Home / Romance / The Married's Mission / CHAPTER 4 - ROMANTIC

Share

CHAPTER 4 - ROMANTIC

Author: sonorouspen
last update Huling Na-update: 2023-08-11 01:19:38

Hindi rin nagtagal, sumunod na dumating sina Papa, s’yempre kasunod ang parents ni Leon. I keep releasing a heaved sigh every second that passes by.

“So, Leon totoo nga na nag-chi-cheat ka kay Lauren?” kunot noong tanong ni Mama Celeste, ang mother ni Leon.

I wanted to send my gaze through her direction, pero kinakabahan ako, baka mamaya ako ang mapagbuntungan ng mga katanungan. Mahirap na, baka mapalala ko lamang ang sitwasyon.

“Yes, we agreed to cheat with each other,” kalmadong sagot ni Leon.

Bumilog nang husto ang aking mga mata, saka nagmamadaling dinako ng mga mata ko ang kanyang gawi, habang ang aking panga ay halos malaglag na sa pinagkakabitan nito.

I can’t believe this! Hindi man lang siya nagsinungaling! Hindi man lang siya gumawa ng kwento! Umamin siya agad! What the hell Leon? Papatayin mo ba ako nang maaga sa nerbyos?

“What are you talking about son?” malamig na usisa ni Papa Arturo, ang ama ni Leon. Nagawi ang aking mata sa direksyon nila, napalunok ako nang salubungin ako ng malalamig nilang tingin.

“I and Lauren, agreed to cheat on each other.”

Pakeningshet naman oh? Inulit pa! Talaga naman Leon! Bahagya akong dumikit kay Leon at gamit ang dalawa kong daliri, kinurot ko ang kanyang tagiliran.

He immediately sent his gaze towards my direction. Seriousness is painted all over his face. “What?” he mumbled under his breath.

“Kumalma ka naman, kulang na lang e i-reveal mo na lahat ng sikreto ng relasyon natin,” nakangiwing bulong ko pabalik.

“Huwag kayong magbulungan, kausap ninyo kami,” malumanay, subalit maawtoridad na pahayag ni Mama, kaya naman napatuwid ako sa aking pagkakaupo at no choice akong hinarap na lamang sila.

Ramdam ko rin na ganoon din ang ginawa ni Leon sa tabi ko.

“So, you two have an agreement? Tell us about it. Walang labis, walang kulang,” sambit naman ni Papa, na akala ko mananatili na lamang tahimik sa tabi ni Mama.

Lagi lang kasing tahimik si Papa, pero kapag nagsalita na siya, iyon na ang pahiwatig na hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

“We both have no feeli—” before Leon could tell what he’s supposed to say, I reached for his hand and lightly squeezed it.

His gaze fell unto me, and my lips formed a small smile. “Allow me to talk about it,” bulong ko.

Kumunot ang kanyang noo, samantalang umamo naman ang kanyang mga mata. Pinisil niya pabalik ang kamay ko, saka niya ito ipinatong pabalik sa aking kandungan. He let go of my hand and so did I. We do not need to hold hands, hindi na namin kailangan magpanggap pang mahal namin ang isa’t isa, lalo na at malalaman na nila ngayon ang katotohanan ukol sa amin ng asawa ko.

“Mama, Papa, Mama Celeste, Papa Arturo, sa totoo po, ako po ang nag-propose kay Leon ng agreement na iyon, na kung maaari ay pwede kaming magkaroon ng ibang taong aming mamahalin,” panimula ko, subalit napalunok ako agad nang makita ko ang nakatutusok na tingin ni Mama sa amin ni Leon.

Grabe, kung kutsilyo ang mga mata ng nanay ko, baka bumaon na sa amin ni Leon ang mga tingin niya.

“And what’s the sole reason behind it?” Mama Celeste asked, with her voice felt like I was covered with ice.

