"Saan ba kasi naka park ang sasakyan mo?" inis kong tanong.
Paano ba naman kasi, nasa malayo raw niya nai-park ang sasakyan niya kaya naglalakad kami ngayon. Maghapon na 'kong nakatayo kanina at masyado nang masakit ang paa ko. Daming trip ni loko, e, pwede naman niyang i-park ang sasakyan sa malapit.
Ilang sandali pa ay huminto na kami sa tapat ng isang sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang sasakyan niya ngunit wala roon
"Umayos ka, hoy! Pagod na kaya ang paa ko, saan dito ang sasakyan mo? Bakit wala?" Sinamaan ko siya ng tingin.
He smiled widely and handed me a key, I curiously look at the key before looking at him. Ngayon lang nag-sink in sa'kin ang gusto n'yang iparating.
"I've got a new car. Kay Papa talaga 'to kaso gusto kong ipakita sa'yo kaya ito na! Nabili na ni Papa!" aniya.
Itinuro niya ang sasakyan sa gilid niya. Tanda ko 'tong sasakyan na 'to, ito yung gustong-gusto ng Mama niya noon pa! Cadillac Escalade, 8 seater ito at pang-adventure talaga. Gusto kasi ng Mama niya na mag-bakasyon sa iba't-ibang lugar at minsan sinasama kami at iba nilang kamag-anak kaya gusto n'yang bumili ng ganitong sasakyan, 'yun nga lang at nawala agad si Tita. Mabuti at kahit papaano ay tinupad ni Tito ang gusto nito.
"Myst, meet V." Pakilala niya sa'kin.
Tuwing may sasakyan sila ay pinapangalanan niya ito. V siguro dahil yun ang initial ng Mama niya na initial niya rin. Veronica, Vernon.
Excited akong pumasok sa loob. Maging sa bahay nila ay panay ang kwento niya kung paano nila nabili ang kotse. Hindi pa raw sana sila bibili dahil wala ang kulay na gusto ni Tita, gray kasi ang gusto nila at red, black at white lang daw ang naroon. Mabuti at tinawagan daw ulit sila para sabihing may stock na nung gray.
"Balita ko'y nagtatrabaho ka raw sa coffee shop ni Lorette. Naku, tuwang tuwa siya noong ikinwento niya sa'kin noong isang araw sa bayan," ani Tito.
Nagpatuloy pa ang usapan tungkol doon. Halos hindi na nga matapos si Tito sa kakakwento, mabuti nalang at may tumawag sakan'ya. Nakahanap ako ng tiyempo para magtungo na sa kwarto ni Vern. Siya na raw kasi ang bahala sa pinagkainan namin kaya wala na 'kong nagawa.
Nang makarating ay nakita ko agad ang mga gamit ko sa ibabaw ng kama nito. Gaya ng nakasanayan, tabi ulit kami matulog ngayong gabi. Ayos lang naman sa'kin 'yon dahil komportable na 'ko sakaniya.
I took a bath. The whole day is so exhausting, ganito pala ang feeling kapag nagtatrabaho ka na, nakakapagod. Mom never let me do heavy things such as working, kahit sa mga gawaing bahay nga ay hindi niya 'ko hinahayaang gawin 'yon. Ayaw niya raw na mapagod ako. Natuto lang ako noong nagkasakit na si Mommy, wala na s'yang magagawa kung ako na ang kikilos sa bahay. Eventually, I learned. Natuto akong mag-banat ng buto, if that's what you call it. I learned how to stand on my own feet, I learned how to be independent.
Bigla akong napatingin sa aking kamay, remembering what happened earlier. That lady is weird, yung ngiti niya, yung mata niya, kung paano siya tumingin sa'kin, kung paano siya makipag-usap. Isama mo pa yung kasama niyang grabe rin kung makatingin. It's as if I'll disappear the moment they took their eyes off of me. Weird and.. creepy.
Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang katok mula sa labas, sigurado akong si Vern na 'yon. Nagmadali na ko sa pagbibihis para makalabas.
"Gusto mong mag part-time? One day lang," aniya nang makalabas ako ng bathroom.
I'm wiping my wet hair, I shot a curious look at him before turning to the large mirror beside, sumunod naman siya sa'kin at pinanood ako sa salamin.
