Isang buwan matapos isinilang ko si Athena ay naisipan namin ni Phoenix lumapit ng matitirhan. Napili naman ang hindi malayo sa bahay ni Cassandra upang madali ko lamang siya mabisita at matulungan.Hanggang ngayon, itinago ko pa rin sa kanya ang buong katotohanan. Hindi niya alam. Sasabihin ko naman sa kanya ngunit hindi pa sa ngayon. Takot ako. Takot ako sa posibilidad na mangyayari lalo na't alam kong may nakamasid sa paligid namin. Ganun din si Nix, itinago niya rin kami mula sa iba pa niyang mga kaibigan. Si Dr. Montero lamang ang nakakaalam tungkol sa amin ni Athena. Ganun din kami, kami lang din ang nakakaalam na may mag-ina na rin siya. Parang win win na rin sa kanilang dalawa. Magpinsan nga sila. Parehas ang utak."Darling, where I'll put this one?"Napatigil ako sa pag-aayos ng handa sa mesa at lumingon kay Nix. Hawak nito ang number one at tarpaulin na may mukha ni Athena. Dalawang selebrasyon ngayon. Birthday ni Athena at binigay niya rin.Malapit na ang oras ng misa pero
Nakakunot ang noo ko nang sinalubong ako ng katahimikan pagpasok ko sa bahay. Galing ako kila Cassandra pagkatapos ay dumiretso sa palengke para maninda at umuwi agad.Napakurap-kurap akong inilibot ang tingin sa loob ng bahay. Nauhaw ako kaya't pumasok ako sa kusena. Nag-igip ako ng tubig at habang umiinom ay narinig ko ang tilian mula sa likod ng aming bahay.Inubos ko muna ang tubig sa baso at naglakad sa isa pa naming pinto sabay bukas nito. Sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin ng probinsiya at amoy mula sa mga prutas. Hinanap ng mga mata ko ang ingay at di kalayuan sa isang puno ng mangga nakita ko ang dalawang bata naglalaro ng habol-habolan habang naka suot ng bestida. May korona rin sa ulo ng mga 'to at nakita ko rin ang isang maliit na table with chairs. Mukha may tea party ang nagaganap habang di ako ang nagbabantay sa kanila.Hinanap ko ang bantay nila at doon ko nakita si Aling Linda na nakaupo sa isang silya habang pinaypayan ang sarili at kachika niya si Frozina.
"Anong klaseng dyaryo 'to? Ang panget basahin. Oh, Lory, mahilig ka sa dyaryo diba? Sayo na yan." Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gulay marinig ang boses ni Aling Fe. Napatingin ako sa dyaryo na iniaabot ni Aling Fe. May kaliitan ang mga letra at mukhang bagong labas. Pero dahil mahilig akong magbasa ng balita, agad ko itong kinuha at ngumiti sa kanya. "Salamat, Aling Fe! Alam niyo namang pampalipas-oras ko 'to." Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga paninda sa harap ng pwesto ko. Nakikita kong dumarami ang tao sa palengke ngayong umaga, pero napansin ko rin ang ilang mga taong nakasuot ng itim na parang pormal na kasuotan. Parang may kakaibang tensyon sa paligid, lalo na’t hindi naman ito normal na makikita sa ganitong lugar. "Mga men in black pala talaga," bulong ko sa sarili, habang minamasdan ang bawat kilos ng mga lalaking iyon. Bigla akong napatigil nang mapansing nakatayo sa di kalayuan ang isa sa mga lalaking iyon. Diretso ang tingin niya, halos walang emosyon, pero
Palagi ng tinutukso ni Zuhair si Zeus kahit minsan ay nakakatikim ng sapak mula sa kapatid. Sinasaway ko naman silang dalawa pero pinaglihi ata ng kakaibang pagkain itong si Zuhair."Tama na ang paglalaro, Zuhair. Tapos ka na ba sa assignment mo? Ikaw Zeus?" Tumingin ako kay Zeus na sinusuklayan ang buhok ni Athena.Hindi ko mapigilang mapatingin sa anak ko. May hawak itong salamin at mula rito pinagmasdan niya si Zeus. Tumikhim si Athena at nilapit ang salamin kay Zeus, na sinuklayan ang buhok niya nang dahan-dahan. Halatang gustung-gusto ni Zeus ang ginagawa, at mukhang nahihiya naman ang anak ko sa atensyon na binibigay sa kanya.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikilabutan. Juskong mga batang 'to! Napapikit ako at pinakalma ang sarili. Karma ko ata ito kay Frozina. Sana di ko na lang sinabi na mas gugustuhin ko pang maging balae si Cassandra kesa sa kanya. Hindi naman sa ayoko pero si Zeus? Jusko! Nakikita ko na ang future. Oo nga't princess na princess ang anak ko pero ang ba