“Kinasal po kami ni Leon nang hindi namin kilala nang mabuti ang isa’t isa. Mabuti pong tao si Leon, sa nakikita ko po sa kanya sa buong pagsasama namin, magiging mabuting asawa po siya sa taong mamahalin niya at mamahalin din siya,” I continued, lowering my eyes on my lap.

“So kasal na kayo sa loob ng isang taon, pero sa buong pagsasama ninyo, hindi kayo nagkaroon ng feelings sa isa’t isa?” kalmadong tanong ni Papa.

I nodded, and gulped to continue my story. “Tama po, alam ko pong hindi lang sa feelings umiikot ang pagiging mag-asawa, kasi po nanantili kaming mag-asawa ni Leon kahit hindi namin mahal ang isa’t isa. Nagkasundo po kami na magkaroon ng ibang taong mamahalin, dahil hindi po namin magawang mahalin ang isa’t isa sa hindi malamang dahilan.”

“Sin you proposed about that agreement, Lauren. I want to ask something, mayroon ka bang ibang tao na mahal mo? And you took advantage of that agreement dahil alam mong hindi ka rin mahal ni Leon? Para makasama mo ang totoong mahal mo?” usisa ni Mama.

I wanted to meet her gaze towards me, since I could feel how sharp it was as of the moment. However, I couldn’t raise my head to meet all of their eyes. I never thought my mother would ask me that question. Akala ba niya sinasamantala ko ang pakiramdam namin ni Leon sa isa’t isa para lang magkaroon ako ng time para sa ibang lalaki? I am not that kind of human, kung mayroon akong ibang mahal, hindi kailanman mangyayari ang kasalan sa pagitan namin ni Leon!

“I’m sorry Ma, but Lauren isn’t like that. Hindi siya papayag na magpakasal kung mayroon siyang ibang mahal. That agreement happened because if the time allows it, we could live separate lives.” 

Napakagat ako sa aking labi, I raised my head to look at Leon. I never thought he knew me that well. Nahihiya ako para sa sarili ko, hindi ko alam na nagagawa akong kilalanin ng asawa ko sa pagsama sa akin sa ilalim ng iisang bubong, samantalang ako, hindi ko pa rin siya ganoon kakilala.

“Ibig bang sabihin nito, hindi kami magkakaroon ng apo sa inyong dalawa?” usisa ni Mama Celeste, pero sa halip na balingan ko siya, nanatili ang mga mata ko sa gawi ni Leon. I wanted to admire him longer, because I never looked at him before, the way I am looking at him now. 

“Hindi pa po namin kayang makapagbigay ng apo…” kalmadong tugon ni Leon.

“Then it’s settled. There will be no inheritance for the two of you, unless you learned to become a real husband and wife. And of course, we still want a child from you two,” saad ni Mama, at mula sa gilid ng aking mga mata, natanaw ko ang kanyang pagtayo.

“Esperanza…” tawag ni Papa kay Mama, pero hindi nakinig sa kanya si Mama at nagpatuloy lamang sa paglakad palabas.

Mama Celeste on the other hand followed my mother. Sumunod na rin si Papa kay Mama, subalit bago siya tuluyang makalayo sa amin, bumaling siya sa amin ni Leon at ngumiti sa amin.

Samantalang si Papa Arturo naman ay naiwan sa aming harapan. Nang siya’y tumayo, lumapit siya sa gawi namin ni Leon. He tapped his son’s shoulder and shot me a friendly gaze. “In the end, it will always be Celeste and Esperanza’s decision,” pahayag ni Papa Arturo, sumenyas siya na siya’y aalis na, kaya naman tumango na lamang kami ni Leon.

“So revealing everything won’t change anything…” bulong ko saka at itinulak ang aking sarili pasandal sa sofa.

“They still ask for a kid, and it’s even more difficult this time. They wanted us to love each other,” natatawang dagdag ko at ibinalik kay Leon ang aking mga tingin.

