Share

CHAPTER 4

Author: Magic Heart
last update Huling Na-update: 2021-11-04 04:05:13

Gener Torquero ang pakilala ng lalaki sa grupo ng mga empleyado. Matangkad ito at maputi. Ang mga mata nito at ang kay Jade ay malaki ang pagkakahawig. Hindi mukhang masamang tao ang lalaki kaya hinarap siya ng mayor. 

Si Jade na nasindak ay kinakausap ni Sean. Hindi man umiyak ang dalaga ay batid naman sa kilos niya ang sobrang takot habang nakatanaw sa lalaking kausap ng mayor. Ilang saglit pa ay ipinatawag siya ng ama ng kasintahan. 

Hawak ni Sean ang kamay ni Jade kaya nakokontrol ng dalaga ang panginginig noon. Sinulyapan niya rin ang mga katrabaho na sa sobrang gulat ay nanatili lang na nakatayo at tila mga estatwa na itinulos sa kinatatayuan.

"Do you know him, Jade?" tanong ng mayabang na mayor ngunit parang ama na nakatingin sa dalagang nakayuko. 

"Hindi po," sagot ni Jade habang sinusulyapan ang lalaking nagpakilalang uncle niya. 

"Hindi n'ya talaga ako maaalala, mayor. Five years old siya nang dinala ko sa nga Fabian. Tipen was her yaya before kaya kilala kami at alam ng mag-asawang Fabian ang tungkol sa pamilya namin," singit ng lalaki. 

"Pasensya na po kayo, sir. Aayusin ko na lang po muna ito. Kung papayagan n'yo po ako ay uuwi na po ako para personal kong makausap ang mga magulang ko," sabi ni Jade. 

Sumang-ayon ang ama ni Sean. Ngunit ang lalaking nagpakilalang uncle ng dalaga ay hindi pinasakay sa sasakyan ni Sean. Ayos lang naman iyon sa lalaki dahil may sarili pala itong sasakyan. 

Habang nagmamaneho pabalik ng Tagkawayan ay panay ang sulyap ni Sean sa kasintahan. Nakikita kasi ng binata kung paanong natetensyon ang dalaga sa mga nagaganap. 

Si Gener Torquero naman sa loob ng kaniyang sasakyan ay nagagalit at hindi mapakali. Pagkalipas kasi ng maraming taon ay makakaharap n'yang muli ang mga taong pinagkatiwalaan n'ya sa kan'yang pamangkin.

Mahigpit ang hawak ng lalaki sa kan'yang manibela dahil sa isip n'ya ay bumabalik ang mga alaala na kaniyang pinagdaanan para mahanap muli ang tagapagmana ng mga Torquero. 

Pagdating sa bahay nina Jade ay agad silang sinalubong ng mag-asawang Liloy at Tipen. Ngunit biglang nabitawan ni Aling Tipen amg hawak niyang babasagin na kapehan. Si Mang Liloy naman ay halos hindi makakilos nang nakita niya si Gener na bumaba sa sasakyan nito. 

Alam ni Jade na sa ikinilos ng mga magulang niya ay may mali. Hindi man siya magtanong ay tiyak niyang nagsasabi ng totoo ang nagpakilalang uncle niya. Tiningnan niya ang mukha ni Gener kaya hindi nakaligtas sa kan'ya ang masamang tingin na ipinukol ng lalaki sa mga kinilala niyang mga magulang. 

Bumaba ng sasakyan si Sean at nagbigay galang sa mag-asawang noon ay nakabawi na ng kanilang pagkabigla. Ang mag-asawa ay nagbigay galang din kay Gener. Ang hindi inaasahang bisita ay parang hari na pumasok sa bahay ng mga Fabian kahit hindi inimbitahan. 

"So, this is where my niece lived all those years. Ano ang nangyari at itinago n'yo siya? Bakit hindi n'yo ako kinontak sa loob ng mahabang panahon?"

