"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."Isang masuyong halik ang binigay ni Henrik kay Trinity at kasunod niyon ay palakpakan ng tatlong tao na naging testigo na kasal na sila.Isang civil wedding ang naganap at ang tanging bisita lang ay si Favio, aguela at aguelo niya. Maliban doon, wala ng iba. Siya ang may gusto noon at ayaw niyang maraming makakaalam. Sa isang judge sila kinasal.Nung una ayaw niyang tanggapin ang alok ni Henrik hanggang sa naalala niyang kailangan niya ng tulong. Para sa anak niya. Hindi niya kakayanin ang operasyon. Balak niyang lumuwas sa ibang bansa at magpaopera at kailangan niya ng malaking pera sakali.Kung nung una, okay lang sa kaniya na mamatay siya. Ngayon, huwag muna. Huwag muna!"Congratulations sweety!" Mabilis na lumapit ang aguela at aguelo niya sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.Yumakap din siya sa mga ito. Pinapangako niyang dadalawin niya pa rin ang mga ito kahit mag-asawa na sila ngayon ni Henrik."Congratulation
Napangiti si Trinity nang mabasa niya sa google ang meaning ng kärlek ay ‘love’ sa salitang swedish. Yes, naalala niyang swedish si Henrik at paminsan-minsan nagsasalita ito ng swedish noon pero mas nag-uusap sila sa salitang english at tagalog.Mabilis siyang naggayak sa araw na iyon. Gusto niya sanang magmukmok sa silid na iyon pero baka masanay siya kaya papasyal siya at lalanghap ng hangin.Maraming nagbago sa buhay niya sa isang iglap lang ng mata. Nakakalito nga isipin kung blessings ba talaga itong sakita niyang tumor o hindi. Nakakatawa lang talaga isipin dahil kasama niya sa iisang bubong si Henrik at ngayon ay asawa na siya nito. Hawak niya ang apelyido nito na pinag-aagawan ng ibang babae. Funny to say, pati pa nga ang kaniyang kapatid."Trie?" Tatlong katok sa pintuan ng silid niya ang nagpagising sa kaniyang diwa.Nakaharap pala siya sa salamin at pinagmamasdan ngayon sa life size mirror ang manipis na tiyan. "Wait, wait! I'll be there in a minute." Mabilis niyang kinuha
Namalagi pa sila nang ilang oras doon ni Henrik at labis ang saya ni Trinity na naramdaman, totoo iyon. Dahil lahat ng galaw at kislap ng mata ni Henrik laban sa kaniya ay totoo iyon. Walang pagkukunwaring nakikita niya.Kung awa man ito o pagmamahal, wala na siyang pakialam. Mas naka-focus ang atensyon niya sa buhay na nagsimulang tumibok sa kaniyang sinapupunan. Ito ang mas mahalaga sa kaniya ngayon at dalangin niya na sana ay malagpasan niya lahat hanggang sa maisilang ang anak niya. Kahit makita lang ito saglit ay masaya na siya roon."Trie?""Hmm?" Napalingon siya kay Henrik. Nasa harap sila ng food truck. Maraming nakapilang mga bata pero nung makita ng mga ito na si Henrik ang nasa likuran, kaagad na pinauna ng mga bata ang asawa niya. Tulad nung naunang dalawang bata, sinenyasan lang ito ni Henrik na huwag maingay at kaniya-kaniyang tango ang mga ito na kinikilig."Here's your order, Ma'am."Malugod naman niyang tinanggap ang pagkain. Ang sarap pala magmahal ng walang sakit na
Parang nasa langit ang puso ni Trinity nang araw na iyon. Paano ba naman kasi, nanalo ang team nila ni Henrik. Parang pinaglalaruan lang ng team nito ang kalaban dahil hindi nakaalis ang score ng mga ito sa uno. Nakasampung puntos lang naman ang New Jersey Devil at apat doon ay si Henrik ang nakapag-home run!Ang galing naman talaga ng asawa niya! Kulang na lang ay alugin siya kanina ni Favio kung hindi lang nito naisip na may sakit siya."Congratulations!""Thanks." Ngumiti sa kaniya si Henrik. Sakay siya sa kotse nito at matagal din sila bago nakaalis sa loob ng pinadausan ng laro.Ininterview pa ang lalaki matapos nitong makapagpalit ng damit at hindi lang iyon, sinama pa siya sa interview nito at pinakita sa harap ng camera ang suot nilang singsing.Pati ang nag-interview na babae ay nagulat at napa-wow sa singsing nilang dalawa. Mas lalo pa siyang nawindang no'n nang sinabi ng lalaki harap-harapan sa camera na siya ang pinakamamahal nitong asawa at gaganapin ang church wedding ni
