Share

CHAPTER 5

Author: Magic Heart
last update Last Updated: 2021-11-05 08:58:43

Subalit biglang naglaho ang babaeng ilang linggo nang sinusubaybayan ni Kaizer. Mula Bulacan ay tumungo pa siya ng Quezon Province para sa babae na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Jade Fabian.  

Dahil sa pagkawala ni Jade sa Quezon Province kaya lalong naging mapanganib ang mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization. Wala siyang sinasantong mga tauhan. Ang sinumang pumalag sa kaniya ay tiyak buhay ang katapat. Si Elmer o Mer na matagal nang kanang kamay ng binata ay hindi makakibo sa tuwing ipinapatawag siya ng malupit na pinuno . 

"Bakit ang tatanga n'yo? Ang mga tauhan na nagbabantay sa babae, ano ang nangyari sa kanila? Ang sabi ko sa inyo ay dukutin n'yo si Jade, 'di ba? Nakatunog ba siya?" galit na galit na tanong ng binata. 

"B-boss, hindi po namin alam kung saan nagkulang ang grupo. Hindi na kasi siya pumapasok sa munisipyo," sagot ni Mer sa mababang tono.  

"Alam ko! Alam kong wala na siya sa munisipyo dahil hindi ko na siya makita roon! Kung walang mga pulis doon, dinukot ko na sana siya noong isang araw pa!"

Mabilis na tinungga ni Kaizer ang isang mamahaling alak na nasa harapan n'ya. Hindi siya nakontento sa paglalasing lang kaya ibinato niya ang bote sa nakatayo lamang na kanang kamay niya.

"Ang boyfriend ni Jade, bakit hindi n'yo siya pigain? Ang mga magulang niya, bakit hindi n'yo puntahan? Damn it! You are all stupid!" patuloy na sermon ng binata kay Mer. 

"Boss, maraming mga armado sa bundok ng Quezon. Hindi natin sila pwedeng makasagupa dahil costumers natin sila sa mga inaanggat nating mga baril. Ang anak naman ng mayor ay hindi natin pwedeng basta galawin," nakayukong paliwanag ni Mer. 

Kinuha ni Kaizer ang kaniyang baril at pinaputukan, malapit sa paa, ang mga nanginginig na tauhan niya. Matindi ang galit ng binata. Hindi kasi siya sanay na naiisahan at higit sa lahat, ayaw niya na pumapalpak ang plano. 

Ang matapang na babae na hinalikan niya habang nakikipagbakbakan ang mga tauhan niya ay ginugulo ang utak ng mafia boss kaya gusto niya itong pagbayarin. Ngayon na nawawala ang dalaga ay lalong hindi mapakali ang binata kaya mainit ang ulo niya. 

Inutusan ni Kaizer ang kaniyang kanang kamay upang hanapan siya ng babaeng papawi sa init ng kaniyang katawan. Wala siyang pakialam kung sinong babae ang dalhin sa kan'ya ng kaniyang mga tauhan pero ayaw niya ng galing sa bar. 

Isang mukhang inosente ang bumungad sa pintuan ng silid na natatanglawan lamang ng dim light na nakalagay sa may ulohan ng kama. Ngunit ang babaeng inakala ni Kaizer na santa ay naging isang dalagang mukhang hayok sa laman. Gustong-gusto nitong halikan ang binata sa mapula nitong mga labi ngunit nadidiring inilayo ni Kaizer sa babae ang kaniyang sarili. Marahas niya itong inihulog sa kama. 

"Ahhhh, you can't satisfy me kahit mukha kang bayarang babae. Leave!" matigas na utos ni Kaizer. Mabilis na tumayo at lumabas sa silid ang takot na babae. Paika-ika ito dahil sa pagkakabagsak ng kaniyang balakang sa matigas na sahig ng silid. 

Sa isip ng naiwan na si Kaizer ay naglalaro ang malambot na labi ni Jade. Ang dalaga lang kasi ang kauna-unahang babae na nakahalik sa labi ng kinatatakutang mafia boss. Kahit hindi na mabilang ng binata kung ilang babae na ang inangkin niya, wala pang babae bukod kay Jade Fabian ang sumakop sa kaniyang mga labi. Una pa lang ay hindi na alam ng binata kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na nakawan ng halik ang magandang dalaga na hindi na mahanap ngayon ng mga tauhan niya. 

