Beranda / Romance / The Missing Piece / Chapter One hundred

Share

Chapter One hundred

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-29 09:28:44

NASA kalagitnaan ng kanyang klase si Michaela pero wala roon ang kaniyang atensyon. Inuukopa ng samo ‘t saring mga bagay ang kanyang isipan.

Kahit na sigurado na siya sa pagmamahal sa kanya ni Jacob, ay hindi niya maiwasang hindi maapektuhan sa ipinakitang larawan sa kanya ni Geneva kanina.

Talagang gumagawa ng paraan si Vanessa para muling makuha ang atensyon ng binata. Kailangan niyang alamin kung bakit nagkita kanina ang dalawa.

Kahit nasa kalagitnaan ng pagleleksyon ang kanilang professor ay nagawa niya pa ring i-text ang binata kung nasaan ito.

Hindi naman nagtagal ay nag-reply naman ito. Nasa bahay na raw ito ma ikinahinga niya ng maluwag. Ibig sabihin ay hindi n anito kasama si Vanessa.

Hindi na niya ito tinanong kung susunduin ba siya nito dahil naisip niyang magpahatid na lang kay Troy sa bahay nito. Gusto niya itong makausap tungkol sa pakikipagkita nito kanina kay Vanessa.

Mabuti na lang at hindi napansin ng kanilang professor ang pasimple niyang pagkalikot ng cellphone. Na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-one

    KUNOT ang noong binalingan siya ng binata.“Ano ba ang pinagsasabi mo? Kung anu-ano na lang ang mga ipinaparatang mo sa ‘kin kahit na wala ka namang ebidensya!” Tila nagmamaang-mangan pa ito.“Huh! Ebidensya ba kamo?!” Matigas na tanong niya rito kasabay ng pagkuha niya ng cellphone mula sa kanyang suot na shoulder bag. “Ito, oh!” Sabay pakita ng larawan na ipinadala sa kanya kanina ni Geneva.Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang ipinapakita niya rito kahit halos idikit na niya sa pagmumukha nito ang hawak na cellphone.“Ela, wala akong panahon para sa mga kalokohang pinaggagagawa mo ngayon! Ano naman ang mapapala ko diyan sa gusto mong ipakita sa ‘kin?”Sa labis na inis ay naihagis niya ang cellphone sa sahig. Wala na siyang pakialam kung masira man ito at mawalan siya ng cellphone.“Bakit, sa tingin mo ba nakikipaglokohan ako sa ‘yo? Bakit kasi hindi mo muna tingnan ang larawang pinapakita ko sa ‘yo para matauhan ka? Sa tingin mo ba magsasayang ako ng oras para puntahan ka ri

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-two

    NAGULAT siya sa ginawa ng binata. Halos hindi siya makakilos at hindi agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla.Nang tingnan niya ito ay ang naglalagablab na mga mata nito ang sumalubong sa kanya. Nahintakutan siya nag lumapit ito sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilaang balikat.“How dare you para sabihin sa anak ko iyan! Wala kang karapatan na sabihin ang mga ganoong bagay lalong-lalo na sa anak ko dahil walang importante ngayon sa ‘kin kundi siya! Walang iba kundi ang anak ko!” Sigaw nito sa kanya.Halos mapangiwi siya dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya. Hindi niya alam kung paano tatanggalin ang malabakal na mga kamay nito. Natataranta na rin siya dahil parang ibang Jacob ang nasa harapan niya ngayon.“Ja-Jacob, nasasaktan ako!” Sigaw niya rito at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak nito.“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil sa kakasabi ng mga masasamang salita laban sa anak ko! matatanggap ko pa kung si Vanessa ang si

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-three

    “Be, A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba ‘ng masama sa ‘yo? Inaway ka na naman ban ang dalawang babaita?” Sunod-sunod na tanong ni Claire sa kanya.Hindi niya magawang sagutin ito dahil natatalo siya ng kanyang sunod-sunod na paghikbi.“Be, sagutin mo naman ako. Ano ba ‘ng nangyayari sa ‘yo?” Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak na rin ito.Sa wakas ay nagawa niyang kumalas sa pagkakayakap dito para sagutin ito. Parang ayaw pa kasi niyang umalis sa balikat nito dahil pakiramdam niya ‘y doon gagaan ang kanyang pakiramdam.“Be, pwe-pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya rito sa pagitan ng paghikbi.“Oo naman!” Mabilis na sagot nito.“Doon tayo mag-usap sa kwarto ko,” paanyaya niya rito.Sumunod ito sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad papasok sa kanyang silid. Nagulat pa ito nang makita nitong naka-impake na ang lahat ng mga gamit niya.“Be, naguguluhan na talaga ako sa ‘yo. Ano ba talaga ang nangyayri? At saka, bakit naka-impake lahat ng mga gamit mo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-four

    “Oh, eh bakit naman daw nag-send sa ‘yo ng picture nung dalawa si Geneva? At paano namana nakuha noon ang number mo?”“I guess para pagselosin ako. Ang alam ko maraming paraan si Geneva para makuha ang gusto.”“Picture saan ba ‘yon?”“Ewan ko.” kibit-balikat niyang tugon. “Basta kahapon lang iyon nangyari, at tingin ko, nasa hotel silang dalawa noon base sa nakita kong background nung silid na kinaroroonan nila.”“Hay naku talaga. So, nagkikita pa rin pala sila ng palihim. Wala rin pala itong si Sir Jacob. Salawahan din pala siya tapos kapag tinatanong mo tungkol doon ay siya pa ang galit, pambihira!”“Eh ano pa ng aba?”So, since wala ang cellphone mo, ikwento mo na lang sa ‘kin kung ano ang pinag-usapan ng dalawang babaita.”“Walang balak si Vanessa na ipaalam kay Jacob na hindi tunay na anak nito si Venisse. Ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Takot siyang malaman ni Jacob ang katotohanan dahil obsessed siya kay Jacob. At sa tingin ko, hindi abot nang standard ni Vanessa ang trab

