Share

Chapter 105

"Anong klaseng dyaryo 'to? Ang panget basahin. Oh, Lory, mahilig ka sa dyaryo diba? Sayo na yan."

Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gulay marinig ang boses ni Aling Fe. Napatingin ako sa dyaryo na iniaabot ni Aling Fe. May kaliitan ang mga letra at mukhang bagong labas. Pero dahil mahilig akong magbasa ng balita, agad ko itong kinuha at ngumiti sa kanya.

"Salamat, Aling Fe! Alam niyo namang pampalipas-oras ko 'to."

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga paninda sa harap ng pwesto ko. Nakikita kong dumarami ang tao sa palengke ngayong umaga, pero napansin ko rin ang ilang mga taong nakasuot ng itim na parang pormal na kasuotan. Parang may kakaibang tensyon sa paligid, lalo na’t hindi naman ito normal na makikita sa ganitong lugar.

"Mga men in black pala talaga," bulong ko sa sarili, habang minamasdan ang bawat kilos ng mga lalaking iyon.

Bigla akong napatigil nang mapansing nakatayo sa di kalayuan ang isa sa mga lalaking iyon. Diretso ang tingin niya, halos walang emosyon, pero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status