His room is screaming teenager vibes. It is a combination of white, black ang grey. The large bed is on the middle, on the right side of it is a closet with a huge mirror door while his table with a computer set on top is placed on the left side of his bed. Pictures of his favorite superheroes are all over the wall together with a flat-screen television that's facing the bed.
"Si Mayor tumawag kay Papa kanina, ang restaurant daw ang kukunin para mag-cater sa gaganaping pista next week. Sabi ni Papa, kung pwede daw ba tayong mag part-time as caterer para may kitain tayo, kulang din kasi ang tauhan niya," paliwanag nito.
Tito's idea seems fine, I needed money especially now. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pati si Vern ay kasama? Ni hindi niya naman kailangan mag-trabaho, pera na mismo ang lalapit sakan'ya. They are privilege, kahit pa simple ang pamumuhay nila, I know they're filthy rich. His mother is the daughter of a Governor, it's hard to explain, basta I know they're not in a good condition before not until Vernon was born. His grandparents' heart melt, they finally accepted them in their family. That's what I know.
"Ayos lang naman sa'kin, gabi naman yon diba?" I asked.
He nodded.
Minutes after, he decided to take a shower. Nagpaalam naman ako rito na mauuna na sa secret place niya, he called it his treasured volt. Maingat kong ibinaba ang hagdan para hindi makagawa ng ingay, medyo mabigat ito pero kinaya ko naman. Dahan-dahan din akong umakyat, bumungad sa'kin ang mala-bakal na harang o ang pinto na nagsisilbing lagusan. May maliit na screen sa gilid nito, may maliit din na bilog sa itaas ng screen.
Pinilit kong iangat ang pinto ngunit hindi man lang ito umangat kahit kaunti. Natatandaan ko noon, may kinalikot si Vern dito bago bumukas, e. Ang mokong, hindi man lang sinabi sa'kin na pahirapan pala ang pagbubukas nito!
"Paano ba 'to?!" frustrated kong sambit.
Hindi sinasadyang naipatong ko ang kanang kamay sa screen, halos mapamura ako nang biglang mag-vibrate ito.
Nagtataka kong tiningnan ang screen at sumagi sa isipan ko ang isang bagay. I smirked, I think I know how to open this damn door.
I've known Vernon since highschool, he's a fan of science. He already invented some things and I know, this thing is part of his invention.
I placed my right hand on the screen, if I'm right, bubukas ang pinto kung madedetect nito ang fingerprints ko. Hindi nagtagal ay natapos din ang pag-a-analyze sa fingerprint ko at bumukas din ang pinto paakyat.
I'm right, Vernon trusted me so much to the point that he'd let me enter inside his secret place— his treasured volt.
Gaya noong una kong punta rito, hindi pa rin maalis ang pagka-mangha ko. I can't believe Vernon did this alone, it's just too hard to believe! Alam kong magaling siya mag-invent pero ang mag investigate? I doubt it, sigurado akong may nakapag-impluwensya lang sakan'ya. Maybe his grandfather.
Speaking of his grandfather, tapos ko na basahin ang journal nito and I can say that it helps me to know more about vampires but still, I don't easily believe on something unless it is already proven by my own eyes.
Kalaunan ay pumasok na rin si Vern at diniscuss niya na ang iba pang impormasyon na hindi ko pa nalalaman.
"Did you just say that they can hypnotize?" tanong ko rito sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.
Bigla kong naalala ang nangyari sa labas ng coffee shop!
"What's the matter?" nag-aalalang tanong nito.
Dahil sa dami ng iniisip ay hindi ko mapigilang kagatin ang daliri ko, patuloy na inaalala ang nangyari kanina.
"Did you notice something kanina when you called me outside the coffee shop? May nakita ka bang.. kausap ko?" kuryoso kong tanong dito.
Napakunot ang noo niya at mukhang inaalala ang mga nangyari kanina. I, on the other hand, patiently wait for his answer. Ayoko namang mag-conclude agad! Baka mamaya ay paranoid lang ako.
"Wala naman, nagulat nga ako kanina nang makita ka sa labas tapos nakataas pa ang kamay mo na parang may inaabot na kung ano, e, wala ka namang kasama roon," sagot nito.
This can't be! No way..
"She's a vampire.."
But, who is she? And why is she here and.. targeting me?
