Share

CHAPTER 7

Author: Magic Heart
last update Huling Na-update: 2021-11-11 09:17:53

Natapos ang party na hindi na nakita ni Kryzell ang kaniyang daddy. Si Don Matias kasi ay abala sa opisina niya kaharap ang kaniyang mga abogado. Pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa last will and testament ng ama ng dalaga. Lahat ng sinasabi ng don ay maayos na nire-record ng mga abogado. Mabilis ang kilos ng dalawang abogado na para bang naghahabol sila ng panahon. 

"Sigurado po ba kayo na kapag namatay ang inyong anak ay sa charity institutions n'yo ipamimigay ang yaman n'yo. Paano kayo, sir? Paano po si Miss Hilda?" 

"One hundred percent sure ako. Wala kaming conjugal property ni Hilda dahil wala kaming nabiling ari-arian sa mga panahong mag-asawa na kami. Ang lahat ng yaman na meron kami ay galing sa mga Torquero kaya kami lang ni Gener at si Kryzell ang may karapatan. Kung sakaling dumating ang panahon na kailangan n'yong ipagtanggol ang anak ko, gawin n'yo sa abot ng inyong makakaya."

Lumabas ang mga abogado sa silid na iyon na parang walang nangyari. Si Don Matias naman ay tinawagan si Kaizer Gerzon. Alam niyang busy nag binata ngunit wala siyang pwedeng hingan ng tulong kun'di ang mafia boss lamang. 

Palibhasa madaling araw, kaya hindi sinagot ni Kaizer ang tawag. Nagkunwaring walang alam ang don sa mga plano ni Hilda para sa anak niya. Nang lumabas siya ng silid at nakita ang kabiyak ay nag-usap sila ng parang normal lang. Walang galit na mababakas sa kilos ng ama ni Kryzell. Ang hindi alam ni Hilda, lahat ng mga pinag-usapan nila ni Isabel ay maliwanag na narinig ni Don Matias. 

Kinabukasan ay kinausap ni Don Matias si Mang Liloy. Lalaki sa lalaki ang usapan ng dalawang ama. Naka-lock ang opisina ni Don Matias kaya walang makakabatid na iba sa pinag-uusapan nila. 

"Mapanganib para sa inyo ang bumalik ng Quezon Province. May isang sikretong lugar akong padadalhan sa inyo upang doon muna kayo magtago habang inaayos ko ang problema dito sa mansion. Susuportahan ko kayo habang naroon kayo," sabi ni Don Matias. 

"Paano si Jade?" tanong ni Mang Liloy. 

"Bibigyan ko ng proteksyon ang dalaga natin sa abot ng aking makakaya. May naiisip na akong paraan kung paano siya maililigtas sa demonyo kong asawa," sagot ni Don Matias. 

Pagkatapos mag-usap ng dalawang lalaki ay agad na sinundo ng isang chopper ang mag-anak na Fabian. Mahigpit ang bilin ni Samuel sa kapatid niya. 

"Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo. Huwag kang maging kampante. Kailangan ay maging alerto ka sa mga nasa paligid mo. Ang nobyo mo, pakiramdaman mo siya. Marami kang makikita kong imumulat mo ang mga mata mo," mahabang sabi ni Samuel. 

"Sige, kuya. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Tama ka nga kaligtasan ng pamilya ang dapat kong unahin," sagot ng dalaga. 

Mahigpit na niyakap ni Samuel ang kapatid at saka hinalikan niya ito sa noo. Mahigpit din ang hawak ni Kryzell sa kamay ng kaniyang kuya bago ito dahan-dahang binitawan upang makasakay sa helicopter na naghihintay sa buong pamilya ng Fabian. 

Nang makalipad na ang chopper ay dahan-dahang pinunas ni Kryzell ang mga butil ng luha na nag-uunahan sa paglandas sa kaniyang magandang mukha. Pagharap niya sa may pintuan ng malaking living room ng mansion ay naroon si Sean. Nakahalukipkip ito at matalas ang tingin sa kasintahan niya. 