“Palamigin muna natin ang ulo nila, bago natin sila ulit kausapin tungkol sa gusto nila. I don’t like being controlled, pero kung ito ang paraan para makuha ko ang mana, then I guess I have no choice but to follow them. But I won’t force it on you if you’ll be uncomfortable, I need you to be comfortable on their terms.”

Napalunok ako sabay lipat ng aking tingin sa kisame. “Huwag mo naman akong masyadong bigyan ng mabubuting salita, Leon. Baka mahulog ako sa ‘yo niyan sige ka.”

He chuckled and stood up. “Kapag nahulog ka sa akin, e ‘di isa na lang ang magiging problema natin.”

“Huh? What do you mean?” naguguluhang tanong ko. Ano ang ibig sabihin niya na isa na lang ang magiging problema?

“S’yempre kapag nahulog ka sa akin, I need to work my butt out to fell for you as well. S’yempre kung mahal na natin ang isa’t isa, hindi na tayo mahihirapan pa sa pagpaplano ng magiging anak natin,” he retorted.

“Hala, oo nga ‘no? Genius talaga ng asawa ko,” natatawang tugon ko.

He just shook his head and painted a wide grin on his lips. “Maligo ka na, we’re getting late.”

“Okay, see you later,” tugon ko sabay kindat.

While I walk away, I can only hear his deep sigh. I just knew he shook his head after he did that.

***

Pa-lunch na nang bumiyahe kami patungong opisina, kaya naman dumaa na kami sa mall upang doon na lamang kumain ng tanghalian, iyon na kasi ang una naming nadaanan na mayroong kainan, kaysa naman maghanap pa kami, baka mas ma-late lang kami.

“Ngayong nalaman na nila Mom ang tungkol sa atin, we should stop that agreement about having other lovers,” panimula ni Leon nang ilapag niya ang lunch namin sa aming table.

Napadpad kami sa fast food, dahil nagutom siya sa amoy ng chicken nang dumaan kami sa tapat ng fast food na ito. S’yempre dahil lagi niya akong pinagbibigyan, siya naman ang pinagbigyan ko ngayon.

“Yeah, I think so too. But as of the moment, mukhang kailangan nating maging sweet sa isa’t isa, to calm them down.”

“Are you sure? Hindi ba natin sila hihintayin na lang maging kalmado?” kunot noong usisa ni Leon.

“Napag-isip-isip ko lang kanina, I know my mother so much. Mataas ang pride niya, baka hindi tayo patawarin ni Mama kung hindi tayo magpapakita ng pagbabago sa pagitan nating dalawa.”

“Will you be fine about it?”

“Hey Leon, this isn’t just about me. I will be fine about it, how about you? Magiging komportable ka ba kapag naging sweet tayo sa isa’t isa?”

“Yes, we have done that before. There’s no way I wouldn't be comfortable.”

“Hindi na tulad sa dating ginagawa ang gagawin natin ngayon, Leon. We’ll seem more intimate this time, I think…” napapakamot batok na saad ko.

He blinked several times and I saw his adam's apple move as well. “I will be comfortable with it,” saad niya sabay subo ng kanin sa kanyang bibig.

“Okay wait a minute, I’ll just have to visit the lavatory.”

Tinanguan na lamang niya ako at in-enjoy na ang kanyang manok. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pagkain niya sa manok.

Tumayo na ako para tumungo sa banyo, subalit nang maligaw ang aking paningin sa labas ng fast food, natanaw ng aking mga mata si Era. She had two men beside her. Nabura ang aking ngiti sa labi nang matanaw ko ang tattoo ng isang lalaki sa tabi niya. I can never forget that tattoo, why is she with that man?

Paglabas ko sa banyo na pinatunguhan ko, tahimik akong kumain, at inubos ang in-order ko.

Nang makarating na kami ni Leon sa kumpanya, nauna akong bumaba sa elevator kay Leon, nang walang paalam. I was too preoccupied with that tattoo. I never thought that I would see that this early.

