Share

Chapter 4: Emphasizing the Truth

Matapos nga naming kumain ay kaagad naman akong pinuntahan ni Ken para idala na sa aking kwarto ayoko na sanang mag pabuhat pa sa kanya ngunit wala na rin naman akong nagawa lalo na at alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi rin naman ako makakatangi talaga sa kanya

Pagkarating nga namin sa aking silid ay marahan nya akong inilatag sa kama at saka naupo rin sya sa may paahan nun at saka bumungad ng mapag uusapan

"Nabusog ka ba?"

"Oo"

"Mabuti kung ganon sige na matulog ka na"

Palabas na sana sya ng kwarto ngunit hindi ko na napigilan pang mag salita dahil gusto ko rin syang makausap at para na rin makapag pasalamat ng personal mula sa mga naitulong nya sa akin

"Teka sandali lang.."

Bahagya syang natigilan ng marinig nya ang boses ko at saka marahang humarap ulit sakin

"May kailangan ka pa ba?"

"Wala naman.. pero gusto ko lang sanang magpasalamat dahil sa mga naitulong mo sakin"

"Okay lang wala namang problema yun basta mag pagaling ka lang para maging maayos na ang kalagayan mo"

"Gusto ko lang makapag pasalamat sayo ng personal dahil kung hindi dahil sayo malamang kung ano na ang nangyari sakin o baka wala na ako sa mga oras na to, Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo dahil sa mga naitulong mo sakin pero utang ko ang buhay ko nang dahil sa yo"

"Wag ka sakin magpasalamat, Sa taas ka magpasalamat dahil sya ang nag pagaling sayo nag silbing kamay nya lamang ako para iligtas at tulungan ka"

"Oo alam ko yun"

"Magpahinga ka na at wag mo ring kakalimutang inumin yung gamot na ibinigay ko sayo"

"Sige maraming salamat"

Tuluyan na nga syang lumabas nang kwarto ko at bahagya pa syang natigilan bago tuluyang bumaba ng hagdan pababa sa sala

Kinaumagahan

Habang nasa sala ako at nag aalmusal ay nakita kong pababa si Ken mula sa kanyang kwarto at saka may inilatag na gamot sa mesa na nasa harapan ko

"Uminom ka ng gamot pag katapos mong kumain, Mauna na rin ako at Manang Minda kayo na po ang bahala sa kanya" Ani ni Ken at saka nagmamadaling umalis ng Mansion

Kaya hindi na kami nakapag paalam pa ni Manang Minda sa kanya

Samantala pag dating nya sa Hospital ay kaagad naman syang sinalubong ng nga Nurse nya at binati

"Good Morning Doc Ken, Akin na po yang gamit nyo idadala ko po sa Office nyo"

Bati sa kanya ni Dom ang isa sa mga malalapit nyang kaibigan na Nurse

"Salamat"

Pumasok na kaagad sila sa Elevator at pagdating nila sa Office ay inilatag naman na ni Dom ang dala dala nyang gamit ni Ken sa ibabaw ng Desk nito

"Hays.. nakakapagod na naman ang maghapon na to malamang"

Ani ni Dom sabay upo sa visitor seat

"Bakit napagod ka ba kahapon eh diba wala ka namang ginawa?"

"Hala grabe naman yan Doc Ken nag ayos kaya ako ng mga higaan ng mga pasyente at saka nag assist ako sa mga pasyenteng dumating"

"Kaya napagod ka"

"Oo syempre"

"Bakit gusto mo ba magpahinga?"

"Kung oo bakit hindi di ba, Pero teka ano bang klaseng pahinga ang sinasabi mo yung mawawalan ng trabaho o yung as in wala na talaga?"

Sumeryosong tumitig sakanya si Ken kaya naman biglang nag salita kaagad si Dom na halatang tawang tawa sa naging reaksyon nito

"Oy Doc ayoko nga haha mahal ko pa ang buhay at trabaho ko noh yung ibig kong sabihin eh kahit konting rest lang muna yung leave ba haha di Charot lang"

"Actually pwede ko naman talaga yun ibigay sayo kahit nga wag ka nang bumalik eh ayos lang"

"Ay grabe naman yun hindi nyo na ako makikita nyan at saka hindi nyo ba ako namimiss ha para sabihin nyo yan sakin?"

"Bakit naman kita mamimiss bakit jowa ba kita?"

"Bakit Jowa lang ba yung namimiss hindi ba pwedeng pati sa kaibigan hahaha pero maiba nga pala Doc Ken kamusta na ba yung patient na inuwi nyo sainyo gising na po ba sya?"

"Oo"

"Talaga naku kailan pa hindi nyo man lang sinabi sakin eh di sana nadalhan ko man lang ng prutas at pagkain"

"Maayos naman na ang kalagayan nya kailangan nya lang ng pahinga at therapy para maging maayos na talaga sya"

Habang nag kukwentuhan sila ni Ken ay pasimple naman syang kumuha ng Grapes sa Desk nito at saka kinain

"Pero alam nyo Doc Ken sobrang naawa talaga ako sa nangyari sakanya lalo na sa naging kalagayan nya nung nasa Hospital pa lamang sya, Simula kasi ng dumating sya rito eh halos hindi na natin sya makilala dahil sa mga pantal nya sa katawan"

Napatingin naman sa kanya si Ken ngunit nanatili na lamang nakikinig kay Dom

"Pero Doc Ken sa tingin nyo ba dahilan talaga yun ng pagbagsak nya mula sa Falls? Kasi hindi naman sa nag iisip ako ng masama ha parang imposible naman ata na dahil lang yun sa pangyayaring yun eh halos hindi na nga natin sya makilala di ba? at saka yung nga pasa nya parang hindi naman yun pasa na mula sa mga bato eh di ba nga Falls yun malamang babagsak lang sya dun sa tubig tapos pwedeng sugat at pilay lang yung matamo nya pero yung mga Pasa nya.. hmm.. hays hindi talaga ako kumbinsido dun"

Kumuha ulit si Dom ng Grapes sa mesa ni Ken at saka nginuya nguya pa nito

"Hindi talaga ako kumbinsido sa pagiging tsismoso mo kalalaki mong tao masyado kang Marites baka gusto mo talagang ipag leave kita ng isang taon"

"Wag naman ganon Doc marami pa akong gastusin sa buhay"

"At saka tignan mo nga halos maubos mo na yung Grapes oh kanina mo pa inuupakan yan gusto mo bang ibawas ko yan sa sasahurin mo?"

"Grabe naman kayo sige na lalabas na ako pero pahingi pang isa haha"

Sabay kuha pa nito sa Grapes bago tuluyang lumabas ng Office ni Ken.

Natigilan naman sya saglit at bahagyang napa isip sa mga nasabi sakanya ni Dom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status