Kinakabahan na lumapit si Kryzell sa nobyo niya. Hindi pa uuwi si Sean dahil sa kagustuhan ni Hilda na magkaroon pa raw ng oras ang magkasintahan at upang makilala pa ito ng mag-asawang Torquero.

"Sobrang sweet n'yo naman!" singhal ni Sean ky Kryzell. 

"Galit ka ba? Alam mo namang ganoon na kami ni Kuya Samuel kahit noon pa," depensa ng dalaga. 

"Noon, okay lang kasi magkapatid pa kayo. Ngayon, iba na Jade!" sigaw ni Sean. 

Nagtataka na napatingin si Kryzell sa kasintahan niya. Ang tagal nilang hindi nagkasama kaya ang inaasahan niya ay susulitin nila ang mga panahon na ibinigay sa kanila upang bumuo ng mga magagandang memories. 

"Kung aawayin mo lang ako dahil sa Kuya Samuel ko, mas makakabuti, Sean na umuwi ka na sa inyo. Baliktarin mo man ang mundo ay magkapatid kami!" galit na sabi ni Kryzell sabay talikod kay Sean. 

"Porke't mayaman ka na, gan'yan ka na kung umasta…" pahabol ni Sean sa kasintahan. 

Naubos ang pasensya ng mabait na dalaga. Hinarap niya si Sean nang nakapamaywang at naniningkit ang mga mata. 

"Hoy, Sean! Anong kinalaman ng yaman ko sa pagiging magkapatid namin ni Kuya Samuel? Huwag mo nga akong pangungunahan sa mga desisyon ko sa buhay lalo na kung tungkol sa pamilya ko. Sa inaasal mo, feeling ko, may ginagawa kang masama kaya ibinibintang mo sa akin!"

Hindi nahuma si Sean sa tinuran ng kasintahan niya. Si Kryzell naman ay iniwan ang binata at dumiretso sa loob ng library kung saan naghihintay si Don Matias. Hindi nag-almusal ang don kaya nagbilin si Kryzell kay Isabel na hatiran ng pagkain ang ama niya. Tulog pa kasi si Hilda. 

Pagpasok sa library ay umupo si Kryzell sa harapan ng lamesa kung saan nakaharap ang kaniyang ama. Sinipat ng dalaga ang hagard na mukha ni Don Matias. Napangiti naman ang don dahil sa kakulitan ng kaniyang anak. 

"Are you happy last night?" tanong ng don. 

"Yes, daddy. Siya nga po pala, baka pwede po akong magtrabaho. Kahit sa Accounting Department lang po ng kompanya n'yo para naman may magawa ako,," request ng dalaga. 

"Mabuti at related pa rin sa business ang napili mong kurso. You will become more efficient kung mag-aaral ka muna ng business administration. But for now, gusto kong magbakasyon ka muna," sabi ng ama ng dalaga. 

Biglang bumukas ang pintuan na hindi naka-lock. Napatayo si Don Matias lalo at narinig ni Isabel ang huling sinabi ng don. Galit na sinigawan ng ama ni Kryzell ang mukhang kawawa na katulong. 

"Dad," tawag ni Kryzell sa kan'yang ama. "Baka matakot si Isabel."

"Get out, Isabel, at dalhin mo ang pagkain na iyan!" singhal ni Don Matias sa katulong na biglang napalabas ng silid

"Dad, ako ang nag-utos kay Isabel na maghatid ng pagkain dito dahil hindi ka pa nag-a-almusal. Masyado ka rin napagod sa party ka-gabi kaya siguro hindi na kita nakita after the party." 

"Nevermind about my breakfast. Listen carefully, don't trust anyone in this house. Aalisin kita rito para sa sarili mong kapakanan. Habang nag-aaral ka ay patitirahin muna kita sa bahay ng kakilala ko. Kaizer ang pangalan n'ya."

