PAGPASOK nila sa kusina ay muling nagrigodon ang mga bulati niya sa tiyan. Gutom na gutom na talaga siya lalo na nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa."O siya, maiwan ko na muna kayo riyan, ha? Ikaw na ang bahala sa kaibigan ng kapatid mo, Carlo. At kami ng tatay mo ay matutulog na. Bukas na lang tayo mag usap-usap. At ikaw naman hija, huwag kang mahihiya sa ‘min, ha? Ituring mo nang ring bahay mo ito itong bahay namin,” sabi sa kanya ni nanay Myrna.“Opo, nanay Myrna.”Pagkatapos ay tumalikod na rin ito. Ipinaghila naman siya ng upuan ni Carlo, at pagka-upo niya ‘y umupo naman ito sa harap niya sa kabila.“Sige, kain ka lang. Ito, adobong native na manok ito. At ito naman, inihaw na tilapia. At ito naman, gulay na gabi na sinahugan ng tinapa na may halong sili kaya maanghang iyan,” pagpapakilala nito sa kanya nang mga ulam na nakahain.Tanging pagtango lang ang nagagawa niyang isagot dito dahil punung-puno ang bibig niya. Halos mabilaukan siya sa sunud-sunod na pagsubo ng
KINABUKASAN ay nagising si Michaela sa iba ‘t ibang klase ng tunog. Huni ng mga iba ‘t ibang klase ng ibon, pagputak ng mga manok, at kung anu-ano pa.Bumangon siya at inayos ang hinigaang kutson bago siya tuluyang lumabas ng silid. Nadatnan niya sa sala si nanay Myrna na nagwawalis sa sahig habang si tatay Diego naman ay nakupo at nagkakape.“Magandang umaga po, nanay Myrna at tatay Diego,” sambit niya sa dalawang matanda.Pareho namang tumingin ang mga ito sa direksiyon niya.“Magandang umaga rin sa ‘yo, ineng,” ganting bat isa kanya ni tatay Diego.“Gising ka na pala, hija. Bakit hindi ka ulit matulog? Maaga pa, ah? At saka, ganito talaga sa kami sa probinsiya, maagang gumigising,” sambit naman ni nanay Myrna.“Sanay din naman po akong gumising ng maaga dahil nagtatrabaho po ako,” sagot niya rito.“Ay, oo nga pala,” sambit nito at saka tumawa. “Maupo ka muna tiyan at ipagtitimpla kita ng…ano ba gusto mo, gatas o kape?”“Kahit ano na lang po sa dalawa. Pareho ko naman pong gusto iya
MAHIGIT isang linggo na si Michaela sa pamilya ng kanyang kaibigan at ang balak niyang tawagan ito ay hindi na niya nagawa dahil nawili siya sa araw-araw na gawain.Kung hindi pa ito mismo ang tumawag sa kanya ay hindi niya pa ito makakausap.“Hoy, Be! Ano na ang lagay mo riyan? Kumusta ka riyan? Hindi mo man lang ako naalalang tawagan!” Sabi ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinggan na pinagkainan nila ng tanghalian at nakalapag lang ang cellphone sa tuyong bahagi ng lababo. Ni-loud speaker niya pa ito para kahit naghuhugas siyang nakakausap niya ito.“Sorry, Be! Tatawagan naman talaga kita kaso, nakakalimutan ko palagi, eh! Noong gabing dumating kami rito ni kuya Carlo tatawagan din sana kita kaso tinamad naman ako. Sorry na!”“Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang tanggapin ang sorry mo! Ikaw talaga! Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo riyan at halos makalimutan mo na ang tawagan ako?”“Sa umaga kasi sumasama ako kina tatay Diego sa bundok par
“Huwag kang mag-alala, Be. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanya ang kinaroroonan mo. Kahit nga si ma’am Glydel panay na rin ang tanong sa ‘kin kung nasaan ka. Pumunta na rin iyon sa staff house at kinausap si ate Meeny. Ang sagot lang ni ate Meeny ay posibleng naglayas ka kasi wala lahat ang gamit mo. Pero hindi ko alam kung nagsasabi ba sila kay sir Jacob tungkol sa pagkawala mo rito. Ako naman kapag tinatanong, puro ewan at hindi ko alam ang palagi kong isinasagot. Mahirap na, baka madulas ako,” mahaang litanya nito.“Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa ‘kin. Hindi ko alam kung saan ako ngayon pupulutin kung hindi dahil sa ‘yo,” sinserong saad niya rito.“Ano ka ba? Wala ‘yon, ‘no? Malakas ka sa ‘kin, sister!” Pabirong sambit nito.“Ikaw talaga. Ano, wala ka pa bang gawa riyan at mukhang napahaba na ang ating pagtsitsismisan?”“Saktong-sakto naman ang tanong mo, ayan at tapos na ang break time ko. Ba-bye na, palagi kang mag-iingat diyan, ha? Pakikumusta mo na lang a