"Matikman ko lang talaga ulit ang labi ng pangahas na babaeng iyon, ayos na ako," parang baliw na sabi ng binata. Hawak niya ang kaniyang labi at nagpapalakad-lakad siya sa silid ng inupahan nilang bahay. 

Sinuot ni Kaizer ang t-shirt na hinubad niya kanina at maging ang short na ibinaba ng babae. Lumabas siya ng silid at hinanap si Mer. Nakita niya itong nakikipag-inoman sa iba pang mga members ng Devil's Angel Mafia Organization. 

"May ipag-uutos ka ba boss?" tanong ni Mer na tumayo pa para harapin ang amo niyang kunot na kunot ang noo. 

"Hanapin mo sa buong Pilipinas o sa ibang bansa si Jade Fabian at dalhin mo siya sa akin. Iyan ang trabaho mo, Mer, simula ngayon. Kung kinakailangan na kidnapin mo siya, gawin mo! Huwag mo lang siyang papatayin!"

Samantala, ilang linggo na si Jade sa poder ni Gener. Lahat ng mga dapat niyang malaman bilang Torquero ay itinuro na sa kan'ya ng lalaki. Nalulungkot man ang dalaga sa paglayo niya sa mga Fabian at sa paghihiwalay nila pansamantala ni Sean, masaya naman siyang makilala ang tunay niyang kadugo. 

Ang dating takot na naramdaman niya ng una niyang makita si Gener ay isa na lamang alaala. Ipinadama kasi ni Gener sa kaniyang pamangkin kung gaano ito kahalaga bilang tagapagmana ng Torquero. 

"You have to remember everything that I have taught you. Be wise Kryzell and never let your guards down. Protect your dad as well," bilin ni Gener sa kinakabahang dalaga. 

Nasa loob sila ng sasakyan at pabalik na ng Bulacan kung saan isinilang at tumira ang dalaga hanggang limang taong gulang siya. Kinakabahan man ay hindi nagpatalo ang dalaga sa damdamin niya. Nasasabik siyang makita ang kaniyang tunay na ama kahit masakit na iwan niya ang kinilala niyang tatay. 

Napapangiti si Jade na ngayon ay tanggap na ang pagiging Kryzell Torquero n'ya habang inaalala ang masasayang panahon nila ng mga Fabian. Tiyak rin niya na sa mga oras na naglalakbay siya pauwi sa kaniyang bayan na sinilangan ay nakita na ng iniwan niyang pamilya ang malaking halaga ng pera na ibinigay sa kan'ya ni Gener. 

"Uncle, ano ang pangalan na gagamitin ko?" tanong ng dalaga. Hindi kasi siya sigurado kung alin ba ang dapat niyang gamitin. 

"Use Kryzell Torquero. Ikaw si Kryzell Torquero, the only daughter of Don Matias Torquero and his disease wife," sabi ni Gener. 

Sobrang namangha ang dalaga sa mga mataas na gusali na dinadaanan nila. Ang uncle niya ay ipinahinto ang sasakyan sa isang fine dine in restaurant kung saan ang empleyado ay yumuyuko sa mga clients nila. Hindi man gusto ni Kryzell ang pagkain ay pilit n'yang nilunok iyon dahil sabi ni Gener ay kailangan niya raw masanay sa mga ganoong pagkain. 

Ang buong akala ni Kryzell ay tutuloy na sila ng kaniyang tiyuhin sa kanilang bahay sa Bulacan ngunit nag-iba ang isip ng bunsong kapatid ng ama ng dalaga. Dumiretso sila sa isang mamahaling hotel at doon ay ipina-total makeover ni Gener ang pamangkin niya. Binilihan din ng lalaki ng mga mamahalin na gamit ang dalagang noon lamang nakaranas ng special treatment. 

