Isang invitation ang natanggap ni Kaizer mula kay Don Matias Torquero. May grand welcome party na gaganapin sa mansion ng mga Torquero at bilang kaibigan ay gusto ni Don Matias ang presensya ng gwapong mafia boss.
Iiling-iling na inilapag ni Kaizer ang invitation. Ang party ay gaganapin sa loob ng dalawang linggo. Kahit malapit ang binata sa mayaman na negosyante ay hindi siya sigurado kung pupunta sapagkat ang isip niya ay ginugulo pa rin ni Jade Fabian.
"Kumusta ang lakad mo, Mer?" tanong ni Kaizer sa kadarating pa lang na kanang kamay niya.
"Negative, boss. Kinaibigan ko na ang kuya ni Jade pero wala silang idea kung nasaan ang kapatid niya," sabi ni Mer.
Galit na umupo si Kaizer sa isang mamahaling upuan. Sa kamay n'ya ay ang isang kopeta ng alak. Isang linggo pa lang siya sa Bulacan pero gusto na niyang bumalik ng Quezon Province para mahanap lang ang babaeng ayaw siyang tigilan sa isip niya.
"Sir, balita ko ay bumalik na raw ang inakalang namatay na anak ni Don Matias. Gusto n'yo po bang ipaghanda ko kayo ng susuotin sa party?" tanong ni Mer.
"Ako na ang bahala sa susuotin ko. Ang atupagin mo ay ang ipinapahanap ko sa iyo," singhal ni Kaizer.
"May problema pa po tayo, boss. Masyadong mainit ang Triangulo Mafia Group sa mga awtoridad kaya nahihirapan din ang mga tauhan natin na magpalabas ng mga epektos sa port," pag-uulat ni Mer.
"Nalaman n'yo na ba kung sino ang pinuno ng Triangulo?" tanong ng binata. "Masyado silang mainit at atat sa gulo. Pati mga anak kasi ng politicians ay hindi nila pinapatawad. Grabe din sila sa carnapping."
"Isang malaking palaisipan pa rin sa mga taga-underworld kung sino ang pinuno ng Triangulo," sabi ni Mer. "Ngunit umasa kayo boss na gagawin namin ang lahat para malaman kung sino ang lihim nilang pinuno."
"Ayaw ko ng puro salita! Action ang kailangan ko. Pakilusin mo ang mga tauhan natin. Masyado silang mainit at ayokong maisahan nila ang grupo natin."
"Masusunod, boss."
Wala na si Mer sa harapan ni Kaizer ngunit patuloy sa pag-iisip ang binata. Malaki na rin ang nagagastos niya sa paghahanap kay Jade Fabian. Nagagalit siya dahil sa hindi niya makuhang gusto. Naiinis siya dahil nawawala siya sa konsentrasyon dahil sinasakop ni Jade ang isip n'ya sa bawat oras na lumipas.
Tatayo na sana si Kaizer nang lumapit ang isang tauhan na inutusan niya rin para hanapin si Jade. Isa ito sa pinakamatinik na miyembro ng Devil's Angel.
"Boss, nakita ho ang babaeng pinahahanap mo sa isang mall sa Quezon City. Two weeks ago na nang namataan siya roon. Bumili siya ng mga branded na gamit," report ng lalaki.
"Quezon City? Ibig sabihin ba ay wala na siya sa probinsya?"
"Wala na po, boss."
Nagliwanag ang mukha ng gwapong mafia boss. Nabuhay ang kan'yang dugo. Mapupunta rin sa kan'ya ang matapang na si Jade at siguraduhin iyon ng malupit na pinuno.
Nang araw na iyon ay naging masigla si Kaizer. Nagawa niyang makipagbiruan kay Mer at sa iba pang mga miyembro ng grupo nila. Excited ang binata sa muli nilang paghaharap ni Jade.
Ngunit hindi natapos ang gabi. Isang masamang balita ang natanggap ni Kaizer. Pinatay ng Triangulo ang sampung miyembro ng kanilang grupo. Galit na ipinatawag ng binata ang mga matataas na opisyales ng kanilang samahan.
"May nakuha akong tip na gabi-gabi ay kuma-carnap ng sasakyan ang mga members ng Triangulo sa Maynila. Magpapasok kayo ng isang tao sa grupo nila at tambangan din ninyo ang grupo nila sa isang operasyon. Magpanggap kayong mga pulis para hindi mahalata ang trabaho natin," utos ni Kaizer.
"Masusunod po, boss," sabi ni Damian. Isa siya sa may pinakamataas na posisyon sa grupo.
