Share

Chapter 2.2 - Invitation

Mabilis na natapos ang huling klase ko kaya dumeretso na 'ko sa bahay para makapaghanda. Tricycle ang sinakyan ko pauwi, balak ko sanang gamitin ang sasakyan mamaya dahil kailangan ko na palang mamili, ubos na ang stock ko. Nilista ko ang mga bibilhin sa grocery para hindi na 'ko malito mamaya. Uunahin ko muna ang paghahanap ng trabaho bago mamili para hindi hassle. Magpapa-gas nalang ako mamaya sakaling mag-kulang sa gas, may tira pa naman siguro akong pera para sa pamimili. 

Ilang buwan na rin magmula noong huli kong ginamit ang sasakyan, hindi ko alam kung gamay ko pa ba yon. Sa tagal nitong nakatengga, baka may sira na ang mga parts. Ipatitingin ko nalang kay Theo kung sakaling may sira nga, may talyer naman sila sa bayan. 

"Finally!" sambit ko nang mag-start ang sasakyan, buong akala ko ay hindi na s'ya gagana dahil kanina ko pa sinusubukan. 

Nag-drive na 'ko patungong coffee shop na pag a-applyan ko. I'm wearing blue blouse and white trousers for the interview, ito lang kasi ang pinaka-simple sa naiwang gamit ni Mommy. Ang iba ay puro dress o skirt, hindi naman ako nagsusuot ng ganoon. 

"Naku, hija! Mabuti nalang at dito mo naisipang mag-apply, ilang araw na kasing hindi napasok yung isa kong empleyado. Hindi rin sinasagot ang mga text at tawag ko, saan na kaya napadpad ang babaitang 'yon?" kwento nang may-ari, si Ma'am Lorette.

Matanda na si Ma'am Lorette, librarian s'ya sa dati kong school noong highschool at nang mag-retiro ay nagtayo siya ng coffee shop. Matandang dalaga ito, mukhang istrikta pero kapag nakilala mo na, hindi naman pala. Ibang-iba ang istura n'ya sa ugali n'ya, palabiro kasi ito kahit pa mukhang laging seryoso. May pagka-maarte rin. 

"Kailangan ko po kasi talaga ng trabaho, Ma'am Lorette. Mabuti nalang din po at hiring kayo," tugon ko. 

Iginala n'ya ko sa kan'yang coffee shop, hindi naman siya kalakihan. Malinis ito at halatang organized ang lahat. Tanging chef lang ang nasa kitchen, palakaibigang ngiti ang iginawad sa'kin nung matandang chef na Inday daw ang ngalan. Itinuro na rin sa'kin ni Ma'am Lorette ang mga gagawin, ang sabi niya'y ako ang tatao sa counter. Hindi naman masyadong mahirap dahil self-service ang patakaran doon. 

"Tiya Lo nalang ang itawag mo sa'kin, hija. Kapag tinitingnan kita, parang gusto ko magka-anak bigla.she chuckled. "Sa tatay mo siguro ikaw nag-mana, hindi kasi kayo mag-kamukha ni Eula," dugtong pa n'ya. 

I don't know how to act in times like this so I just smiled. Hindi siguro ramdam ni Tiya Lo na ang awkward para sa akin na pag-usapan 'yon. 

"I really love your eyes, kahit noon pa!"

Again, I don't know how to react to that compliment. Noon pa man, mata ko na ang palaging napapansin sa'kin. Well, I have amber eyes, a pointed nose, a defined jaw that perfectly highlighted my cheekbones, a pinkish lips and a long wavy hair. I'm 5'4 tall with a not-so-curvy body and morena skin. Sobrang layo sa itsura ni Mommy na maputi at makurba ang katawan. 

"Thank you po, Tiya Lo," tugon ko. 

Nang matapos ako roon ay nagtungo na 'ko sa grocery para mamili. Medyo madami ang pinamili ko, good for two weeks dahil ganoon ang nakagawian ko. 

