KAMUNTIK nang ma-late si Kira dahil hindi siya ginising ni Dimitri. Nauna pa pala siyang nagising dito. Sandwich lang ang kinain niya. Dahil sa pagmamadali ay naiwan ang kaniyang laptop pero naisiksik niya sa bag ang librong binabasa at maliit na sketch book. Problemado siya sa second subject nila dahil wala siyang laptop. Mabuti pinahiram siya ni Shaira kaya hindi siya na-zero sa activity nila. Sa hapon naman ay dalawa lang ang subject nila. Hindi muna siya umuwi at nagtungo sa opisina ni Luther. Babae naman na mataba ang nadatnan niya roon. “Yes?” bungad nito. May suot itong salamin sa mga mata. “Si Sir Luther po?” aniya. “Lumipat na siya sa kabilang kuwarto.” “Pinalitan n’yo po siya?” “Uh, hindi. I’m also one of the counselors here.” “Kayo na po ba ang kakausapin ko?” “Kung si Sir Luther ang unang naka-assign to guide you, siya ang puntahan mo. Nasa kabilang room siya sa bandang kaliwa.” Ngumiti ito. Tumango lang siya at lumabas. Kumatok naman siya sa kuwartong tinutukoy n
DIMITRI didn’t expect his anxiousness to get worst. When he heard about Kira’s college counselor, it started to burden him. Mabuti na lang nabili na niya ang school ni Kira at ilang proseso na lang ay maayos na ang papeles at opisyal na mailipat sa kaniyang pangalan. He will have the right to control anything in the school. Pagkatapos ng hapunan ay pinuntahan niya sa kuwarto si Kira. Nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng libro. “Nasaan ang bag mo?” tanong niya rito. Itinuro nito ang bag na nasa ibabaw ng study table. Nilapitan naman niya ito at binukatkat. Naroon pa rin ang box ng chocolate. Kinuha niya ito at pinakita kay Kira. “Sino ang nagbigay nito sa ‘yo, Kira?” kastigo niya sa asawa. Walang kurap itong tumitig sa kaniya. “Uhm…. ano s-si--” “Don’t lie to me!” He shrieked as he noticed that Kira seems trying to think of an alibi. “Si Sir Luther!” sa wakas ay pag-amin nito. He doesn’t know how to react. Lalo lamang uminit ang kaniyang ulo. Although aware siya na mahilig humin
HINDI mapigil ni Kira ang kaniyang pagluha dahil sa bigat ng emosyong lumukob sa kaniya. Nasuntok niya sa mukha si Ferry matapos siyang sabihan na t*nga, malandi, at nag-asawa ng matandang pangit. Napaiyak siya sa galit pero nanaig ang sama ng loob. “Tahan na, Kira. Uuwi na tayo,” alo sa kaniya ni Shaira. Nakasalampak pa rin siya sa sahig sa harapan ng classroom nila, walang tigil sa pagluha habang yakap ang kaniyang mga tuhod. “Bakit ayaw nila sa akin, Shaira? Bad ba ako?” humihikbing tanong niya sa kaibigan. “Hindi. Sila ang bad at inggit lang kasi mas mayaman ka.” Bumalik naman si Ferry mula clinic at marami nang nakadikit na band-aid sa mukha dahil may kamot pa siya. Akmang susugurin siya nito ngunit may humagip sa kanang braso nito at humatak palayo sa kaniya. Napatingala si Kira, tulalang nakatitig sa lalaking humila kay Ferry. Nawindang siya nang matanto na si Dimitri ito, walang suot na mascara! “Who are you, as*hole?” palabang tanong ni Ferry kay Dimitri. Nagpumiglas i
MAAGANG nakatulog si Kira kaya walang abala sa paperwork ni Dimitri. Saglit lang niya itong tinuruan sa mga lessons nito at nakatulog sa sofa roon sa kaniyang opisina. Binuhat niya ito at inilipat sa kuwarto.Nahagip ng paningin niya ang bag ni Kira na nakalabas ang mga laman. Nakapatong lang ito sa ibabaw ng lamesa. Inilabas niya ang ibang laman nito at mayroon na namang chocolate na imported pero ibang brand. Made in Italy pa rin ito. Bukas na ito at may bawas na dalawang bar.Napailing siya. Kira didn’t follow him and still accepted stuff from Luther. Maybe Kira asked for a return from something in Luther’s favor. Hindi naman basta manghihingi ng chocolate si Kira kung walang kapalit. May something sa Luther na ‘yon na mabilis marahuyo ang kaniyang asawa.Hindi siya papayag na maunahan siya ng lalaking ‘yon na mapaibig ang asawa niya. He needs to talk to this as*hole.Kinabukasan ay siya mismo ang naghatid kay Kira sa school at kinausap na rin ang adviser nito. Hindi na niya nahint
