Beranda / Romance / The Missing Piece / Chapter Ninety-nine

Share

Chapter Ninety-nine

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-28 14:06:10

HALOS mabaliw si Jacob sa kaiisip kung saan at paano hahanapin ang kanilang nawawalang anak. Dahil sa labis na galit at pagkamuhi niya kay Vanessa ay nawala na sa isip niya na may anak siyang dapat na pinagtutuunan ng pansin.

Nang tumawag sa kanya si Vanessa ay halata niya sa boses nito ang kaba at sobrang takot para sa nawawala nilang anak kaya agad siyang napasugod sa kinaroroonan nito.

Nagtaka pa siya kung bakit sa isang hotel ito naroroon at hindi sa bahay ng mga magulang nito. Gusto na rin sana niyang mag-report sa mga pulis pero pinigilan siya nito dahil mas magiging delikado raw ang lagay ng kanilang anak sa mga kidnappers dahil kabilin-bilinan daw ng mga ito na huwag magsusumbong sa mga pulis.

Ayaw din nitong magsabi sa mga magulang na nakidnap ang kanilang anak dahil ayaw na daw nitong bigyan ng problema at isipin ang mga magulang. Nagtataka man ay sinunod na lang niya ang mga sinabi nito.

Napabaling ang paningin niya sa pintuan ng banyo kung saan kalalabas lang ni Vanessa mu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lily Ojastro
napaka Tanga naman ng Jacob na to d man lng Pina DNA test kung sa kanya nga Ang bata
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Missing Piece   Chapter One hundred

    NASA kalagitnaan ng kanyang klase si Michaela pero wala roon ang kaniyang atensyon. Inuukopa ng samo ‘t saring mga bagay ang kanyang isipan.Kahit na sigurado na siya sa pagmamahal sa kanya ni Jacob, ay hindi niya maiwasang hindi maapektuhan sa ipinakitang larawan sa kanya ni Geneva kanina.Talagang gumagawa ng paraan si Vanessa para muling makuha ang atensyon ng binata. Kailangan niyang alamin kung bakit nagkita kanina ang dalawa.Kahit nasa kalagitnaan ng pagleleksyon ang kanilang professor ay nagawa niya pa ring i-text ang binata kung nasaan ito.Hindi naman nagtagal ay nag-reply naman ito. Nasa bahay na raw ito ma ikinahinga niya ng maluwag. Ibig sabihin ay hindi n anito kasama si Vanessa.Hindi na niya ito tinanong kung susunduin ba siya nito dahil naisip niyang magpahatid na lang kay Troy sa bahay nito. Gusto niya itong makausap tungkol sa pakikipagkita nito kanina kay Vanessa.Mabuti na lang at hindi napansin ng kanilang professor ang pasimple niyang pagkalikot ng cellphone. Na

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-one

    KUNOT ang noong binalingan siya ng binata.“Ano ba ang pinagsasabi mo? Kung anu-ano na lang ang mga ipinaparatang mo sa ‘kin kahit na wala ka namang ebidensya!” Tila nagmamaang-mangan pa ito.“Huh! Ebidensya ba kamo?!” Matigas na tanong niya rito kasabay ng pagkuha niya ng cellphone mula sa kanyang suot na shoulder bag. “Ito, oh!” Sabay pakita ng larawan na ipinadala sa kanya kanina ni Geneva.Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang ipinapakita niya rito kahit halos idikit na niya sa pagmumukha nito ang hawak na cellphone.“Ela, wala akong panahon para sa mga kalokohang pinaggagagawa mo ngayon! Ano naman ang mapapala ko diyan sa gusto mong ipakita sa ‘kin?”Sa labis na inis ay naihagis niya ang cellphone sa sahig. Wala na siyang pakialam kung masira man ito at mawalan siya ng cellphone.“Bakit, sa tingin mo ba nakikipaglokohan ako sa ‘yo? Bakit kasi hindi mo muna tingnan ang larawang pinapakita ko sa ‘yo para matauhan ka? Sa tingin mo ba magsasayang ako ng oras para puntahan ka ri

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-two

    NAGULAT siya sa ginawa ng binata. Halos hindi siya makakilos at hindi agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla.Nang tingnan niya ito ay ang naglalagablab na mga mata nito ang sumalubong sa kanya. Nahintakutan siya nag lumapit ito sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilaang balikat.“How dare you para sabihin sa anak ko iyan! Wala kang karapatan na sabihin ang mga ganoong bagay lalong-lalo na sa anak ko dahil walang importante ngayon sa ‘kin kundi siya! Walang iba kundi ang anak ko!” Sigaw nito sa kanya.Halos mapangiwi siya dahil mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya. Hindi niya alam kung paano tatanggalin ang malabakal na mga kamay nito. Natataranta na rin siya dahil parang ibang Jacob ang nasa harapan niya ngayon.“Ja-Jacob, nasasaktan ako!” Sigaw niya rito at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak nito.“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumigil sa kakasabi ng mga masasamang salita laban sa anak ko! matatanggap ko pa kung si Vanessa ang si

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-three

    “Be, A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba ‘ng masama sa ‘yo? Inaway ka na naman ban ang dalawang babaita?” Sunod-sunod na tanong ni Claire sa kanya.Hindi niya magawang sagutin ito dahil natatalo siya ng kanyang sunod-sunod na paghikbi.“Be, sagutin mo naman ako. Ano ba ‘ng nangyayari sa ‘yo?” Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang umiiyak na rin ito.Sa wakas ay nagawa niyang kumalas sa pagkakayakap dito para sagutin ito. Parang ayaw pa kasi niyang umalis sa balikat nito dahil pakiramdam niya ‘y doon gagaan ang kanyang pakiramdam.“Be, pwe-pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya rito sa pagitan ng paghikbi.“Oo naman!” Mabilis na sagot nito.“Doon tayo mag-usap sa kwarto ko,” paanyaya niya rito.Sumunod ito sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad papasok sa kanyang silid. Nagulat pa ito nang makita nitong naka-impake na ang lahat ng mga gamit niya.“Be, naguguluhan na talaga ako sa ‘yo. Ano ba talaga ang nangyayri? At saka, bakit naka-impake lahat ng mga gamit mo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-four