Tiya Lo told me to start working tomorrow. Sapat lang ang sweldo pang-tustos sa pangangailangan ko, maayos din dahil tuwing sunday ang day off ko at kaunti lang naman ang gagawin. Ilang taon nalang naman at makakapagtapos na 'ko, balak ko sanang lumuwas sa ibang bansa para makakuha ng mas magandang trabaho pero hindi pa 'ko sigurado roon. 

Nasa labas na 'ko ng grocery, madaming bitbit. Bakit ba naman kasi hindi ako nagpatulong! Iisipin ko pa tuloy ngayon kung paano ko 'to madadala sa sasakyan, e, ang layo pa ng parking mula rito sa harap. 

"You need help?" 

Nilingon ko ang nagsalita at napagtantong si Maeve 'yon. Tatanggihan ko sana kaya lang masyadong madami ang dala ko kaya hinayaan ko na s'yang dalhin ang mga pinamili. 

"Where's your car?" tanong n'ya. 

Tinuro ko sakan'ya ang sasakyan. Tahimik lang kaming naglakad patungo roon at nang makarating ay ipinasok agad sa loob ang mga pinamili. 

"Thank you.." sambit ko rito. 

I smiled at him, pumasok na 'ko sa loob para sana tumulak na pauwi nang mapansing hindi pantay ang sasakyan. Bumaba ako para i-check ang gulong at tama nga ang hinala ko, flat ang isang gulong sa likod. 

"Kung minamalas ka nga naman.." bulong ko. 

Stress kong binuksan ang likod ng sasakyan para tingnan kung may extra akong gulong ngunit nang walang makita ay lalo akong na-stress. 

"May problema?" 

"Obvious ba—" natigil ako nang makita ulit si Maeve. Nakakagulat naman s'ya, parang kanina lang medyo malayo na s'ya sa'kin o baka namamalikmata lang ako? 

"Hatid na kita," sambit nito. 

I look at him. He seems to be nice, bakit kaya galit sakan'ya si Theo? And there, I remembered Theo. He wants me to avoid Maeve for I don't know what reason. 

Tinanggihan ko ang offer n'ya at sinabing magpapasundo nalang ako but he insisted. Wala rin naman daw s'yang gagawin at gusto n'yang libutin ang lugar. Wala na 'kong nagawa kundi pumayag.

"Wala ka kanina.." panimula n'ya. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya at inisip pa kung anong ibig sabihin no'n. Mabuti nalang at matalino ako, nalaman ko agad ang ibig n'yang sabihin. He's referring to the club, baka akala n'ya aattend ako kanina dahil first day ng mga new club members. Hindi naman na 'ko kailangan doon dahil bukod sa hindi ako officer, alam din nila na hindi ko sinisipot ang first day. Introductions lang kasi 'yon at alam kong kaya na nila 'yon. 

"I'm busy tsaka hindi na nila ako kailangan doon," simpleng sagot ko. 

After that, natahimik muli kami. Wala ni isang nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. I texted Theo to took care of my car, mamaya n'ya pa siguro aasikasuhin dahil baka nasa school pa 'yon pero ayos lang. 

Ibinaba n'ya ang mga pinamili sa tapat ng pinto, nanatili lang s'ya doon at hindi pumapasok. Pinagmamasdan n'ya ang loob ng bahay ko. It is rude to pushed him away after helping me earlier kaya niyaya ko itong pumasok. 

"Pasok ka muna, I'll treat you merienda bilang pasasalamat," saad ko. 

Medyo nagulat pa ito sa paanyaya ko at kalauna'y pumasok din sa loob. Dahan-dahan pa ang paghakbang n'ya na tila ngayon lang nakapasok sa ganitong bahay. Mukha pa naman s'yang mayaman. 

"Pasensya ka na sa bahay, medyo magulo," sambit ko rito. 

Iginiya ko s'ya papunta sa kitchen para doon ibaba ang mga dala n'yang paper bag. May nag doorbell kaya iniwan ko muna s'ya roon para pagbuksan ang kung sinong nasa labas.

