Share

Chapter 3.1 - Akasha

Agad ding naayos ang sasakyan ko noong araw ding 'yon. Tahimik sila tuwing kaharap ako at kapag hindi naman ay doon sila nag-babangayan. Akala ko nga tutulungan ako ni Vern para awatin sila, ang loko nakisali pa. Ginagatungan n'ya pa ang dalawa, pustahan pa raw.

Simula rin noong araw na 'yon, palagi nang sumasabay sa'min tuwing lunch ang dalawa. Si Theo palaging bumibisita sa bahay, lagi akong pinapaalalahanan na isara nang maayos ang mga pinto at bintana. Si Maeve naman, tuwing wala pa si Vern lagi n'ya 'kong hinahatid patungo sa coffee shop dahil sabay kami minsan ng uwi.

Afternoon ang shift ko sa coffee shop, from 1 pm until 7 pm. Inayos ko na rin ang schedule ko sa school para tumugma sa shift ko sa coffee shop.

"You know you can hire me as your personal driver." He looked at me and flashed a smile.

Since then, Maeve's presence doesn't bother me at all. I'm comfortable when I'm with him. There's something about him that feels like I've known him my entire life. Like he's one of those missing pieces in my life.

"You know I can't do that, wala akong pera pambayad sa'yo!" I chuckled.

He parked the car in front of the coffee shop. Agad akong lumabas, agaw pansin ang sasakyan nito kaya laking gulat ng iba nang makita akong lumabas mula roon. Who wouldn't notice an old Ferrari 250?

Kumatok ako sa bintana, agad n'ya namang binuksan 'yon.

"A merienda or dinner will do," bungad niya sa'kin.

Kumunot ang noo ko dahil doon, mukhang mas mapapagastos pa 'ko sakanya, ah?

"No way, Maeve! Anyway, thank you. Next time ulit?" biro ko.

He bid his goodbye before started driving away. As soon as he vanished out of my sight, I went inside the coffee shop to work.

"Good afternoon, Tiya Lo!" masiglang bati ko rito.

Naroon siya sa usual table niya, sa pinakadulong bahagi ng coffee shop. She's wearing her specs while peacefully reading a book. She's sipping on her coffee when she noticed me. Agad s'yang tumayo at hinagkan ako.

"Maaga ka yata, hija?" tanong n'ya bago naupong muli.

"Maaga pong natapos ang klase," saad ko.

Nagpatuloy ito sa pag-babasa habang ako ay nag-ayos muna ng mga lamesa. Unti-unting dumarami ang tao sa coffee shop kaya naging abala ako. Late na rin kasi dumating 'yung katrabaho ko. Napagalitan pa s'ya ni Tiya Lo kaya medyo nagtagal sila sa kitchen.

"Three Americano, two espresso and one latte. And.. what's your best seller quick bites here?" the girl smiled sweetly.

Ngumiti rin ako kahit pilit. There's something on her that scares me. I find her dangerous. Her smile reflected evil to me. I don't know why..

"Cinnamon rolls, bagel, muffins and croissant, Ma'am," tugon ko.

"I'd like to have that," sambit n'ya.

Nagbayad na s'ya bago nagtungo sa isang upuan para hintayin ang order. She's with someone. The guy is wearing sunglasses ngunit ramdam kong nakatingin ito sa'kin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at itinuon ang atensyon sa order nila.

Tiya Lo turned on the television, balita agad ang bumungad doon.

"Lumabas sa autopsy na animal attacked nga ang ikinamatay ng babae ngunit hindi naniniwala ang pamilya ng biktima na isang hayop ang may gawa nito. Ayon sakanila ay mas masahol pa sa hayop ang may gawa nito sa anak nila.."

Agad na napukaw ang atensyon ko sa telebisyon, ipinakita roon ang blurred na imahe nung katawan ng babae. Ngumiwi si Tiya Lo at agad na pinatay ang tv.

"Nakakawalang gana naman ang balitang 'yon," aniya at nag-focus nalang sa pagbabasa.

Nang maibalot ko na ang mga order ay tinawag ko na ang babae.

"Miss Akasha!" tawag ko rito dahil 'yon ang pangalang sinabi n'ya kanina.

Agad s'yang tumayo at nagtungo sa'kin. She didn't check her orders, abala s'ya sa pagtingin sa'kin habang nakangisi na para bang may nakakatuwa sa'kin.

"Here's your order, Ma'am. Thank you!" I glance at her once to observe, she has a pale skin color, blonde ang buhok nito at pulang-pula ang labi. 

Kalaunan ay umalis na ito kasama ang lalake. Napansin kong naiwan n'ya ang wallet sa mesa nila kaya hinabol ko ito. Mabuti at hindi pa sila nakakalayo.

Isang Bugatti Chiron ang bumungad sa'kin nang makalabas, papasok na sila rito nang tawagin ko. Parang hindi pa nagulat ang babae nang makitang hawak ko ang wallet n'ya.

"Naiwan niyo po, Miss," saad ko rito.

Inilahad ko ang wallet n'ya, sinulyapan n'ya ito bago ibinalik ang tingin sa'kin. Itinaas n'ya ang kamay n'ya para abutin ang wallet ngunit ang mga mata n'ya ay abala sa pagtingin sa'kin na para bang hinuhuli nito ang mga mata ko. Napatingin ako sakan'ya, may kung ano sa mata nito na parang hinihigop ako, gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko magawa.

Para akong nababalot sa isang mahika, hindi ko magawang umiwas. Tanging mga mata n'ya lang ang tinitingnan ko at pakiramdam ko kaunting minuto nalang ay mawawala na 'ko sa wisyo.

