SUMASAKIT na ang ulo ni Jacob sa pagsagot sa kaliwa’t kanang tawag mula sa limang bagong branch na ipinapatayo niyang private resorts at fine dining restaurants. Araw-araw ganoon siya kaabala. Sa edad na dalawampu’t apat, siya ay naging ganap na bilyonaryo bunga ng pagtyatyaga at dedikasyon na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang.Kapag ganitong sunod-sunod na ang natatanggap niyang tawag na puro problema ang ibinabalita ay lumalabas talaga ang pagiging masungit niya. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa kausap na engineer sa kabilang linya. Habang kausap niya ito ay paroo’t parito siya sa loob ng opisina at sinasabayan pa ng pagkumpas ng isang kamay.Hindi sinasadyang natuon ang paningin niya sa CCTV footage dahil sa isang babaeng nakatayo sa harap ng restaurant na kinaroroonan niya. Saglit siyang nagpaalam sa kausap para tawagan ang gwardya sa labas.“Roger, papasukin mo nga ‘yang isang aplikante,” utos niya sa gwardya na nakabantay sa labas.“Sige po, Sir.”Pinagmasdan niya ang
IGINALA ni Michaela ang paningin sa kabuuan ng kwartong pinasukan. Namangha siya sa laki at ganda nito. Medyo nagtataka lang siya dahil parang sobra-sobra naman ang laki nito para sa isang tao, at naka-aircon pa.Lumapit siya sa kama at umupo. Tatlong tao ang kasya rito kung tutuusin. Ipinagpapasalamat na lamang niya na kung hindi dahil sa lalaki kanina ay baka sa lansangan siya matutulog at hindi sa ganito kagandang kwarto.Kahit naman para sa kanya ay hindi maganda ang ugali nito, hindi niya maitatangging ito pa rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng trabaho at magandang tirahan ngayon.Patapos na siyang mag-ayos ng mga gamit nang may kumatok sa pintuan.“Tuloy po, bukas ‘yan!”Pumasok ang babaeng sumalubong at nag-asikaso sa kanya kanina nang dumating siya. Ito ang namamahala sa staff house ayon dito.“Pagkatapos mo diyan ay dumiretso ka na lang sa pantry. Oras na kasi ng pananghalian. At kung may iba ka pang kailangan, magsabi ka lang at huwag kang mahihiya. Ibinilin ka sa ‘
HINDI mapigilang mapangiti ni Jacob habang inaalala ang nangyari kanina sa kanyang opisina nang interview-hin niya ang dalaga. Pangalan lang talaga nito ang gusto niyang malaman, at higit sa lahat, kung may kasintahan na ba ito.Kaya nang makuha niya ang sagot na gusto niya ay agad niyang tinapos ang interview at agad din itong pinalabas kahit na hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang magiging posisyon nito sa trabaho. Alam niyang nagtataka ang babae kung bakit ganoon ang naging takbo ng interview.Para siyang may sayad sa utak na nakangiti habang nagsa-shower. Hanggang sa pagtulog, ay ang tagpong iyon pa rin ang nasa kanyang isipan.Kinabukasan ay maganda ang naging gising ni Jacob na ipinagtaka naman ng mga kasambahay sa mansyon. Pasipol-sipol pa siya habang naghahanda papuntang opisina at nakangiti ring umalis.Pagdating niya sa restaurant ay agad niyang namataan ang babaeng laman ng kanyang isipan. Naka suot ito ng white polo shirt na naka tacked-in sa pang ibaba nitong black pa
NAPAGPASYAHAN ni Michaela na maglakad na lang pauwi sa tinutuluyang staff house dahil ilang kanto lang naman ang distansya nito mula sa restaurant na pinapasukan. Mas gusto niyang maglakad kaysa maghintay na mapuno ang shuttle service.Malayo-layo na siya sa restaurant nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Hindi niya maaninag ang nasa loob dahil tinted ang salamin nito. Nahigit niya ang paghinga nang bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan at makilala ang taong nagmamaneho nito.“Ms. Gomez! Bakit ka naglalakad? Hindi mo ba alam na may shuttle service ang restaurant?”Tanong nang taong walang iba kundi ang kanyang boss, si Jacob.“Huwag kang mag-alala, Sir, okay lang po ako. Alam ko naman po na may shuttle service, pero mas gusto ko po kasing maglakad. Exercise na rin po.”“Exercise? Eh, maghapon kang nakatayo, hindi pa ba exercise ‘yon? Halika, ihahatid na kita sa staff house, dadaanan ko rin naman kasi ‘yon.”“Naku, Sir, huwag na po. Okay lang po talaga sa ‘kin ang maglakad.”