"Ikaw pala, Theodore. Nakuha mo na yung kotse ko? Nasa parking lot ng grocery, bigla nalang na-flat yung gulong. Hindi naman flat yon kanina," bungad ko rito bago s'ya pinapasok. 

"Baka may nang-trip na naman, mga batang hamog. Mukha naman kasing ka-trip trip 'yang sasakyan mo, sabi ko sa'yo bumili ka nang bago," aniya habang tinatanggal ang jacket. 

Iginiya ko ito papasok habang umiiling. "Hindi ko naman kailangan ng sasakyan.." sambit ko rito. Nginisian n'ya lang ako. 

"Kanino yung kotse sa labas?" he asked. 

Before I could even speak, Maeve suddenly showed up. 

"That's mine," sagot ni Maeve na kararating lang mula sa kusina. 

Gulat akong binalingan ni Theo. Ang kaninang maaliwalas na mukha ay napalitan ng galit. 

"Why did you let him in?!" his voice thundered.

I shaken a bit because of that. He looks aggressive now, mas lalong naging ruthless ang itsura nito. I can even see how his jaw clenched in an aggressive manner. Nakakatakot. 

"W-well.. he helped me—"

"You are scaring her.." Maeve calmly said. 

Naglakad s'ya palapit sa'min. Ngayon, magkaharap na sila at ako ang nasa gitna. The tension between them is too much, I couldn't take it.

Napapikit si Theo, he muttered some curses before looking at me. Mukha na s'yang kalmado ngayon pero kita pa rin ang kaunting galit sa mga mata nito na para bang sinasabing mali ang ginawa ko. 

"You don't know him! You shouldn't let him in," kalmadong sambit ni Theo, ramdam ko ang galit n'ya at natatakot ako dahil doon. 

"She doesn't know you either," ani Maeve. Kalmado pa rin ito, ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa habang pinapantayan ang mapang-hamon na tingin ni Theo. 

Theo gritted his teeth, puno ng galit ang makikita mo sa mga mata nito. Buong akala ko ay magsusuntukan na sila sa harap ko, mabuti nalang at biglang dumating si Vernon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. 

"Naiwan mong bukas yung pinto kaya pumasok na ko, Myst." aniya bago tiningnan ang dalawang kasama ko. "Why are they here? Baka mag-away na naman kayo, ah! Kung mag-aaway kayo, 'wag dito. Respeto naman kay Mystica!" seryosong sambit n'ya. 

Huminga ako nang maluwag, nakabawi na 'ko mula sa takot at pagka-bigla kanina kaya galit kong binalingan ang dalawang kulang nalang ay magpatayan sa harap ko. 

"Kung may problema kayong dalawa, please lang, 'wag n'yo akong idamay!" singhal ko. 

Tahimik lang ang dalawa, kita pa rin ang galit sa tinginan ni Theo kaya tinaasan ko ito ng kilay, umiwas lang s'ya. 

"Magluluto ako nang pancake, kung gusto n'yong mag-merienda rito maupo kayo d'yan, walang mag-aaway! Kung ayaw n'yo naman, makakaalis na kayo," huli kong sinabi bago padabog na nagtungo sa kusina. 

Vern insisted to help me but I refused, ang sabi ko'y mas okay kung bantayan niya nalang ang dalawa. Baka mamaya magkapatayan pa 'yon, e. 

Nagluto ako ng pancake at nagtimplang hot chocolate. Nang matapos ay tinulungan ako ni Vern na ilagay ang mga 'yon sa mesa. 

Walang nagsalita ni isa sakanila nang makarating ako. Para silang maaamong pusa ngayon, takot gumawa ng kahit anong ingay. 

"Kumain na kayo nang makaalis na kayo sa pamamahay ko!" I hissed. 

Buong gabi kong inisip ang mga nangyare. Why did Theodore hate Maeve that much? He looks scared and hopeless when he saw Maeve inside my house. Is he scared of my safety? Did they knew each other? At ano yung sinasabi ni Maeve na hindi ko rin kilala si Theodore? Seriously, anong meron sakanila? Anong nalalaman nila? 

Theodore.. Maeve.. who are you? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status