Sarah Saglit akong natahimik at inisip ko nang mabuti ang taong sakay ng motor. Nakasuot siya ng itim na leather jacket kaya hindi ko naisip na si Philip ang taong iyon. Hindi kailanman nagsuot ng ganoong kasuotan ang dati kong asawa, tulad ng kasuotan ng hooligan o kung ano pa man. Hindi rin kailanman humawak ng baril si Philip. Ang tanging nakikita ko lang sa pagkatao ng dati kong asawa ay manyak na nilalang. Pero kung iisipin kong mabuti ang hubog ng katawan, ang kanyang taas, doon ko nga maiisip na si Philip ang taong iyon. "P-paano mo naikonekta or naisip na si Philip ang taong iyon?" I asked. "Because of this." Ipinakita ni Jakob ang surveillance kung saan dumaan ang motor sa isang kalye. "Papunta ang daan na 'yan sa mansiyon ni Dr. Ethan Vanderbilt. Nakakuha rin ako ng matinong shot ng plate number ng motorcycle, and guess what, nakarehistro ang motorcycle kay Philip Cornell." My lips parted involuntarily in a small grimace of shock. Bago mo isipin na si Dr. Vanderbi
Philip [The other night] Isang naka-encrypt na mensahe mula kay Mariano ang kumurap sa aking screen. Hinihiling niya na magkita kami sa Neon River. Kaya kahit na masama ang mood ko matapos namin mag-usap ni Sarah, kailangan kong umalis nang sumapit ang hapon. I pushed back all my schedule to give my schedule free for Mariano. From Ethan’s mansion, I drove all the way to the said river. Usually, it was just me whenever I had a meeting with Mariano. I didn’t bring any bodyguards, kailangan hindi ako makilala ng kahit na sino. Most people in Highland Hills know me, mahirap kuwestiyunin kung ano ang ginagawa ng isang Philip Cornell sa Neon River. Nang makarating ako roon ay nakita ko na nakaparada ang itim na Aston Martin, na siyang sasakyan ni Mariano. “Give me your keys,” his assistant instructed. Hindi kami magkasundo ng kutong-lupa na ito. Posible na pinagseselosan niya ako sa tiwalang ibinibigay sa akin ng kanyang boss. Nag-atubili pa ako noong una na ibigay ang susi. Tumin
Philip The GPS guided me to Sarah’s current location. sang buhol ng takot ang bumuo sa aking tiyan habang pinaikot ko ang throttle, binilisan ko pa ang pagpapaandar ng aking motor para masundan kung saan naroon si Sarah. The sleek white van stayed behind, mimicking my vehicle's movements like a sinister shadow. Shit! Pinasok ko ang shortcut patungo sa tinutumbok ng sasakyan ni Sarah. Mula sa manipis na alley ako lumusot. Umingit nang matining ang gulong ng motor nang huminto ako sa gitna ng kalsada. I just followed my guts habang gumagapang sa balat ko ang takot. Hinintay ko ang paglapit ng sasakyan kung saan naroon si Sarah. Sa kabila ng helmet ay kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mata. Halos manipis na pagitan lang ang layo nang huminto ang sasakyan sa harapan ko. Dinukot ko ang baril at saka pinaputukan ang white van na humahabol sa kanya. Pagkatapos kong masiguro na tinamaan ng bala ang driver, sumakay ako ulit sa motor at pinaharurot ko ito nang mabilis bago pa man ako m
Sarah Saglit akong natigilan sa anunsiyo kung sino ang mga bisita ko. Pare-parehas na nakatingin sa akin sina Amir, Grandpa Mitchell at ilang helpers na naroon sa dining area. Sa oras na ito, si Philip ang kahuli-hulihang tao na gusto kong makita. Niloko niya ako! Tama si Jakob, idadagdag ko lang si Philip sa problema ko. Hindi rin naman siya ang taong magbibigay sa akin ng ikalawang tiyansa para magmahal muli. "What is that moron doing here?" nang-aakusa ang tanong sa akin ni Amir, at naintindihan ko kaagad na ang tinutukoy niya ay si Philip. Habang iniisip ko ang parehong katanungan, sumagot ako, "Hindi ko alam." Posibleng may ideya naman talaga si Philip sa pagkatao ko, at nagpapanggap lang siya na wala siyang alam para kunin muli ang loob ko. Naningkit ang mata ni Grandpa Mitchell. "Ha! So, your wretched ex-husband dares to come all the way here uninvited... You know better than to entertain his foolishness, Sarah. I expected resilience and wisdom from you as a Mitchell!"
Sarah Hinayaan ko na madilim ang aking silid habang kakaunting liwanag lang ang nagbibigay na sinag mula sa labas. Sumaglit ako rito para ilabas ang mga luha na pinipigilan ko. Paulit-ulit ko na inisip ang mga salita ni Philip. He never loved me; not in the past, not now. Yet I felt his heartbreak, which only added to my confusion. I'm being stupid! Para akong sinaksak sa ikalawang pagkakataon kahit pa nga alam ko naman ang sagot. Hindi ako makahinga, naninikip ang dibdib ko at umuulap ang tingin ko sa sobrang sakit na marinig ang katotohanan. Nevertheless, I had to pull myself together, return to my original plans, and ensure Madam Cornell suffered! "Miss, are you alright?" nag-aalala na tanong ni Amanda dahil muli akong binabalot ng dilim. "I'm fine…" Normal lang naman siguro na masaktan ako ulit, tama? Kasalanan ko naman ito. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa patibong sa ikalawang pagkakataon. Ngunit ngayon na alam ko na ang lahat na walang katotohanan ang isang tao
SarahMadaling-araw at may kalamigan sa Highland Hills nang makarating kami ng siyudad. Isinama ko si Amanda tulad ng pangako ko sa kanya at isa pang helper na si Pepper. Doble ang pagkaabala k
SarahNang pumasok ako sa ward ni Jane, nakasandal ang kanyang likuran sa kama at tahimik siyang humihikbi.
Philip Naroon ako sa hotel para sa meeting nang makita ko sina Sarah at Jane. Nakaupo ako sa tabi ng floor-to-ceiling window sa ikatlong palapag ng gusali habang nagkakape, nakatanaw sa kanila sa restaurant na naroon sa gitna ng garden kaya tanaw na tanaw ko ang dati kong asawa. Ilang sandali pa, lumitaw si Bronn Martin, hawak ang isang bouquet. Masaya na tinanggap ni Sarah ang kumpol ng bulaklak mula kay Bronn. Hindi ko napigilan ang pagigting ng aking panga. “President Cornell?” pukaw sa akin ng kausap ko, ang private investigator na inupahan ko. “Boss?” sinundan iyon ni Alex, napuna na wala ako sa katinuan. Nilingon ko sila. “Sorry. Ano nga ulit iyon?” Tumikhim ang imbestigador. “Here are the files that you needed. According to my sources. Madam Cornell and Dr. Smith have been friends for more than two decades. Sa parehas na bayan sila nanggaling.” Inabot ko ang envelope na may makapal na files na nilalaman. “Where is Dr. Smith now?” I asked. “Nariyan sa file