"Sobra-sobra po ito, Uncle," sabi ni Kryzell sa Uncle niya habang iniisa-isa niya ang mga damit na hawak niya. 

"Ihahatid na sana kita sa mansion ng mga Torquero pero naisip ko na hindi ka pwedeng humarap kay Hilda sa dati mong itsura. Baka laitin ka lang ng babaeng iyon," inis na sabi ni Gener. 

Kinabahan ang dalaga na noon ay buo na sana ang loob. Sa mga sinabi ni Gener sa kan'ya ay tiyak niyang mahihirapan siya sa kaniyang madrasta. 

Sa sikat na hotel na pansamantalang tinuluyan nina Gener at Kryzell ay marami pang itinuro ang bunsong kapatid ng ama ng dalaga sa pamangkin na hindi inaasahan ng lahat na muling magbabalik. Gusto pa raw sana nitong turuan ang dalaga kung paano gumamit ng sandata ngunit kapos na sila sa oras. 

Makalipas ang dalawang araw na pamamalagi sa hotel ay tumuloy na sina Gener at Kryzell sa Bulacan. Bago sila tumapat sa malaking gate ng isang malawak na lugar na puro puno ay pinababa na si Kryzell nang kaniyang uncle. Natatakot man ay lumapit si Kryzell sa mga guards na nakabantay sa malaking gate. 

"Good morning mga sir," bati ng dalaga sa mga guwardiya na nakatingin sa kaniya. 

"Mas maganda ka pa sa umaga, miss," bati ng isang pilyong guard. 

Presko ang dating niya sa dalagang halos tinatambol ang dibdib dahil sa sobrang kaba. Pilit ngumiti ni Kryzell kahit pakiramdam niya ay pwede siyang kainin ng lupa ano mang oras. Napasulyap muli ang dalaga sa sasakyan ni Gener na nakatigil lang sa hindi kalayuan. 

"Hmmm, kapag hindi ako papapasukin dito ay sasama na lang ako ulit kay Uncle," bulong mg dalaga. 

"Miss, okay ka lang ba?" tanong ng guard. "Kanina ka pa namin kinakausap, mukhang wala ka sa sarili mo." 

"Ho? Ano po ba iyon, sir?" gulat na tanong ng dalaga. 

"Ano kako ang sadya mo rito?" tanong ng isa pang guard. 

"Nandiyan po ba si Matias Torquero? Pakisabi sa kaniya na nandito sa gate si Kryzell Torquero," matatag na sabi ng dalaga. "Pakisabi rin sa kan'ya na kailangan ko ng apple." 

Nakatayo lang si Kryzell sa labas ng gate habang hinihintay na makausap ng isang lalaki ang sinumang tinawagan nito sa telepono. Nasisilip ng dalaga mula sa kaniyang pwesto ang malinis at maayos na paligid sa loob ng bakod. Marami rin na mga puno ang nagpapatayugan na tila ba may competition sila. 

"Miss, pumasok ka raw dito at hintayin mo raw na lumabas si sir," sabi ng guard na tumawag kanina. Binuksan nito ang gate na daanan ng mga tao. 

Bago pumasok si Kryzell sa loob ng malaking gate na iyon ay pasimple siyang kumaway kay Gener. Ang sabi ng lalaki ay mananatili lang siyang nakabantay sa pamangkin niya ngunit hindi siya basta-basta makikita ni Kryzell. Ang dalaga na abot langit ang kaba ay biglang nakadama ng lungkot sa pamamaalam niya sa kaniyang Uncle Gener. 

Ilang saglit pa ay may dumating na mamahaling sasakyan. Mula roon ay bumaba ang isang lalaki na maraming suot na alahas. Medyo nasa fifties na ito at may firm na pangangatawan. Ang mga mata nito ay parang kay Kryzell na akala mo palaging nangungusap. Nakilala agad nj Kryzell ang kaniyang daddy. 

"I-i-kaw ba ang nagpakilalang Kryzell Torquero?" bungad ng lalaki. 

"Yes, sir," mabilis na tugon ng dalaga. "Kailangan ko lang po ng apple."