I told everything about what happened yesterday at the coffee shop to Vern that night. I am so sure that that woman is a vampire but I don't want to conclude yet. Baka nagkakamali lang ako and hell! Sana nga mali lang ako dahil ayokong makakita ng bampira!"Paranoid ka na naman, Myst," puna ni Vern.Napabaling ako sa nagsalitang si Vern. It's been almost a week since my encounter with that woman happened at simula noon, palagi na 'kong nakakaramdam na parang may nakamasid sa'kin. Noong una, hindi ko ito pinapansin pero nang tumagal ay na-conscious na 'ko sa mga galaw ko. Minsan itinitigil ko pa ang mga ginagawa ko para lang igala ang paningin ko, nagbabaka-sakaling makita kung sinong nakamasid at nag-oobserba sa'kin."Meron talagang nakamasid sakin, Vern," reklamo ko rito bago padabog na ibinaba ang pagkain sa usual table namin sa cafeteria.
"Kaya rin kita pinapunta rito ay para masabi mo sa mga kamag-anak ni Cha ang nangyari, I assume you have their contact numbers?" ani Sheriff Cruz.Hinatid niya kami hanggang sa makarating sa harap ng sasakyan. Hindi ako kumikibo mula kanina, patuloy ko lang na pinapatahan si Tiya Lo. Gusto kong sabihin kay Sheriff Cruz ang nakita ko, ang hinala ko. Pero baka tama nga sila, baka kagagawan ito ng mga nakatira sa kabilang baryo. At isa pa, sino naman ang maniniwala sa akin sakaling sabihin kong kagagawan iyon ng bampira? No one will believe me, some would even laugh at me.Tumango lang si Tiya Lo, hindi na makapagsalita. Nauna na itong pumasok sa sasakyan at nang ako na ay pinagbuksan ako ng pinto ni Sheriff Cruz.Nagtataka ko itong tiningnan, tumitig siya sa akin ng ilang segundo. Hindi ko maipaliwanag ang titig niyang 'yon, parang may.. pagnanasa. Hindi nagtagal ay binawi nito ang tingin at napaubo na lamang p
Today is our town's fiesta. Maaga akong gumising para makapaghanda ng almusal, bigla kong naalala na may tatlong asungot nga pala na dito natulog kagabi. Hindi ko na sila nilabas mula noong pumasok ako sa kwarto, pinahiram ko lang sila ng unan at kumot. Panay pa rin ang reklamo nila kahit nasa kwarto na 'ko.Nang makalabas ay bumungad sa'kin ang mga tulog mantikang asungot. Si Vern ang nasa sofa, prenteng nakahiga. Si Theodore at Maeve naman ang nasa sahig, tinanggal pa nila ang mesa para magkasya sila, naglatag din sila ng sapin para hindi sumakit ang likod nila. Natawa ako sa posisyon nila. Ang isang paa at kamay ni Theo ay nakaangat sa binti ni Vernon na nasa sofa, para siyang nakayakap dito. Si Maeve naman ay nakayakap talaga kay Theo, tila ginagawang pillow ang isa.Gusto ko na sana silang gisingin kaso ang himbing pa ng mga tulog nila kaya nagpasya muna akong magluto ng almusal. Itlog at ham lang ang niluto ko, sapat lang p
Hindi na kami nakapag-usap nang makarating kami sa restaurant para kunin ang mga pagkain at ihatid sa may plaza. Madilim na nang matapos kami sa paghahakot kaya naman kaunting pahinga lang ang ginawa namin bago bumalik sa trabaho. Nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming mga pwesto dahil dumarami na ang mga tao sa plaza, malapit nang magsimula ang event para sa pista.Naka-istasyon kami ni Vernon sa mga pagkain, sa inumin naman si Theo at Maeve. Medyo malayo sila sa'min kaya siguradong magiging mapayapa ang gabi ko. Payapa dahil hindi magsasama-sama ang tatlo.Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang event, napuno ng mga tao ang plaza, halos magsiksikan na ang iba. Nang tingnan ko sila Theo ay maraming kabataan at kaedaran namin ang nakapila sa gawi nila, karamihan sa mga 'yon ay babae, may iilang matatanda pa. Lakas talaga ng charisma nila!"Pahinga ka muna, Myst, ako nang bahala rito," ani Vern at nginitian ako.Na