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-five

    “Okay na, ‘di ba? Wala nang makakakilala sa ‘yo niyan.”“Oo nga, Be. Maraming salamat, ah?”“Basta ikaw, walang problema,” nakangiting tugon nito sa kanya.“Siya nga pala,” kinuha niya ang maliit na kahon na pinaglagyan niya ng mga gamit na isasauli niya kay Jacob. “Pakibigay na lang ito kay Jacob, at pakisabi na rin na salamat sa lahat.”Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang kahon at pagkatapos ay nagsalita.“Sige, sasabihin ko. And wait, iyang mga bag mo, huwag mo nang dalhin iyan. Baka iyan pa ang magbuking sa ‘yo. May bag ako roon na hindi pa nagagamit, iyon na lang ang gamitin mo. Iwanan mo na lang iyan sa ‘kin na bag mo at kung sakaling makauwi ako ngayong taon sa bahay ay dadalhin ko na lang.”“Sige,” pagsang-ayon niya rito.Lahat ng mga gamit niyang naisilid na niya sa kanyang bag ay inilipat niya sa bag na ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.“Paano, Be. Aalis na ‘ko, ha? Umuwi ka ha? Para makapag-bonding tayo roon?”“Oo, Be. Sisikapin kong maka-uwi.

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-six

    NAKAPAGDESISYON na si Jacob at ang una niyang naisip ang kanyang ginawa. Walang tulog at walang ligo siyang pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Vanessa para makibalita kung tumawag na ba ulit ang mga kidnappers.Wala na siyang pakialam sa hitsura niya. Mas mabuti na nga iyon para mandiri sa kanya si Vanessa nang sa ganon, ay ito na ang kusang lumayo sa kanya.Saka na lang niya aayusin ang problema nilang dalawa ni Michaela kapag naayos na ang lahat ng problema sa kanyang anak.Sunud-sunod na malalakas na katok ang ginawa sa pintuan ng unit na kinaroroonan ni Vanessa. Pagbukas nito ng pinto ay nagulat pa ito dahil sa hitsura niya.“Ja-Jacob?! What happen to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Tiningnan niya lang ito ng masama at nagsalita.“Papapasukin mo ba ako o hindi? Kasi kung magdadadaldal ka lang diyan at hahayaan mo lang ako ritong tumayo sa labas, mas mabuti pang sa iba na lang ako tumuloy.” Galit na sambit niya rito.“Sige, pasok k

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seven

    NAGISING si Michaela dahil sa ginawang pagyugyog sa kanyang braso ng konduktor ng bus. Dinahan-dahan pa niya ang pagmulat ng mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng bus.“Ineng, nandito na tayo sa pinakahuling terminal. Ginising na kita dahil mukhang malalim ang tulog mo. Maya-maya lang kasi ay lalarga na naman ulit kami.” Sambit sa kanya ng konduktor.“Ga-ganon po ba? Naku, pasensya na po kayo,” paghingi niya ng paumanhin dito sabay tayo at agad na isinukbit sa likod ang malaking back pack bag.“Kung hindi sana kami aalis kaagad ay di sana hindi muna kita ginising at hinayaan lang na matulog.”“Maraming salamat na lang po, manong.”“Walang anuman, ineng. Mag-iingat ka na lang kung saan man ang punta mo.”“Opo, manong. Salamat po ulit.”Tumayo na siya at tuluyang bumaba ng bus. Luminga-linga muna siya sa paligid na parang kinakabisa niya ang lugar. Madilim na at tanging mga ilaw sa daungan at mga bahay sa malapit ang nagbibigay liwanag. Tama nga ang kaibiga

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-03
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eight

    HALOS tatlong oras din ang naging byahe nila sa ferry boat. Pagbaba nila ay sumakay pa sila ng tricycle na halos trenta minutos din ang itinagal.Sa wakas ay nakarating na rin sila sa bahay nito. Halos lantang gulay na siya at nagdidilim na rin ang kanyang paningin dahil sa nararamdamang gutom.Pagpasok nila sa gate na yari sa kawayan ay napalundag siya at napasigaw dahil sa biglaang pagkahol ng isang aso. Tumatakbo ito papunta sa kanilang direksyon kaya naalarma siya.Ang kaninang gutom at panghihinang nararamdaman niya ay parang bulang biglang nawala dahil sa takot na nararamdaman niya sa aso.“Patra! Na-miss mo agad ako? Tama na sa pagkahol, natatakot tuloy sa ‘yo itong magandang kasama ko.” Pagka-usap nito sa aso na parang tao lang. Hinawakan nito sa ulo ang aso at bahagyang hinimas ang ulo.Dahil sa ginawa nito ay lumambot ang awra ng aso at iginalaw-galaw pa nito ang buntot.“Pasensiya ka na kung natakot ka sa aso namin. Mabait naman itong si Patra. Sadyang tumatahol lang talaga

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-04

Bab terbaru

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-seven

    “ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-six

    “HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-five

    GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-four

    ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-three

    MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-two

    HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-one

    NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty

    KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-fifty-nine

    SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status