Nang mga sumunod na araw ay naging sunod-sunod ang problema ng Devil's Angel. Ang mga kalaban nilang mafia group ay lumalakas at sinabayan pa iyon ng matinding pagtutok ng mga pulis sa kanilang mga operasyon. Pakiramdam ni Kaizer ay lumiliit ang mundo ng grupo nila subalit ang ikinagagalit niya ay ang pagkawala niya sa konsentrasyon dahil sa isang Jade Fabian na hindi siya pinapatulog gabi-gabi.
Dumating ang araw ng grand welcome party sa mansion ng mga Torquero. Masaya-masaya si Kryzell lalo at pinasundo pa ni Don Matias ang buong pamilya niya sa Quezon Province. Nasa party rin ang kaniyang nobyo na halos hindi bumibitaw sa kan'ya.
Suot ang isang blue sexy A line gown ay lutang na lutang ang ganda ng isang Kryzell Torquero. Ang kaniyang buhok ay itinaas ng hairdresser upang mas lalong ma-intensify ang hugis ng kaniyang mukha. Ang manipis na make-up niya ay lalong pinatingkad ang dati nang magandang mukha ng dalaga.
"Ngayong naayusan ka ng gan'yan, lumabas ang matinding pagkakahawig mo sa mommy mo," sabi ni Don Matias. Hinila niya ang anak sa isang malaking silid at mula sa drawer ay inilabas ni Don Matias ang isang lumang photo album. Ipinakita niya iyon sa dalagang labis na namangha.
"Kamukha ko nga siya!" bulalas ni Kryzell.
"Oo, anak. Ang mga mata mo lang at ang balat mo sa braso ang nakuha mo mula sa Torquero. You're so beautiful like your mommy. Seeing you tonight makes my heart ache. I miss her," mahinang sabi ni Don Matias sabay upo.
Niyakap ni Kryzell ang amang ilang araw pa lamang niyang nakikilala. Bakas ang matinding lungkot sa mukha ng don at hindi alam ng isang anak kung paano niya papawiin iyon.
"Dapat pala nagpalit na lang ako ng mukha o kaya nagpa-make up ako na parang si Betty para hindi malungkot ang daddy ko," sabi ng dalaga.
"Who is Betty?" mahinang tanong ni Don Matias.
"Iyon pong pangit at may makapal na salamin sa palabas dati sa tv. At the end ay naging isang magandang babae po siya," kwento ng dalaga.
Ngumiti ng bahagya si Don Matias at tinapik tapik ang braso ng anak na nakapulupot sa leeg niya. Nanatili sa ganoon ang mag-ama habang inaalala nila pareho ang yumaong ina ng dalaga.
Nang dumating ang oras na kailangan nang lumabas ni Kryzell sa mansion at harapin ang mga bisita ay halos hindi magkandaugaga si Hilda sa pagbilin kay Kryzell ng mga dapat at hindi dapat niyang gawin. Kahit hindi sanay sa mga ganoong okasyon ang dalaga ay ubod tamis siyang ngumiti sa mga taong bumabati sa kaniya.
"Good evening, everyone," agaw atensyon ng emcee sa mga taong walang tigil sa batian at kumustahan. "Please get ready to welcome the one and only heiress of Don Matias Torquero, his long lost daughter, Kryzell Torquero!'
Isang masigabong palakpakan at malakas na hiyawan ang sumalubong kay Kryzell sa pagpasok niya sa ground kung saan ginaganap ang party. Katabi niya ang kaniyang daddy at si Hilda. Pumwesto sila sa gitna ng stage kung saan tanaw ni Kryzel ang ilang kilalang mga personalidad. Ngunit ang kabang nadarama ng dalaga ay napawi ng masulyapan niya ang kaniyang kinilalang pamilya at ang kaniyang gwapong boyfriend na nakasuot ng isang mamahaling outfit.
"God evening," bati ni Don Matias sa mga bisita. "Thank you for giving us your precious time and spending it with us tonight. It's not a secret to everyone that twenty years ago, my first wife was killed by an unknown individual or individuals. My daughter who was with her at that time was lost. I thought she's dead already since I found no trace of her. Fortunately, after two decades, a young lady came into this mansion and introduced herself as Kryzell Torquero. Based on the evidence, we have proven that my daughter was still alive. Ladies and gentlemen, meet my daughter, Kryzell Torquero," mahabang speech ni Don Matias.
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga tao. May mga naghihiyawan pa tanda ng kanilang labis na katuwaan. Bilang ganti ay buong galang na yumuko si Kryzel na agad namang sinaway ni Hilda.