Sa pag-aakalang babae ang Kaizer na binanggit ng ama kaya mabilis na pumayag si Kryzell. Excited ang dalaga na makilala ang sinabing tao ng kaniyang daddy dahil sa mga kwento na rin ni Don Matias. 

Nang lumabas si Kryzell sa library ay muling tinawagan ng don si Kaizer. Subalit katulad kaninang madaling araw ay hindi sinagot ng binata ang tawag dahil nagagalit siya sa kaniyang mga tauhan. Inagaw kasi ng Triangulo ang ilegal na droga na sana ay ide-deliver ng Angel's Devil sa mga customers nito. Nakailang tawag na ang matandang Torquero ngunit walang planong sagutin iyon ni Kaizer na abala sa pag sermon sa kaniyang mga tauhan. 

"I will be sending my daughter, Kryzell, to your house. Please, I need your help. Hilda is trying to kill my daughter. Contact me if you read this message," sabi ni Don Matias sa isang text. 

Ngunit hindi nakita ng binata ang text na iyon. Sa sobrang galit niya dahil sa ginagawa ng Triangulo kaya ang kaniyang cellphone ay naihagis niya sa harap ng kaniyang mga tauhan. Nabasag ito at nagkapira-piraso kaya hindi na mapapakinabangan pa. 

Isang malaking labanan ang naisip ni Kaizer. Hindi siya papayag na palaging naiisahan ng Triangulo kaya kahit ginugulo ang utak niya ni Jade Fabian ay nagsimulang magplano ang matalinong binata. 

Isang linggo ang lumipas. Kasama ang magigiting na mandirigma ng Devil's Angel Mafia Organization ay makikita si Kaizer sa loob ng isang mamahaling sasakyan na patapik-tapik ang daliri sa hawak niyang baril. Naghihintay lamang siya ng pagkakataon upang kumilos ang mga miyembro ng kalaban nilang grupo. 

Ilang saglit pa ay bumaba si Kaizer ng sasakyan at pumasok sa isang convenient store. Agaw atensyon ang binata dahil sa taglay niyang karisma. Nakalimutan ng guard na kapkapan si Kaizer kaya naipasok niya ang baril at sa halip ay sumaludo pa ito sa kan'ya. 

Sa labas ay nakakalat na ang mga tauhan ng binata. Ipatitikim niya ngayong gabi ang bangis ng Devil's Angel sa kalabang grupo. Ayon sa nagbibigay ng tip kay Kaizer ay sa harap mismo ng convenient store magaganap ang kidnapping sa anak ng isang politician. Iyon ang sasamantalahin ng grupo nila. 

Ilang saglit pa ay mabilis na hinarangan ng isang itim na SUV ang puti, mamahalin at bagong-bago na kotse. Mabilis na bumababa ang mga sakay ng itim na sasakyan at tinutukan ng limang nakamaskara at armadong lalaki ang sasakyang hinarang nila. Pinabababa ng mga humarang ang mga biktima sa loob. 

Bago pa man bumaba ang mga sakay ng puting kotse ay agad na rin nagpaputok ang mga tauhan ni Kaizer. Ang binata na noon ay nasa convenient store ay mabilis na lumabas at pinaputukan sa hita ang isa sa miyembro ng Triangulo. Pinaputukan din niya ang kamay ng lalaki na may hawak na baril. 

Mabilis ang naging kilos ng bawat miyembro ng Devil's Angel. Agad nilang kinalampag ang sasakyan na kulay puti upang lumabas ang mga teenager na sakay nito. Papunta sana ang mga dalaga sa isang bar kung saan madalas nilang tambayan. Mga anak ang mga ito ng mga politicians ng bansa. 

Si Kaizer ay may iniwang sulat sa bulsa ng nakahandusay na lalaking binaril niya kanina. Naglalaman iyon ng mensahe at pagbabanta sa Triangulo na kung hindi titigilan ang pakikialam sa Devil's Angel ay uubusin nila ang mga ito at ibabalik sa dating estado nito na gang lamang ng isang lugar. 