KINABUKASAN ay maaga siyang umalis ng mansyon dahil excited na siyang makita ang dalaga. Hindi niya mawari ang kanyang naraaramdanm dahil parang kinakabahan siya at hindi mapakali.Siguro dahil sa excitement na nararamdaman niya dahil sa matagal silang hindi nagkita ng dalaga at iniisip niya kung galit pa bai to sa kanya hanggang ngayon.Alas sais pa lang ay nasa labas na siya ng gate ng staff house. Hindi na muna siya bumaba ng sasakyan at sa loob na niya nito hihintayin ang dalaga.Ngunit lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin lumalabas ang dalaga. Muli siyang naghintay at umabot na siya ng alas siete y media kaya nakaramdam na siya ng pagkainip.Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukan itong tawagan. Ngunit nakapatay yata ang cellphone nito dahil hindi ito nag ri-ring.Nagpasiya na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa staff house para kausapin si Meeny. Nagulat pa ito nang makita siya.“Oh, Sir! Good morning po! Ngayon lang po yata kayo napadaan ng ganitong oras!” Bati
HINDI pa man niya naipa-park ng maayos ang kanyang sasakyan ay dali-dali na siyang lumabas at tumakbo papasok sa loob ng restaurant. Agad siyang dumiretso sa opisina ni Ms. Glydel at agad itong kinatok.Hindi naman ito nagulat ng mapagbuksan siya nito ng pinto.“Good morning, Sir! And welcome back!” Nakangiting bati nito sa kanya.“Where’s Michaela?” TAnong agad niya rito at hindi pinasin ang ginawang pagbati nito.“Ah Sir, akala ko, baka kasama mo lang siya kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang hindi niya pagpasok ng halos more than a week.”“Galing na ‘ko sa staff house at naikwento na sa ‘kin lahat ni Meeny ang nangyari. Now, may question is bakit hindi mo man lang ako in-inform na hindi na pala siya pumapasok? Alam mo namang ni wala ako kahit isang binigay na mensahe sa ‘yo na may pupuntahan kaming gathering sa Maynila, ‘di ba? So bakit kayo nag-assumed na kasama ko siya? Na magkasama kami?”“Sorry, Sir. Nagkamali ako sa part na iyan and inaamin ko naman po,” hinging paumanhi
MULING may sumaging ideya sa kanyang isip. Muli siyang bumalik sa restaurant at hiningi niya kay Ms. Glydel ang susi nang locker room.Binuksan niya ang locker ni Michaela at nagbabasakaling may makita siyang bakas roon kung nasaan man ito.Pagbukas niya ‘y tumambad sa kanya ang nakatupi nitong uniform sa restaurant at isang hindi kalakihang kahon na naka-packing tape.Alam niyang masama ang mangialam sa gamit ng iba pero nangangati ang kanyang kamay na buksan ang kahon.Pagbukas niya ng kahon ay nakita niya roon ang lahat ng mga ibinigay niya sa dalaga. Ang kwintas at hikaw na pinalagyan niya ng device alarm ay kasama sa mga naroon.Nanghihina niyang ibinalik sa kahon ang mga iyon at wala sa oras na napaupo siya sa pahabang upuan na naroon. Naglayas ba talaga ito o umalis? Ano ba ‘ng pinagkaiba ng dalawa?Kung umalis man ito, ano ang dahilan? Wala naman siyang ibang nakikitang dahilan kundi ang pag-aaway nila tungkol kay Vanessa.Doon niya naalala ang lahat nang mga ipinangako niya p
BAGO pa man dumating ang tanghali ay nakaayos na sa lamesa ang mga pagkaing kasama sa pasurpresa ng kanyang kaibigan para sa pamilya nito.Sa sobrang excited ng kaibigan niya ay hindi na nagawa nitong magpahinga o kahit ang umidlip man lang kahit ilang minuto.Pagkatapos nitong mag-almusal kanina ay nagmadali silang lumuwas ng bayan para bumili ng mga pagkain katulad ng letson manok, cake, at iba pang pagkaing luto na para hindi na sila mapagod.At saka, kung magluluto pa sila ay kakapusin na sila sa oras dahil mag a-alas siete na dumating ang kaibigan niya kanina at kumain pa ito.Pagpunta pa lang sa bayan ay bawas na ang kanilang oras kaya iyon na lang ang naisipan nilang gawin, ang bumili ng mga luto nang pagkain.Saktong alas onse na nang matapos sila sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Napag-usapan na nila kung ano ang gagawin pagdating ng pamilya nito.Mag a-alas dose na nang magkakasunod na pumasok sa kabahayan ang tatlo. Sina nanay Myrna, tatay Diego at Carlo.Nagulat pa a
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h
KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M
SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m