Maaga pa lang sila kinabukasan ni Indang sa simbahan. Dala-dala niya ang rosary na binigay sa kaniya ni Fender at mahigpit na hinawakan iyon. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil 'di pa rin siya pinapabayaan nito sa kabila ng pagsubok na binigay nito sa kaniya. Matapos nilang magsimba ni Indang, deritso silang nagtungo sa palengke. Nilakad lang nila iyon. Sanay naman siya sa mahabang lakaran kaya walang problema 'yon kay Blesy.
"Malaki ang palengke pero pasaan ba at mahahanap natin 'yang jowa mo na laging nawawala." Hinawakan siya ni Indang sa braso. Ito kasi ang may alam sa mga pasikot-sikot sa lugar. "Dikit ka lang sa'kin, Blesy, ha? Mainit sa mata ng mga tambay rito ang maganda mong mukha."
Bahagya niyang hinampas sa braso ang kaibigan. "Baliw ka. Hindi ako maganda."
Nagkibit la
"F-fender...""Okay lang ako."Napailing-iling s'ya kasabay ng pagbagsakan ng mga luha niya. Napalapit siya rito at mahigpit na napahawak sa kamay ng lalaki habang umiiyak. Hindi ito pwedeng makulong. Hindi ito pwede tumira sa likod ng rehas at malamig na kulungan!"Shhh... 'Wag ka na umiyak. Lumalaki na naman ang butas ng ilong mo kapag umiiyak ka, eh.""Fender naman! Kahit minsan magseryuso ka naman. Paano ako 'di iiyak, ha? Paano? Alam mong ikaw na lang ang natira sa'kin—""At lahat kaya kong gagawin para sa'yo, Blesy. Kaya kong pumatay ng hayop kung ikaw ang pag-uusapan at alam mo 'yan."Napahikbi siya. Damang-dama niya an
"H-hindi sa gano'n. Lahat ng 'to para sa'yo rin naman. Alam kong 'di mo ako maiintindihan ngayon pero iisa lang masasabi ko, Blesy, lahat ng ito ginagawa ko para sa'yo.""Talagang 'di ko naiitindihan. Masaya naman tayo rito. Kontento ako sa anong meron tayo ngayon. Ang mahalaga lang naman sa'kin ay makasama ka, Fender. Hindi mo naman kailangan gawin 'to at sabihing ginagawa mo ang lahat ng 'to para sa'kin."Napabuntunghinga ito at hinalikan lang siya sa noo. "Mahal kita. Mahal na mahal lagi mo 'yang tatandaan ha?"Hindi siya sumagot. Basta lang nagsipatakan ang mga luha sa mata niya at walang tigil ang mga 'yon. Alam ni Blesy na aalis si Fender at 'di niya mapipigilan ito. Kilala niya ang lalaki at iba rin ang paniniwala nito pagdating sa kaniya.
Tatlong taon ang lumipas. Walang Fender. Walang Fender Hearst na nangakong bumalik sa kaniya. Labin-walong taon na siya ngayon at sa loob ng tatlong taon na wala ang lalaki, ang daming nangyari. Ang traumang nakuha niya mula sa apat na lalaking muntikan bumaboy sa kanila ni Indang ang nagbigay sa kaniya ng takot na makisalamuha sa mga kalalakihan. Pero kahit gano'n, natutunan niyang maging matapang.Ang traumang nakuha niya ang siyang ginawa niyang hakbang para palakasin ang loob. Wala na ang si Fender na laging nagliligtas sa kaniya at masasabi niyang mas matatag siya ngayon. Hindi na siya iyakin tulad ng sinasabi ni Fender. Umiiyak lang siya kapag naiisip at namimiss niya ito pero pagkatapos no'n, ngumingiti siya para sa sarili.Wala na siya sa Dump Site, umalis siya ro'n after nang isang taong paghihintay sa lalaki. Nung ilang buwan
Hindi siya makatulog. Mag-uumaga na at wala siyang planong balikan muna si Blesy sa Hospital kahit kanina pa nag-uudyok ang kaniyang utak na bumalik sa silid nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa malaking silid niya at 'di mapakali. Bakit at paano niya nakalimutan ang babae? May parte ng kaniyang puso na nagsasabi na matagal na silang magkakilala at ito ang nagmamay-ari ng puso niyang matagal ng patay."Puta! Sino ka ba talaga sa buhay ko? Bakit 'di ko maalala ang nakaraan natin kung sakaling may nakaraan tayo?" galit siyang napasalampak ng higa sa malambot na kama. Kahit ang Ono drinks, 'di umepekto sa kaniya.Dinial niya ang numero ni Uno at nababagot na sinagot nito ang kaniyang tawag, "Got something for me?""Putangina! Ginagawa ko pa ang utos mo. Maghintay ka. Isang oras pa lang ang
