang ako. May katwiran si Grandpa Mitchell, ngunit ang gusto niya talagang mangyari ay makasal ako kay Bronn. Nilingon ko ang mga mapupulang bulaklak bago tinanaw ang papalubog nang araw. “I miss my baby…” I murmured like a gasp. Sa palagay ko, ang anak ko ang nagpapatunay na hindi kami para sa isa’t isa ni Philip. “I don’t want people’s prying eyes. Napakarami ko nang maling desisyon na nagawa sa buhay ko. Kaya nga pinili ko ang trabaho kung saan kaya kong itago ang sarili ko. Pero tinatanong ko kung masaya ba talaga ako. Masaya ba talaga ako sa buhay na pinipili ko. Baka nga tama si Dr. Morgan, nababaliw na ako.” “Oh, Miss! Normal lang ang nararamdaman mo bilang ina. Walang doktor ang makapagsasabi sa tunay na mararamdaman mo. Valid iyon, Miss.” "Lagi akong nagpapasalamat na nasa tabi kita, Am
Sarah Saglit akong natahimik at inisip ko nang mabuti ang taong sakay ng motor. Nakasuot siya ng itim na leather jacket kaya hindi ko naisip na si Philip ang taong iyon. Hindi kailanman nagsuot ng ganoong kasuotan ang dati kong asawa, tulad ng kasuotan ng hooligan o kung ano pa man. Hindi rin kailanman humawak ng baril si Philip. Ang tanging nakikita ko lang sa pagkatao ng dati kong asawa ay manyak na nilalang. Pero kung iisipin kong mabuti ang hubog ng katawan, ang kanyang taas, doon ko nga maiisip na si Philip ang taong iyon. "P-paano mo naikonekta or naisip na si Philip ang taong iyon?" I asked. "Because of this." Ipinakita ni Jakob ang surveillance kung saan dumaan ang motor sa isang kalye. "Papunta ang daan na 'yan sa mansiyon ni Dr. Ethan Vanderbilt. Nakakuha rin ako ng matinong shot ng plate number ng motorcycle, and guess what, nakarehistro ang motorcycle kay Philip Cornell." My lips parted involuntarily in a small grimace of shock. Bago mo isipin na si Dr. Vanderbi
Philip [The other night] Isang naka-encrypt na mensahe mula kay Mariano ang kumurap sa aking screen. Hinihiling niya na magkita kami sa Neon River. Kaya kahit na masama ang mood ko matapos namin mag-usap ni Sarah, kailangan kong umalis nang sumapit ang hapon. I pushed back all my schedule to give my schedule free for Mariano. From Ethan’s mansion, I drove all the way to the said river. Usually, it was just me whenever I had a meeting with Mariano. I didn’t bring any bodyguards, kailangan hindi ako makilala ng kahit na sino. Most people in Highland Hills know me, mahirap kuwestiyunin kung ano ang ginagawa ng isang Philip Cornell sa Neon River. Nang makarating ako roon ay nakita ko na nakaparada ang itim na Aston Martin, na siyang sasakyan ni Mariano. “Give me your keys,” his assistant instructed. Hindi kami magkasundo ng kutong-lupa na ito. Posible na pinagseselosan niya ako sa tiwalang ibinibigay sa akin ng kanyang boss. Nag-atubili pa ako noong una na ibigay ang susi. Tumin
Philip The GPS guided me to Sarah’s current location. sang buhol ng takot ang bumuo sa aking tiyan habang pinaikot ko ang throttle, binilisan ko pa ang pagpapaandar ng aking motor para masundan kung saan naroon si Sarah. The sleek white van stayed behind, mimicking my vehicle's movements like a sinister shadow. Shit! Pinasok ko ang shortcut patungo sa tinutumbok ng sasakyan ni Sarah. Mula sa manipis na alley ako lumusot. Umingit nang matining ang gulong ng motor nang huminto ako sa gitna ng kalsada. I just followed my guts habang gumagapang sa balat ko ang takot. Hinintay ko ang paglapit ng sasakyan kung saan naroon si Sarah. Sa kabila ng helmet ay kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mata. Halos manipis na pagitan lang ang layo nang huminto ang sasakyan sa harapan ko. Dinukot ko ang baril at saka pinaputukan ang white van na humahabol sa kanya. Pagkatapos kong masiguro na tinamaan ng bala ang driver, sumakay ako ulit sa motor at pinaharurot ko ito nang mabilis bago pa man ako m
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat
Sarah Nang tanungin ako kung ano ang una kong pupuntahan, isang direksiyon ang itinuro ko. Mahal ko si Philip at kaarawan niya ngayon, ngunit hindi ko palalampasin na makita na muna ang mga anak ko. Pumailanlang ang bell ng paaralan, at bumuhos ang paglabas ng mga bata mula sa magarang bakal na pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa niyon ang kambal, nakasunod sa kanila ang malaking bulto ni Josh na siniguro ang kanilang kaligtasan. Hindi nila ako namukhaan sa una dahil malaki ang ibinaba ng timbang ko kumpara noong huli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang anumang reaksiyon nila… habang-buhay ko silang iintindihin. Yakap ni Iris ang rabbit doll, si Rowan naman ay hawak ang lunch box nilang dalawa. Nagsimula akong lumuha hanggang sa labuin niyon ang mga mata ko. Ayad kong hinawi iyon para makita nang mas malinaw ang kambal. Malaki din ang diperensiya ng ipinagbago nila. Mas mataas na ngayon ang mga anak ko. May salamin sa mata si Rowan, at mas pumusyaw ang balat ni Iris. My be
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki