Naliligo na siya sa malakas na ulan nang mga sandaling iyon pero hindi siya tumigil. Wala siyang pakialam sa ulan. Ang gusto lang niya ay makita ang babae. Panay ang kaniyang tawag sa pangalan nito at ang sumasagot ay ang malakas na kidlat at kulog. Galit ang langit sa kaniya at ramdam niya ito.
Saan ka ba, Blesy? Damn it!
Napamura siya nang muling nagalit ang kalangitan at gumuhit ang mahabang kidlat. Napailing-iling na lamang siyang nagpatuloy hanggang sa napahinto siya at napamura ng mas malutong.
“Putangina! Blesy!” Mabilis pa sa orasan ang kaniyang pagbaba sa may kataasang bangin. Hindi niya inalintana na pwede siyang mahulog dahil sa lakas ng ulan at madulas ang mga bato. Agad niyang niyakap ang babaeng walang malay habang nasa tabi ang mga bulaklak na pinitas nito. “Hey, hey! Wake up. Blesy!” Tinapik niya ang namumutlang pisngi ng babae pero walang tugon mula rito.
Nahulog ito. Iyon an
Walang sagot mula rito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at alam niya ang nasa utak nito nang mga sandaling iyon. Takot. Takot ang nararamdaman nito laban sa kaniya. Nababasa niya at parang sinuntok ang kaniyang puso sa kislap ng mga mata nito.“Ano ka ba talaga? Anong klaseng tao ka?”Malakas ang lagaslas ng ulan pero malinaw ang kaniyang pandinig. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatitig sa babae. Nanatili sila sa gano'ng sitwasyon.“Takot ka sa'kin, hindi ba?” usal niya sa mga katagang iyon na lalong mas nagpadagdag ng takot sa pagkatao ng babae.“Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi kita dapat katakutan.”Natawa siya ng mapakla at dumistansya rito. “Gusto mong maunang umuwi sa simbahan, right? Sige, umuwi ka na.”Nayakap nito ang sarili at ilang beses na napatingin sa kaniya. Tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Isa kang mamatay-tao.”
“Sister, kinakausap ka ni Mother Jean.”Tulirong napatingin siya sa matandang Madre. Nag-alala ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang magsalita.“Tinatanong ka ni Mother Jean kung anong nangyari kahapon at bakit walang malay kang pangko ni Mr. Hearst.”Nagyuko siya ng ulo at humingi ng pasesnya sa matandang Madre. Sinabi niya ang totoong nangyari kung bakit pero hindi niya sinabi 'yong hinalikan siya ng lalaki. pinangaralan siya nito at pinayuhang mag-ingat sa susunod. Tanging tango lang ang kaniyang naging sagot kay Mother Jean.“Magpahinga ka na ulit. Papadalhan kita rito kay Sister Pearl ng sopas at gamot para mainitan 'yang tiyan mo.”Tumango siya at tumalikod na ang dalawa. Naiwan siyang mag-isa sa silid. Nagpasya siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili kung okay na ba siya. Ngayon lang niya nararamdamang mataas ang kaniyang lagnat nang salatin niya an
“Hey brother, what do you want for dinner? Bloody head of a corrupt senator or dinuguan ng manyakis na police? Choose.” Itinaas nito ang isang ulo ng kilalang senator sa bansa, duguan at dilat ang mata. Habang sa kabilang kamay ay ang tupperware na alam niyang dugo ang laman. Nakasuot ito ng pulang surgical gloves at pulang apron.Napahilot siya sa sintido. Gusto niyang magpahinga at heto, ang kapatid niyang walang balak pagpahingain ang kaniyang buong gabi. Ramona is a pyscho. Batid niya na iyon.“Will you fucking throw that away from me, Ramona? Let me rest.”Napangisi ito. “What kind of rest? 'Yong rest in peace na ba na sa hukay ang gusto mo? You know I could give it easily. Humiling ka lang, isusunod kita sa senador na ito,” sumulyap ito sa bitbit na ulo sa kabilang kamay nito. Bahagya pa itong natawa at napaismid. “Corrupt. Rapist. Hmm, what else? Addict. Kaya hindi pinapatagal ang mga ganitong tao, right bro