Pero nawala ang malalim na iniisip ko nang matanaw ko si Mama na nakatingin sa aking gawi, she going this way as well, kaya naman sa halip na diretsuhin ko ang opisina ko, nagmamadaling bumalik ako sa loob elevator na pinanggalingan ko.

Naroon pa rin si Leon, subalit nasa dulo siya, sapagkat medyo marami ang laman ng elevator.

Nang makabalik ako, nagtagpo ang aming mga mata. I squeezed my way into him and went behind him.

“This floor is where your office right?” he whispered.

“Yes, but I just saw my mother. Malamig pa rin ang tingin niya sa akin. Nabahag ang buntot ko, I will stay with you for a while,” I retorted.

Bago sumara ang elevator, ay marami pa ang nagsipasok kaya naman halos maipit na ako sa dulo, so I had no choice but to wrap my arms around Leon’s waist. Bwisit, baka isipin nitong lalaki na ito sinasamantala ko ang kasikipan ng elevator sa dami ng tao.

However, instead of getting teased, hinawakan niya ang kamay kong nasa banda ng kanyang tiyan. I felt warm on my cheeks so I tried to rest my head behind his back.

“Leon…” I called him in my whispering voice.

“Hmm?” he mumbled.

“I know we both agreed that we will cut our agreement about having other lovers. But I want to get close to Era, can you help me with her? Can you get close with her again? There is something that I want to learn from her…” I mumbled.

I was waiting for an answer but even after the elevator opened, he didn't answer. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya nang lumabas ang lahat ng nagsipasok sa elevator. Natira kaming dalawa sa loob.

Nang sumarado na muli ang pinto ng elevator, he faced me, so I was unable to move away from his back. He pinned his arms behind me, so our faces became closer to each other.

I gathered all of the courage that I have to fight his gaze. “What kind of information do you want to learn from Era Falcon?” usisa niya.

“I cannot tell you.”

He moved closer toward my face and my forehead started to sweat in bullets. “I cannot have any relationship with her after I just decided to try being romantic with you.”

Damn, what the hell? My heart started racing by his words. I swear he knew how to make me weak! “She had something that allows me to get closer to the reason why I want my inheritance from my family. Is that reason enough for you to help me?”

“No wife. I cannot help you, I cannot get close with her again. She steals kisses.”

Nahulog ang panga ko nang tumulis ang nguso niya na tila nagmamakaawa.

“I’d do something about our parents' decision about your inheritance, if you help me with Era,” I declared, desperately.

He pulled away and his eyebrows furrowed. “If you’re so sure about that, then I will help you,” seryosong tugon niya, saka tinalikuran ako. Sakto namang bumukas ang elevator at siya’y lumabas na. Hindi na niya ako nilingon muli, kaya naman bumalik na ako sa palapag kung saan naroon ang aking opisina.

==

Kaugnay na kabanata

  • The Married's Mission   CHAPTER 1 - THE MISSION

    My husband and I have been married for a year now, and we only have two things in common. First, we don't love each other. Lastly, we are both blinded by the inheritance that both of our families will give us. Kaya nga kami nagpakasal kahit na hindi namin mahal ang isa't isa, ang tanging habol lang namin ay ang makukuha naming kayamanan. Isipin mo gold digger kami pareho kahit mayaman naman ang pamilya namin. Anyway, kasalukuyan akong nasa elevator. Papunta ako sa opisina ng asawa ko, pinatawag niya kasi ako, sa dahilang siya lang ang nakakaalam. "Ma'am Lauren good afternoon po," bati sa akin ng receptionist nang madaanan ko ang pwesto niya. "Good afternoon din," nakangiting wika ko, subalit napakunot ang aking noo nang lumapad ang ngisi niya sa akin. Ano ang problem nito? Sa halip na makipagtitigan pa ako sa kanya, nauna na lamang akong umiwas ng tingin at hinakbang ang daan patungo sa elevator. Pagtungtong ko sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng asawa ko, ay agad ako

