Hello readers! Ang Tamara, The Mafia's Gem ay konektado rin po sa story na ito. Kilala n'yo na po si Tamara ng Tamara, The Mafia's Gem dahil friend siya ng ating mga bida sa kwentong ito. I am hoping na mabasa po ninyo ang kwento niya dito rin po sa GoodNovel app and website. Love lots, Magic Heart
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
"Boss, ang babae po ay nagkamalay na!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer."Ikulong n'yo siya!" matigas na utos ng binata."Pero, boss…""Kapahamakan ang idudulot niya sa buong Devil's Angel Mafia Organization! Follow my order, now!"Umungol ang dalagang nakahiga sa malamig na semento. Takot na iminulat niya ang kaniyang mabigat na talukap. Nakapalibot sa kan'ya ang mga kalalakihan na puro armado. Ang mga mukha ng mga ito ay tila hindi mapagkakatiwalaan. Ngunit may bukod tangi sa kanila. Ang isang lalaki na nakaupo sa magarbong upuan ay hindi mukhang masama kahit nag-aapoy ang mga mata nitong nakatutok sa kawawang dalaga. Hindi maalala ng babae kung saan niya ito nakita ngunit pamilyar sa kan'ya ang mukha ng tinatawag na boss.Gumapang ang babae palapit sa lalaking nakaupo. Subalit hi
Sa Tagkawayan Quezon ay nakatira ng tahimik ang mga Fabian. Mayroon silang limang anak. Ngunit ang pangalawa nilang si Jade ang bukod tangi sa lahat. Kakaiba kasi ang itsura ng dalaga sa mga kapatid niya. Maputi, tuwid ang buhok at matangkad siya. Hindi katulad ng mga magulang nila na kapwa kayumanggi, maliit at kulot ng kaunti ang buhok. Ang mga kapatid niya ay hawig lahat sa mga magulang nila .Tampulan ng tukso ang dalaga. Madalas ay sinasabi ng mga kapitbahay nila na ampon lang siya ngunit pinabulaanan iyon ng kaniyang mga magulang. Ang paliwanag ng mga ito ay nagmana ang dalaga sa mga lolo at lola niya. Dahil sa pagmamahal ng mag-asawa at ng mga kapatid kaya hindi na ni Jade pinapansin ang mga bulong-bulungan sa paligid.Isang araw ay nakaabang na agad ang dalaga sa may gate na kahoy ng bahay nila. Ayaw kasi niyang umalis ang ama at ang lalaking kapatid na hindi siya kasama.
Maagang gumising si Jade. Excited siyang sumama sa tatay at kuya niya na bumaba ng bundok. Maghahatid kasi sila ng kopra sa komprada. Bibili rin sila ng mga kailangan nila sa loob ng ilang linggo.Isang maong na short at lumang pink na blouse ang suot ng dalaga. Hinayaan niya ang kan'yang maganda at itim na buhok nang nakalugay lang. Nagsuot lamang siya ng isang itim na sombrero para may proteksyon siya sa init.Walang make-up o lipstick ang dalaga ngunit litaw na litaw ang gandang sinasamba ng anak ng kanilang mayor. Dating magkaklase ang dalawa at matagal nang nanligaw si Sean Komeron kay Jade. Matangkad at medyo kulot ang buhok ng dalawampu't-anim na lalaki. Ang kaniyang maitim na mata ay parang nangungusap sa tuwing nakatingin siya sa anak ni Mang Liloy at Aling Tipen."Ganda! Magkikita ba kayo ni Sean?" tukso ng ng kuya ng dalaga.
Masayang-masaya si Jade habang hawak ang mga papeles. Halos isang buwan na rin siya sa trabaho. Graduate siya ng Accounting kaya mabilis siyang natanggap sa munisipyo sa tulong na rin ni Sean. Pinayagan na siya sa wakas ng kaniyang mga magulang. Nagsawa na ang mga ito sa kakulitan niya.Isa lang ang tanging hiling nina Mang Liloy at Aling Tipen. Kailangan ni Jade na sa bundok pa rin umuwi araw-araw. Kahit pitong kilometro ang layo ng barangay nila at ng bayan ay balewala iyon sa dalagang hatid-sundo ni Sean.Kinikilig na ibinaba at ipinatong niya ang mga hawak na papel sa ibabaw ng lamesa. Inayos niya ang mga ledger na katabi ng computer. Yumuko siya at inamoy ang mga bulaklak na nakapatong sa lamesa. Walang pangalan iyon kung kanino galing ngunit tiyak n'yang padala iyon ni Sean."Jade, bahagian mo naman kami ng ganda!" tudyo ni Fatima. Dati siyang kaklase ng d
Gener Torquero ang pakilala ng lalaki sa grupo ng mga empleyado. Matangkad ito at maputi. Ang mga mata nito at ang kay Jade ay malaki ang pagkakahawig. Hindi mukhang masamang tao ang lalaki kaya hinarap siya ng mayor. Si Jade na nasindak ay kinakausap ni Sean. Hindi man umiyak ang dalaga ay batid naman sa kilos niya ang sobrang takot habang nakatanaw sa lalaking kausap ng mayor. Ilang saglit pa ay ipinatawag siya ng ama ng kasintahan. Hawak ni Sean ang kamay ni Jade kaya nakokontrol ng dalaga ang panginginig noon. Sinulyapan niya rin ang mga katrabaho na sa sobrang gulat ay nanatili lang na nakatayo at tila mga estatwa na itinulos sa kinatatayuan. "Do you know him, Jade?" tanong ng mayabang na mayor ngunit parang ama na nakatingin sa dalagang nakayuko. "Hindi po," sagot ni Jade habang sinusulyapan ang lalaking nagpa
Subalit biglang naglaho ang babaeng ilang linggo nang sinusubaybayan ni Kaizer. Mula Bulacan ay tumungo pa siya ng Quezon Province para sa babae na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Jade Fabian. Dahil sa pagkawala ni Jade sa Quezon Province kaya lalong naging mapanganib ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Wala siyang sinasantong mga tauhan. Ang sinumang pumalag sa kaniya ay tiyak buhay ang katapat. Si Elmer o Mer na matagal nang kanang kamay ng binata ay hindi makakibo sa tuwing ipinapatawag siya ng malupit na pinuno . "Bakit ang tatanga n'yo? Ang mga tauhan na nagbabantay sa babae, ano ang nangyari sa kanila? Ang sabi ko sa inyo ay dukutin n'yo si Jade, 'di ba? Nakatunog ba siya?" galit na galit na tanong ng binata. "B-boss, hindi po namin alam kung saan nagkulang ang grupo. Hindi na kasi siya pumapasok sa munisipyo," sagot ni
Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss. Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian. "Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya. "Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer. Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang b
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.
Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n
Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p
Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p