Share

Chapter 4

Author: cute_cassie
last update Huling Na-update: 2025-01-10 08:10:26

(Ysabella’s POV)

Pagkatapos kong tapusin ang mga papeles na kailangang ipasa kay Sir Zachariel, napagdesisyunan kong bumaba muna sa may common area ng opisina para magpahangin. Medyo nakakakulong na kasi ang pakiramdam ko sa cubicle ko matapos ang tensyon kanina.

Pagdating ko sa may lounge area, agad akong nakaramdam ng kakaibang aura. Tumigil ang usapan ng ilang empleyado nang makita nila ako. Yung tipong parang napatingin sila sa akin nang sabay-sabay.

“Uy, andyan na si Miss Universe natin!” biglang bulalas ng isang lalaki mula sa accounting department. Natatawa akong ngumiti at bahagyang napailing.

“Good morning po,” bati ko nang magalang, pilit na tinatago ang hiya. Pero sa totoo lang, medyo nakaka-awkward ang ganitong atensyon.

“Grabe, Ysabella, parang hindi ka tumatanda! Ganda-ganda mo pa rin!” sabi naman ng isang babaeng staff mula sa HR. Ngumiti ako sa kanya, kahit pakiramdam ko’y nag-init na ang pisngi ko.

“Ah, ma’am, kaka-apply ko lang po dito last week,” natatawang sagot ko. “Hindi pa po ako matagal.”

“Talaga? Eh paano, parang matagal ka na naming kilala!” sabat ng isa pang lalaki mula sa sales team. “Ang gaan mo kasi kasama, tapos ang ganda mo pa.”

“Sir, baka sumakit po ang ulo ko sa papuri niyo,” biro ko, sabay tawa. Pero ang totoo, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko.

“Ano bang sikreto mo, Ysabella?” tanong naman ng isa. “Pati ba sa tubig na iniinom mo, may halo ng ganda?”

Napatawa ako. “Wala po akong sikreto. Tubig lang talaga at tulog,” sagot ko. Pero ang totoo, gusto ko nang makalabas ng lounge. Nakakahiya na talaga!

“Teka, mga ‘tol,” sabat naman ng isang lalaki na medyo paloko ang tingin. “Kaya siguro fresh na fresh si Ysabella kasi inspired ‘yan. Ano, Ysabella? May nagpapakilig ba sa’yo?”

Bigla akong napamaang. “Ha? Wala po!” mabilis kong sagot, sabay tawa.

“Ah, hindi daw, pero bakit ang pula ng mukha? Ayieee!” sabay-sabay silang nagkantiyawan.

“Grabe naman po kayo!” pilit kong tanggi, pero hindi ko mapigilan ang pagngiti. Paano ba naman kasi, ang lakas nilang mang-asar.

“Hayaan niyo na si Ysabella,” sabi naman ng isa, kunwari’y tumutulong sa akin pero halata namang nambibiro din. “Baka naman si Boss Zachariel ang dahilan ng blooming na ‘yan.”

Bigla akong napatigil. Ang saya-saya pa ng mukha ko kanina, pero nang marinig ko iyon, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

“Uy, kita mo ‘yon? Napatigil!” sigaw ng isa. Lalo pa silang nagkantiyawan.

“Ano ba kayo? Grabe kayo mang-asar!” sagot ko habang pilit na tinatawanan ang usapan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang mag-isip. Ang obvious ba masyado?

Sa gitna ng tawanan, bigla namang bumukas ang elevator. Tumahimik ang lahat, at kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglabas ni Sir Zachariel. Lahat ng mga mata ay biglang napunta sa kanya.

“Good morning, Sir!” sabay-sabay nilang bati. Pero ako? Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

Tumango lang siya bilang sagot, at sandali siyang tumingin sa akin bago dumiretso sa opisina niya. Parang walang nangyari. Pero bakit parang may bigat ang tingin na iyon?

Pagkaalis niya, nagpatuloy ang bulungan sa paligid. Pero ako? Tumayo na ako, dala ang folder ng mga papeles, at bumalik sa desk ko. Ayoko nang marinig ang kahit ano pa. Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko—may dahilan ba para bigyan nila ng kulay ang lahat ng ito?

Bakit nga ba iba ang nararamdaman ko kapag si Sir Zachariel ang pinag-uusapan?

Pagbalik ko sa desk ko matapos ang biruan sa lounge, sinubukan kong mag-focus sa mga trabaho. Pero parang ang hirap. Parang naririnig ko pa rin ang kantiyawan kanina, lalo na ang tungkol kay Sir Zachariel. Napailing ako, pilit na tinatanggal sa isip ang lahat ng iyon.

Ipinatong ko ang mga papeles sa mesa at huminga nang malalim. Focus, Ysabella. Trabaho lang. Wala kang ibang iisipin.

Pero bago pa ako makapagsimula, biglang sumulpot si Sir Zachariel sa harap ko.

“Miss Ysabella,” malamig at malalim niyang tawag sa akin.

Halos maipit ang hininga ko. Agad akong tumayo, halos mabangga pa ang upuan ko. “S-Sir! Good morning po!”