Bago pa dumating ang mga pulis ay mabilis na nakasibad ang grupo at isa lang ang iniwan nilang buhay sa Triangulo upang magsumbong sa pinuno nito. 

Sa hideout ng Devil's Angel ay nag-iiyakan ang apat na dalaga. Nagmamakaawa sila kay Mer para sa kaligtasan ng buhay nila. Habang si Kaizer ay masayang nakaupo sa isang malambot at mamahaling upuan sa isang bakanteng silid na natatanglawan lamang ng kakarampot na liwanag mula sa poste ng ilaw sa labas. 

Gamit ang radyo ay tinawagan ng binata si Mer at sinabihan na ihanda ang mga bihag para sa isang transaksyon. Ipinahanda rin niya ang chopper na kanilang gagamitin sa pag-alis. Sa Aklan muna siya mamamalagi habang nagpapalamig sa mga pulis. Ang mga babaeng bihag nila ay gagamitin ng binata upang mapaikot ang mga corrupt na politiko. Tiyak ni Kaizer na kaya pinag-initan ng Triangulo ang mga dalaga ay dahil sa proteksyon ng grupo nila bukod sa pera. 

"Hello, sir," tawag ni Kaizer sa ama ng isa sa mga bihag nila. "Hawak ko ang anak mo."

"Who are you and what do you want?" malakas na tanong ng senador na kausap ng binata. 

"I want twenty-five percent of your assets?"

"What? T-twen-ty-five percent? Are you f*cking crazy, man?"

"No," mabilis na sagot ni Kaizer. "I'll call you again and dapat by that time ay ready na ang pera or else... bang! I'm gonna kill your pr*stitute daughter." 

Walang nagawa ang senador kun'di pumayag sa kahilingan ni Kaizer. Cash ang gusto ng binata at wala siyang balak makipagnegosyon pa. Pagkatapos ng bayaran ay agad na lumipad ang binata papunta sa Aklan kung saan matatagpuan ang private resort ng binata. 

Samantala, sa mansion ng mga Torquero ay hindi mapakali ang ama ni Kryzell. Nagpapalakad-lakad siya sa veranda na na matatagpuan sa second floor. Hindi na kasi makontak ni Don Matias si Kaizer kaya labis ang kan'yang kaba para sa kaligtasan ng anak niya. Gabi na at madilim ang paligid ngunit ang isip ng isang ama ay gising na gising pa at naghihintay ng kahit kaunting pag-asa. 

Subalit lumipas na ang ilang oras ay walang tawag o text na natatanggap si Don Matias mula sa mafia boss. Nagdesisyon ang don na bumaba ng bahay upang ihanda ang sasakyan na gagamitin niya para maitakas ang anak sa mala-demonyo niyang asawa. 

Ngunit nang nasa hagdanan na si Don Matias ay naramdaman niya ang isang pares ng kamay na tumulak sa kan'ya hanggang sa nawalan siya ng balanse at tuluyang magpagulong-gulong pababa ng hagdan. 

Magic Heart

Hello readers! I appreciate your support for this book. Thank you! Sana patuloy n'yo itong bigyan ng reviews at gems. Love lot's, Magic Heart

| 7
Mga Comments (21)
goodnovel comment avatar
virgiezapanta55
kumilos n ang bruhang si Hilda
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
SI don Matias pala Ang nakarinig sa pinag usapan ng magkapatid at sini Kaya Ang tumulak sa don sa hagdanan
goodnovel comment avatar
Rio Antonio
sa free nalang basahin mga story ng good novel la kase ako pambayad ganda pa naman ng mga story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 8