    Huling Na-update : 2023-07-31
  • The Married's Mission   CHAPTER 2 - THE KISS

    “They wanted a baby!” I said hysterically, and Leon sighed. “Paano natin gagawin ‘yon?” tanong ko, saka hinilamos ng palad ko ang aking mukha, sabay upo sa sofa. “Of course we have to do se—” I cut him off as I shot a glare in his direction. “Huwag mong ituloy ang balak mong sabihin Leon, alam kong ganoon ang paggawa ng baby. Ang tinatanong ko sa ‘yo, paano tayo gagawa ng baby kung ayaw naman natin!” “What if we just told them, we chose not to have a baby?” “P’wede naman ‘yan. Pero narinig mo ba ang sinabi nila? Hindi nila tayo pamamanahan kung hindi tayo mag-aanak! Akala ko kasal-kasal lang, bakit hahanapan tayo ng anak, tsk!” “Bukas na lang natin ito pag-usapan, Lauren. Gabi na, mapupuyat lang tayong stress.” “Stress din naman tayo kapag natulog tayo agad ah?” ngiwing saad ko. “At least hindi puyat. Anyway, matulog ka na, or gusto mo buhatin pa kita papasok sa kwarto mo?” usisa niya, sabay ngisi nang malapad. “Pwede naman, tutal hindi na ‘ko makagalaw sa pwesto ko,” pagda-d

    Huling Na-update : 2023-07-31
  • The Married's Mission   CHAPTER 3 - PHOTOS

    Kanina pa mulat ang aking mga mata. Hindi ako makatulog, hindi dahil sa ayaw ng mga mata kong magsipikit. Pero nako-conscious ako, katabi ko kasi ngayon si Leon. Kanina pa ako sa posisyon kong nakatagilid at nakatalikod sa gawi ni Leon, mag-iisang oras na rin siguro. Wala akong ideya kung natutulog na ang asawa ko, hindi ko magawang lingunin siya. Assuming kasi ako, baka makita kong gising pa siya at nakatitig sa gawi ko, nakakahiya, baka isipin niya may hinihintay akong gawin siya bago ako matulog. Nang lumakad na ang pagiging manhid ng kanang braso ko, wala na akong choice kung hindi umikot, pero s’yempre bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi mariin ang pagkakapikit ko, kaya naman sumilay sa akin ang kanyang likuran. Bahagya akong napabuga ng hangin, mabuti naman at nakatalikod siya. Nanatili akong nakapikit, subalit naramdaman ko naman ngayon ang pagpihit niya. Nais kong silipin kung gising pa ba siya, pero hindi ko na sinubukan pa. “Kunwari ka pang tulog, gumagalaw nama

    Huling Na-update : 2023-08-04

Pinakabagong kabanata

  • The Married's Mission   CHAPTER 4 - ROMANTIC

    Hindi rin nagtagal, sumunod na dumating sina Papa, s’yempre kasunod ang parents ni Leon. I keep releasing a heaved sigh every second that passes by. “So, Leon totoo nga na nag-chi-cheat ka kay Lauren?” kunot noong tanong ni Mama Celeste, ang mother ni Leon. I wanted to send my gaze through her direction, pero kinakabahan ako, baka mamaya ako ang mapagbuntungan ng mga katanungan. Mahirap na, baka mapalala ko lamang ang sitwasyon. “Yes, we agreed to cheat with each other,” kalmadong sagot ni Leon. Bumilog nang husto ang aking mga mata, saka nagmamadaling dinako ng mga mata ko ang kanyang gawi, habang ang aking panga ay halos malaglag na sa pinagkakabitan nito. I can’t believe this! Hindi man lang siya nagsinungaling! Hindi man lang siya gumawa ng kwento! Umamin siya agad! What the hell Leon? Papatayin mo ba ako nang maaga sa nerbyos? “What are you talking about son?” malamig na usisa ni Papa Arturo, ang ama ni Leon. Nagawi ang aking mata sa direksyon nila, napalunok ako nang salub