NAKASIMANGOT na lumabas ng classroom si Kira dahil mababa ang score niya sa quest. Humabol sa kaniya si Shaira paglabas. Inakbayan siya nito. “Ayos lang ‘yan, Kira. Makabawi ka rin sa susunod na quest,” sabi nito. “Ayaw ko na mag-aral,” nanghihinang sabi niya. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” “Tama si Ferry, b*bo ako.” “Hoy! Mas mahina naman ang utak ni Ferry, no. Pinapakopya lang siya ni Antonia na matalino, binabayaran niya. Kaya huwag kang paghinaan ng loob.” Malapit na sila sa cafeteria pero hindi siya makapagpasya kung kakain. Nabusog siya ng chocolate na bigay ni Luther. Mamaya ay kinalabit siya ni Shaira sa balikat. “Hindi ba asawa mo ‘yon, Kira?” anito. Napalinga naman siya sa paligid. Nang makita si Dimitri na nakatayo sa gilid ng pintuan ng cafeteria, wari pinapalo ang dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso. “Dimitri?” sambit niya. “Asawa mo nga! Ang pogi talaga!” kinikilig na usal ni Shaira. Humakbang na patungo sa kanila si Dimitri. Sinalubong na
MAGING sa mga pagkaing naihain sa lamesa ay ikinamangha ni Kira. Maraming pagkain, makukulay, mabango kaya nasabik siyang tikman lahat ang mga ito. Hindi naman siya pinigilan ni Dimitri na lantakan ang pagkain. “Eat slowly, Kira. Walang humahabol sa ‘yo. Puwede kang kumain ng kahit anong gusto mo rito sa restaurant,” sita ni Dimitri. Hindi na siya makapagsalita dahil puno ang kaniyang bibig ng pagkain. Tumango lamang siya bilang tugon kay Dimitri. Ganado siyang kumain dahil gutom na gutom at medyo late na rin para sa hapunan nila. “Ang sasarap kasi ng pagkain!” wika niya nang maubos ang laman ng bibig. “Marami pang pagkain dito kaya huwag kang magmadali.” “Ibig sabihin bibili ka ulit ng pagkain kung maubos natin lahat ito?” Namilog ang kaniyang mga mata. Napailing si Dimitri. “Imposibleng maubos natin lahat ito.” “Uubusin ko ito!” “Baka hindi ka na makalakad mamaya.” “Buhatin mo na lang ako.” Ngumisi siya. “Silly. Damihan mo na lang kainin ang mga gulay at isda.” “Sige ba.”
PAGKATAPOS ng klase sa hapon ay pinapunta si Kira ng guro sa opisina ni Luther para sa weekly guidance session niya. Si Luther umano ang guide niya sa pag-aaral upang mas mabilis niyang masundan ang lessons nila. Kailangan umano niya ito para mapabilis ang development ng kaniyang utak. “Sandali lang, Kira,” pigil sa kaniya ni Manang Sonia. Papasok na sana siya sa gusali kung saan ang opisina ni Luther. Hinabol pala siya ng ginang at ibang boydguards. “Bakit po, Manang?” ‘takang tanong niya. “Sabi ni Conard, samahan daw kita sa loob ng opisina ni Sir Luther,” anito. “Hindi po puwede. Sabi ni Sir Soria, ako lang dapat ang haharap kay Sir Luther para masanay ako.” “Eh, sabi kasi ni Don Dimitri, samahan daw kita.” “Bakit siya ang masusunod? Puwede kayong sasama pero sa labas lang ng opisina ni Sir Luther.” “Sige, puwede na ‘yon.” Tumuloy na sila. Naiwan sa labas ng gusali ang bodyguards at silang dalawa lang ng ginang ang pumasok. Pero sa labas lang ng opisina tumambay si Sonia a
DINAMDAM ni Kira ang sama ng loob dahil sa inasal ni Dimitri. Bumabalik na naman ito sa dati na palaging galit. Hindi siya lumabas ng kuwarto noong gabi at nagpakaalaba sa pagbabasa ng libro. Ilang beses siyang tinawag ni Dimitri upang kakain pero hindi siya lumabas. Umaasa siya na pupuntahan siya nito sa kuwarto pero wala. Lumipas lang ang ilang oras at humilab na ang kaniyang sikmura. Alas nuwebe na ng gabi. Napilitan siyang lumabas at bumaba sa ground floor at madilim na. Talagang tiniis siya ni Dimitri. Pumasok siya sa kusina at kumain. Halos hirap siyang lunukin ang pagkain dahil sa paninikip ng kaniyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan si Dimitri. Minsan ay okay ito, madalas mainit ang ulo. Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa kuwarto ni Dimitri pero walang tao roon. Hinanap niya ito kung saan. Nabuksan na niya lahat ng ilaw sa bahay pero hindi niya makita si Dimitri. Wala rin ito sa labas. Nang bumalik siya sa ground floor ay may naririnig siyang banayad na da*ng ng