"Mystica!" Agad akong napatingin sa kung sino ang tumawag at nang ibalik ko ang tingin sa harap ay wala na ang babae at kasama nito.

Sabay kaming pumasok ni Vern sa coffee shop, lutang pa rin ako dahil iniisip ko kung bakit biglang naglaho ang dalawa sa paningin ko kanina. Napakabilis ng mga pangyayari..

"Si Maeve daw naghatid sa'yo? May bagong bestfriend ka na? FO na ba tayo?" May pagtatampo sa boses nito.

Medyo naging abala kasi si Vern nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na s'ya inabala pa. Napag-usapan din namin na sakanila ako matutulog ngayong araw dahil Saturday naman bukas, walang pasok sa eskwela. Madami rin kaming dapat pag-usapan, marami akong tanong at marami rin s'yang kwento.

"Ang arte mo!" asar ko rito.

Naupo s'ya sa tapat ni Tiya Lo. Close silang dalawa dahil palagi n'yang binobola si Tiya Lo para makalibre ng kape. Hindi naman s'ya nabibigo tuwing nag-pupunta s'ya rito.

"Nag-merienda ka na ba, hijo? Naku, bagay talaga kayo nitong si Mystica! Kayo na ba?" malisyosyang tanong ni Tiya.

Iniwan ko na sila roon para maghanda ng merienda ni Vern. Si loko, gustong-gusto ang napiling topic ni Tiya Lo.

"Hindi pa nga po ako sinasagot, e. Sabi ko nga Mamita, sayang ang genes namin sakaling 'di kami magkatuluyan," biro n'ya.

Panay ang tawa nila. Kung ano-ano pang kwento ni Vern tungkol sa'min noong bata pa kami, hindi naman nagsasawa si Tiya Lo sa mga kwento nito.

"Bilisan mo kasi pumorma, mukhang nauunahan ka na, e. Nitong nakaraan, may ibang nag-hahatid d'yan, gara ng kotse hijo!" ani Tiya Lo.

Ibinaba ko sa mesa ang merienda ni Vern bago nag-tungo sa ibang mesa para linisin 'yon. Malapit na kasing magsara ang shop kaya mas ayos kung lilinisin ko na ngayon.

"Alam ko po 'yon, Mamita. 'Di hamak na mas gwapo naman ako roon! 'Di ba?" wika n'ya.

Nag-pose pa s'ya at kumindat sa'kin kaya mas lalong natawa si Tiya. I shook my head, daming alam nitong lalaking 'to!

Pagkatapos ko sa mga mesa ay nag-pasya akong mag walis habang patuloy na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Heto, Mamita, seryosong tanong. Sinong boto n'yo sa'ming tatlo para kay Myst? Ako, si Chodor o yung kanong 'yon?" aniya.

Natawa ako sa description n'ya kay Maeve, kano talaga? Porket maputi, kano agad? Palibhasa malibag siya e, syempre biro lang. Gwapo si Vernon, moreno ito gaya ko. Itim ang mga mata at mahahaba ang pilik-mata, bagay na kinaiinggitan ko sakan'ya. Mahaba naman ang pilik-mata ko pero ang kan'ya ay tikwas, ang akin ay hindi masyado. May kakapalan din ang kilay nito na lalong nagpapagwapo sakan'ya. Well-defined ang panga n'ya, matangos ang ilong at mapulang labi. He is 5'11 and has a slender but muscular body, pinipilit ko nga s'yang sumali sa sports kaso ayaw n'ya, wala daw s'yang hilig sa ganoon.

"Sino pa ba? Syempre hindi ikaw!" ani Tiya Lo sabay tawa.

Rinig na rinig ang halakhak ni Tiya sa buong coffee shop samantalang lugmok itong tinitingnan ni Vern. Nang mapunta sa'kin ang tingin ay nginitian ko ito nang nakakaloko. I mouthed 'buti nga' dahilan para irapan ako nito.

"Hala si Mamita tawang-tawa, pag 'to inasar ko, iyak 'to," pabirong sabi ni Vern.

Medyo umayos na si Tiya Lo, kinailangan pa ng tubig dahil nasobrahan yata siya sa pagtawa kaya inubo. Sinermonan naman s'ya ni Vern habang pinaiinom ng tubig. Mas lalo akong natawa dahil sa panenermon ni Vern, parang s'ya pa ang mas matanda sakanilang dalawa. 

Vernon is a grown up man now, nasubaybayan ko kung paano s'ya nag-matured, saksi ako sa lahat ng 'yon. Kaso, tuwing kaming dalawa nalang ay minsan para s'yang bata kung umasta, nakasanayan na rin kasi namin at isa pa, nangako kami na walang magbabago sa pakikitungo namin sa isa't-isa. 

"To be honest, wala akong iboboto sainyong tatlo dahil sa huli, desisyon pa rin ni Mystica 'yan. Kung saan s'ya sasaya, 'yon ang mahalaga," Tiya Lo smiled sweetly at me. 

"Kung ako po ang tatanungin, Tiya, wala akong pipiliin sakanila sakaling may gusto nga sila sa'kin. Ayos na ko sa pakikipag-kaibigan lang," seryosong sambit ko. 

Seryoso rin akong tiningnan ni Vern na unti-unting nag-form ng ngiti ang labi. Alam kong may iba s'yang nararamdaman para sa akin pero ayaw kong masira ang friendship namin. Alam kong alam n'ya na ang desisyon ko patungkol doon.

Tinulungan na 'ko ni Vern sa pag-aayos at nang matapos ay isinara na namin ang coffee shop. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status