"Umupo po muna kayo, sir," mahinahong sabi ni Aling Tipen. 

Si Jade na noon ay nakikinig at nag-oobserba lang ay nauna nang umupo sa upuan na kawayan. Gusto niyang marinig ang lahat ng sasabihin ng pamilya niya at ng lalaking nagngangalang Gener. 

"Jade, anak, pumunta ka na muna sa kusina at maghanda ka ng makakain," utos ni Mang Liloy sa dalaga. 

"No! She should know everything! Ikaw," baling ni Gener kay Sean. "Umuwi ka na muna at huwag kang makialam o makinig sa usapan namin." 

Nabastos si Jade sa tila pagiging boss ng bisita nila. Hindi niya gusto na tratuhin ng sinuman sa ganoong paraan ang nobyo niya. Tumayo siya at hinarap ang lalaking nananatiling nakatayo at nakataas ang noo. 

"Sino po ba kayo? Wala ka pong karapatan na pakialam, lalo na ang itaboy ang importanteng tao sa buhay ko!" galit na sabi ng dalaga. 

"Hindi mo gugustuhin ang magalit ako. Kahit pamangkin kita ay hindi ako magdadalawang isip na parusahan ka," galit na sabi ng lalaki. 

Agad sinaway ni Aling Tipen ang galit rin na si Jade. Kinausap naman ni Mang Liloy ang kasintahan ng dalaga. Ilang saglit pa ay nagpaalam muna si Sean at nangakong babalik na lang. Ang ibang mga kapatid ng dalaga ay pinapasok ng mga magulang nila sa loob ng maliit na silid. Saka hinarap nina Mang Liloy at Aling Tipen ang galit na bisita nila. Si Jade ay muling umupo sa kinauupuan niya kanina. 

"S-sir, paumanhin po kung umalis kami sa dating lugar namin. Naging mapanganib po kasi para sa aming mag-anak ang pananatili roon," sabi ni Aling Tipen. 

"Sana ay nagsabi kayo sa akin. Hindi n'yo ba alam kung ilan taon ko kayong hinanap?" galit na turan ni Gener Torquero. 

"Teka lang ho, hindi naman sa lahat ng oras ay kailangang i-update kayo ng mga magulang ko," sabi ng galit din na dalaga. 

"They have to! Iyon ang nakalagay sa kontrata. Nilabang nila ang kontrata!" pasigaw na sabi ng lalaki. 

"Pasensya na po talaga, sir," si Mang Liloy naman ang nagsalita. 

"Pasensya, pasensya… Ang sabihin n'yo, sinadya n'yong ilayo ang pamangkin ko! Hanap na ako ng hanap sa kan'ya ngunit hindi ko siya makita. Anong gusto n'yong maging reaksyon ko?" galit na tanong ni Gener. 

"Kamag-anak ko ba talaga siya, tatay, nanay?" singit ng dalaga.

Mabilis sumenyas ang mag-asawa kay Jade na noon ay nagtataka pa rin. Pinatatahimik nila ang dalaga. Ngunit hindi inasahan ni Jade ang pagluhod ng mga magulang niya sa harapan ni Gener Torquero. Napatayo siya at mabilis na lumapit sa mga ito.  

"Patawad po, sir. Kaligtasan din po ni Kryzell ang inisip namin. Akala po kasi namin ay patay na rin kayo at wala nang magpo-protekta sa batang ito," umiiyak na sabi ni Aling Tipen. 

"Tumayo kayo. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para ihanda si Kryzell sa pagbabalik niya sa tunay niyang ama. Ayusin ang mga dapat ayusin," utos ng lalaki. 

Inalok ng pagkain ng mga Fabian si Gener pero tumanggi ito. Nag-iwan ang lalaki ng calling card bago umalis. Sinabi niya rin na babalikan niya si Jade sa loob ng isang linggo dahil ibabalik niya na ito sa tunay nitong pamilya. 

