Nakatingin lamang ako sa kanila habang nakahiga sa kama. Nakatingin si Phoenix sa doktor na may halong pag-aalala at pagkairita. Kita sa mukha niya ang hindi mapakali habang tinatanong niya ang doktor.“How is she? What’s her condition? Is she alright? Do we need to run any more tests?”Tumingin sa kanya ang doktor at bahagyang ngumiti, parang sanay na sa ganitong klaseng tanong mula sa mga pasyente. “She's stable for now, Phoenix. Exhausted lang siya—both physically and emotionally. May mga pasa siya sa ilang parte ng katawan, at malamang ay napagod din siya sa hirap na dinanas niya. She’ll need time to rest and heal.”Halatang hindi pa rin kuntento si Phoenix. “Do whatever it takes to make sure she recovers quickly, Montero. I can't stand seeing her like this. Or else I'll burn you alive."Binigyan niya ang doktor ng isang mabigat na tingin, na tila hindi basta magtitiwala hangga’t hindi niya nakikita ang resulta.Napakurap-kurap ako makitang tumango ang doktor at walang pakialam sa
Nakahalukipkip akong nakatitig sa kanya kahit gusto ko siyang ihulog sa bintana. Masama ang tingin nito sa akin habang hinimas-himas ang kanyang malaking tiyan. Tinaasan ko siya ng kilay at umayos ng upo. Yung tipong visible sa kanya ang bilogan ko ring tiyan.Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at masama ang tingin nito sa katabi kong lalaki na kanina pa nakaakbay sa akin. Nakapikit ang mga nga mata nitong sinandal ang ulo sa balikat ko."Ano na naman ang kailangan mo?" Mahinahon kong tanong sa babae."It's obvious naman. Buntis ka rin pala sa lalaking yan at binahay ka na. So, paano ako?" Tinuro pa ang sarili.Umirap ako sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko sa araw na yun at hindi ko ito nasampal. Kapal ng mukha talaga eh."Seryoso ka ba na si Nix ang ama na dinadala mo? Dahil miss, kung hindi, magtago ka na lang. Di mo ki..." Di niya ako pinatapos at nagsalita siya."Nix?" Nagtataka nitong bigkas sa palayaw ko kay Phoenix at di ko yun nagustuhan dahil ako lang ang pwed
Isang buwan matapos isinilang ko si Athena ay naisipan namin ni Phoenix lumapit ng matitirhan. Napili naman ang hindi malayo sa bahay ni Cassandra upang madali ko lamang siya mabisita at matulungan.Hanggang ngayon, itinago ko pa rin sa kanya ang buong katotohanan. Hindi niya alam. Sasabihin ko naman sa kanya ngunit hindi pa sa ngayon. Takot ako. Takot ako sa posibilidad na mangyayari lalo na't alam kong may nakamasid sa paligid namin. Ganun din si Nix, itinago niya rin kami mula sa iba pa niyang mga kaibigan. Si Dr. Montero lamang ang nakakaalam tungkol sa amin ni Athena. Ganun din kami, kami lang din ang nakakaalam na may mag-ina na rin siya. Parang win win na rin sa kanilang dalawa. Magpinsan nga sila. Parehas ang utak."Darling, where I'll put this one?"Napatigil ako sa pag-aayos ng handa sa mesa at lumingon kay Nix. Hawak nito ang number one at tarpaulin na may mukha ni Athena. Dalawang selebrasyon ngayon. Birthday ni Athena at binigay niya rin.Malapit na ang oras ng misa pero
Nakakunot ang noo ko nang sinalubong ako ng katahimikan pagpasok ko sa bahay. Galing ako kila Cassandra pagkatapos ay dumiretso sa palengke para maninda at umuwi agad.Napakurap-kurap akong inilibot ang tingin sa loob ng bahay. Nauhaw ako kaya't pumasok ako sa kusena. Nag-igip ako ng tubig at habang umiinom ay narinig ko ang tilian mula sa likod ng aming bahay.Inubos ko muna ang tubig sa baso at naglakad sa isa pa naming pinto sabay bukas nito. Sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin ng probinsiya at amoy mula sa mga prutas. Hinanap ng mga mata ko ang ingay at di kalayuan sa isang puno ng mangga nakita ko ang dalawang bata naglalaro ng habol-habolan habang naka suot ng bestida. May korona rin sa ulo ng mga 'to at nakita ko rin ang isang maliit na table with chairs. Mukha may tea party ang nagaganap habang di ako ang nagbabantay sa kanila.Hinanap ko ang bantay nila at doon ko nakita si Aling Linda na nakaupo sa isang silya habang pinaypayan ang sarili at kachika niya si Frozina.