"You shouldn't bow to them," taas noo at nakangiting sabi ng stepmother ng dalaga. "You are a Torquero, tinitingala at hinahangaan. Sila dapat ang mag-bow sa iyo and not the other way around."
"Sorry po, tita," mahinang sagot ng dalaga.
"Go, get the microphone and introduce yourself," utos ni Hiida.
Agad tumalima ang dalaga dahil nabakas niya sa tinig ni Hilda ang tila pagkayamot kahit nakangiti naman ito sa kan'ya.
"Hello everyone. I am Kryzell Torquero, the daughter of Don Matias Torquero. Thank you for coming tonight. Let's have fun. Thank you."
Bilang host ng party ay hindi pumayag si Hilda na hindi rin siya magsasalita. Ang speech niya ay inabot ng halos thirty minutes. Nahihiya man dahil sa tagal ng speech ni Hilda ay nanatili lang na nakatayo si Kryzell sa tabi ng kaniyang ama na tila hindi alintana na boring na ang party.
Agad na bumaba ng stage si Kryzell pagkatapos ng pagpapakilala. Niyakap niya ng ubod higpit si Sean na noon lang niya nakasama ulit simula ng umalis siya ng Quezon Province.
"Hindi ako makapaniwala na ganito ka pala kayaman," bulong ni Sean sa kasintahan niya.
"Sila lang ang mayaman. Ako, tulad pa rin ako ng dati. Ako pa rin si Jade Fabian na pinaibig mo ng bongga," wika ng dalaga sa nakakaaliw na tinig.
Lumapit ang mga nakilalang kapatid ni Kryzell sa magkasintahan na seryosong nag-uusap. Nakipagharutan sila sa kanilang ate habang ang kuya naman ng dalaga ay seryoso lamang na nakatayo sa isang gilid habang inoobserbahan ng mga magagandang dalaga sa party.
Sina Mang Liloy at Aling Tipen ay kausap naman ng mag-asawang Matias Torquero. Maraming mayayaman na mga binata ang nagpaparamdam kay Kryzell ngunit ang dalaga ay nakatutok lamang sa nobyo niya. Lahat ng mga tao sa nasabing party ay masayang makilala ang nagbabalik na dalaga ng Torquero. Lahat sila ay gustong makapalagayan ng loob si Kryzell.
Sayawan, bumabahang mga alak at maingay na tawanan, lahat iyon ay pumuno sa mansion ng mga Torquero. Ngunit sa dami ng mga dumating na inimbitahan ay may isang tao ang hindi dumating dahilan para lumayo si Matias Torquero sa karamihan upang tawagan ang isang taong malapit sa kan'ya.
"Kaizer, bakit hindi ka nakarating, iho?"
"Sorry, tito. Sobrang busy ko ngayon. Magulo rin ang isip ko," paliwanag ng binata.
"Babae ba ang dahilan? May nakakuha na ba sa puso ng malupit na si Kaizer Gerzon?" biro ng don sa binata.
"Ipapakilala ko siya sa iyo kapag nahanap ko na. Parang palos din kasi ang babaeng iyon, tito. Pangako, dadalawin kita kapag hindi na ako busy. Medyo magulo at kompilado rin kasi ngayon ang mga bagay-bagay."
"I'll be waiting for you. Magkita tayo sa susunod."
Pinatay ni Don Matias ang tawag at lumapit siya sa anak na sumasayaw kasama ang mga kapatid niya. Kahit malalim na ang gabi ay tila hindi napapagod si Kryzell. Pati si Mang Liloy at Kuya niya ay buong yabang niyang isinama sa dance floor. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga tao dahil sa isip niya ay party n'ya iyon.
Si Hilda ay panay ang ikot sa mga bisita at isa-isang pinasasalamatan ang mga ito sa kanilang pagdalo. May mga pagkakataon na tinatawag niya si Kryzell upang personal na ipakilala sa lahat kahit na ipinakilala na nila ang dalaga noong nasa stage pa sila.
Hindi napansin ni Kryzell ang pagkawala ni Sean sa grupo ng mga bisita. Sobra siyang aliw na aliw kasama ang mga kinilalang mga kapatid at magulang. Maging si Hilda ay nawala rin bigla sa party.
Habang walang kamalay-malay ang lahat, sa isang silid ay may nagaganap na milagro. Mainit na naghahalikan sina Sean at Hilda. Hindi mapigilan ng binata ang init ng katawan na lumukob sa kaniya dahil sa mapang-akit na nilalang.