Nang mapagsolo ang buong mag-anak ay napa-antada si Aling Tipen. Niyakap din si Jade ng kan'yang ama. Ang mga kapatid ng dalaga ay lumabas ng silid at lahat ay nagtatanong. Pinaupo ng mag-asawa ang mga ito saka kinausap ng masinsinan. 

"Isang linggo na lang ang itatagal sa atin ni Jade. Hindi natin pwedeng pigilan ang pagbalik niya sa kan'yang tunay na pamilya," mahinahong sabi ni Mang Liloy. 

"A-am-pon po ba talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga na noon ay nagsimula nang umiyak dahil nag-iiyakan na rin ang mga kapatid niya. 

"Kailangan mong sumama sa uncle mo, Jade. Iyang balat mo sa kanang braso, malapit sa balikat mo ay palatandaan nila sa iyo. Ang uncle mo ay member ng isang kilalang international mafia group. Kaligtasan ng buong pamilya ang nakasalalay dito," paliwanag ni Aling Tipen. 

"Ipamimigay n'yo ba talaga ako?" iyak ni Jade.

"Jade, hindi ka namin ipamimigay. Pwede mo naman kaming dalaw-dalawin. Isusuli ka lang namin sa tunay mong pamilya," si Mang Liloy..

"Sabi n'yo ay hindi ako ampon. Ngayon, sinasabi n'yo sa akin na ibabalik n'yo na ako sa tunay kong pamilya. Wala akong pakialam sa mafia, mafia na iyan," iyak ng dalaga. 

"Jade, hindi mo alam ang sinasabi mo. Mga mamamatay tao sila. Mga wala silang awa. Mahal ka namin pero matitiis mo ba kung may mangyaring masama sa pamilya natin?" sabad ng kuya ni Jade. 

Nag-iyakan ang buong mag-anak. Ang mag-asawa ay iniwan ang mga anak nila at pumunta sa kusina. Doon ay magkayakap na kapwa nila pinapawi ang sakit at lungkot dahil sa nalalapit na pag-alis ng kanilang pangalawang anak. 

Ang magkakapatid na nasa balkon ng bahay ay hindi halos mapaghiwalay. Hanggang sa may naisip ang dalaga. Hindi siya sasama sa nagpakilalang tiyuhin niya kung walang kapalit. 

Agad na lumapit ang dalaga sa mga magulang n'ya. Hinanap niya sa mga ito ang calling card na iniwan ni Gener. Nang bumalik si Sean kinagabihan ay kinausap ni Jade ng masinsinan ang kan'yang nobyo. 

"Sigurado ka ba, Jade, sa mga plano mo?" nag-aalala na tanong ni Sean. "Ang uncle mo ay mukhang masamang tao. Kung totoo ang sinabi mo na member siya ng isang mafia organization ay mapanganib siya."

"Kung totoo rin na uncle ko nga siya ay hindi n'ya ako tatanggihan," matatag na sagot ng dalaga. 

Nagkasundo ang magkasintahan. Bukas ay maagang susunduin ni Sean ang girlfriend niya dahil pupuntahan nila ang ibinigay na address ni Gener Torquero. Maraming tanong ang dalaga at gusto n'yang sa bibig mismo ng lalaki manggaling ang mga kasagutan doon. 

Nang gabing iyon ay natulog si Jade na puno ng agam-agam ang puso. Natatakot siya sa hinaharap pero handa siyang magsakripisyo kapalit ang kaligtasan ng buong pamilya niya.

Katulad ng napagkasunduan ay maagang gumising si Jade. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating naman si Sean. Ang paalam ng magkasintahan kina Mang Liloy at Aling Tipen ay magsisimba lamang siya. Ngunit tumawid sila sa boundary ng probinsya ng Quezon at Camarines Sur. 

