I told everything about what happened yesterday at the coffee shop to Vern that night. I am so sure that that woman is a vampire but I don't want to conclude yet. Baka nagkakamali lang ako and hell! Sana nga mali lang ako dahil ayokong makakita ng bampira!
"Paranoid ka na naman, Myst," puna ni Vern.
Napabaling ako sa nagsalitang si Vern. It's been almost a week since my encounter with that woman happened at simula noon, palagi na 'kong nakakaramdam na parang may nakamasid sa'kin. Noong una, hindi ko ito pinapansin pero nang tumagal ay na-conscious na 'ko sa mga galaw ko. Minsan itinitigil ko pa ang mga ginagawa ko para lang igala ang paningin ko, nagbabaka-sakaling makita kung sinong nakamasid at nag-oobserba sa'kin.
"Meron talagang nakamasid sakin, Vern," reklamo ko rito bago padabog na ibinaba ang pagkain sa usual table namin sa cafeteria.
"Kaya rin kita pinapunta rito ay para masabi mo sa mga kamag-anak ni Cha ang nangyari, I assume you have their contact numbers?" ani Sheriff Cruz.Hinatid niya kami hanggang sa makarating sa harap ng sasakyan. Hindi ako kumikibo mula kanina, patuloy ko lang na pinapatahan si Tiya Lo. Gusto kong sabihin kay Sheriff Cruz ang nakita ko, ang hinala ko. Pero baka tama nga sila, baka kagagawan ito ng mga nakatira sa kabilang baryo. At isa pa, sino naman ang maniniwala sa akin sakaling sabihin kong kagagawan iyon ng bampira? No one will believe me, some would even laugh at me.Tumango lang si Tiya Lo, hindi na makapagsalita. Nauna na itong pumasok sa sasakyan at nang ako na ay pinagbuksan ako ng pinto ni Sheriff Cruz.Nagtataka ko itong tiningnan, tumitig siya sa akin ng ilang segundo. Hindi ko maipaliwanag ang titig niyang 'yon, parang may.. pagnanasa. Hindi nagtagal ay binawi nito ang tingin at napaubo na lamang p
Today is our town's fiesta. Maaga akong gumising para makapaghanda ng almusal, bigla kong naalala na may tatlong asungot nga pala na dito natulog kagabi. Hindi ko na sila nilabas mula noong pumasok ako sa kwarto, pinahiram ko lang sila ng unan at kumot. Panay pa rin ang reklamo nila kahit nasa kwarto na 'ko.Nang makalabas ay bumungad sa'kin ang mga tulog mantikang asungot. Si Vern ang nasa sofa, prenteng nakahiga. Si Theodore at Maeve naman ang nasa sahig, tinanggal pa nila ang mesa para magkasya sila, naglatag din sila ng sapin para hindi sumakit ang likod nila. Natawa ako sa posisyon nila. Ang isang paa at kamay ni Theo ay nakaangat sa binti ni Vernon na nasa sofa, para siyang nakayakap dito. Si Maeve naman ay nakayakap talaga kay Theo, tila ginagawang pillow ang isa.Gusto ko na sana silang gisingin kaso ang himbing pa ng mga tulog nila kaya nagpasya muna akong magluto ng almusal. Itlog at ham lang ang niluto ko, sapat lang p
Hindi na kami nakapag-usap nang makarating kami sa restaurant para kunin ang mga pagkain at ihatid sa may plaza. Madilim na nang matapos kami sa paghahakot kaya naman kaunting pahinga lang ang ginawa namin bago bumalik sa trabaho. Nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming mga pwesto dahil dumarami na ang mga tao sa plaza, malapit nang magsimula ang event para sa pista.Naka-istasyon kami ni Vernon sa mga pagkain, sa inumin naman si Theo at Maeve. Medyo malayo sila sa'min kaya siguradong magiging mapayapa ang gabi ko. Payapa dahil hindi magsasama-sama ang tatlo.Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang event, napuno ng mga tao ang plaza, halos magsiksikan na ang iba. Nang tingnan ko sila Theo ay maraming kabataan at kaedaran namin ang nakapila sa gawi nila, karamihan sa mga 'yon ay babae, may iilang matatanda pa. Lakas talaga ng charisma nila!"Pahinga ka muna, Myst, ako nang bahala rito," ani Vern at nginitian ako.Na
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napatakip ako sa mukha para hindi masinagan ng araw, unti-unti kong itinayo ang katawan at nang makaramdam ng pagkahilo ay napahawak ako sa aking ulo.Pakiramdam ko'y umiikot ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin at nang idilat ang mga mata'y bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na silid. Kahit saan ako lumingon ay panay gold ang palamuting nakikita ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi makalikha ng anumang ingay. Inaalala ko rin ang mga nangyari, ang alam ko lang ay nasa plaza ako para magtrabaho kaya paano ako napunta rito?Did someone just kidnapped me? But I'm no longer a kid!Nagulat ako at napatalon nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at kasunod no'n ang paglabas ng taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon."Heads up, il mio amore," Amion uttered.Wala itong kahit na anong saplot maliban sa tuwalyang nakabalot sa bewang niya. He's