HINDI makapaniwala si Michaela na magiging magkaibigan at malapit sila sa isa’t isa ng kanyang boss na si Jacob. Hindi naman pala talaga masama ang ugali nito katulad nang iniisip niya. Sadyang iyon lang ang naging tingin niya rito katulad nang tingin nito sa kanya nang una silang magkita.Halos araw-araw ay inihahatid na siya nito sa kanyang tinutulayang staff house at kung minsan naman, ay dinadaanan na rin siya nito sa umaga para sabay silang pumasok sa restaurant. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam nang kaunting pag-asa na baka may nararamdaman din ito sa kanya. Na baka pareho sila nang nararamdaman sa isa’t isa.Malapit nang matapos ang kanyang shift at ilang minuto na lang ay out niya na, pero wala pa ang kanyang magiging kapalitan kaya hindi siya pwedeng basta na lang umuwi lalo’t napakaraming customer. Sa waitress siya napiling i-assign ng manager dahil ito ang pinaka kailangan sa restaurant.Mag-a-alas siyete na nang dumating ang kanyang kapalitan na babae. Dapat ay hangga
AGAD na may kumislap na ideya sa isip ni Mickaela nang madaanan nila ang kaliwa’t kanang nagtitinda ng street foods. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil paborito niya ang ganoong klase ng pagkain.“Sir, huwag na po kaya tayong maghanap ng sosyal na restaurant? Diyan na lang tayo kumain, oh!” sabay turo niya sa mga nagtitinda.Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakayan bago itinuon ang paningin sa itinuro niya.Kumunot ang noo nito bago nag-aalinlangang sumagot.“Ano bang klaseng kainan ‘yan? Masarap ba diyan? Paano tayo kakain diyan, eh, ni wala ngang upuan at lamesa.”“Hindi lang masarap Sir, kundi sobrang sarap! Paborito ko ang mga ‘yan simula bata pa ‘ko! Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan. Halika na!”Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kusa na siyang bumaba ng sasakyan kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.Kumikislap ang mga mata niya sa lahat nang nadadaanang mga iba’t ibang klase ng pagkain. Nandoon lahat ng paborito niya; kikiam, fishball, isaw, in
HABANG binabaybay nila ang daan patungo sa dagat ay palihim na napapangiti si Jacob. Ramdam niya ang inis na nararamdaman ng dalaga dahil halatang-halata niya ang reaksyon sa mukha nito.Parang ayaw nitong may lumalapit na ibang babae sa kanya. Ibig sabihin, may gusto rin ito sa kanya. Dahil sa mga naiisip ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya na hindi naman nakaligtas sa mata ng dalaga. Magkapanabay kasi sila habang naglalakad at manaka-naka siyang sinusulyapan nito.“Ay! Nabaliw ka na talaga, Sir! Sana hindi na lang kita niyayang kumain doon. Nakakasira pala ng utak ang pagkain ng street foods.”“Grabe ka naman sa ‘kin, Ms. Gomez. Hindi na ba ako pwedeng maging masaya paminsan-minsan?”“Ah! Ikinasisiya mo pala ‘yong nangyari kanina. Sige, araw-araw tayong pupunta roon para araw-araw ka na ring masaya.”“Ikaw naman, hindi na mabiro. Halika, upo tayo rito sa buhanginan,” yaya niya sa dalaga nang sa wakas ay nakarating na sila sa tabing dagat.Nauna siyang umupo at tumabi naman i
