Share

10

Walang sagot mula rito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at alam niya ang nasa utak nito nang mga sandaling iyon. Takot. Takot ang nararamdaman nito laban sa kaniya. Nababasa niya at parang sinuntok ang kaniyang puso sa kislap ng mga mata nito. 

“Ano ka ba talaga? Anong klaseng tao ka?” 

Malakas ang lagaslas ng ulan pero malinaw ang kaniyang pandinig. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatitig sa babae. Nanatili sila sa gano'ng sitwasyon. 

“Takot ka sa'kin, hindi ba?” usal niya sa mga katagang iyon na lalong mas nagpadagdag ng takot sa pagkatao ng babae. 

“Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi kita dapat katakutan.”

Natawa siya ng mapakla at dumistansya rito. “Gusto mong maunang umuwi sa simbahan, right? Sige, umuwi ka na.”

Nayakap nito ang sarili at ilang beses na napatingin sa kaniya. Tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Isa kang mamatay-tao.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status