Sa isang luma at magandang bahay sila dinala ng kanilang paghahanap kay Gener Torquero. Ngunit hindi madali ang lahat. Mga armadong lalaki ang unang humarap sa magkasintahan. Halos maihi sa pantalon niya si Sean pero walang takot si Jade na pumasok sa bahay na iyon kahit may nakatutok na baril sa kaniya. 

"Drop your gun! She's my niece!" malakas na sigaw ni Gener Torquero sa mga nag-escort sa magkasintahan. Mabilis din na ibinaba ng mga lalaki ang kanilang mga baril at yumuko kay Jade. Ang takot na si Sean ay biglang lumiyad ang dibdib. Inis na binatukan niya ang lalaking tumutok rin sa kan'ya ng baril. 

"Pumunta po ako rito dahil sa…" panimula ni Jade. 

"Hold on!" putol ni Gener sa sasabihin ni Jade. "Ilabas n'yo ang kasamang lalaki ni Kryzell. Lumabas rin kayong lahat!" 

Tututol pa sana si Jade ngunit mabilis nang kinaladkad ng mga lalaki si Sean. Agad din nilang isinara ang silid na nasa ilalim ng lupa. Kahit silang dalawa na lang sa loob ng silid ng lalaking kahapon niya lang nakilala ay malakas ang loob ni Jade. 

"So, what brought you here?" tanong ng lalaki pagkatapos paupuin ang dalaga. 

"Uncle ko po ba talaga kayo? Paano kayong nakakasiguro na kamag-anak n'yo nga ako," balik tanong ng dalaga. 

"Simply because you are a Torquero sa simpleng tingin pa lang sa iyo. Hindi kita pwedeng makalimutan at lalong impossible na hindi kita makilala. Iyang balat mo sa kanang braso ay kapareho ng balat ko at ng sa daddy mo." 

Namangha si Jade ng ipakita ni Gener Torquero ang balat nito na nasa kaliwang braso. Mas malaki lang iyon ng kaunti sa balat na nasa katawan naman ng dalaga. 

"Bakit n'yo po ako ibinigay sa mga Fabian? Nasaan ang mga magulang ko?"

"Nasa Bulacan ang daddy mo at patay na ang mommy mo. May bagong asawa ang ama mo at bilang tagapagmana, kailangan mong bumalik bago pa makuha ng iba ang yaman ng Torquero." 

"Ano po ang tunay kong pangalan?" 

"Kryzell Torquero. Ikaw, ako at ang daddy mo na lang ang natitirang malapit na Torquero. May mga kamag-anak pa tayo pero hindi na sila close relatives. Nasa second at third degree na sila."

"Alam po ba ng daddy ko na buhay pa ako?"

"Hindi. Nang mamatay kasi ang mommy mo ay bigla kang nawala. Itinago na kasi kita dahil hindi mo pa kayang proteksyunan noon ang sarili mo. Sa pagbabalik mo sa daddy mo ay hindi mo ako ulit makikita pero umasa kang nasa paligid mo lang ako. I will see to it na hindi ka masasaktan ng mga taong gustong mawala ka rin sa mundo."

Sa mga sinabi ni Gener ay napaniwala nito si Jade na isa siyang Torquero. Ipinakita rin kasi ng lalaki ang mga lumang larawan ng dalaga. Nakilala niya ang sarili niya sa mga larawang iyon dahil sa mga Fabian ay may photo album din noong maliit pa siya pero wala siyang picture sa mga Fabian noong baby pa siya. Ang katwiran ng mag-asawa ay naanod daw iyon ng baha noong unang panahon. Ngunit nagtaka ang dalaga dahil sa larawan ng isang babae. Iyon ang babae sa mga panaginip niya.

"Siya! Siya ang babae sa mga panaginip ko!" bulalas ni Jade. 

"Panaginip? Baka alaala mo, Kryzell. Naaalala mo ang mommy mo pero inakala mong panaginip lang ang lahat."

