Share

15

NAPAISMID si Blesy nang matagalan ang binatilyong kanina pa niya hinihintay. May usapan silang magkikita sila sa ilalim ng tulay dalawa ni Fender pero wala pa rin ito. Lihim siyang napaismid at napairap sa hangin. Ilang bato na ba ang nahahagis niya sa tubig sa paghihintay rito? Hindi niya na yata mabilang. Nagsuot pa siya ng magandang bestida na binili niya sa ukay-ukay kahapon sa halagang bente pesos.

“Asan na kaya 'yon? Baka nakalimutan niyang may deyt kami.” napahimutok siya at nagbilang ng isa hanggang isangdaan sa isip. Kapag 'di lumitaw ang binatilyo, aalis na siya ro'n sa ilalim ng tulay at bahala na ito.

Marahan siyang napabuntunghinga. Natapos niya ang pagbibilang mula isa hanggang isangdaan pero walang Fender na lumitaw. Malungkot siyang tumayo at pinagpagan ang bagong laba niyang damit. Uuwi na siya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status