Home / Romance / The Married's Mission / CHAPTER 3 - PHOTOS

Share

CHAPTER 3 - PHOTOS

Author: sonorouspen
last update Last Updated: 2023-08-04 00:40:55

Kanina pa mulat ang aking mga mata. Hindi ako makatulog, hindi dahil sa ayaw ng mga mata kong magsipikit. Pero nako-conscious ako, katabi ko kasi ngayon si Leon. Kanina pa ako sa posisyon kong nakatagilid at nakatalikod sa gawi ni Leon, mag-iisang oras na rin siguro.

Wala akong ideya kung natutulog na ang asawa ko, hindi ko magawang lingunin siya. Assuming kasi ako, baka makita kong gising pa siya at nakatitig sa gawi ko, nakakahiya, baka isipin niya may hinihintay akong gawin siya bago ako matulog.

Nang lumakad na ang pagiging manhid ng kanang braso ko, wala na akong choice kung hindi umikot, pero s’yempre bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi mariin ang pagkakapikit ko, kaya naman sumilay sa akin ang kanyang likuran.

Bahagya akong napabuga ng hangin, mabuti naman at nakatalikod siya. Nanatili akong nakapikit, subalit naramdaman ko naman ngayon ang pagpihit niya. Nais kong silipin kung gising pa ba siya, pero hindi ko na sinubukan pa.

“Kunwari ka pang tulog, gumagalaw naman ang mga mata mo,” bulong niya, kaya naman nagtambol nang matindi ang puso ko, dahil sa kahihiyan.

No choice tuloy ako kung hindi magmulat. “Ang sikip kasi ng kama mo, hindi ako makatulog.”

“As far as I know, hindi problema ang lawak ng kama ko dahil kahit apat na tao pa ang magtabi-tabi rito makakagalaw lahat nang mabuti. Dalawa lang tayo, kaya kahit gumulong ka pa, hindi ka masisikipan.”

Hindi ako sumagot at tumihaya na lamang para hindi kami magkaharap.

“So, bakit hindi ka pa makatulog? Gusto mo ba akong panoorin na matulog bago ka tuluyang makatulog?” usisa niya at hanggang ngayon, ramdam ko ang pagtama ng mga tingin niya sa akin.

“Assuming. Hindi ko gustong panoorin ka. Sadyang hindi lang ako sanay nang may katabi,” sagot ko sabay ngiwi.

“Okay, sabi mo e,” sagot niya, kaya muli akong pumihit paharap sa gawi niya.

“Wow, ang bilis sumuko sa pang-aasar ah? Inaantok ka na ba, asawa ko?” pang-aasar ko pabalik, kaya umarko ang kilay niya.

“Matulog ka na, Lauren. Gabi na, may pasok pa tayo bukas,” sagot niyang nilalayo sa sinasabi ko, kaya tumulis ang nguso ko.

“E ‘di good night!”

“Good night din,” tugon niya at tuluyan na siyang pumikit sabay patay sa lamp na nasa tabi niya.

Bumuga ako ng hangin at pinatay na rin ang lamp na nasa gawi ko. I just hope I can finally sleep during these hours.

Nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha, nanatili akong nakapikit at dinama ang pagkakayakap sa unan na nasa tabi ko.

Sandali… wala naman akong yakap na unan kagabi ah? Binigyan ba ako ni Leon? Binawi ko ang aking kamay mula sa niyayakap ko, saka gamit iyon marahan kong kinusot ang aking mga mata.

Nang imulat ko ang aking mga mata, nanghina ang mga kalamnan ko sa natagpuan. I wasn’t hugging a pillow, it was Leon all along!

“Good morning wife, masyado yatang napasarap ang tulog mo,” nakangiting bungad niya.

“Why are you allowing to hug you all this time kung gising ka na pala?” usisa ko habang ang kilay ko ay halos magtagpo na.

“Bakit? Hindi ba nagpa-practice tayo maging sweet? Ano ang mali sa pagyakap ng asawa ko sa akin hindi ba?”

“Wow, binubuhos mo lahat ang pang-aasar mo ngayon ah? Parang ang sarap ng tulog mo dahil sa yakap ko ah? Nag-power up ka ba dahil sa yakap ko or something?” nakangiwing usisa ko.

“S’yempre masarap talaga, e ngayon mo lang ako niyakap ng ganoon katagal e,” natatawang tugon niya, na mas lalong nagpalaglag sa aking panga. Akala ko mabi-bwisit din siya sa akin, bakit mas lalong nang-asar ang mokong na ito?

Inalis ko ang kumot namin sa katawan ko saka tumayo paalis sa kama niya. “Alas-siyete na, maliligo na ako.”

“Okay wife, no worries,” malapad ang ngiting saad niya.

“I’ll wipe off that smile from your lips later.”