"You're mine simula ngayon," bulong ni Hilda sa binatang sabik na sabik sa isang bagay na hindi sa kan'ya maibigay ni Kryzell.
Mahihinang ungol, mga impit na tawag sa pangalan ng isa't-isa at matatamis na salita ang maririnig sa paligid. Ang makasalanang tagpong iyon ay nagtagal ng halos kalahating oras.
Mula sa silid ay muling lumabas sa lugar ng party ang dalawang may lihim na ginawa. Ang hindi nila alam, mula sa malayo ay matalim ang mga mata ni Samuel na nakatingin sa kanila. Nakita ng kuya ni Jade ang pag-alis nina Sean at Hilda sa party maging ang pagbalik ng dalawa. Bilang lalaki ay alam ng binata na mayroong naganap sa loob ng mansion habang ang mga tao ay masaya sa nagaganap na party.
Dahil sa taglay na kagwapohan at kakisigan ng binatang magsasaka ay maraming mga kababaihan ang lumalapit sa kan'ya. Ngunit sadyang walang interest ang isang Samuel Fabian sa mga babaeng walang pagpapahalaga sa sarili. Tumayo siya sa kinauupuan at hinanap ang kapatid.
Dinala niya si Kryzell sa isang lugar na medyo malayo sa karamihan. Sa lugar kung saan ay maayos silang makakapag-usap. Nagtataka naman na tinanong ni Jade ang Kuya niya kung bakit siya nito gustong makausap.
"Mag-iingat ka sa asawa ng daddy mo," walang pag-aalinlangan na sabi ni Samuel. "Bantayan mo rin ang nobyo mo."
"Kuya magkaibigan kayo ni Sean. Alam mong hindi niya ako sasaktan," sabi ng naguguluhan na dalaga.
"Hindi kami magtatagal rito. Kakausapin ko sina tatay at nanay na uuwi na kami. Kapahamakan ang magiging dulot sa pamilya natin kung pagbibigyan namin ang request mo."
Nasaktan si Kryzell sa sinabi ng kapatid niya. Ang buong akala niya ay okay na kay Samuel ang pansamantalang pagtira ng mga Fabian sa mansion ng Torquero. Hindi inaasahan ng dalaga ang biglaang desisyon nito.
"Kuya, ayaw n'yo na ba akong makasama?" tanong ng naluluhang si Kryzell.
"Alam mong hindi totoo iyan, Jade. Kahit kailan ay hindi namin ikaw tatalikuran pero sana maisip mo ang mga bata pa nating kapatid. Mapanganib ang madrasta mo."
Napayuko si Kryzell at pinunas ang mga butil ng luha na pumatak sa makinis niyang mukha. Sa loob ng ilang araw na nakasama niya si Hilda ay naging mabuti naman sa kan'ya ang kaniyang stepmom. Subalit nagtataka siya na pati si Samuel ay tulad na rin ni Gener. Marahil nga ay may mga bagay na hindi nakikita ng kaniyang mga mata ngunit nakikita ng mga taong nakapaligid sa kan'ya.
Habang nag-uusap ang magkapatid ay nag-uusap din sina Hilda at ang isang mapagkakatiwalaan niyang tauhan sa mansion sa sulok ng bahay. Nakangiti ang babae at bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan.
"Humanda ka," sabi ni Hilda. "Pagkatapos ng masayang gabi na ito ay bibigyan natin ng delubyo ang anak ni Matias para mawala siyang muli sa landas ng kaniyang ama."
"Ano ang plano mo, ate?" tanong ni Isabel. Siya ang bunsong kapatid ni Hilda ngunit sa mansion ng Torquero ay isa siyang katulong upang maitago ang tunay niyang koneksyon sa asawa ni Matias.
"Papatayin ko si Kryzell para wala akong kaagaw sa mga ari-arian ni Matias. Ako lang ang reyna ng pamilyang ito at ako lang ang dapat makinabag sa lahat ng yaman ng pamilya. Tayo ang maghahari sa bansang ito, pagdating ng panahon."
Masayang niyakap ni Isabel si Hilda. Para sa katuparan ng pangarap ng pamilya nila ay handang suportahan ng babae ang kapatid niya kahit madalas siyang inaapak-apakan nito.
Lahat ng plano ng magkapatid ay malinaw na narinig ng isang nilalang na nag-aapoy sa galit ang mga mata. Nangangatog ang kaniyang katawan at halos hindi siya makalakad palayo sa tagong lugar na iyon. Sa isip niya ay naglalaro ang mga katagang, "Uunahan na kitang babae ka bago mo pa masaktan ang tagapagmana ng Torquero."