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako, at para bang sinisiyasat niya ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Oh no. Galit ba siya? May nagawa ba akong mali?

“Sumunod ka sa akin,” malamig niyang sabi, at agad siyang tumalikod pabalik sa opisina niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ang kaba na bumalot sa buong katawan ko. Habang sinusundan ko siya, ang tunog ng mga hakbang ko ay parang dagundong sa tahimik na hallway. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang posibleng dahilan kung bakit niya ako pinatawag.

“Okay ka lang, Ysabella,” pabulong kong sabi sa sarili. Pero kahit anong pilit kong magpakalma, parang hindi gumagana.

Pagdating namin sa pintuan ng opisina niya, binuksan niya ito nang walang sabi. Tumigil siya sandali at tumingin sa akin. “Pasok,” maiksi niyang utos.

Agad akong sumunod at tumayo malapit sa mesa niya. Napansin kong tahimik ang buong silid, tanging pagkaluskos ng air conditioner ang naririnig. Pinilit kong magmukhang kalmado kahit ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Umupo ka,” dagdag niya habang umupo siya sa swivel chair niya.

Sinunod ko ang sinabi niya at marahan akong naupo sa upuan sa harap ng mesa niya. Pilit kong iniwas ang tingin sa kanya, pero nararamdaman ko ang mabigat niyang titig sa akin.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Ano kaya ang sasabihin niya? Papagalitan kaya ako? O baka may reklamo siya sa trabaho ko? Sunod-sunod na tanong ang gumugulo sa isip ko, pero hindi ko magawang magsalita.

“Ilang linggo ka pa lang dito, Ysabella,” biglang sabi niya, basag sa katahimikan. Ang boses niya’y malalim at malamig, na tila may halong kakaibang bigat.

Tumango ako, pilit na ngumiti nang mahina. “Opo, Sir.”

“Tingin mo, kaya mo bang magtagal sa posisyon mo bilang secretary ko?” tanong niya, diretso ang tingin sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Sa kabila ng tanong niya, naramdaman ko ang tila hamon sa boses niya. Bakit parang sinusubok niya ako?

“Opo, Sir. Kaya ko po,” sagot ko nang may kaba, pero sinigurado kong buo ang boses ko.

Saglit siyang tumingin sa akin, bago bahagyang tumango. “Good. Dahil hindi madali ang trabaho mo.”

Sa loob ng ilang minuto, nag-usap kami tungkol sa bagong tasks na kailangan kong gawin. Pero kahit nagtatrabaho na kami, hindi pa rin mawala ang tensyon sa pagitan namin. Ramdam ko ang kakaibang presensya niya—yung tipong parang kayang bumalot ng buong silid.

Habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapansin ang lalim ng boses niya, ang paraan ng pagbagsak ng mga salita niya, at ang pagkakaupo niya na tila may hawak siyang kapangyarihan sa lahat ng oras.

Focus, Ysabella! Trabaho lang to! paalala ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng mahabang diskusyon, tumayo siya at tumingin sa akin. “’Yan muna ang asikasuhin mo. Bumalik ka kapag tapos na.”

Tumango ako at mabilis na lumabas ng opisina. Pero habang naglalakad pabalik sa mesa ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang kabog sa dibdib ko.

Ano ba talaga ang epekto ng boss na ito sa akin?

(Zachariel’s POV)

Ang gabi ang tanging panahon na kaya kong takasan ang bigat ng responsibilidad. Mula sa papel ng pagiging CEO hanggang sa mas madilim kong mundo bilang pinuno ng mafia, wala akong ibang hangad kundi kahit saglit na kalayaan. Kaya naman, matapos ang nakakapagod na araw sa opisina, dumiretso ako sa paborito kong bar.

Pagpasok ko pa lang, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng alak at usok. Malamlam ang ilaw, at ang musika’y sapat lang para hindi mangibabaw sa ingay ng mga tao. Ang lugar na ito ay naging takbuhan ko sa tuwing gusto kong magtago—kung saan walang nakakakilala sa akin bilang Zachariel Montenegro.

Tumango ako sa bartender at umupo sa pinaka-dulo ng counter. “Isang bourbon,” maiksi kong sabi. Agad namang kumilos ang bartender, sanay na sa paborito kong inumin.

Habang hinihintay ang order ko, inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mga mukha ng iba’t ibang tao ang bumungad sa akin—may mga naghahalakhakan, may mga nagbubulungan sa dilim, at may ilang tahimik na nagmamasid lang tulad ko.

Agad kong napansin ang isang babae sa kabilang dulo ng bar. Mestisang morena, mahaba ang buhok, at suot ang isang pulang damit na masyadong maikli para maging disente. Ang kanyang mga mata ay nagtataglay ng malisyang tila sinasadyang ipakita sa akin. Napangisi ako. Mukhang nahanap ko na ang target ko ngayong gabi.

Pagkabigay ng bartender ng alak ko, tumayo ako at diretsong lumapit sa kanya. Hindi na kailangan ng pasakalye. Ganoon ang laro sa lugar na ito—walang personalan, walang tanungan.