“No problem, wife.”

“Peste,” bulong ko, sabay kalabog sa pinto ng kwarto niya.

“I’m not sleeping in that room anymore,” I mumbled as I walked towards my room.

Pero napahinto ako sa aking paglakad nang makarinig ako ng steps na nagmumula sa hagdan. Wala pa kaming kasambahay dito, si Leon nasa kwarto pa niya, may nanloloob ba sa amin?

To prevent myself from getting into danger, agad na naghanap ang kamay ko ng maaari kong damputin upang ipanghampas sa sinumang nasa pamamahay namin.

Dadamputin ko na sana ang vase nang magtagpo ang mga mata namin ni mommy. Sandali, ano’ng ginagawa niya rito nang ganito kaaga? At hindi man lang siya nagsabi.

“Good Morning Ma,” bati ko nang mayroong ngiti sa labi.

Akala ko ngingitian niya ako pabalik, subalit nabura ang ngiti sa aking labi nang nanatili ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Ano’ng problema ni mommy?

“Nasaan si Leon?” usisa niya, gamit ang malamig niyang tinig.

Kumurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa seryosong mukha ng nanay ko. “Sa kwarto po.”

“He’s still sleeping?”

“Gising na po Ma, tatawagin ko ba?” sagot kong sineryoso na rin ang hilatsa ng aking mukha.

“Yes, dumiretso kayong dalawa sa sala. Bilisan ninyo,” malamig na bilin ni mommy nang hindi man lamang bumaling muli sa akin.

Hinintay ko siyang mawala sa aking paningin, bago ako humakbang pabalik sa kwarto ni Leon.

Nang ipihit ko ang pinto pabukas, iniluwa nito ang topless na si Leon sa pagmumukha ko. “Why the heck are you half naked?”

“S’yempre maliligo ako?”

“E bakit dito ka naghuhubad?” kunot noo habang nakangiwing tanong ko.

“I just removed my shirt what’s the big deal? Isa pa kwarto ko ‘to, and why are you flabbergasted anyway? Mag-asawa naman tayo?” usisa niyang naka-kunot na rin ang noo.

“Ugh, whatever Leon.”

“So why are you back? Sinusubukan mo ba akong silipan? Goodness wife, what perv—”

Before he can utter the word he’s supposed to say, binato ko na siya ng aking tsinelas. “Enough with that husband,” I retorted, emphasizing the word husband.

“Okay…” I continued calming myself. “I came back here to tell you my mother is here, she’s looking for the both of us. It seems urgent, her face is very serious, it’s scary.”

“Bakit hindi mo sinabi agad?” aniya sabay dampot sa tshirt niyang nasa ibabaw ng kama.

Bago ko pa marinig ang kasunod ng sasabihin niya, nauna na akong umalis upang harapin na ang nanay ko. I’ve got no idea, why she looked so serious. What is the matter she want to tell us anyway?

Nang makababa ako mula sa ikalawang palapag. Malalaking hakbang ang ginawa ko patungo sa sofa sa tapat kung saan nakaupo si Mama. Nang makaupo ako, naramdaman ko namang lumubog ang kutson ng sofa sa aking tabi, hindi ko na nilingon pa kung sino ang umupo roon. Si Leon lang naman ‘yon.

“Good morning Ma,” bati ni Leon na muling tumayo at mag-mamano sana, pero pinabalik siyang muli ni Mama sa kanyang inuupuan.

“Saan kayo galing kagabi?” paunang tanong ni Mama, kumunot naman ang noo ko saka dinala ang tingin sa taong nasa tabi ko na nasa akin din ang tingin.

“Sa restaurant po…” napapakurap na tugon ko, na muling ibinalik kay Mama ang aking mga mata.

Tumango siya subalit nanatiling seryoso ang kanyang mukha. “Mayroon ba kayong ibang kasama?”

Muntik na akong masamid sa tanong ng nanay ko. Mayroon kaming kasama, pero hindi namin siya initially na kasama sa dinner, pero hindi ko naman masasabing ganoon nang hindi nagdududa ang nanay ko. Lalo pa pareho kaming mabubungangaan nang matindi ni Leon kung aamin kami.

“Wala po Ma,” sagot ko.

Gumawi ang mga mata ko kay Leon nang masulyapan ko ang nakakunot niyang noo, habang ang mga mata niya’y nananatiling nakabaling sa aking direksyon.

“What are you talking about?” he mouthed, subalit upang manahimik siya, pinadapo ko ang aking palad sa kanyang kamay. Bahagya ko iyong pinisil at bumaling kay Mama.

“Are you sure about that, Lauren?”

“Yes Ma,” diretso ang mga matang sagot ko sa kanya.

“Okay,” tugon niya at nahulog sa katahimikan ang buong kapaligiran.