"Anong klaseng dyaryo 'to? Ang panget basahin. Oh, Lory, mahilig ka sa dyaryo diba? Sayo na yan." Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gulay marinig ang boses ni Aling Fe. Napatingin ako sa dyaryo na iniaabot ni Aling Fe. May kaliitan ang mga letra at mukhang bagong labas. Pero dahil mahilig akong magbasa ng balita, agad ko itong kinuha at ngumiti sa kanya. "Salamat, Aling Fe! Alam niyo namang pampalipas-oras ko 'to." Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga paninda sa harap ng pwesto ko. Nakikita kong dumarami ang tao sa palengke ngayong umaga, pero napansin ko rin ang ilang mga taong nakasuot ng itim na parang pormal na kasuotan. Parang may kakaibang tensyon sa paligid, lalo na’t hindi naman ito normal na makikita sa ganitong lugar. "Mga men in black pala talaga," bulong ko sa sarili, habang minamasdan ang bawat kilos ng mga lalaking iyon. Bigla akong napatigil nang mapansing nakatayo sa di kalayuan ang isa sa mga lalaking iyon. Diretso ang tingin niya, halos walang emosyon, pero
Palagi ng tinutukso ni Zuhair si Zeus kahit minsan ay nakakatikim ng sapak mula sa kapatid. Sinasaway ko naman silang dalawa pero pinaglihi ata ng kakaibang pagkain itong si Zuhair."Tama na ang paglalaro, Zuhair. Tapos ka na ba sa assignment mo? Ikaw Zeus?" Tumingin ako kay Zeus na sinusuklayan ang buhok ni Athena.Hindi ko mapigilang mapatingin sa anak ko. May hawak itong salamin at mula rito pinagmasdan niya si Zeus. Tumikhim si Athena at nilapit ang salamin kay Zeus, na sinuklayan ang buhok niya nang dahan-dahan. Halatang gustung-gusto ni Zeus ang ginagawa, at mukhang nahihiya naman ang anak ko sa atensyon na binibigay sa kanya.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikilabutan. Juskong mga batang 'to! Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Karma ko ata ito kay Frozina. Sana di ko na lang sinabi na mas gugustuhin ko pang maging balae si Cassandra kesa sa kanya. Hindi naman sa ayoko pero si Zeus? Jusko! Nakikita ko na ang future. Oo nga't princess na princess ang anak ko pero ang ba
"Ngayong araw kami pupunta sa Manila, Nix."Kausap ko si Nix ngayon habang hinahanda ko ang dalawang bata. Kita ko ang pagtutol ni Zeus pero hindi siya nagsalita. Hindi ko pa kase nasabi sa kanila na pupuntahan namin nanay nila pero kapag malaman niyang si nanay niya ang pupuntahan namin baka mauna pa ito sa sasakyan."Okay. I'll order someone to fetch you. There's a threat here, but I can watch you. It's fine with you, darling?"Napangiti ako at inayos ko muna ang buhok ni Zeus bago sumagot. "Ayos lang. Mag-iingat ka dyan, Nix. Kausapin mo anak mo."Mabilis kong ibinigay kay Athena ang phone na tahimik lang sa silya. Agad niya itong tinanggap at kinausap ang ama.Hinayaan ko sila at tinignan ang dadalhin namin. Ilan dito ay dinala ni Cassandra at sa pagkakaalam ko rin ay magkaparehas ang damit ng apat. Every matching outfits ay may dalawang wala kaya I'm hundred percents yun ang dinala ni Cassandra."... keep safe, father. I miss you and I'm excited to see you again, father.""Me too
