Share

Chapter 2.1 - Two Idiots

"ANONG oras ang uwi mo?" Vern asked. 

I removed my seatbelt and opened the door, ready to leave but I answered him first. 

"2 pm, may klase ka pa kaya 'wag mo na 'ko ihatid pauwi," sagot ko rito bago bumaba ng sasakyan n'ya. 

"I'll ditch my class, introduction palang naman 'yon kaya ayos lang na 'di ko pasukan," saad n'ya. 

I stopped walking because of that. I can't let him ditch his class just to drive me home. Kaya ko naman ang sarili ko tsaka isa pa, maaga pa ang alas dos, tirik pa ang araw!

"No way, Vernon Madriaga. Graduating ka na kaya dapat mag-seryoso ka na ngayon! Baka lalong magalit si Tito sayo, hindi mo na nga sinunod ang kursong gusto n'ya tapos ibabagsak mo pa 'tong course na pinili mo!" 

Fourth year college na si Vern, ahead s'ya sa'kin ng one year. Actually, two years talaga ang tanda n'ya sa'kin kung hindi lang s'ya nag-loko ng isang taon noong highschool para lang hindi mahiwalay ng school sa'kin. Dalawang taon pa nga ang balak n'yang hindi seryosohin para lang makasabay ako, mabuti nalang at napilit ko s'yang mag-seryoso. Loko talaga!

Wala na s'yang nagawa kung hindi pumayag nalang sa gusto ko. Tsaka isa pa, mag-hahanap din ako ng trabaho dahil hindi na kakasya ang perang naiwan sakin ni Mommy sa pang-tuition ko next year. Ayoko namang mang-hingi kila Lolo, ilang taon na rin mag-mula noong huli kaming nag-kita. Baka nga hindi na 'ko kilala no'n dahil sa katandaan. 

Mom died last year because of leukaemia. My Dad? I don't know where he is, I don't even know him. Mom forbid me to talk about it. Sometimes, I'm thinking that maybe my friends before was right. That I'm an adopted child. Bukod sa hindi ko kamukha si Mommy ay hindi niya rin masabi sakin kung sino ang tatay ko. Even when she's dying, she didn't tell me. 

We are originally from Solemn Province, the place where I grew up but because of an accident, Mom decided to moved here in Peculium Ville that is I don't know how many miles away from the place where our ancestors lived. I kind of missed that place, maybe I should visit there some other time? 

Masyado kasing malayo ang lugar. Kung by land ang travel, aabutin ng mahigit dalawang araw. Wala naman akong sapat na pera pambayad sa plane ticket o kahit sa barko. May sasakyang iniwan sa'kin si Mommy, ni hindi ko nga ginagamit yon dahil masyadong magastos sa gas.

"I really need to find a job.." I unconsciously said. 

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase. Hindi ako makapag-focus dahil inaalala ko pa rin kung paano ako makakahanap ng trabaho. Ayoko namang sa restaurant nila Vern dahil nakakahiya kay Tito. Nilista ko nalang ang mga trabaho na pwede kong pasukan, iisa-isahin ko 'yon mamaya. 

Lunch na at nandito na naman si Theodore sa table namin ni Vernon. Nakakapanibago lang dahil hindi ko naman s'ya nakikitang nakain dito sa cafeteria noon. 

"I'm sorry about yesterday," panimula n'ya. 

Every student are curiously gazing at us, may ibang nagbubulong-bulungan pa tuwing mapapatingin samin. Theodore is standing in front of us, tahimik lang si Vernon sa gilid at halata sakaniya ang inis dahil noon pa man, ayaw niya na kay Theodore. Mabuti at nag-pipigil s'ya ngayon. 

"You should be.." bulong ni Vern kaya siniko ko s'ya. 

Pinandilatan ko ito ng mata bago tumingin kay Theo. 

"Just don't bother me again, okay?" sambit ko rito. 

"Promise me you won't talk to that guy again," he seriously said.

I stare at him for a minute, he is so sure of what he said. Bakit pakiramdam ko, mag-kakilala ang dalawa? 

"And why would I do that?" mapanuyong sambit ko. 

I shifted my weight, tila nang-hahamon sakan'ya. I know something's up with both of them, I just can't figure out what is it. Transferee si Maeve at si Theodore naman ay dito na lumaki sa lugar na 'to. Imposibleng mag-kakilala sila unless tama ang mga sinasabi nung iba, na sila Maeve ang may-ari nang bahay sa gitna ng kagubatan. Okay, let's say that they knew each other but.. why are they fighting? Why does it looks like they are rivals? 

"You want me to stop bothering you, right? I'll stop then, only if you promise me not to talk to him again. You have my word, Mystica." 

I look at him intently. I know Theodore can be trusted. He's a man with honor and a man who values loyalty. Sa tagal ko rito sa Peculium, masasabi kong mabuti s'yang tao. Kaya hindi na rin ako nag-taka noong nabalitaang maraming nag-kakagusto sakan'ya. 

I've known him even before I entered highschool, he's always the center of attraction, the face of our school, the king of our batch. My mother and his father were close friends, sila kasi ang unang kapit-bahay na nag welcome samin dito. Bukod sa magka-trabaho si Mommy at ang tatay ni Theo, magkapit-bahay din kami. He's annoying me every single day, kahit pa noong unang kita namin kaya sigurado akong hindi ko s'ya makakasundo. Lagi naman akong ibinibilin sakan'ya ni Mommy kaya grabe nalang ang pagiging overprotective n'ya sa'kin sa school noong highschool. Kahit papaano, tinuring ko rin s'yang kaibigan. Hindi nga lang gaya ni Vern. 