"Pero may mga panaginip akong umiiyak siya habang kumakaway sa akin," mahinang sabi ng dalaga.

"Iyon ay totoong naganap, Kryzell. The last time you saw your mom was during that time. Mabuti at bago kayo inataki ng pumatay sa mommy mo ay naitago ka niya at nang dumating ako ay ibinilin ka niya sa akin bago siya nalagutan ng hininga," sabi ni Gener. 

Hindi alam ni Jade pero kusang tumulo ang mga luha n'ya. Sa isip niya ay naglalaro ang mga katagang, "Kaya pala sobrang sakit kapag napapanaginipan ko iyon. Totoong nangyari pala iyon."

Naglakas loob si Jade na sabihin ang talagang pakay niya sa paglapit niya kay Gener Torquero. Nagulat man si Gener ngunit mabilis itong lumapit sa isang volt at kumuha ng malaking halaga ng pera. 

"Take it. Mas mabuti rin na may maiiwan ka sa mga Fabian lalo at hindi ka na makakatulong sa pamilya mo sa mga susunod na araw," sabi ni Gener. 

"Sigurado po kayo? Sobrang dami nito. One hundred thousand lang po ang hinihingi ko," nahihiyang sabi ng dalaga. 

"Fabian Family deserves a reward for taking care of you. I know you love them pero kailangan mo silang iwan. I hope you understand that you are a Torquero and will be forever Torquero." 

Napatango-tango ang dalaga. Alam niyang mabait na tao ang kaharap. Malayo sa unang impression n'ya rito. Tumayo si Gener at lumapit sa pamangkin niya. Tumayo rin si Jade at sa isang iglap ay nagyakap ang magkamag-anak na pinaghiwalay ng panahon. 

"Kryzell, in the next coming days your life will be tougher. Be brave, my niece. As I said, I will always be around you. Get ready. Ibabalik na kita kay kuya." 

Nang lumabas si Jade sa silid na iyon ay sigurado na siyang isa nga s'yang Torquero. Inabutan niya si Sean na napapalibutan ng mga lalaki dahil nagwawala na ito sa sobrang galit. 

Nang makita ni Sean ang kasintahan ay agad itong lumapit kay Jade at buong pagmamahal na niyakap ang girlfriend. Mula sa malayo ay nakatanaw lamang si Gener. 

Agad na umuwi ang magkasintahan. Kapwa sila nangako sa isa't-isa na walang makakalabas na ano man sa mga pinagdaanan nila. Nagpaalam na rin si Jade kay Sean na aalis siya pero kasabay noon ang pangako na gagawa siya ng paraan para muling makasama ang nobyo. Nangako rin si Sean na maghihintay siya kay Jade. 

Nang dumating sila sa bahay ng mga Fabian ay palihim na itinago ni Jade ang pera na galing kay Gener. Nasa isang milyon iyon, sapat para sa pamilyang kumupkop sa kan'ya sa mahabang panahon. 

Kinabukasan ay pumasok si Jade sa munisipyo para mag-file ng resignation. Mula sa isang bahagi ng lugar na iyon ay nakatayo si Kaizer at nakaabang upang masilayan ang babaeng buong tapang na kumalaban sa kan'ya. Siya, bilang mafia boss ay hindi makapapayag na hindi makuha ang babae na ilang araw nang ginugulo ang dati ay tahimik niyang puso. 

