공유

Chapter 109

Nasa loob na kami ng kanyang bahay at umalis na rin ang dalawang lalaki. Pagpasok pa lang namin sa bahay, agad kong naramdaman ang lamig at aliwalas sa loob ng bahay. Ngayon, ay nasa isang maluwang na sala kami, puno ng natural na liwanag mula sa malalaking bintanang salamin. May mga upuang gawa sa kahoy na may mga kulay na unan at isang simpleng fireplace na may ilang family photos sa ibabaw nito.

Huminto ang mga mata ko sa family photos. Grabe! Mas may malala pa pala magtago sa kanila. Di ko enexpect si Virgo. Pero, Virgo ba talaga ang pangalan niya?

"Pasensiya na kayo, huh, kung malayo bahay namin." Paumanhin nito habang may dalang tray.

May juice at pandesal. Medyo nahiya naman ako dahil sobrang hospitable niya. Tinignan ko si Frozina na walang alinlangang kumuha ng isang baso at nilagok ito. Ako yung nahiya sa kanya. Ang kapa talaga ng mukha.

Di ko siya pinansin at ngumiti sa asawa ni Virgo.

"Ano ka ba? Ayos lang no'. Kami dapat ang hihingi ng pasensiya dahil makikituloy kami sa
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status