Marahan tinanggal ni Blesy sa ulo ang kaniyang itim belo. Sinunod niya ang kaniyang suot krus na kwentas at suot nahabit. Lumantad ang kaniyang katawan sa malaking salamin sa loob ng silid na iyon. Tapos niya ng ikompisal kay Father Felipe ang lahat, pati ang kaniyang nakaraan na naalala niya. Pero bakit may parte pa rin ng kaniyang pagkatao ang nangangapa ngayon? Hindi niya matanggap. Hindi niya matanggap ang nangyari ngayon naalala niya na ang lahat. Mas masakit pa sa tama ng baril ang kaniyang nararamdaman ngayon. Hinahati ang kaniyang pagkatao.Kaya pala pamilyar sa kaniya ang lalaki nung pinakilala sa kanila ito ni Mother Helen kung saan siya unang nag-noviciate. Una niyang makita si Fender nung nakipag-usap ito sa mga bata at kasama niya si Mother Helen. Nang mga sandaling iyon, sumakit ang kaniyang puso at parang mahahati nang pinakilala sa kanila ang lalaki. Nagdao
Kung inisip ni Blesy na madali lang sa kaniya ang kalimutan si Fender, maling-mali siya. dahil nagsimulang naging magulo ang kaniyang tahimik na mundo. Paulit-ulit na lumitaw sa utak niya ang lahat at, mas malinaw niyang naaalala ang lahat. Hindi basta-basta isang lalaki lang si Fender sa buhay niya."Sister, bakit ang lungkot niyo po?"Napatingin siya sa batang nagngangalang Raiza at masuyong hinaplos ang mahaba nitong buhok. "Mukha ba malungkot si Sister Blesy?"Inosente itong tumango. Marahan naman siyang napabuntunghinga at malambing na ngumiti rito. Hindi niya pwede ipakita sa mga bata na apektado siya."Sister, nagluto ako ng paborito niyong ginataan hito ni Mother Jean."Hindi
Dinala siya ni Fender sa Iceland. Kung si Blesy ang tatanungin, wala siyang kaalam-alam kung paano siya nakalabas at nakarating sa lugar na ito na sa panaginip lang niya gustong mapuntahan. Si Fender ang nag-asikaso ng kaniyang passport at lahat-lahat. Gusto niyang magtanong kung paano nito ginawa ang bagay na iyon ng mabilisan. Ito rin ang gumawa ng excuse letter sa kaniyang teacher na mawawala siya for 1 week dahil may emergency siyang pupuntahan at binayaran nito ang teacher na may hawak sa kaniya."Hindi ako makapaniwala!" naluluhang sambit niya. Nasa Kakslauttanen Arctic Resort sila kumuha ng glass igloos, kung saan malaya nilang nakikita ang kalangitan mula sa loob."Hindi ka makapaniwalang gwapo ako?""Che!" Inirapan niya si Fender nang sumulyap siya rito. Kailan ba kasi ito mat
PAGOD na binagsak ni Blesy ang kaniyang katawan sa malambot na kamang nando'n sa loob ng glass igloos ng resort. Kahit papaano, nakaramdam siya ng ginhawa nang maihiga niya ang kaniyang katawan. Nakapagpalit na siya ng makapal ng pantulog. Pakiramdam niya, naging yelo na ang kaniyang bagang sa labas. Nakakapagod din pala ang magsisigaw at makikipaglaruan ng snow kay Fender sa labas, para silang mga bata na walang kahit anong inaalala."Tired?""Oo," nakuha pa rin niyang ngumiti rito. Hindi siya makapaniwala na engage na sila at niyaya siya nitong magpakasal. Ang lawak ng kaniyang ngiting pinagmasdan ang suot niyang singsing nang itaas niya ang kaniyang kamay. "Pero hindi ako mapapagod sa'yo.""Talaga?" Lumapit ito sa kaniyang gawi at tumabi sa kaniya sa higaan.