Namutla ang lalaking sa larawan pa lang nakita ni Kryzell. Gusto ng dalaga na yakapin ang kaniyang biological father pero natatakot siyang baka magkaroon ng maling impression iyon sa mga gwardiya na nakatingin sa kanila. 

Inanyayahan ni Matias si Kryzell na sumakay sa sasakyan na nakabukas na. Walang pag-aalinlangan na tinanggap iyon ng dalaga. Wala pang limang minuto ay nakatayo na siya sa harap ng bahay na dati-rati ay sa panaginip niya lang nakikita. Hindi maitago ni Kryzell ang lungkot nang mapatingin siya sa isang side ng bahay kung saan sa isip niya ay nagbalik ang alaala ng isang batang babae na hinahabol ng isang magandang ginang. 

"Miss, tumuloy ka na," utos ni Don Matias sa dalaga na bigla na lang nagpakilala na Kryzell. Ang anak na kay tagal nang nawawala ay kailanman hindi nabura sa puso ng amang nangungulila. Kaya ngayon na may dumating at nagpapakilalang anak niya ay hindi palalagpasin ni Matias ang kilalanin ito.

Sumunod si Kryzell sa utos ng kaniyang ama. Sa isang malaking bulwagan kung saan may isang elegante na chandelier ay umikot ang mata ng dalaga. Hindi nakaligtas sa kaniya ang larawan ng babaeng nasa kaniyang panaginip at maging ang mga larawan n'ya noong maliit pa lamang siya. 

Senenyasan ni Matias ang kaniyang bisita na umupo muna. Nang magkaharap na sila ay biglang nagsalita si Kryzell. 

"Hello, sir. Ako po ang nawawala mong anak. Ang anak na inakala mong patay na."

"Kung biro man ang lahat ng ito ay pagsisisihan mo ito, miss," banta ni Matias. "Paano mo nalaman ang code ng pamilya namin?"

"Itinuro po sa akin ni Uncle Gener. Siiya rin po ang naghatid sa akin dito."

Namutla si Matias Torquero. Ngunit biglang kumislap ang mga mata niya at masiglang tinanong ang anak na hindi niya nakikilala. "Saan mo nakita ang kapatid ko?"

"Binalikan n'ya po ako sa lugar kung saan niya ako itinago para ma-proteksyonan sa mahabang panahon," walang gatol na sagot ng dalaga. 

"All these years, itinago ka lang pala ni Gener," hindi makaniwala na sabi ni Matias. "Paano ako makakasiguro na anak nga kita?"

Itinaas ni Kryzell ang manggas ng suot niyang damit at saka ipinakita kay Matias ang balat niya. Nang makita ng lalaki ang kanang braso ng dalagang kampanteng nakaupo sa harapan niya ay parang bata na humaguhol ito. 

"I thought you were dead. I… I never ever imagined na magkikita pa tayo. You were five then noong… noong nangyari ang lahat. Akala ko pinatay ka na rin ng mga dumukot sa iyo. You're twenty-five now, right?"

"Opo. Hindi po ako dinukot. Nasa 

Quezon Province lang po ako. Doon po ay masaya ako sa mga Fabian pero biglang dumating si Uncle Gener at kinuha po ako. Sina Tatay Liloy at Nanay Tipen po ang nagpalaki sa akin."

"T-Ti-pen? I remembered… may isang Tipen kaming katulong noon na taga-Quezon. Malapit si Gener sa kaniya kaya akala ko nga dati ay magkarelasyon sila."

"Si Nanay Tipen nga po. Nabanggit nila po sa akin na dati nga siyang nagtatrabaho dito."

"Where is Gener? Bakit hindi siya tumuloy rito?" pagkuwan ay tanong ng ama ng dalaga. 

"Secret lang po natin ito, sir. Nagtatago po si Uncle Gener sa mga kalaban. Ibinalik n'ya lang po ako rito dahil kailangan na raw po," sabi ng dalaga sa nahihiyang tinig. 

"Don't call me, sir. I am your dad. You are a Torquero. Hindi maitatanggi iyan ng mga mata at balat mo. Unang kita ko pa lang sa iyo sa may gate ay alam ko nang anak nga kita pero kailangan ko ng proof. Sa Torquero, tatlo lang tayong may balat." 

