Share

Chapter 3: Knowing the Truth about Ken

Nang medyo maayos na ang aking pakiramdam at naibuhos ko na nga lahat ng aking nararamdamang sakit ay tuluyan na kaming tumungo sa kusina para kumain

Kaagad naman akong tinulungan ni Ken na ilipat sa upuan para makapag simula na ring kumain

Matiyagang inasikaso ako ni Ken at sinandukan ng ulam at kanin kaya naman hindi ko na naiwasan pang mahiya sa kanya dahil sa pag sisilbi nya sa akin, Ngunit habang abala kaming lahat kumain ay napansin ko lang nang mga oras na yun na lahat pala ng mga katulong na nagsisilbi sa kanya ay kasabay nyang kumain sa hapag kainan

Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kakaiba sa kanya siguro dahil humanga ako na hindi pala sya katulad ng mga ibang amo na kailangang mauna munang kumain bago ang mga katulong nila hindi ko lubos maisip na sa mga panahon pa lang ito ay may mga tao pa palang katulad nya na may pag papahalaga sa lahat ng mga bagay bagay

"Kanina ka pa tulala kumain ka lang ng marami at magpakabusog ka"

sambit niya sa akin kaya naman dun ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya

Kasabay nun ay ang pagtayo nya sa kanyang kinauupuan at saka uminom ng tubig

"Okay na to busog naman na ako"

"Kunti palang nga ang kinakain mo kaya dapat ramihan mo pa, Sige na at pupuntahan ko lang muna ang kwarto mo para ayusin ang mahihigaan mo"

Sa pagkakataong yun ay bigla ko namang nakitang tumayo si Manang Minda at dali daling uminom ng tubig

"Naku ho Sir ako na lamang po at gawain naman ho namin yun"

"Wag na po Manang Minda dyan ka na lamang at tapusin mo na po yung pagkain mo kayang kaya ko naman pong ayusin yung kama"

"Sigurado po ba kayo?"

"Opo sige na"

Hindi naman na nag salita pang muli si Manang Minda at saka ipinag patuloy na lang ang kanyang pagkain

At nang tuluyan na ngang umakyat si Ken sa taas ay hindi ko na napigilan pang magtanong kay Manang Minda at pati na sana sa ibang mga katulong ngunit bago pa man ako tuluyang makapag salita ay naunahan na nga ako ni Manang Minda na ngumiti muna bago tuluyang mag salita

"Ang bait talaga ng batang yan"

Napa angat naman ako nang ulo ng marinig ko yun kay Manang Minda kaya naman nag salita na rin ako dahil yun naman talaga ang plano ko

"Si Ken po?"

"Opo Maam"

"Naku wag na pong Maam masyado po kasing Formal pakinggan at nakakailang naman po yun para sainyo"

"Okay lang naman ho"

"Wag na po Maam ang itawag nyo sa akin ahmm.."

Magsasalita na sana ako nang bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung sino nga ba talaga ako o ano ba ang totoo kong pangalan kaya napayuko na lamang ako at saka muling nag salita

"Ijha na lang po itawag nyo sa akin kasi sa totoo lang po hindi ko naman po alam o matandaan man lang kung ano nga ba ang totoo kong pangalan at apelyido kaya yun na lamang po ang itawag nyo sa akin Manang Minda"

Nakita kong nabalot rin sila ng lungkot nang marinig nila ang mga katagang yun mula sakin kaya hinawakan nya na lamang ang aking kamay dahilan para maiangat ko ulit ang aking ulo

"Hayaan mo na maaalala mo rin ulit ang lahat nang yun"

Ani ni Manang Minda na halatang awang awa rin sakin sa mga oras na yun

"Alam mo ba Ijha na si Sir Ken ang nag alaga at nang gamot sayo"

Natigilan ako bigla sa aking pagkain nang marinig ko yun mula sa kanya sa pagkakaalam ko kasi ay idinala nya ako sa hospital para gamutin pero hindi ko inaasahang sya ang mag aalaga sa akin kaya hindi ko na rin pang napigilan ang tanungin sya tungkol sa mga bagay na yun

"Teka.. Sandali lang ho ano pong ibig nyong sabihin?"

"Tama ang iyong mga narinig Ijha si Sir ang nag alaga sayo mula sa Hospital hanggang sa ikay ilipat rito sa Mansion nya"

Nagulantang ako sa mga narinig ko kay Manang Minda at hindi ko inaasahan na iba ang dumaloy sa isipan ko sa mga oras na yun kung ganon sya ba yung nagbibihis sakin? Hays hindi naman siguro pero bago pa man ako mag isip ng mga ganong sistema ay muling nagsalita si Manang Minda dahil parang napansin nya rin na tila iba ang tumatakbo sa isipan ko

"Ano ka ba ako ang nagbibihis sayo kaya wala kang dapat ipag alala"

Nagtawanan naman lahat ng mga katulong sa sinabi ni Manang Minda kaya hindi ko na rin naiwasan pang matawa na rin dahil sa tumatakbo nga sa isipan ko

"Pasensya na po kayo Manang Minda akala ko ho kasi ganon yung nangyari"

"Mabait si Sir at hindi nya yun kayang gawin sayo kaya ako ang pinakiusapan nyang mag silbi sayo sa ganong sitwasyon"

"Ganon po ba maraming salamat po Manang Minda pero sandali lang ho nasabi nyo po kasi na sya yung nang gamot sakin hindi ba? Ano po ba ang ibig nyong sabihin?"

"Isa kasi syang Doctor at sobrang swerte mo dahil isang Professional na Doctor ang nakakita sayo kaya nang malaman nya na walang mangyayari sayo sa Hospital kung saan ka nya nakita ay minabuti nyang iluwas ka kaagad sa Maynila para magamot at maasikaso ka nya"

Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Manang Minda at labis akong humanga kay Ken sa pagkakataong yun nasa isip ko na sobrang swerte ko nga talaga dahil kahit hindi nya ako kaano ano ay binigyan nya ako ng importansya at pinatira pa sa Mansion nya, Hindi ko tuloy alam kung paano ba ako makakapag pasalamat sa kanya pero alam kong balang araw ay masusuklian ko rin ang lahat ng mga nagawa nyang mabuti para sa akin at siguro sa mga panahong yun ay alam ko na ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko at kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status