"Darling?"Napatingin ako sa likod ko at nakita si Nix na seryoso ang mukha. Ang mata nito ay nasa luggage namin ni Athena."Bakit, pangga?" Taka kong tanong sa kanya.Bumuntong hininga ito at lumapit sakin. Niyakap ako mula sa likod at hinalikan ang aking balikat. Napakapit ako sa kamay niya."Nothing. Just worried. Thank you for always being understanding and supporting my decision to help my friend. Even though you're mad at him."Napangiti ako. "Ano ka ba, naintindihan ko naman. Kahit galit ako kay Dark nainintidahan ko naman na gusto niyang taposin ang lahat. Ang gusto ko lang is sana..sana ligtas kayo parati. Sinasabi ko sayo, Nix, kapag may nangyari sayo, hindi kita napapatawad kundi dadagdagan ko pa pasa mo."Mahigpit akong niyakap ni Nix mula sa likod. "That will never happen, darling. I'll be safe and after this, I promise you that we will live peacefully."Hinawakan ko ang kamay ni Nix na nakapulupot sa akin, naramdaman ko ang init ng yakap niya, ang bigat ng mga pangako at
"Darling..." Bumuntong-hininga si Nix habang hawak ang mga kamay ko. Halata sa kanyang mukha ang bigat ng loob, parang ang bawat salita niya ay may dalang sakit na pilit niyang pinipigilan.Nasa kwarto kaming dalawa, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sinabi niyang may ipagtatapat siya, at sa wakas, ito na ang tamang oras para malaman ko ang katotohanan. Ngunit habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan. Ano nga ba ang kasalanan niya? At anong kinalaman ni Virgo sa gabing iyon?Ang dami kong tanong na umiikot sa isipan ko, pero sa tingin ko, si Nix lang ang may sagot sa lahat ng ito."Darling, I don't know how to begin. But I want you to know that none of this has been easy for me." nagsimula siya, habang pilit na iniiwas ang tingin niya sa akin. Halatang hirap siya sa sasabihin niya, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong umatras."Sabihin mo na, Nix," bulong ko. "Kaya ko 'to. Kailangan kong marinig ang totoo."Tumango siya, parang hinihintay niya ang lak
Ang seryoso at tila galit na si Dr. Montero at isang masayahing lalaki. Pogi, lalaking-lalaki, brown yung mga mata, matangkad, at magulo ang kulay itim nitong mga buhok. May silver earring siya sa kaliwang tenga. Nakatayo lamang kami ni Frozina. Ang mga sanggol ay nasa kanilang duyan mahimbing na natutulog. Napansin ko kung paano hinanap ng mga mata ni Dr. Montero si Frozina. Ang nag-aapoy nitong mga mata ay naging kalmado ngunit saglit lang yun at mabilis sinuntok si Virgo na kinatili naming dalawa. "F*ck! Stop it, motherf*cker. You're damn in my house." Malamig na utos ni Nix sa kanila kung saan ay pilit hinila paalis si Dr. Montero sa ibabaw ni Virgo na tawa lang ng tawa kahit pinag-uulanan na ng suntok. "Grabe ka naman, Doc. Masakit. Ouch! Tama na." Nakangiti nitong turan at umaaktong nasasaktan. "F*ck you, Maranzano. F*ck you!" Malutong na mura ni Doc pero tawa pa rin ng tawa si Virgo habang iniiwasan ang suntok ni Doc na ngayon ay nakatayo na. Nanlaki ang mga mata ko habang
