Share

Chapter 2: Lean on his Shoulders

Nang makuha na nga ni Manang Minda ang Wheel Chair kung saan ako mauupo ay ibinigay nya ito kaagad kay Ken at matapos ay nakita ko na lamang ang aking sarili na ibinubuhat nya na paupo sa upuan ng Wheel Chair

Bigla akong kinabahan habang magkalapit ang aming mga mukha dahil sa pagkailang ko sa mga oras na yun pero hindi na ako nagsalita pang muli dahil baka kung ano pa ang isipin nya dahil lamang sa iniisip ko.

Nang mailatag nya na nga ako sa upuan ay itinulak nya ang Wheel Chair at saka kami lumabas hanggang sa makarating kami sa swimming pool sa kanilang garden

"Dito ba ang gusto mo?"

Marahan nyang tanong sa akin kaya napaangat ako ng ulo sa kanya

"Oo dito na lang ako"

"Samahan na kita mahirap ng iwan kitang nag iisa lalo na at nasa ganyan kang kalagayan"

Naupo sya sa may malapit na Bench sakin kaya naman ay nahiya ako ng bahagya dahil pakiramdam ko ay parang nagiging obligasyon pa nila na alagaan ako kahit na ang totoo ay parang hindi naman ata kami magka kilala oh mag ka ano ano man lang

Habang wala ako sa aking wisyo ay laking gulat ko nang magsimula syang magsalita kaya't kaagad akong napatingin sakanya

"naaalala mo na ba ang pangalan mo?"

Habang tinatanong nya yun ay biglang napaisip rin ako kung bakit nya yun nasabi at bakit tila wala rin akong maalala kung ano nga ba ang totoo kong pangalan at kung sino nga ba talaga ako

"Wag mo ng isipin muna yan ang importante buhay ka at nasa maayos ka nang kalagayan marahil hindi pa oras sa ngayon para malaman natin kung ano nga ba ang totoong nangyari sayo pero kailangan mong magpagaling hanggang sa maging maayos ka na"

Hindi ako nakaimik mula sa mga narinig ko sakanya nabalot ako nang maraming katanungan sa aking isipan kung sino nga ba talaga ako at bakit ako nag kaganito naisip ko tuloy na baka may nais pumatay sakin o baka naman ay naaksidente lamang ako ngunit bakit wala akong maalala man lang kahit na pangalan ko man lang kaya para maliwanagan na ako at para malaman ko na rin ang totoong nangyari ay hindi na ako nag dalawang isip pa na magtanong sa kanya

"Pwede ko bang malaman kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sakin? At kung bakit ako nagkaganito ni kahit pangalan ko wala man lang akong maalala?"

"Kagaya nga nang sinabi ko sayo kanina nakita kita nung minsang nag Out of town ako at nag Camping sa Gayonan Falls plano ko pa sanang mag tagal dun ngunit habang nag aayos ako ng Tent ay may nakita akong katawan sa gilid Falls

Sa una ay hindi ko pa yun pinansin ngunit nang inagos yung ibang mga dahon na nakatabon sayo ay dun bumungad ang katawan mo na halos punong puno na ng pasa at mga sugat maputla ka na rin at tila wala ng buhay kaya dali dali kitang kinuha at idinala sa malapit na Hospital sa bayan na yun subalit dahil sa kakulangan ng gamit ay binigyan na lamang muna nila ikaw nang paunang lunas hanggang sa makarating tayo sa Manila"

Halos manlumo ang aking katawan at pati na ang aking loob nang marinig ko ang nga katagang yun kay Ken ngunit kahit anong gawin ko para isipin kung ano ba ang totoong nangyari sakin ay wala pa rin akong matandaan kahit ni isa kaya bumagsak na lamang ang mga luhang kanina pa pala namuo sa aking mga mata

"Dinala kita sa Hospital rito sa Maynila para dito ka na tuluyang mag pagaling ngunit dahil sa lakas nang impact ng pagkabagsak mo at pagtama sa mga kabatohan ay nabagok masyado ang ulo mo at pati na rin ang katawan mo dahilan para mawalan ka nang memorya na humantong nga sa Coma at at nang medyo maayos ka na rin naman ay dito na kita inuwi dahil hindi rin kasi kita maasikaso masyado sa Hospital kaya si Manang na lamang ang pinag alaga ko sayo, Don't worry sya rin naman ang nag papaligo at nagbibihis sayo kaya wala kang dapat ipag alala"

Dahil sa mga narinig ko mula kay Ken ay hindi ko na napigilan pang mapahagulhol ng iyak at mapahawak sa bibig ko at saka ko ibinuhos ang kanina ko pa nararamdamang sakit sa dibdib doo'y naramdaman ko na lamang ang pag yakap sakin nang mga braso ni Ken para i-comfort at patahanin ako

Napatingin na lamang sa amin sila Manang Minda at iba pang mga katulong na may halong lungkot rin sa kanilang mga mata, Awang awa ako sa sarili ko nang mga oras na yun at sobrang laking pasasalamat ko kay Ken at sa mga taong tumulong sakin para unti unti akong maka recover mula sa mga pinag daanan ko

Punong puno man ako nang maraming katanungan sa isip ko pero alam kong balang araw ay malalaman ko rin ang totoong dahilan nang lahat ng to pero sa sitwasyong ito ay isa lamang ang tumatakbo sa isipan ko yun ay ang maging magaling at maayos na ako para magawa ko na ang lahat ng mga nais kong gawin at para matulungan ko na rin sila Ken na kilalanin kung sino ba talaga ako

Sana hindi isang Krimen ang nangyayari sakin kayat umabot ako sa puntong ganito dahil hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko once na malaman ko kung sino nga ba talaga ang may kagagawan sakin nang mga bagay na to halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko dahil ang dami dami kong pasa sa katawan at pilay pilay pa ang aking mga paa

"Tahan na magiging maayos rin ang lahat at magpakatatag ka lagi, Andito lang kami lagi oara tulungan ka at ipinapangako ko sayo na tutulungan kita para mabigyan nang kaliwanagan ang totoong nangyari sayo kaya wag ka nang umiyak"

Sa mga sinabing yun ni Ken ay naramdaman ko ang totoong pagmamalasakit at tunay na karamay kaya naman imbis na tumigil ako ay lalo pa akong napaiyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status