Binaba ni Mama ang bag niya sa kanyang kandungan at mayroong hinalungkat doon. Siya’y huminto lamang nang hawak na niya ang kanyang phone. Ibinalik niya ang bag niya sa table sa aming harapan, ang buong atensyon ni Mama ay nasa kanyang cellphone, kaya nanatili rin sa kanya ang aking mga mata.

“Kung wala kayong kasama ano ito?” pagbasag ni Mama sa katahimikan na bumabalot sa amin, saka ibinaba niya ang phone niya sa table, malapit sa bahagi kung saan kami nakapwesto.

Binawi ni Leon ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko nang makita ko ang litrato sa cellphone ni Mama. It was me, Leon, and Era walking towards Leon’s car. Nakasunod ako kina Leon, samantalang inaalalayan naman ni Leon si Era sa paglalakad.

“If you think that isn’t enough, then swipe to the next photo,” dagdag pa ni Mama.

Nanlambot ang mga muscle sa katawan ko nang ilipat ni Leon ang litrato. Pareho kaming namimilog ang mga mata, at halos pasukan ng langaw ang aking bibig.

There’s a picture of Era kissing Leon, and there’s no denying it was Leon, nakuhanan ang kotse niya, ganoon na rin ang plate number nito.

“Itatanggi mo pa ba ‘yan Lauren? Leon? What the hell is happening to the both of you? Ano’ng ibig sabihin nito? May kabit ka ba Leon? And what about you Lauren? Alam mo ang lahat ng ito at wala kang ginagawang aksyon?” sunud-sunod na tanong ni Mama, na naglabas ng sari-saring emosyon sa kanyang tinig at mukha.

I’ve never heard my mom getting mad like this. Bakit mayroong litrato ng mga nangyari kagabi? At bakit sa nanay ko pa napadpad ang mga litratong ‘yon?

My husband and I will be both dead once my mom calls on my father as well as Leon’s parents. I never thought we would be caught this way, damn it.

==

Related chapters

  • The Married's Mission   CHAPTER 4 - ROMANTIC

    Hindi rin nagtagal, sumunod na dumating sina Papa, s’yempre kasunod ang parents ni Leon. I keep releasing a heaved sigh every second that passes by. “So, Leon totoo nga na nag-chi-cheat ka kay Lauren?” kunot noong tanong ni Mama Celeste, ang mother ni Leon. I wanted to send my gaze through her direction, pero kinakabahan ako, baka mamaya ako ang mapagbuntungan ng mga katanungan. Mahirap na, baka mapalala ko lamang ang sitwasyon. “Yes, we agreed to cheat with each other,” kalmadong sagot ni Leon. Bumilog nang husto ang aking mga mata, saka nagmamadaling dinako ng mga mata ko ang kanyang gawi, habang ang aking panga ay halos malaglag na sa pinagkakabitan nito. I can’t believe this! Hindi man lang siya nagsinungaling! Hindi man lang siya gumawa ng kwento! Umamin siya agad! What the hell Leon? Papatayin mo ba ako nang maaga sa nerbyos? “What are you talking about son?” malamig na usisa ni Papa Arturo, ang ama ni Leon. Nagawi ang aking mata sa direksyon nila, napalunok ako nang salub

    Last Updated : 2023-08-11
  • The Married's Mission   CHAPTER 1 - THE MISSION

    My husband and I have been married for a year now, and we only have two things in common. First, we don't love each other. Lastly, we are both blinded by the inheritance that both of our families will give us. Kaya nga kami nagpakasal kahit na hindi namin mahal ang isa't isa, ang tanging habol lang namin ay ang makukuha naming kayamanan. Isipin mo gold digger kami pareho kahit mayaman naman ang pamilya namin. Anyway, kasalukuyan akong nasa elevator. Papunta ako sa opisina ng asawa ko, pinatawag niya kasi ako, sa dahilang siya lang ang nakakaalam. "Ma'am Lauren good afternoon po," bati sa akin ng receptionist nang madaanan ko ang pwesto niya. "Good afternoon din," nakangiting wika ko, subalit napakunot ang aking noo nang lumapad ang ngisi niya sa akin. Ano ang problem nito? Sa halip na makipagtitigan pa ako sa kanya, nauna na lamang akong umiwas ng tingin at hinakbang ang daan patungo sa elevator. Pagtungtong ko sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng asawa ko, ay agad ako