"You're pregnant?"Napatayo siya. Umilap ang kaniyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang titig ngayon ni Henrik. Bakit bigla yata siyang natakot?"Trie? Is it true, you're pregnant?Mas lalo siyang naging asiwa. Gusto niyang umarte na hindi pero sa paraan ng pagtatanong nito, hindi niya kayang umarte. Naunahan siya ng takot kung kaya ay napahawak siya sa kaniyang tiyan. Nagbaba siya ng tingin, napatitig siya sa kamay niya. Nanginginig iyon.Hindi nga niya namalayan ang pagbiglang lapit nito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. May pag-iingat ang paghawak nito na para siyang isang babasaging kristal, na dapat ingatan.Takang nagtaas siya ng tingin at lakas loob na sinalubong ang mata ni Henrik, para lamang magulat. Naluluha ang lalaki habang nakatunghay ito sa kaniya. Iba ang nababasa niya, kasiyahan. Kasiyahan na hindi niya kayang pantayan.May pagkalito, at takot sa kislap sa mata nito pero mas nangibabaw ang kasiyahan sa balitang buntis siya. Taliwas ang reaksyon
Ibang silid ang nagisnan ni Trinity nang imulat niya ang kaniyang mata. Kaagad naman na lumapit si Henrik sa kaniya at mabilis na kinuha ang kaniyang kamay. Hinalikan nito iyon ng may pag-iingat."W-what happened?""You're okay now."Hindi siya kumibo. Okay nga ba talaga? Bakit nakikita niya ang hindi matatawarang lungkot sa mga mata ni Henrik? May kasiyahan dahil nagising na siya pero mas nangibabaw ang lungkot.Napansin niya rin may IV fluid sa kaniyang kamay nakakonekta at ando'n na naman ang pakiramdam na ayaw na ayaw niya ng hospital.Itatanong palang sana niya kung pwede na ba silang lumabas ng Hospital nang pumasok ang Doctor na kilalang-kilala niya; si Dr. Vivaldi Concerto. Biglang umasim ang kaniyang panlasa. Sa mukha palang ng Doctor, mukhang sinabi na nito kay Henrik ang sitwasyon niya at nang bata sa sinapupunan niya."Now you two can go home.""Why?" Nagulat naman siya. Inasahan niyang pagalitan siya ng Doctor."Because there's nothing I can do, Trinity, I recommend you f
MALUNGKOT na nakaharap sa salamin si Trinity nang umagang iyon. Isang buwan na ang nagdaan at walang nagbago. Naaawa na rin siya kay Henrik. Kahit wala itong sinasabi, alam niyang nalulungkot at naaawa sa kalagayan niya.Nasa practice ang asawa niya at pansamantalang sinamahan siya ni Favio ngayon araw. May pupuntahan siya at iyon ay ang kaniyang kapatid na si Serenity. They need to talk. Kung sakali man na mawala siya, ayaw niyang mawala na nagtatampo at malaki ang galit nito sa kaniya dahil lang sa inagaw niya ang lalaki na gusto nito."You good?""Yeah." Ngumiti siya kay Favio. Sa Country Coffee Shop ni Serenity nagpahatid sa lalaki at hindi na rin siya nagpasama nung pumasok siya sa coffee shop ng kapatid niya.Nagulat pa ang babae nang makita siya pero ngumiti pa rin ito ng tipid. Inanyayahan siya nitong magkape pero hindi na siya nagpaunlak dahil bawal naman sa kaniya ito."What brought you here?" Agarang tanong nito nang makaupo silang dalawa.Wala pang customer sa araw na iyon
BAGSAK ang balikat na pumasok si Trinity sa sasakyan ni Favio. Tapos na silang mag-usap ng kaniyang Ina at nakokonsesnya siya kung bakit sinabi niya rito. Inexplain niya sa Ginang ang kaniyang kalagayan at mali yata siya kung bakit niya ito ginawa dahil nawalan ito ng malay, dahilan para mag-alala ang pamilya nito at pinakiusapan siyang bumalik na lang sa susunod na araw."Next location?""Henrik.""Okay."Ngumiti siya kay Favio saka sinandal ang sarili sa headrest ng upuan. Babalik siya sa susunod na araw kapag okay na ang Ginang. Sa ngayon ay pupuntahan niya si Henrik para yayain ito na sabay silang kumain tatlo ng dinner. Wala lang, gusto niya lang makasama ang lalaki ngayon. Ewan at ganito ang nararamdaman niya. Ganito siguro talaga kapag may taning na ang buhay.Dalawang oras ang kanilang binyahe ulit pabalik sa downtown at dumeretso na agad sila sa kung saan nag-ensayo ang asawa niya.Kaagad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Henrik. Hindi na siya bumaba sa kotse ni F