Napangiti akong makitang mahimbing natutulog si Athena sa kanyang duyan. Buti’t hindi iyakin ang anak ko dahil hindi ko talaga kaya kapag ako lang ang mag-isa. Kahit may karanasan akong mag-alaga ng sanggol, natataranta pa rin ako. Madalas blanko ang utak ko at hindi alam kung ano ang uunahin. Nung una nga, naiiyak din ako kapag nakita kong umiiyak ang anak ko. Buti na lang nandiyan si Nix. Bagamat minsan nalilito rin siya kung sino ang una niyang papatahanin—ako ba o ang anak namin. Speaking of Nix, wala siya ngayon sa bagong bahay namin. May kailangan siyang asikasuhin. Hindi ko na tinanong kung ano, pero alam kong may kinalaman ito sa kaibigan niyang si Dark. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay namin. Hindi ito ganoon kalaki, pero hindi rin masikip—sakto lang, at higit sa lahat, komportable. Half-cement ang bahay namin, at ang disenyo ay simple lang. Ayokong puro semento ang paligid dahil parang masakit sa mata at naiinitan ako. Napanganga ako saglit habang iniisip kung gaano k
SAGLIT akong napasulyap sa katabi ko na humahagikhik habang may pinapanood sa kanyang cellphone. Gusto ko siyang batukan dahil dumagdag siya sa problema ko sa buhay. Stress na stress na nga ako sa kakahintay ng jeep tapos sobrang init pa, dadagdag pa siya. Di na ako natutuwa sa life ko ngayon. Lintek talaga. Kung di lang ako mahirap di sana ako magtatyagang maghintay ng jeep para mag-apply ng trabaho. Gusto ko na lang maging kamote. Napatingala ako. Lord! Bigyan mo naman ako ng sign. Aahon na ba ako sa kahirapan? Di na ba lubog buhay ko? Palaging binabagyo buhay ko kaya baha araw-araw. Lubog na lubog. Huminga ako ng malalim at pinagtitinginan ang mga tao. Busy buhay nila kagaya ko pero nakatutok naman sa phone. Kahit saang sulok ng kalye may hawak silang phone. Ako lang ata ang wala. Di bale very soon magkakaroon din ako niyan. "Naku! Ang dami na naman nakidnap. Halos mga babae." "Oo nga! Kaya di ko pinayagan ang anak ko lumabas ng bahay dis oras ng gabi. Delikado na talag
The air in the black market was thick with the scent of desperation and greed, a mingling of sweat, smoke, and the sharp tang of illicit transactions. Phoenix Eadmaer Koznetsov, ex-military captain and now the formidable head of La Nera Bratva, navigated the labyrinthine alleys with the ease of a man who had long ago made his peace with the shadows. The market, hidden in the bowels of the city, was a cacophony of haggling voices and the constant buzz of clandestine activity. Stalls and makeshift shops lined the narrow paths, each offering a variety of contraband: we*pons, stolen goods, counterfeit money, and dr*gs. Phoenix was here for the latter, ensuring a major deal went smoothly. Flanked by his trusted underboss and consigliere, Demetri and Grey, Phoenix moved with a purposeful stride. His presence commanded respect and fear in equal measure. Conversations halted and eyes averted as they passed, the crowd parting like the Red Sea. They approached a small, nondescript tent at
As I arrived home from a long day at work, the warmth of my family’s laughter drifted through the door, and I couldn’t help but smile. The second I stepped inside, our son, Poseidon, dashed over, his little face lighting up as he wrapped his arms around my legs. “Daddy!” he cheered, his voice full of excitement and love. His ate Athena quickly followed, the two of them surrounding me, competing for hugs and my attention. Each one of them reminded me why I fought so hard, why I worked tirelessly, and why I pushed through the shadows of my past every single day. I gazed across the room, and there, in the kitchen, was Athenrose, my darling, bustling with dinner preparations. She caught my eye and gave me that gentle smile she always did—one that carried understanding, love, and acceptance, despite knowing the darkness I came from. As I watched her, memories began to flood back. The life I left behind… It was never something I could entirely forget. I was once a man of honor, a soldier