Vernon and I became friends because of an incident. He saved me from the kids who are bullying me when I was in first year highschool. They're bullying me because I'm close with Theodore, their knight in shining armor. Since then, I told Theo to avoid me and act like we didn't know each other. Of course I didn't tell him that his lovers are bullying me. Kalaunan ay ganoon na nga ang nangyari, dumistansya s'ya at paminsan-minsan nalang kami nagkikita sa school dahil busy din s'ya sa pagiging varsity. 

Before my Mom died, ibinilin n'ya ako sa pamilya ni Theo at Vern tutal sila lang naman ang kasundo namin dito. Kaya simula noong mamatay si Mommy, panay na ulit ang buntot sa'kin ni Theo. 

"Bakit muna? Threatened ka ba sa presence n'ya?" pang-aasar ko rito. 

Biglang nag-iba ang ekspresyon nito. Lagot na, ginalit ko yata. 

"Of course not! Mas gwapo naman ako do'n, mas malaki pa katawan ko. Walang wala sa'kin yon," pagmamayabang n'ya. 

Sumimangot ako dahil akala ko'y maiinis ko s'ya, hindi pa rin pala. I find it awkward that he's just standing in front of us so I told him to sit and eat with us. Ayaw pa sana ni Vern kaso wala s'yang magagawa. Sa tagal ko nang kilala ang dalawang 'to, walang araw na hindi sila nag-babangayan. Para silang aso't pusa tapos ako yung taga-awat. 

"Grey paborito n'yang color, tanga! Mas marunong ka pa sakin, e, mas nauna n'ya 'kong naging kaibigan kaysa sa'yo, Vernon." sambit ni Theo. 

Oh, shit. Here we go again. Hindi ko na sila pinansin at nag-patuloy nalang sa pagkain. Ramdam ko na agad ang tinginan ng iilang mapapadaan sa table namin. Sino ba namang 'di makakapansin sa dalawang 'to? 

"Bobo, green na paborito n'ya! Oo, ikaw nga nauna pero mas close kami. Oh, alam mo ba paborito n'yang ulam? Ano?" hamon ni Vern. 

Kumunot ang noo ni Theo at halatang nag-iisip ng isasagot. 

"Ah, alam ko! Chicken Curry, tanga ka! Akala mo, ah!" mayabang na sagot ni Theo. 

"Bobo, mali! Lechong baboy kaya paborito n'yang ulam!" sagot naman ni Vern. 

Mahinang binatukan ni Theo si Vern dahilan nang pag-aray nito. Nagkaka-pisikalan na sila, hindi na maganda 'to!

"Chicken Curry nga! Yun ang sabi sakin ni Tita. Oh heto, nakatikim ka na ba ng luto ni Icay? Ano? Hindi pa 'no? Kawawa ka naman.." pang-aasar ni Theo. 

Napahawak na 'ko sa ulo ko dahil sakanila. Nakaka-stress sila! Sana pala ay hindi ko na pinagsama sa iisang lamesa 'tong dalawa.

Tiningnan ako ni Vern na nanlulumo at parang tinatanong kung totoo ba 'yon. Bumuntong hininga na lamang ako. 

Totoo naman ang sabi ni Theo, natikman n'ya na ang luto ko noon pa. Pinagluto kasi ako ni Mommy ng sinigang, sabi n'ya ay kailangan matuto na 'ko. E, saktong niyaya ni Mommy na sa amin na mananghalian ang pamilya ni Theo. Nasarapan pa sila sa luto ko kahit first time ko 'yon, not bad. 

"Suntukan nalang. Ano? Palag!" matapang na sambit ni Vern. 

Tumayo pa ito kaya ginaya s'ya ni Theo, agad naman s'yang nanliit pero nanatili pa ring nakatayo. Mas malaki kasi ang katawan ni Theo sakan'ya. 

Padabog akong tumayo at pinag-untog sila. Napadaing naman sila sa sakit. Agad kong inayos ang mga gamit para makaalis na doon, masyado nilang nasisira ang araw ko, siguro panahon na para humanap ng ibang kaibigan? Biro lang. 

"Saan ka pupunta, hoy!" sigaw ni Vern at hinawakan ako para mapigilan sa pag-alis. 

Napapikit ako nang mapansing halos lahat ay nakatingin na samin. 

"Tingnan n'yo, dahil sain'yo pinag-titinginan na tayo. Para kayong mga bata.." mahinang sambit ko sakanila. 

Tiningnan nila ang kabuuan ng cafeteria at napansing nakatingin na nga sa'min ang lahat. Ang iingay ba naman, parang hindi magkalapit kung mag-sigawan, e. 

"Ito kasing si Bernon," sambit ni Theo. Diniin pa ang pagkakasabi ng B kaysa V para mainis si Vern. 

"Ikaw kaya nag-simula, Chodor." Pang-iinis rin ni Vern kay Theo. 

Napairap nalang ako at umalis na roon. Wala na 'kong pake kung mag-bangayan sila, ang mahalaga makatakas ako sakanila. Kahit kailan talaga, hindi ko talaga sila mapagsasama sa isang lugar. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status