"Ngayong araw kami pupunta sa Manila, Nix."Kausap ko si Nix ngayon habang hinahanda ko ang dalawang bata. Kita ko ang pagtutol ni Zeus pero hindi siya nagsalita. Hindi ko pa kase nasabi sa kanila na pupuntahan namin nanay nila pero kapag malaman niyang si nanay niya ang pupuntahan namin baka mauna pa ito sa sasakyan."Okay. I'll order someone to fetch you. There's a threat here, but I can watch you. It's fine with you, darling?"Napangiti ako at inayos ko muna ang buhok ni Zeus bago sumagot. "Ayos lang. Mag-iingat ka dyan, Nix. Kausapin mo anak mo."Mabilis kong ibinigay kay Athena ang phone na tahimik lang sa silya. Agad niya itong tinanggap at kinausap ang ama.Hinayaan ko sila at tinignan ang dadalhin namin. Ilan dito ay dinala ni Cassandra at sa pagkakaalam ko rin ay magkaparehas ang damit ng apat. Every matching outfits ay may dalawang wala kaya I'm hundred percents yun ang dinala ni Cassandra."... keep safe, father. I miss you and I'm excited to see you again, father.""Me too
"Darling?"Napatingin ako sa likod ko at nakita si Nix na seryoso ang mukha. Ang mata nito ay nasa luggage namin ni Athena."Bakit, pangga?" Taka kong tanong sa kanya.Bumuntong hininga ito at lumapit sakin. Niyakap ako mula sa likod at hinalikan ang aking balikat. Napakapit ako sa kamay niya."Nothing. Just worried. Thank you for always being understanding and supporting my decision to help my friend. Even though you're mad at him."Napangiti ako. "Ano ka ba, naintindihan ko naman. Kahit galit ako kay Dark nainintidahan ko naman na gusto niyang taposin ang lahat. Ang gusto ko lang is sana..sana ligtas kayo parati. Sinasabi ko sayo, Nix, kapag may nangyari sayo, hindi kita napapatawad kundi dadagdagan ko pa pasa mo."Mahigpit akong niyakap ni Nix mula sa likod. "That will never happen, darling. I'll be safe and after this, I promise you that we will live peacefully."Hinawakan ko ang kamay ni Nix na nakapulupot sa akin, naramdaman ko ang init ng yakap niya, ang bigat ng mga pangako at
Nasa loob na kami ng kanyang bahay at umalis na rin ang dalawang lalaki. Pagpasok pa lang namin sa bahay, agad kong naramdaman ang lamig at aliwalas sa loob ng bahay. Ngayon, ay nasa isang maluwang na sala kami, puno ng natural na liwanag mula sa malalaking bintanang salamin. May mga upuang gawa sa kahoy na may mga kulay na unan at isang simpleng fireplace na may ilang family photos sa ibabaw nito.Huminto ang mga mata ko sa family photos. Grabe! Mas may malala pa pala magtago sa kanila. Di ko enexpect si Virgo. Pero, Virgo ba talaga ang pangalan niya?"Pasensiya na kayo, huh, kung malayo bahay namin." Paumanhin nito habang may dalang tray.May juice at pandesal. Medyo nahiya naman ako dahil sobrang hospitable niya. Tinignan ko si Frozina na walang alinlangang kumuha ng isang baso at nilagok ito. Ako yung nahiya sa kanya. Ang kapa talaga ng mukha.Di ko siya pinansin at ngumiti sa asawa ni Virgo."Ano ka ba? Ayos lang no'. Kami dapat ang hihingi ng pasensiya dahil makikituloy kami sa
"Kumusta ka? Ayos ka lang ba? May sugat ka ba? Natamaan ka ba? Hoy, Phoenix Eadmaer Koznetsov, sumagot ka! Umuwi ka dito ngayon din! Kung hindi, di ka talaga makakapasok ng bahay." Bulyaw ko sa kabilang linya.Napasinghap ang tao nasa kabilang linya. "Y-You can't do that to me, darling.""Huh! Subukan mo ako, Eadmaer." Banta ko.Palakad-lakad ako sa sala habang kausap ko ang hinayupak na si Nix. Abot langit ang pag-alala ko sa kanya. Kung nacomatose ang masamang damo na si Dark, baka mas malala pa ang natamo ng asawa ko. Anak ng tinapa talaga.Sinabi ko na nga ba. Last na talaga 'to. No rifle and sniper anymore.Mabilis na huminga si Nix sa kabilang linya, at ramdam ko ang kaba sa boses niya. "Darling, calm down. I’m fine. Just a little scratch—promise. You don’t need to worry."Napapikit ako habang pinipigilan ang galit at pag-aalala. Anak ng tinapa talaga! Akala niya, sa isang ‘konting galos’ lang natatapos 'to? Sinabihan ko na siya nang paulit-ulit, pero ayaw talaga tumigil sa mga