Bahagyang nakahinga ng maluwang si Zerus nang malaman niyang sa balikat ang tama ni Blesy. Nagpadala siya ng taong bumisita sa babae at kahit papaano, kumalma ang puso niyang kanina pa kumabog ng malakas. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa silid ng babae at malayang pinagmasdan itong natutulog mula sa kaniyang binocular na dala.Ang planong tumbahin si Dr. Hayes, isinantabi niya muna. Si Ramona ang una niyang haharapin at alam ni Zerus kung saan ito hahanapin.“The premises are secured. Mahihirapan ka pumasok, Mr. Craige. May facial recognition every room ng pasyente. Dinoble ni Dr. Hayes ang security ng buong building. Bawat hallway, may mga CCTV at hindi lang basta-basta CCTV ang mga ito.”Ngisi lang ang naging sagot niya sa lalaking nag-report sa kaniya ngayon. Nasa kabilang linya ito at nakatulong ang pagiging professional Doctor nito.“Is she totally okay? Siguraduhin mong 'di mapasok ng kapa
WARNING!!!»» Kung hindi kaya ang temang sumunod, please, 'wag ng basahin. Erotic-romance ang theme ng mga kwento ko kaya kung hindi keri ang flow, please, skip this story. 'Wag na akong plastikin at i-call out na naman tapos erotic din binabasa. Hindi ko kayo kailangan sa kwento ko. Masaya na akong wala kayong mga hamog. Thank you.———————————————————————————————Muling bumalik si Zerus sa silid ng babae matapos niyang harapin si Ramona. Madaling araw na pero wala siyang nararamdamang antok. Nag-alala siya para rito kahit sabihin malayo sa puso ang natamong tama.Mahimbing na itong nat
NAPAISMID si Blesy nang matagalan ang binatilyong kanina pa niya hinihintay. May usapan silang magkikita sila sa ilalim ng tulay dalawa ni Fender pero wala pa rin ito. Lihim siyang napaismid at napairap sa hangin. Ilang bato na ba ang nahahagis niya sa tubig sa paghihintay rito? Hindi niya na yata mabilang. Nagsuot pa siya ng magandang bestida na binili niya sa ukay-ukay kahapon sa halagang bente pesos.“Asan na kaya 'yon? Baka nakalimutan niyang maydeyt kami.” napahimutok siya at nagbilang ng isa hanggang isangdaan sa isip. Kapag 'di lumitaw ang binatilyo, aalis na siya ro'n sa ilalim ng tulay at bahala na ito.Marahan siyang napabuntunghinga. Natapos niya ang pagbibilang mula isa hanggang isangdaan pero walang Fender na lumitaw. Malungkot siyang tumayo at pinagpagan ang bagong laba niyang damit. Uuwi na siya
“Ikaw kasi Fender, eh. Ayan tuloy!” humihikbing saad ni Blesy nang sipatin niya ang mga pasa ng binatilyo.Tumakas pa siya nang hating-gabi sa bahay ng kaniyang tiyahin at dali-daling pumunta sa ilalim ng tulay kahit delikado. May dala siyang lumang back pack na puro damit niya ang laman, flashlight, kandila, at konting ipon niyang pera. Marami siyang pasang nakuha sa kaniyang tiyahin at pinsan pero hindi niya iyon ininda. Kaya nang masiguro niyang tulog na ang mga ito, kumuha siya ng lakas ng loob na tumakas.“W-wala 'to. 'Wag ka na umiyak, pumapangit ka kasi.”Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Kahit alam niyang nasasaktan ito, pinaparamdam pa rin nito sa kaniya na okay lang ito. “Hindi mo alam kung gaano ako natakot kanina, Fender! Akala ko matata
Nagising sila pareho ni Fender nang huminto ang kanilang sinasakyang garbage truck. Mabaho at umaalingasaw ang amoy pero mas mabuti iyon kesa sumama pabalik sa impyernong bahay na kinalakihan niya.Umaga na ayon na rin sa araw na nagsisimulang bumisita tuwing umaga at nagbibigay ng panibagong pag-asa sa bawat tao.“Bumaba na tayo rito.”“Pero Fender, baka nand'yan pa si Tiyang”“Malayo na tayo sa lugar natin, Blesy. Halika na habang may oras pa.”Marahan siyang tumango at sinunod ang gusto ni Fender. Ang tanging dala lang niya ay ang kaniyang back pack na may lamang konting pera at damit. Maingat silamg bumaba at do'n nila napansin na malayo na nga