ALAS SIETE pa lang ng umaga ay naghihintay na si Michaela sa labas ng gate nang tinutuluyang staff house sa pagdating ng among binata. Madalas kasi, kahit wala pang alas siete ay naroon na ito sa labas at naghihintay sa kanya, kaya naman inagahan niya ngayon para makabawi sa nangyari sa no’ng nagdaang gabi.Alam niyang masama ang loob nito o di kaya’y badtrip iyon dahil sa mga pinagsasabi niya rito. Tumingin siya sa suot na relong pambisig, mag a-alas siete y media na ngunit wala pa rin ito. Dinamdam siguro nito masyado ang sinabi niya kaya ayaw na siyang isabay sa pagpasok.Wala siyang nagawa kundi ang sumakay ng tricycle, dahil kung maglalakad pa siya ay tiyak na mahuhuli siya sa pagpasok. Pagdating niya sa restaurant ay nagulat siya dahil nakita niya sa parking area ang sasakyan nito. Ibig sabihin ay nauna na ito at hindi na nga siya naisipang isabay.Pagpasok niya sa restaurant ay masamang tingin ang sumalubong sa kanya galing sa kanilang manager na si Ms. Glydel."Pinapatawag ka
KINABUKASAN ay nagising si Michaela sa iba ‘t ibang klase ng tunog. Huni ng mga iba ‘t ibang klase ng ibon, pagputak ng mga manok, at kung anu-ano pa.Bumangon siya at inayos ang hinigaang kutson bago siya tuluyang lumabas ng silid. Nadatnan niya sa sala si nanay Myrna na nagwawalis sa sahig habang si tatay Diego naman ay nakupo at nagkakape.“Magandang umaga po, nanay Myrna at tatay Diego,” sambit niya sa dalawang matanda.Pareho namang tumingin ang mga ito sa direksiyon niya.“Magandang umaga rin sa ‘yo, ineng,” ganting bat isa kanya ni tatay Diego.“Gising ka na pala, hija. Bakit hindi ka ulit matulog? Maaga pa, ah? At saka, ganito talaga sa kami sa probinsiya, maagang gumigising,” sambit naman ni nanay Myrna.“Sanay din naman po akong gumising ng maaga dahil nagtatrabaho po ako,” sagot niya rito.“Ay, oo nga pala,” sambit nito at saka tumawa. “Maupo ka muna tiyan at ipagtitimpla kita ng…ano ba gusto mo, gatas o kape?”“Kahit ano na lang po sa dalawa. Pareho ko naman pong gusto iya
PAGPASOK nila sa kusina ay muling nagrigodon ang mga bulati niya sa tiyan. Gutom na gutom na talaga siya lalo na nang makita ang mga pagkaing nakahain sa lamesa."O siya, maiwan ko na muna kayo riyan, ha? Ikaw na ang bahala sa kaibigan ng kapatid mo, Carlo. At kami ng tatay mo ay matutulog na. Bukas na lang tayo mag usap-usap. At ikaw naman hija, huwag kang mahihiya sa ‘min, ha? Ituring mo nang ring bahay mo ito itong bahay namin,” sabi sa kanya ni nanay Myrna.“Opo, nanay Myrna.”Pagkatapos ay tumalikod na rin ito. Ipinaghila naman siya ng upuan ni Carlo, at pagka-upo niya ‘y umupo naman ito sa harap niya sa kabila.“Sige, kain ka lang. Ito, adobong native na manok ito. At ito naman, inihaw na tilapia. At ito naman, gulay na gabi na sinahugan ng tinapa na may halong sili kaya maanghang iyan,” pagpapakilala nito sa kanya nang mga ulam na nakahain.Tanging pagtango lang ang nagagawa niyang isagot dito dahil punung-puno ang bibig niya. Halos mabilaukan siya sa sunud-sunod na pagsubo ng
HALOS tatlong oras din ang naging byahe nila sa ferry boat. Pagbaba nila ay sumakay pa sila ng tricycle na halos trenta minutos din ang itinagal.Sa wakas ay nakarating na rin sila sa bahay nito. Halos lantang gulay na siya at nagdidilim na rin ang kanyang paningin dahil sa nararamdamang gutom.Pagpasok nila sa gate na yari sa kawayan ay napalundag siya at napasigaw dahil sa biglaang pagkahol ng isang aso. Tumatakbo ito papunta sa kanilang direksyon kaya naalarma siya.Ang kaninang gutom at panghihinang nararamdaman niya ay parang bulang biglang nawala dahil sa takot na nararamdaman niya sa aso.“Patra! Na-miss mo agad ako? Tama na sa pagkahol, natatakot tuloy sa ‘yo itong magandang kasama ko.” Pagka-usap nito sa aso na parang tao lang. Hinawakan nito sa ulo ang aso at bahagyang hinimas ang ulo.Dahil sa ginawa nito ay lumambot ang awra ng aso at iginalaw-galaw pa nito ang buntot.“Pasensiya ka na kung natakot ka sa aso namin. Mabait naman itong si Patra. Sadyang tumatahol lang talaga
