Share

The Revenge of Ellaine
The Revenge of Ellaine
Author: Jenny Agsangre

Chapter 1: Ang Simula Ng Pagbabago ng Buhay ni Ellaine Santiago

"Ellaine!!"

Malakas na sigaw ni Dave habang unti unti kong nararamdaman ang pagbagsak ko mula sa mataas na bangin pabagsak sa isang malakas na bugso ng Falls, Doo'y bigla na lamang nag flashback sakin lahat nang mga memories ko simula nung bata pa lamang ako hanggang sa kasalukuyan

Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtama ng aking ulo mula sa isang malaking bato at dun ay hindi ko na alam ang sunod pang na mga nangyari nagising na lamang ako na nasa isang pribadong kwarto at sobrang maaliwalas ang aking mga nakikita.

Kay gandang pagmasdan ng mga dahon at halaman na inaaliw ng hangin at isinasayaw sayaw sadyang nakakarelax sa pakiramdam nang ganoong klaseng sistema parang nawala ka saglit sa isang kulungan na punong puno ng problema

Marahan akong naupo at naramdaman ko na lamang ang pag sakit ng aking ulo kaya naman ay napahawak ako mula rito at dun ko nalaman na may nakapaikot palang benda mula sa ulo ko

"Gising ka na pala"

Tinig ng isang lalaki na nagmumula sa pinto ng aking kwarto

Kaya naman ay kaagad akong napatingin sa kanya at halos matulala ako dahil sa nakakaakit at napakaganda nyang itsura

Napakakisig ng kanyang pangangatawan at may pagkamestizo din sya dahil sa mala porselanang kulay ng kanyang balat, Matangos rin ang kanyang mga ilong kaya naman hindi ko na naiwasang mahiya pa nang magtama ang aming mga mata

"Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba, Gusto mo bang kumain?"

Sunod sunod na tanong nya sa akin kaya naman ay hindi ko na napigilan pang magsalita at magtanong sa kanya

"Sino ka at anong ginagawa ko rito?"

"Ako si Ken Xiao nakita kita nung minsang nag Camping ako sa Gayonan Falls, Matanong ko lang wala ka ba talagang natatandaan sa mga nangyari sayo?"

Bakas ko sa kanyang mukha ang pagtataka kaya naman ay bigla akong napaisip sa mga nasabi nya ngunit kahit na anong gawin ko para alalahanin ang mga nangyari ay wala pa rin akong maalala at sumasakit lamang ang aking ulo sa kakaisip kung ano nga ba ang totoo at bakit ako napadpad sa sinasabi nyang Gayonan Falls.

"Wag mo nang alalahanin muna baka sumakit lang ang ulo mo, Sa ngayon kailangan mo munang magpahinga at kumain ng marami para bumalik ang iyong sigla"

"Pero-"

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sunod ko sanang sasabihin sa kanya dahil muli syang nagsalita

"Wag kang mag-alala wala naman akong ginawang masama at wala rin akong gagawing masama sayo"

Sa mga sinabi nyang yun ay hindi na ako muling nagsalita pa kahit na andami daming bumabagabag na mga katanungan sa aking isipan inisip ko na lamang na baka tama ang sinabi nya na kailangan ko na munang magpahinga at kumain nang marami para bumalik kaagad ako sa normal

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at doo'y pumasok ang isang matandang babae dala dala ang maliit na mesa na may naglalamang mga pagkain, Inilatag nya iyon sa aking kama at saka ngumiti sa akin

"Magandang araw Maam, Ako nga pala si Minda katulong dito sa loob ng Mansion ito po pala ang pagkain kumain na raw po kayo at uminom ng inyong gamot sabi ni Sir"

"Maraming salamat po Manang Minda"

Ngumiti na lamang sa akin ang matanda at saka lumabas nang aking kwarto saka napatingin na lamang ako sa pagkain na inilatag nya sa aking kama ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin kung bakit nga ba ako naririto sa bahay ng lalaking yun

Samantala kay Ken naman ay umalis na ito sakay ng kanyang kotse napatingin pa ako sa aking bintana ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan na halatang papalayo na sa Mansion kung nasaan ako

"Sino ba talaga sya pero nagpapasalamat ako sa kanya ng sobra dahil sa pagkupkop nya sa akin"

Kinagabihan

Habang abala ako sa pag aayos nang aking hinigaan ay naisipan kong lumabas ng aking kwarto kaya marahan kong kinuha ang saklay na nasa gilid ng pader at saka nagsimulang maglakad patungong pintuan, Doon ko lamang nakita ang aking sarili sa isang salamin na punong puno ng pasa ang aking katawan , mukha at hindi rin ako makalakad ng maayos dahil sa napilay kong mga paa bigla tuloy akong nakaramdam ng pag kaawa sa aking sarili at inisip kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sa akin.

Pero hindi ko na lang muna yun pinansin dahil sinimulan ko ng pihitin ang pintuan para buksan at lumabas na ng aking silid pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay marahan akong bumaba sa hagdan ngunit bago pa man ako tuluyang makababa ay sinalubong na kaagad ako ni Ken na kakarating lamang ng Mansion kaya naman sa lakas ng sigaw nya nang makita ako ay naagaw ang atensyon ng ibang mga katulong at pati na rin ni Manang Minda

"Anong ginagawa mo rito! Bakit hindi ka na lang tumawag kila Manang Minda para tulungan kang makababa rito"

Nakita ko sa kanyang mukha ang labis na pag aalala na parang nakita ko na noon sa isang lalaki ,Kaagad nila akong tinulungang iupo sa may sala at doon ko lamang napansin ng iikot ko ang aking mga mata na sobrang lawak pala nang kanilang Mansion

"Ayos ka lang ba?"

Tanong sa akin ni Ken na hindi pa rin maipagpalagay ang kanyang sarili

"Oo ayos lamang ako, Wag na po kayong mag alala pasenya na po kung pinag alala ko pa ho kayo"

"Sa susunod tumawag ka na lamang sa amin nila Manang okay? May telepono naman dun sa kwarto mo para maiwasan ang gantong klaseng sitwasyon mahirap na baka ano pang mangyari sayo lalo na at ganyan yung kalagayan mo"

"Sige, Pasensya na ho ulit kayo"

Bigla tuloy akong nakonsensya dahil sa ginawa ko naisip ko tuloy na baka sakin masisante sila Manang Minda at ang ibang kasamahan nito

"Bakit lumabas ka ng kwarto mo?"

Tanong sa kin ni Ken

"Kasi gusto ko lang sanang magpahangin"

"Ganon ba.. Manang Minda pakuha naman po ako nung Wheel Chair sa Storage room at nang mailabas ko sya"

"Sige po Sir"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status