Tumayo si Don Matias at niyakap ang anak na kay tagal niyang hindi nakasama. Habang yakap ng don ang dalaga ay naalala ni Kryzell ang mga panaginip niya sa mommy niya. Napasulyap siya sa nakangiting larawan nito na nakasabit sa living room na iyon. 

"Sige po, s-sir. Ay! Papa, tatay…"

"Daddy. Call me daddy." 

"Hello po. Sana hindi n'yo na po ako guluhin sa gabi," sabi ng dalaga sa picture ng mommy niya. 

"Who?" Nagtataka na tanong ni Don Matias sa anak niya. 

I-kwenento ni Kryzell sa ama ang mga panaginip niya. Ang Don na kay tagal nang hindi humahalakhak ay masayang-masaya nang mabatid ang sinabi ng anak. Ang eksenang iyon ang naabutan ni Hilda. Ang babaeng kasalukuyan nang kinakasama ni Don Matias. 

"What's so funny?" bungad ng isang babae na nasa five-five ang taas. Nasa mid-forties ito at balingkinitan ang katawan. Kung hindi tatanungin ang edad n'ya ay aaklaain ng sino man na nasa twenties or thirties lang siya. Makapal ang kaniyang make-up kahit nasa bahay lang at punong-puno rin ng alahas ang buo niyang katawan. 

Natakot si Kryzell sa babae. Unang tama pa lamang ng mata niya rito ay tiyak niyang ito si Hilda Torquero, ang babaeng dapat niyang iwasan at pangilagan ayon kay Gener. 

Masayang ipinakilala ni Matias ang anak sa asawa niya at ganoon din ang asawa sa anak niya. Magiliw na tinanggap ni Hilda ang dalaga at ito pa ang nag-utos sa mga katulong na ihanda ang dating silid ng dalaga o a kahit aling silid na gugustuhin ni Kryzell. Naguguluhan man dahil iba ang ipinapakitang ugali ni Hilda sa kan'ya kumpara sa sinabi ni Gener ay hindi na nagtanong ang dalaga. 

"Masaya akong mukhang magkakasundo kayo," sabi ni Don Matias habang nakapatong ang mga braso sa balikat ng dalawang babae. 

"Basta for you, honey, gagawin ko ang lahat. I knew how you suffered sa pagkawala ng mag-ina mo dati kaya ngayong nagbalik ang anak mo, ako ang unang pinakamasayang tao na makakasama mo sa celebration." 

Kahit sa harap ni Kryzell ay hinalikan ni Hilda ang kan'yang ama. Kumindat pa ito sa dalaga. Nang bumitaw ang babae sa ama ni Kryzell ay nagpalakad-lakad ito habang nag-iisip. 

"Honey, we should organize a welcome party para sa anak mo. Kailangang ipakilala mo siya sa mga tao," sabi ni Hilda. 

"Okay lang po na walang party. Ayos lang po ako," tanggi ni Kryzell. Nasabi kasi ni Gener sa dalaga na hanggga't-maaari ay huwag siyang lalabas muna sa publiko para sa proteksyon niya. 

"You are a Torquero kaya deserve mo ang isang grand welcome," pamimilit ni Hilda na agad namang sinang-ayunan ni Matias. 

Walang nagawa ang dalaga kun'di ang pumayag sa kagustuhan ni Hilda lalo na nang sabihin nito na imbetahin ni Kryzell ang mga taong naging bahagi ng buhay niya sa dalawampung taon na wala siya sa poder ng mga Torquero.

Magic Heart

Lahat po na tauhan, lugar o pangyayari sa akdang ito ay kathang isip lamang. Ano man po ang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi ko po sinasadya. -Magic Heart

| 15
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Dhen Monsanto
aw matagal nga nabasa ko na nga
goodnovel comment avatar
Dhen Monsanto
parang may nabasa na akong ganito pero iba ang mga character,...parang si hilda ang matinding kontrabida at nagpapatay sa mag ina ni Matias
goodnovel comment avatar
virgiezapanta55
mukhang kontrabidang nag aanyong mabait ang madrasta mo Kryzel,ingat k
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 6

    Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss. Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian. "Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya. "Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer. Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang b

    Last Updated : 2021-11-06
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 7

    Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon. "Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?" "One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."