    “Oh, eh bakit naman daw nag-send sa ‘yo ng picture nung dalawa si Geneva? At paano namana nakuha noon ang number mo?”“I guess para pagselosin ako. Ang alam ko maraming paraan si Geneva para makuha ang gusto.”“Picture saan ba ‘yon?”“Ewan ko.” kibit-balikat niyang tugon. “Basta kahapon lang iyon nangyari, at tingin ko, nasa hotel silang dalawa noon base sa nakita kong background nung silid na kinaroroonan nila.”“Hay naku talaga. So, nagkikita pa rin pala sila ng palihim. Wala rin pala itong si Sir Jacob. Salawahan din pala siya tapos kapag tinatanong mo tungkol doon ay siya pa ang galit, pambihira!”“Eh ano pa ng aba?”So, since wala ang cellphone mo, ikwento mo na lang sa ‘kin kung ano ang pinag-usapan ng dalawang babaita.”“Walang balak si Vanessa na ipaalam kay Jacob na hindi tunay na anak nito si Venisse. Ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Takot siyang malaman ni Jacob ang katotohanan dahil obsessed siya kay Jacob. At sa tingin ko, hindi abot nang standard ni Vanessa ang trab

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-five

    “Okay na, ‘di ba? Wala nang makakakilala sa ‘yo niyan.”“Oo nga, Be. Maraming salamat, ah?”“Basta ikaw, walang problema,” nakangiting tugon nito sa kanya.“Siya nga pala,” kinuha niya ang maliit na kahon na pinaglagyan niya ng mga gamit na isasauli niya kay Jacob. “Pakibigay na lang ito kay Jacob, at pakisabi na rin na salamat sa lahat.”Kinuha nito mula sa kanyang kamay ang kahon at pagkatapos ay nagsalita.“Sige, sasabihin ko. And wait, iyang mga bag mo, huwag mo nang dalhin iyan. Baka iyan pa ang magbuking sa ‘yo. May bag ako roon na hindi pa nagagamit, iyon na lang ang gamitin mo. Iwanan mo na lang iyan sa ‘kin na bag mo at kung sakaling makauwi ako ngayong taon sa bahay ay dadalhin ko na lang.”“Sige,” pagsang-ayon niya rito.Lahat ng mga gamit niyang naisilid na niya sa kanyang bag ay inilipat niya sa bag na ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.“Paano, Be. Aalis na ‘ko, ha? Umuwi ka ha? Para makapag-bonding tayo roon?”“Oo, Be. Sisikapin kong maka-uwi.

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-six

    NAKAPAGDESISYON na si Jacob at ang una niyang naisip ang kanyang ginawa. Walang tulog at walang ligo siyang pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Vanessa para makibalita kung tumawag na ba ulit ang mga kidnappers.Wala na siyang pakialam sa hitsura niya. Mas mabuti na nga iyon para mandiri sa kanya si Vanessa nang sa ganon, ay ito na ang kusang lumayo sa kanya.Saka na lang niya aayusin ang problema nilang dalawa ni Michaela kapag naayos na ang lahat ng problema sa kanyang anak.Sunud-sunod na malalakas na katok ang ginawa sa pintuan ng unit na kinaroroonan ni Vanessa. Pagbukas nito ng pinto ay nagulat pa ito dahil sa hitsura niya.“Ja-Jacob?! What happen to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Tiningnan niya lang ito ng masama at nagsalita.“Papapasukin mo ba ako o hindi? Kasi kung magdadadaldal ka lang diyan at hahayaan mo lang ako ritong tumayo sa labas, mas mabuti pang sa iba na lang ako tumuloy.” Galit na sambit niya rito.“Sige, pasok k

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seven

    NAGISING si Michaela dahil sa ginawang pagyugyog sa kanyang braso ng konduktor ng bus. Dinahan-dahan pa niya ang pagmulat ng mga mata dahil nasisilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng bus.“Ineng, nandito na tayo sa pinakahuling terminal. Ginising na kita dahil mukhang malalim ang tulog mo. Maya-maya lang kasi ay lalarga na naman ulit kami.” Sambit sa kanya ng konduktor.“Ga-ganon po ba? Naku, pasensya na po kayo,” paghingi niya ng paumanhin dito sabay tayo at agad na isinukbit sa likod ang malaking back pack bag.“Kung hindi sana kami aalis kaagad ay di sana hindi muna kita ginising at hinayaan lang na matulog.”“Maraming salamat na lang po, manong.”“Walang anuman, ineng. Mag-iingat ka na lang kung saan man ang punta mo.”“Opo, manong. Salamat po ulit.”Tumayo na siya at tuluyang bumaba ng bus. Luminga-linga muna siya sa paligid na parang kinakabisa niya ang lugar. Madilim na at tanging mga ilaw sa daungan at mga bahay sa malapit ang nagbibigay liwanag. Tama nga ang kaibiga

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-03

Bab terbaru

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-four

    NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang na

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-three

    HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-two

    “CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakai

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-one

    TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety

    TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-nine

    NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-eight

    “HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-seven

    NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-six

    GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status