"Ano? Paano ka napunta sa bahay nung lalakeng 'yon?"Kinuwento ko kay Vernon lahat ng naaalala ko. Isang araw na ang nakalipas magmula noong naganap ang Fiesta. Nag-panic ang mga tao nang malaman ang nangyari kay Jelo, anak ni Aling Rosa at sa guro namin noong highschool na si Sir Rafael. Agad din namang humupa ang balitang 'yon, agad na nakalimutan ng taong bayan. Ayon sa sinabi ng pulis, kagagawan daw ito ng mga tao sa karatig baryo. Pero para sa akin at base sa nakita ko, malabong paniwalaan ko 'yon.Narito kami ngayon at naglalakad patungo sa parking lot ng school. Kakatapos lang ng meeting ng bawat club para pag-usapan ang mga gagawin sa araw ng Acquaintance Party na magaganap sa biyernes. Hindi sana ako pupunta kaso napilit ako ng mga clubmates ko. Inaalala ko tuloy kung anong susuotin ko."Hindi ko alam, Vern. Ang sabi niya, tinulungan niya raw ako dahil nakahandusay daw ako sa kalsada noong gabi ng Fiesta. Hindi ko ala
After few days of convincing Sheriff Cruz to include us in the investigations, we finally accepted our defeat. Mahirap kumbinsihin ang Sheriff gayong may sarili itong pananaw, hindi basta-basta mababali. Hindi naman namin pwedeng sabihin sa kagagawan ito ng isang bampira lalo't wala kaming sapat na ebidensiya at isa pa, baka hindi sila maniwala.Since that incident, I'm always seeing Amion around. Palagi siyang tumatambay sa coffee shop tuwing shift ko. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o sinasadya niya na. Dahil naging consistent customer siya, naging close na sila ni Tiya Lo. Binibigyan niya pa ito ng discount tuwing makikita rito. Bukod kay Amion, palagi ko na rin napapansin na sinusundan ako ni Theodore at Maeve. There are times that I'll bump into them. Gaya kahapon, nakasabay ko si Theodore sa grocery. Alam kong hindi siya yung tipong pupunta sa grocery mag-isa para mamili ng mga kailangan nila sa bahay dahil tamad siya at abala sa practice kaya nagtaka
Third Person's Point of ViewMakikita ang mga estudyanteng nagtitipon sa labas ng unibersidad. Isa na roon ang grupo na kinabibilangan ni Mystica, kasama nito ang mga kaibigan niya at nasa harap nila ang isang lalaking tindig pa lang ay nakakasindak na. Para bang pag-aari niya ang mundo, at walang pwedeng humamak dito.Nakatingin lang ito kay Mystica habang ang sulok ng labi niya ay unti-unting tumaas. Ang mga mata nito ay parang nanghihigop, nakakalasing at nakakapang-lambot. Wala siyang balak isailalim si Mystica sa mahika niya, gusto niya lamang tingnan ang mga mata nito. Hindi niya alam kung anong dahilan, hindi niya nalang mapigilan.Biglang naputol ang tinginan nila nang may isang lalaking humarang. 'Yun naman talaga ang sadya niya kaya siya dumalo sa paanyaya ng Dean sa escuelahan. Gusto niyang makita at makausap ang binatang si Maeve para maisakatuparan ang binabalak niya. Gusto niya itong takutin, inisin at galitin. Ngunit
Third Person's Point of ViewBiglang tumahimik ang buong paligid nang mamatay ang ilaw, pati ang musikang nanggagaling sa speaker ay namatay din. Madilim man ngunit halata pa rin ang kaba sa mukha ni Mystica. Hindi tulad ng ibang mga estudyanteng naroon na nakangiti at mukhang excited pa sa mga susunod na mangyayari."Ito na yata yung sinasabi nilang surprise ng seniors. Yearly daw may ganito," ani Vernon na katabi niya.Narinig man ang sinabi ng binata ngunit hindi pa rin siya mapakali. Kanina pa lang ay ramdam niya na may nagbabadyang panganib. Hindi niya alam kung ano o kung bakit, malakas lang talaga ang kutob niya sa mga ganitong bagay.Sa kabilang banda, ang dalawang binatang si Maeve at Theodore naman ay mas naging alerto. Nang matapos makausap ang dating kaibigang si Amion, dali-daling pumasok sa loob ng pasilyo si Maeve upang ipaalam kay Theodore ang mga nalaman.Alam niya noon palang na si Mystica ang pakay ng mga ito ng