    Last Updated : 2021-11-11
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 8

    Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion."Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!""D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil

    Last Updated : 2021-11-15
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 9

    Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother."Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda."Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.

    Last Updated : 2022-01-01
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 10

    Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang. Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay. Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak. "Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kry

    Last Updated : 2022-01-02
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 11

    Masama ang tingin ni Kaizer sa babaeng nasa harapan niya. Duguan ito dahil sa saksak sa kan'yang tiyan. Batid ng binata na hindi ganoon kalaliman ang sugat ng babae ngunit may isang bagay na nagpapakaba sa puso niya. "She's familiar," bulong ng isip ni Kaizer. "Impossible! Simple si Jade at hindi sophisticated na katulad nito." Walang malay ang nasagip nilang babae. At dahil isang nurse dati si Mer sa isang kilalang hospital ng bansa kaya siya ang humugot ng kutsilyo sa katawan ng dalaga. Naramdaman ni Kryzell ang biglang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang tiyan ngunit para siyang hinihila ng kung ano sa malalim na kadiliman. Agad na benendahan ni Mer ang sugat sa tiyan ni Kryzell. Mababaw ang sugat nito at hindi umabot sa internal organs ng dalaga kaya batid ni Mer na magiging okay rin ang napulot nilang babae.

    Last Updated : 2022-01-03
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 12

    Ilang araw nang nasa isla si Kryzell ngunit hindi n'ya na muling nakita pa ang lalaki na nag-alok sa kan'ya bilang powerless wife nito. Kapag nagtatanong naman siya sa mga taong nagdadala sa kan'ya ng pagkain ay walang gustong magsalita sa mga ito. Magaling na ang mga sugat ni Kryzell sa kan'yang braso at mukha. Natutuwa siyang hindi malalim ang mga iyon at hindi halata ang iniwang peklat sa kan'yang balat. Ang sugat na nilikha ni Sean sa kan'yang tiyan ay hindi pa lubusan na magaling katulad ng sugat sa kan'yang puso na batid ng dalaga na malalim at malabong maghilom. "Pwede ba akong lumabas ng silid na ito? Gusto ko sanang magpainit kahit sandali lang," tanong ni Kryzell sa isang babae na hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Nagpakilala itong si Tamara, isa sa mga miyembro ng Devil's Angel Organization. "Hindi ko alam kung papayag si boss," sagot ng babae. Mabait si Tamara. Siya ang nag-alaga kay Kryzell noong mga panahon na kailangan niya ng tulong. Hindi masyadong madaldal an

    Last Updated : 2022-01-04
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 13

    Walang dinner date na naganap. Nang mapansin ni Kaizer ang luha sa mga mata ni Kryzell ay walang sabi-sabi siyang iniwan ng binata. Naiwan ang dalaga na tulala naman sa damit na dinala ni Tamara."Damn it! Ang laki kong gago! Hindi ako pwedeng magpadala sa drama ni Jade Fabian hanggang walang katiyakan na nagsasabi nga siya ng totoo," inis na sabi ni Kaizer habang tinutungga ang whiskey na halos mangalahati na."Boss, ano po ang gagawin sa ipina-set-up mo sa tabing dagat?" takot na tanong ni Ruel, isa sa mga magagaling na miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization."Kainin n'yo na ang lahat ng pagkain doon!" galit na sabi ni Kaizer.Pagkatalikod ni Ruel ay agad na tinungga ni Kaizer ang alak na natitira. Bawat paghalik niya kasi sa babaeng nakakulong sa isang silid sa resort na pagmamay-ari n'ya ay nakadarama siya ng ka

    Last Updated : 2022-01-05

Latest chapter

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 90: WAKAS

    Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 89

    Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 88

    Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 87

    Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 86

    Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 85

    Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 84

    Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 83

    Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 82

    Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status