    Halos himatayin sa kaiiyak si Hilda habang kalong-kalong ang duguan na si Don Matias. Si Kryzell na pupungas-pungas ay hindi halos makaalis sa pwesto niya at natulala na lang habang nakatingin sa kaniyang duguang ama na nakahandusay sa may puno ng hagdan, sa ground floor ng mansion."Faster! Call an ambulance!" lumuluhang sabi ni Hila. "Matias, hold on. You have to fight!""D-da-ddy… Dad!" sigaw ni Kryzell nang mapansin niyang pilit siyang inaabot ng ama.Malalaki ang mga hakbang na lumapit ang dalaga sa kaniyang ama. Nanginginig ang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod at hilam sa luha ang mga mata, yumuko si Kryzell para halikan ang agaw-buhay na ama.Kinabig ni Don Matias ang ulo ni Kryzell at pilit siyang bumubulong sa dalaga. Hindi naman maunawaan ng babae ang nais iparating ng kaniyang ama. Nang makita ni Hil

    Huling Na-update : 2021-11-15
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 9

    Simula nang mawala si Don Matias ay napakaraming nagbago sa buhay ni Kryzell. Ang dalaga na dating prinsesa sa bahay ng mga Torquero ay biglang nawalan ng halaga. At dahil hindi niya alam ang mga kailangan gawin kaya naging sunod-sunuran lang siya kay Hilda.Si Sean ay hindi pa rin umuuwi ng Quezon Province kahit ipinagtutulakan na siya ni Kryzell. Ang pakikitungo nito sa dalaga ay mas lalong lumala. Parang sinasakal si Kryzell sa tuwing nakikita n'ya ang lantaran na paglalampungan ng kaniyang nobyo at stepmother."Napakawalang-hiya mo, Sean. Minahal kita para lang pala sa huli ay sasaktan mo ako. Bakit kailangan mo akong lokohin ng harap-harapan?" umiiyak na sabi ni Kryzell habang nakatayo at pinagmamasdan ang paghahalikan nina Sean at Hilda."Kasi you're so stupid. Katulad ka rin ng daddy mo. Puso ang pinaiiral n'yo," nakangising turan ni Hilda.

    Huling Na-update : 2022-01-01
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 10

    Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang. Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay. Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak. "Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kry

    Huling Na-update : 2022-01-02
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 11

    Masama ang tingin ni Kaizer sa babaeng nasa harapan niya. Duguan ito dahil sa saksak sa kan'yang tiyan. Batid ng binata na hindi ganoon kalaliman ang sugat ng babae ngunit may isang bagay na nagpapakaba sa puso niya. "She's familiar," bulong ng isip ni Kaizer. "Impossible! Simple si Jade at hindi sophisticated na katulad nito." Walang malay ang nasagip nilang babae. At dahil isang nurse dati si Mer sa isang kilalang hospital ng bansa kaya siya ang humugot ng kutsilyo sa katawan ng dalaga. Naramdaman ni Kryzell ang biglang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang tiyan ngunit para siyang hinihila ng kung ano sa malalim na kadiliman. Agad na benendahan ni Mer ang sugat sa tiyan ni Kryzell. Mababaw ang sugat nito at hindi umabot sa internal organs ng dalaga kaya batid ni Mer na magiging okay rin ang napulot nilang babae.

    Huling Na-update : 2022-01-03
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 12

    Ilang araw nang nasa isla si Kryzell ngunit hindi n'ya na muling nakita pa ang lalaki na nag-alok sa kan'ya bilang powerless wife nito. Kapag nagtatanong naman siya sa mga taong nagdadala sa kan'ya ng pagkain ay walang gustong magsalita sa mga ito. Magaling na ang mga sugat ni Kryzell sa kan'yang braso at mukha. Natutuwa siyang hindi malalim ang mga iyon at hindi halata ang iniwang peklat sa kan'yang balat. Ang sugat na nilikha ni Sean sa kan'yang tiyan ay hindi pa lubusan na magaling katulad ng sugat sa kan'yang puso na batid ng dalaga na malalim at malabong maghilom. "Pwede ba akong lumabas ng silid na ito? Gusto ko sanang magpainit kahit sandali lang," tanong ni Kryzell sa isang babae na hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Nagpakilala itong si Tamara, isa sa mga miyembro ng Devil's Angel Organization. "Hindi ko alam kung papayag si boss," sagot ng babae. Mabait si Tamara. Siya ang nag-alaga kay Kryzell noong mga panahon na kailangan niya ng tulong. Hindi masyadong madaldal an