Magic Heart

Dear readers, The Mafia's Hidden Angel will have its daily update starting today. Sana suportahan n'yo po ito katulad ng pagsuporta n'yo sa iba kong mga akda. Thank you! Love lot's, Magic Heart

| 20
Mga Comments (20)
goodnovel comment avatar
Ramos Cora Gallardo
ngaun ko lang simulang basahin to...️...️
goodnovel comment avatar
Anna
A brave woman.....
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Uncle pala ni Jade SI Gener
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 5

    Subalit biglang naglaho ang babaeng ilang linggo nang sinusubaybayan ni Kaizer. Mula Bulacan ay tumungo pa siya ng Quezon Province para sa babae na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Jade Fabian. Dahil sa pagkawala ni Jade sa Quezon Province kaya lalong naging mapanganib ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Wala siyang sinasantong mga tauhan. Ang sinumang pumalag sa kaniya ay tiyak buhay ang katapat. Si Elmer o Mer na matagal nang kanang kamay ng binata ay hindi makakibo sa tuwing ipinapatawag siya ng malupit na pinuno . "Bakit ang tatanga n'yo? Ang mga tauhan na nagbabantay sa babae, ano ang nangyari sa kanila? Ang sabi ko sa inyo ay dukutin n'yo si Jade, 'di ba? Nakatunog ba siya?" galit na galit na tanong ng binata. "B-boss, hindi po namin alam kung saan nagkulang ang grupo. Hindi na kasi siya pumapasok sa munisipyo," sagot ni

    Huling Na-update : 2021-11-05
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 6

    Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss. Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian. "Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya. "Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer. Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang b

    Huling Na-update : 2021-11-06
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 7

    Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon. "Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?" "One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 8

    Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion."Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!""D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil

    Huling Na-update : 2021-11-15
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 9

    Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother."Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda."Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 10

    Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang. Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay. Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak. "Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kry

    Huling Na-update : 2022-01-02
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 11

    Masama ang tingin ni Kaizer sa babaeng nasa harapan niya. Duguan ito dahil sa saksak sa kan'yang tiyan. Batid ng binata na hindi ganoon kalaliman ang sugat ng babae ngunit may isang bagay na nagpapakaba sa puso niya. "She's familiar," bulong ng isip ni Kaizer. "Impossible! Simple si Jade at hindi sophisticated na katulad nito." Walang malay ang nasagip nilang babae. At dahil isang nurse dati si Mer sa isang kilalang hospital ng bansa kaya siya ang humugot ng kutsilyo sa katawan ng dalaga. Naramdaman ni Kryzell ang biglang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang tiyan ngunit para siyang hinihila ng kung ano sa malalim na kadiliman. Agad na benendahan ni Mer ang sugat sa tiyan ni Kryzell. Mababaw ang sugat nito at hindi umabot sa internal organs ng dalaga kaya batid ni Mer na magiging okay rin ang napulot nilang babae.

    Huling Na-update : 2022-01-03
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 12

    Ilang araw nang nasa isla si Kryzell ngunit hindi n'ya na muling nakita pa ang lalaki na nag-alok sa kan'ya bilang powerless wife nito. Kapag nagtatanong naman siya sa mga taong nagdadala sa kan'ya ng pagkain ay walang gustong magsalita sa mga ito. Magaling na ang mga sugat ni Kryzell sa kan'yang braso at mukha. Natutuwa siyang hindi malalim ang mga iyon at hindi halata ang iniwang peklat sa kan'yang balat. Ang sugat na nilikha ni Sean sa kan'yang tiyan ay hindi pa lubusan na magaling katulad ng sugat sa kan'yang puso na batid ng dalaga na malalim at malabong maghilom. "Pwede ba akong lumabas ng silid na ito? Gusto ko sanang magpainit kahit sandali lang," tanong ni Kryzell sa isang babae na hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Nagpakilala itong si Tamara, isa sa mga miyembro ng Devil's Angel Organization. "Hindi ko alam kung papayag si boss," sagot ng babae. Mabait si Tamara. Siya ang nag-alaga kay Kryzell noong mga panahon na kailangan niya ng tulong. Hindi masyadong madaldal an

    Huling Na-update : 2022-01-04

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 90: WAKAS

    Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 89

    Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 88

    Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 87

    Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 86

    Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 85

    Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 84

    Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 83

    Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 82

    Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p

DMCA.com Protection Status