NAGISING si Michaela dahil sa ginawang pagyugyog sa kanyang braso ng konduktor ng bus. Dinahan-dahan pa niya ang pagmulat ng mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng bus.“Ineng, nandito na tayo sa pinakahuling terminal. Ginising na kita dahil mukhang malalim ang tulog mo. Maya-maya lang kasi ay lalarga na naman ulit kami.” Sambit sa kanya ng konduktor.“Ga-ganon po ba? Naku, pasensya na po kayo,” paghingi niya ng paumanhin dito sabay tayo at agad na isinukbit sa likod ang malaking back pack bag.“Kung hindi sana kami aalis kaagad ay di sana hindi muna kita ginising at hinayaan lang na matulog.”“Maraming salamat na lang po, manong.”“Walang anuman, ineng. Mag-iingat ka na lang kung saan man ang punta mo.”“Opo, manong. Salamat po ulit.”Tumayo na siya at tuluyang bumaba ng bus. Luminga-linga muna siya sa paligid na parang kinakabisa niya ang lugar. Madilim na at tanging mga ilaw sa daungan at mga bahay sa malapit ang nagbibigay liwanag. Tama nga ang kaibiga
NAKAPAGDESISYON na si Jacob at ang una niyang naisip ang kanyang ginawa. Walang tulog at walang ligo siyang pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Vanessa para makibalita kung tumawag na ba ulit ang mga kidnappers.Wala na siyang pakialam sa hitsura niya. Mas mabuti na nga iyon para mandiri sa kanya si Vanessa nang sa ganon, ay ito na ang kusang lumayo sa kanya.Saka na lang niya aayusin ang problema nilang dalawa ni Michaela kapag naayos na ang lahat ng problema sa kanyang anak.Sunud-sunod na malalakas na katok ang ginawa sa pintuan ng unit na kinaroroonan ni Vanessa. Pagbukas nito ng pinto ay nagulat pa ito dahil sa hitsura niya.“Ja-Jacob?! What happen to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Tiningnan niya lang ito ng masama at nagsalita.“Papapasukin mo ba ako o hindi? Kasi kung magdadadaldal ka lang diyan at hahayaan mo lang ako ritong tumayo sa labas, mas mabuti pang sa iba na lang ako tumuloy.” Galit na sambit niya rito.“Sige, pasok k
“Okay na, ‘di ba? Wala nang makakakilala sa ‘yo niyan.”“Oo nga, Be. Maraming salamat, ah?”“Basta ikaw, walang problema,” nakangiting tugon nito sa kanya.“Siya nga pala,” kinuha niya ang maliit na kahon na pinaglagyan niya ng mga gamit na isasauli niya kay Jacob. “Pakibigay na lang ito kay Jacob, at pakisabi na rin na salamat sa lahat.”Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang kahon at pagkatapos ay nagsalita.“Sige, sasabihin ko. And wait, iyang mga bag mo, huwag mo nang dalhin iyan. Baka iyan pa ang magbuking sa ‘yo. May bag ako roon na hindi pa nagagamit, iyon na lang ang gamitin mo. Iwanan mo na lang iyan sa ‘kin na bag mo at kung sakaling makauwi ako ngayong taon sa bahay ay dadalhin ko na lang.”“Sige,” pagsang-ayon niya rito.Lahat ng mga gamit niyang naisilid na niya sa kanyang bag ay inilipat niya sa bag na ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.“Paano, Be. Aalis na ‘ko, ha? Umuwi ka ha? Para makapag-bonding tayo roon?”“Oo, Be. Sisikapin kong maka-uwi.