"Naku, Nix. Kapag ako matapilok, matatamaan ka sa akin." Inis kong sabi ni Nix.Nakablindfold ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Nix na tudo alalay sa akin. Mahigpit akong napahawak sa kamay niyang nasa balikat ko."Calm down, darling. I'll not be fall. I'm here." Mahinahon nitong sabi.Napanguso ako at nagdecide na huwag nang magtanong. Hinayaan ko siya, hawak-hawak pa rin ang kamay niya habang tinatahak namin ang hindi ko alam na daan. Habang inalalayan niya ako, hindi ko mapigilang mapansin ang katahimikan ng paligid. Napakatahimik at tila malamig ang hangin na humahaplos sa balat ko. Ang naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at ang mahinang ihip ng hangin. Hindi rin masakit sa balat ang init ng araw. Siguro’y hapon na.Huminga ako nang malalim, ninanamnam ang sariwang hangin, habang ang mga hakbang namin ay mas nagiging mabagal at maingat. Ramdam kong malapit na kami sa destinasyon, pero hindi ko maisip kung ano ang naghihintay sa akin.Pagkalipas ng ilang saglit,
"We are going to France, mother? Why po?" Inosenteng tanong ni Athena sa akin. Napahinto ako sa pag-aayos ng damit niya at tumingin sa kanyang mukha. Sumalubong sa akin ang kulay brown niyang mga matang nakuha kay Nix. "Kase nga po, doon ang kasal ni Tita Cassy mo at Tito Dark." Nakangiti kong sabi. Kumunot ang noo niya. "I'm still wondering why po malayo? They can married naman here sa Philippines. Is it required to marry in other country, mother?" Umiling ako. "Hindi naman po. Kase po, si Tito Dark mo doon siya pinanganak at lumaki. Gusto ng Tito Dark mo pakasalan si Tita Cassandra kung saan siya galing, sa bansang malapit sa kanyang puso," mahinahon kong sagot habang sinusuot ko ang maliit na bulaklakin na headband sa ulo ni Athena. Napaka-inosente ng kanyang tanong, at halatang naguguluhan siya sa ideya ng isang kasal sa ibang bansa. "Mother, is it a magical place like in the movies?" tanong niya, may kislap ng excitement sa kanyang mga mata. Tumango ako at ngumiti, pi
"Uy, Cass. Tampo ka pa rin?" tanong ko, sabay kinalabit si Cassandra, na nakataas pa rin ang kilay at tahimik na nakatanim ang mga braso sa kanyang dibdib. Alam kong napikon siya sa balitang ikinasal na ako at may anak na rin, at hindi ko man lang siya naabalan noon para magpaalam o magbigay ng kahit anong clue."Ikaw ha, Lory. Magsasawa ka sa sermon ko mamaya," sabi niya, pero may bahagyang ngiti na rin sa kanyang mga labi. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kakulitan ng best friend ko.Habang sinusuyo ko siya, biglang sumingit ang siraulong si Frozina, na kanina pang nagtatawa sa gilid. "Happy? Happy?" bulong niya, sabay kindat at mas lalong lumapit para lang mang-asar.Sinamaan ko ng tingin ang Frozina na 'to. "Ewan ko ba sayo! Bakit ka ba kase dumating, br*hang ka?" inis kong sagot habang pilit siyang tinutulak palayo. "Dapat nga ikaw yung nasa hot seat, eh. Ikaw ang bagong tao dito, tapos asawa ka pa ni Dr. Montero! Bakit ako ang pinag-initan?"Umikot lang ang mga mata ni Frozina a