Dear readers, Please support this book. Pwede n'yo po itong bigyan ng gems or iwanan ng reviews. I will highly appreciate your comments. Thank you! Love lot's, Magic Heart
Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon. "Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?" "One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."
Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion."Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!""D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil
Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother."Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda."Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.
Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang. Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay. Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak. "Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kry
Masama ang tingin ni Kaizer sa babaeng nasa harapan niya. Duguan ito dahil sa saksak sa kan'yang tiyan. Batid ng binata na hindi ganoon kalaliman ang sugat ng babae ngunit may isang bagay na nagpapakaba sa puso niya. "She's familiar," bulong ng isip ni Kaizer. "Impossible! Simple si Jade at hindi sophisticated na katulad nito." Walang malay ang nasagip nilang babae. At dahil isang nurse dati si Mer sa isang kilalang hospital ng bansa kaya siya ang humugot ng kutsilyo sa katawan ng dalaga. Naramdaman ni Kryzell ang biglang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang tiyan ngunit para siyang hinihila ng kung ano sa malalim na kadiliman. Agad na benendahan ni Mer ang sugat sa tiyan ni Kryzell. Mababaw ang sugat nito at hindi umabot sa internal organs ng dalaga kaya batid ni Mer na magiging okay rin ang napulot nilang babae.
Ilang araw nang nasa isla si Kryzell ngunit hindi n'ya na muling nakita pa ang lalaki na nag-alok sa kan'ya bilang powerless wife nito. Kapag nagtatanong naman siya sa mga taong nagdadala sa kan'ya ng pagkain ay walang gustong magsalita sa mga ito. Magaling na ang mga sugat ni Kryzell sa kan'yang braso at mukha. Natutuwa siyang hindi malalim ang mga iyon at hindi halata ang iniwang peklat sa kan'yang balat. Ang sugat na nilikha ni Sean sa kan'yang tiyan ay hindi pa lubusan na magaling katulad ng sugat sa kan'yang puso na batid ng dalaga na malalim at malabong maghilom. "Pwede ba akong lumabas ng silid na ito? Gusto ko sanang magpainit kahit sandali lang," tanong ni Kryzell sa isang babae na hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Nagpakilala itong si Tamara, isa sa mga miyembro ng Devil's Angel Organization. "Hindi ko alam kung papayag si boss," sagot ng babae. Mabait si Tamara. Siya ang nag-alaga kay Kryzell noong mga panahon na kailangan niya ng tulong. Hindi masyadong madaldal an
Walang dinner date na naganap. Nang mapansin ni Kaizer ang luha sa mga mata ni Kryzell ay walang sabi-sabi siyang iniwan ng binata. Naiwan ang dalaga na tulala naman sa damit na dinala ni Tamara."Damn it! Ang laki kong gago! Hindi ako pwedeng magpadala sa drama ni Jade Fabian hanggang walang katiyakan na nagsasabi nga siya ng totoo," inis na sabi ni Kaizer habang tinutungga ang whiskey na halos mangalahati na."Boss, ano po ang gagawin sa ipina-set-up mo sa tabing dagat?" takot na tanong ni Ruel, isa sa mga magagaling na miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization."Kainin n'yo na ang lahat ng pagkain doon!" galit na sabi ni Kaizer.Pagkatalikod ni Ruel ay agad na tinungga ni Kaizer ang alak na natitira. Bawat paghalik niya kasi sa babaeng nakakulong sa isang silid sa resort na pagmamay-ari n'ya ay nakadarama siya ng ka
"Teka, ano ang tawag mo sa akin?" kunot-noo na tanong ng dalaga nang makabawi siya. "Alam mo, sir, familiar ka talaga sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita."Si Kaizer naman ang hindi alam ang gagawin. Nakapamaywang na si Kryzell sa harapan niya kaya medyo dumistansya ang binata. Baka kasi atakihin na naman siya ng dalaga."Totoo kayang hindi ako matandaan nito?" bubulong-bulong na sabi ng binata sa sarili n'ya.Inilagay din ni Kaizer ang mga kamay niya sa kanyang baywang at pinatigas niya ang kan'yang mukha para hindi siya magmukhang talunan sa harap ni Kryzell."Ang dami mong tanong! Sa lugar na ito, ako ang boss at kapag sinabi kong akin ang isang babae, akin! Ikaw, akin ka na!"Gandang-ganda ka talaga sa mukha ko," matulis ang nguso na sabi ng dalaga. "Huwag kang mag
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.
Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n
Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p
Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p