    Last Updated : 2023-07-31
  • The Married's Mission   CHAPTER 2 - THE KISS

    “They wanted a baby!” I said hysterically, and Leon sighed. “Paano natin gagawin ‘yon?” tanong ko, saka hinilamos ng palad ko ang aking mukha, sabay upo sa sofa. “Of course we have to do se—” I cut him off as I shot a glare in his direction. “Huwag mong ituloy ang balak mong sabihin Leon, alam kong ganoon ang paggawa ng baby. Ang tinatanong ko sa ‘yo, paano tayo gagawa ng baby kung ayaw naman natin!” “What if we just told them, we chose not to have a baby?” “P’wede naman ‘yan. Pero narinig mo ba ang sinabi nila? Hindi nila tayo pamamanahan kung hindi tayo mag-aanak! Akala ko kasal-kasal lang, bakit hahanapan tayo ng anak, tsk!” “Bukas na lang natin ito pag-usapan, Lauren. Gabi na, mapupuyat lang tayong stress.” “Stress din naman tayo kapag natulog tayo agad ah?” ngiwing saad ko. “At least hindi puyat. Anyway, matulog ka na, or gusto mo buhatin pa kita papasok sa kwarto mo?” usisa niya, sabay ngisi nang malapad. “Pwede naman, tutal hindi na ‘ko makagalaw sa pwesto ko,” pagda-d

    Last Updated : 2023-07-31

Latest chapter

  • The Married's Mission   CHAPTER 3 - PHOTOS

    Kanina pa mulat ang aking mga mata. Hindi ako makatulog, hindi dahil sa ayaw ng mga mata kong magsipikit. Pero nako-conscious ako, katabi ko kasi ngayon si Leon. Kanina pa ako sa posisyon kong nakatagilid at nakatalikod sa gawi ni Leon, mag-iisang oras na rin siguro. Wala akong ideya kung natutulog na ang asawa ko, hindi ko magawang lingunin siya. Assuming kasi ako, baka makita kong gising pa siya at nakatitig sa gawi ko, nakakahiya, baka isipin niya may hinihintay akong gawin siya bago ako matulog. Nang lumakad na ang pagiging manhid ng kanang braso ko, wala na akong choice kung hindi umikot, pero s’yempre bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi mariin ang pagkakapikit ko, kaya naman sumilay sa akin ang kanyang likuran. Bahagya akong napabuga ng hangin, mabuti naman at nakatalikod siya. Nanatili akong nakapikit, subalit naramdaman ko naman ngayon ang pagpihit niya. Nais kong silipin kung gising pa ba siya, pero hindi ko na sinubukan pa. “Kunwari ka pang tulog, gumagalaw nama

  • The Married's Mission   CHAPTER 2 - THE KISS

    “They wanted a baby!” I said hysterically, and Leon sighed. “Paano natin gagawin ‘yon?” tanong ko, saka hinilamos ng palad ko ang aking mukha, sabay upo sa sofa. “Of course we have to do se—” I cut him off as I shot a glare in his direction. “Huwag mong ituloy ang balak mong sabihin Leon, alam kong ganoon ang paggawa ng baby. Ang tinatanong ko sa ‘yo, paano tayo gagawa ng baby kung ayaw naman natin!” “What if we just told them, we chose not to have a baby?” “P’wede naman ‘yan. Pero narinig mo ba ang sinabi nila? Hindi nila tayo pamamanahan kung hindi tayo mag-aanak! Akala ko kasal-kasal lang, bakit hahanapan tayo ng anak, tsk!” “Bukas na lang natin ito pag-usapan, Lauren. Gabi na, mapupuyat lang tayong stress.” “Stress din naman tayo kapag natulog tayo agad ah?” ngiwing saad ko. “At least hindi puyat. Anyway, matulog ka na, or gusto mo buhatin pa kita papasok sa kwarto mo?” usisa niya, sabay ngisi nang malapad. “Pwede naman, tutal hindi na ‘ko makagalaw sa pwesto ko,” pagda-d

  • The Married's Mission   CHAPTER 1 - THE MISSION

    My husband and I have been married for a year now, and we only have two things in common. First, we don't love each other. Lastly, we are both blinded by the inheritance that both of our families will give us. Kaya nga kami nagpakasal kahit na hindi namin mahal ang isa't isa, ang tanging habol lang namin ay ang makukuha naming kayamanan. Isipin mo gold digger kami pareho kahit mayaman naman ang pamilya namin. Anyway, kasalukuyan akong nasa elevator. Papunta ako sa opisina ng asawa ko, pinatawag niya kasi ako, sa dahilang siya lang ang nakakaalam. "Ma'am Lauren good afternoon po," bati sa akin ng receptionist nang madaanan ko ang pwesto niya. "Good afternoon din," nakangiting wika ko, subalit napakunot ang aking noo nang lumapad ang ngisi niya sa akin. Ano ang problem nito? Sa halip na makipagtitigan pa ako sa kanya, nauna na lamang akong umiwas ng tingin at hinakbang ang daan patungo sa elevator. Pagtungtong ko sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina ng asawa ko, ay agad ako

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status