  • The Married's Mission   CHAPTER 3 - PHOTOS

    Kanina pa mulat ang aking mga mata. Hindi ako makatulog, hindi dahil sa ayaw ng mga mata kong magsipikit. Pero nako-conscious ako, katabi ko kasi ngayon si Leon. Kanina pa ako sa posisyon kong nakatagilid at nakatalikod sa gawi ni Leon, mag-iisang oras na rin siguro. Wala akong ideya kung natutulog na ang asawa ko, hindi ko magawang lingunin siya. Assuming kasi ako, baka makita kong gising pa siya at nakatitig sa gawi ko, nakakahiya, baka isipin niya may hinihintay akong gawin siya bago ako matulog. Nang lumakad na ang pagiging manhid ng kanang braso ko, wala na akong choice kung hindi umikot, pero s’yempre bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi mariin ang pagkakapikit ko, kaya naman sumilay sa akin ang kanyang likuran. Bahagya akong napabuga ng hangin, mabuti naman at nakatalikod siya. Nanatili akong nakapikit, subalit naramdaman ko naman ngayon ang pagpihit niya. Nais kong silipin kung gising pa ba siya, pero hindi ko na sinubukan pa. “Kunwari ka pang tulog, gumagalaw nama

  • The Married's Mission   CHAPTER 2 - THE KISS

    “They wanted a baby!” I said hysterically, and Leon sighed. “Paano natin gagawin ‘yon?” tanong ko, saka hinilamos ng palad ko ang aking mukha, sabay upo sa sofa. “Of course we have to do se—” I cut him off as I shot a glare in his direction. “Huwag mong ituloy ang balak mong sabihin Leon, alam kong ganoon ang paggawa ng baby. Ang tinatanong ko sa ‘yo, paano tayo gagawa ng baby kung ayaw naman natin!” “What if we just told them, we chose not to have a baby?” “P’wede naman ‘yan. Pero narinig mo ba ang sinabi nila? Hindi nila tayo pamamanahan kung hindi tayo mag-aanak! Akala ko kasal-kasal lang, bakit hahanapan tayo ng anak, tsk!” “Bukas na lang natin ito pag-usapan, Lauren. Gabi na, mapupuyat lang tayong stress.” “Stress din naman tayo kapag natulog tayo agad ah?” ngiwing saad ko. “At least hindi puyat. Anyway, matulog ka na, or gusto mo buhatin pa kita papasok sa kwarto mo?” usisa niya, sabay ngisi nang malapad. “Pwede naman, tutal hindi na ‘ko makagalaw sa pwesto ko,” pagda-d

  • The Married's Mission   CHAPTER 1 - THE MISSION

    My husband and I have been married for a year now, and we only have two things in common. First, we don't love each other. Lastly, we are both blinded by the inheritance that both of our families will give us. Kaya nga kami nagpakasal kahit na hindi namin mahal ang isa't isa, ang tanging habol lang namin ay ang makukuha naming kayamanan. Isipin mo gold digger kami pareho kahit mayaman naman ang pamilya namin. Anyway, kasalukuyan akong nasa elevator. Papunta ako sa opisina ng asawa ko, pinatawag niya kasi ako, sa dahilang siya lang ang nakakaalam. "Ma'am Lauren good afternoon po," bati sa akin ng receptionist nang madaanan ko ang pwesto niya. "Good afternoon din," nakangiting wika ko, subalit napakunot ang aking noo nang lumapad ang ngisi niya sa akin. Ano ang problem nito? Sa halip na makipagtitigan pa ako sa kanya, nauna na lamang akong umiwas ng tingin at hinakbang ang daan patungo sa elevator. Pagtungtong ko sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng asawa ko, ay agad ako

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status