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napatakip ako sa mukha para hindi masinagan ng araw, unti-unti kong itinayo ang katawan at nang makaramdam ng pagkahilo ay napahawak ako sa aking ulo.Pakiramdam ko'y umiikot ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin at nang idilat ang mga mata'y bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na silid. Kahit saan ako lumingon ay panay gold ang palamuting nakikita ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi makalikha ng anumang ingay. Inaalala ko rin ang mga nangyari, ang alam ko lang ay nasa plaza ako para magtrabaho kaya paano ako napunta rito?Did someone just kidnapped me? But I'm no longer a kid!Nagulat ako at napatalon nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at kasunod no'n ang paglabas ng taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon."Heads up, il mio amore," Amion uttered.Wala itong kahit na anong saplot maliban sa tuwalyang nakabalot sa bewang niya. He's
"Ano? Paano ka napunta sa bahay nung lalakeng 'yon?"Kinuwento ko kay Vernon lahat ng naaalala ko. Isang araw na ang nakalipas magmula noong naganap ang Fiesta. Nag-panic ang mga tao nang malaman ang nangyari kay Jelo, anak ni Aling Rosa at sa guro namin noong highschool na si Sir Rafael. Agad din namang humupa ang balitang 'yon, agad na nakalimutan ng taong bayan. Ayon sa sinabi ng pulis, kagagawan daw ito ng mga tao sa karatig baryo. Pero para sa akin at base sa nakita ko, malabong paniwalaan ko 'yon.Narito kami ngayon at naglalakad patungo sa parking lot ng school. Kakatapos lang ng meeting ng bawat club para pag-usapan ang mga gagawin sa araw ng Acquaintance Party na magaganap sa biyernes. Hindi sana ako pupunta kaso napilit ako ng mga clubmates ko. Inaalala ko tuloy kung anong susuotin ko."Hindi ko alam, Vern. Ang sabi niya, tinulungan niya raw ako dahil nakahandusay daw ako sa kalsada noong gabi ng Fiesta. Hindi ko ala
After few days of convincing Sheriff Cruz to include us in the investigations, we finally accepted our defeat. Mahirap kumbinsihin ang Sheriff gayong may sarili itong pananaw, hindi basta-basta mababali. Hindi naman namin pwedeng sabihin sa kagagawan ito ng isang bampira lalo't wala kaming sapat na ebidensiya at isa pa, baka hindi sila maniwala.Since that incident, I'm always seeing Amion around. Palagi siyang tumatambay sa coffee shop tuwing shift ko. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o sinasadya niya na. Dahil naging consistent customer siya, naging close na sila ni Tiya Lo. Binibigyan niya pa ito ng discount tuwing makikita rito. Bukod kay Amion, palagi ko na rin napapansin na sinusundan ako ni Theodore at Maeve. There are times that I'll bump into them. Gaya kahapon, nakasabay ko si Theodore sa grocery. Alam kong hindi siya yung tipong pupunta sa grocery mag-isa para mamili ng mga kailangan nila sa bahay dahil tamad siya at abala sa practice kaya nagtaka
Third Person's Point of ViewMakikita ang mga estudyanteng nagtitipon sa labas ng unibersidad. Isa na roon ang grupo na kinabibilangan ni Mystica, kasama nito ang mga kaibigan niya at nasa harap nila ang isang lalaking tindig pa lang ay nakakasindak na. Para bang pag-aari niya ang mundo, at walang pwedeng humamak dito.Nakatingin lang ito kay Mystica habang ang sulok ng labi niya ay unti-unting tumaas. Ang mga mata nito ay parang nanghihigop, nakakalasing at nakakapang-lambot. Wala siyang balak isailalim si Mystica sa mahika niya, gusto niya lamang tingnan ang mga mata nito. Hindi niya alam kung anong dahilan, hindi niya nalang mapigilan.Biglang naputol ang tinginan nila nang may isang lalaking humarang. 'Yun naman talaga ang sadya niya kaya siya dumalo sa paanyaya ng Dean sa escuelahan. Gusto niyang makita at makausap ang binatang si Maeve para maisakatuparan ang binabalak niya. Gusto niya itong takutin, inisin at galitin. Ngunit