“Oh, eh bakit naman daw nag-send sa ‘yo ng picture nung dalawa si Geneva? At paano namana nakuha noon ang number mo?”“I guess para pagselosin ako. Ang alam ko maraming paraan si Geneva para makuha ang gusto.”“Picture saan ba ‘yon?”“Ewan ko.” kibit-balikat niyang tugon. “Basta kahapon lang iyon nangyari, at tingin ko, nasa hotel silang dalawa noon base sa nakita kong background nung silid na kinaroroonan nila.”“Hay naku talaga. So, nagkikita pa rin pala sila ng palihim. Wala rin pala itong si Sir Jacob. Salawahan din pala siya tapos kapag tinatanong mo tungkol doon ay siya pa ang galit, pambihira!”“Eh ano pa ng aba?”So, since wala ang cellphone mo, ikwento mo na lang sa ‘kin kung ano ang pinag-usapan ng dalawang babaita.”“Walang balak si Vanessa na ipaalam kay Jacob na hindi tunay na anak nito si Venisse. Ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Takot siyang malaman ni Jacob ang katotohanan dahil obsessed siya kay Jacob. At sa tingin ko, hindi abot nang standard ni Vanessa ang trab
“Be, A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba ‘ng masama sa ‘yo? Inaway ka na naman ban ang dalawang babaita?” Sunod-sunod na tanong ni Claire sa kanya.Hindi niya magawang sagutin ito dahil natatalo siya ng kanyang sunod-sunod na paghikbi.“Be, sagutin mo naman ako. Ano ba ‘ng nangyayari sa ‘yo?” Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak na rin ito.Sa wakas ay nagawa niyang kumalas sa pagkakayakap dito para sagutin ito. Parang ayaw pa kasi niyang umalis sa balikat nito dahil pakiramdam niya ‘y doon gagaan ang kanyang pakiramdam.“Be, pwe-pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya rito sa pagitan ng paghikbi.“Oo naman!” Mabilis na sagot nito.“Doon tayo mag-usap sa kwarto ko,” paanyaya niya rito.Sumunod ito sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad papasok sa kanyang silid. Nagulat pa ito nang makita nitong naka-impake na ang lahat ng mga gamit niya.“Be, naguguluhan na talaga ako sa ‘yo. Ano ba talaga ang nangyayri? At saka, bakit naka-impake lahat ng mga gamit mo
NAGULAT siya sa ginawa ng binata. Halos hindi siya makakilos at hindi agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla.Nang tingnan niya ito ay ang naglalagablab na mga mata nito ang sumalubong sa kanya. Nahintakutan siya nag lumapit ito sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilaang balikat.“How dare you para sabihin sa anak ko iyan! Wala kang karapatan na sabihin ang mga ganoong bagay lalong-lalo na sa anak ko dahil walang importante ngayon sa ‘kin kundi siya! Walang iba kundi ang anak ko!” Sigaw nito sa kanya.Halos mapangiwi siya dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya. Hindi niya alam kung paano tatanggalin ang malabakal na mga kamay nito. Natataranta na rin siya dahil parang ibang Jacob ang nasa harapan niya ngayon.“Ja-Jacob, nasasaktan ako!” Sigaw niya rito at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak nito.“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil sa kakasabi ng mga masasamang salita laban sa anak ko! matatanggap ko pa kung si Vanessa ang si