    Huling Na-update : 2022-01-04
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 13

    Walang dinner date na naganap. Nang mapansin ni Kaizer ang luha sa mga mata ni Kryzell ay walang sabi-sabi siyang iniwan ng binata. Naiwan ang dalaga na tulala naman sa damit na dinala ni Tamara."Damn it! Ang laki kong gago! Hindi ako pwedeng magpadala sa drama ni Jade Fabian hanggang walang katiyakan na nagsasabi nga siya ng totoo," inis na sabi ni Kaizer habang tinutungga ang whiskey na halos mangalahati na."Boss, ano po ang gagawin sa ipina-set-up mo sa tabing dagat?" takot na tanong ni Ruel, isa sa mga magagaling na miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization."Kainin n'yo na ang lahat ng pagkain doon!" galit na sabi ni Kaizer.Pagkatalikod ni Ruel ay agad na tinungga ni Kaizer ang alak na natitira. Bawat paghalik niya kasi sa babaeng nakakulong sa isang silid sa resort na pagmamay-ari n'ya ay nakadarama siya ng ka

    Huling Na-update : 2022-01-05
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 14

    "Teka, ano ang tawag mo sa akin?" kunot-noo na tanong ng dalaga nang makabawi siya. "Alam mo, sir, familiar ka talaga sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita."Si Kaizer naman ang hindi alam ang gagawin. Nakapamaywang na si Kryzell sa harapan niya kaya medyo dumistansya ang binata. Baka kasi atakihin na naman siya ng dalaga."Totoo kayang hindi ako matandaan nito?" bubulong-bulong na sabi ng binata sa sarili n'ya.Inilagay din ni Kaizer ang mga kamay niya sa kanyang baywang at pinatigas niya ang kan'yang mukha para hindi siya magmukhang talunan sa harap ni Kryzell."Ang dami mong tanong! Sa lugar na ito, ako ang boss at kapag sinabi kong akin ang isang babae, akin! Ikaw, akin ka na!"Gandang-ganda ka talaga sa mukha ko," matulis ang nguso na sabi ng dalaga. "Huwag kang mag

    Huling Na-update : 2022-01-05
  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 15

    Nanginginig ang mga daliri ni Kryzell habang hawak ang baril ni Kaizer. Unang beses niyang nakahawak ng baril at hindi niya alam kung paano gamitin iyon ngunit hindi siya nagpahalata sa lalaking ngayon ay asawa n'ya na."Huwag mo akong pilitin na ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Hindi mo tiyak magugustuhan iyon," sabi ni Kryzell.Umaarte siyang matapang na babae na hindi padadaig ngunit ang totoo ay nangangatog ang kan'yang tuhod. Sinamantala n'ya ang pagkatulala ni Kaizer para makalayo rito. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at tumakbo pabalik sa kan'yang silid. Panay ang dasal niya na sana ay huwag siyang parusahan ng lalaki.Dahil sa ginawa ni Kryzell ay lalong tumindi ang paghihinala ni Kaizer na bahagi nga ng ibang grupo ang asawa n'ya. Sa bilis nitong mang-agaw ng baril at sa galing humawak ay batid niya na sanay si Kryzell sa pakikipaglaban.

    Huling Na-update : 2022-01-06

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 90: WAKAS

    Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 89

    Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 88

    Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 87

    Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 86

    Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 85

    Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 84

    Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 83

    Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p

  • The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)   CHAPTER 82

    Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p

DMCA.com Protection Status