“Mind if I join you?” tanong ko, ang boses ko’y mababa at puno ng kumpiyansa.

Tumingin siya sa akin, at isang mapang-akit na ngiti ang sagot niya. “Go ahead,” sagot niya, sabay tingin mula ulo hanggang paa. Alam kong sinusukat niya ako, pero sanay na ako sa ganitong laro.

Nag-usap kami saglit, pero wala na sa akin ang sinasabi niya. Ang totoo, wala akong pakialam. Ang habol ko lang ay ang mawala ang tensyon sa dibdib ko, ang maibsan ang pagod, kahit saglit lang.

“Wanna get out of here?” bulong ko sa kanya matapos ang ilang minuto. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng pilyo. “Your place or mine?” tanong niya.

“Yours,” sagot ko, malamig at diretso.

Paglabas namin ng bar, ramdam ko ang bigat ng gabi. Pero sa totoo lang, kahit pa nasa bisig ko ang babaeng ito, hindi ko maiwasang isipin ang ibang bagay—mga bagay na hindi ko dapat iniisip.

Habang nakasakay kami sa sasakyan, biglang pumasok sa isip ko ang secretary kong si Ysabella. Ang tahimik niyang ganda, ang paraan ng kanyang kilos, at ang mga titig niya na tila hindi alam kung paano ako basahin.

Napailing ako. Ano ba itong iniisip ko? Isa lang siyang empleyado. Pilit kong nilabanan ang pag-usbong ng ideya, at ibinalik ko ang atensyon ko sa babaeng katabi ko.

Pero kahit anong pilit kong gawin, hindi maalis sa isip ko si Ysabella. At sa pagkakataong iyon, napagtanto ko—hindi lang siya basta empleyado. Siya ang tanging tao na nagtataglay ng kapangyarihang guluhin ang kontrolado kong mundo.

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia Boss and His Muse   Panimula

    Ang PanimulaAng tunog ng matulin na yabag ni Ysabella Fuentes sa marmol na sahig ng Montenegro Industries ay sumabay sa mabilis na tibok ng kanyang puso. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya akalain na makakatungtong siya sa gusaling ito—isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa bansa.Nakahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng kanyang resume at credentials.“Kayang-kaya mo ‘to, Bella,” bulong niya sa sarili habang umaayos ng blouse na masyadong hapit para sa kanyang kaginhawaan.Napatingin siya sa paligid. Napaka-elegante ng opisina—malalaking chandeliers, malinis na marmol na sahig, at mga empleyadong tila laging nagmamadali. Parang hindi siya nababagay dito. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang makuha ang trabahong ito.Lumapit siya sa front desk kung saan naroon ang isang babae na mukhang busy sa computer."Excuse me," mahinang sabi ni Bella.Tumingin ang receptionist sa kanya, tumaas ang kilay, pero ngumiti.“Yes? How can I help you?”“I’m here to a

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 1

    Maagang nagising si Ysabella Fuentes noong Martes. Alas-sais pa lang ng umaga, nakahanda na siya—nakaayos ang kanyang buhok sa sleek ponytail, at suot ang simpleng blue blouse at black slacks na napili niyang pormal pero hindi masyadong maporma. Habang iniinom ang kanyang kape, pinilit niyang ayusin ang kanyang isipan.Unang araw pa lang, halos mabaliw na ako. Ano pa kaya ngayon? Naisip niya, ngunit pinilit niya ang sariling mag-isip ng positibo.“Bella, kaya mo ‘to,” sabi niya sa sarili, gamit ang pamilyar na mantra na tumutulong sa kanya tuwing may kaba siya.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tumambad sa kanya ang nakakaintimidang ganda ng gusali. Ang harapang pintuan nito ay yari sa salamin, at kitang-kita ang logo ng Montenegro Industries na tila nagmamalaki sa taas nito.Huminga siya nang malalim at pumasok sa revolving door, ngunit agad siyang sinalubong ng isang abalang reception area. Sa harap, nakapila ang ilang empleyado at bisita, habang ang receptionist ay abala sa pakik

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 2

    Kinabukasan, nagising si Ysabella nang maaga tulad ng nakagawian. Matapos ang mabilis na agahan, nagbihis siya ng pormal ngunit simpleng damit—isang puting blusa at itim na pencil skirt—at nagdesisyong harapin ang araw nang mas kalmado kumpara kahapon. Hindi pwedeng paulit-ulit akong magkaproblema. Ngayon, tahimik at maayos ang lahat, bulong niya sa sarili habang papunta sa opisina.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tahimik na pinasadahan ng mata ni Bella ang reception area. Wala nang pila at abala sa harap ng desk, at agad siyang binati ng receptionist na kahapon ay mukhang iritable.“Good morning, Ms. Fuentes,” sabi nito, na ikinagulat niya nang bahagya. Wow, mukhang mas maganda ang gising niya ngayon, isip niya habang ini-scan ang kanyang ID.Sa elevator, wala nang masyadong tao. Nakapag-relax siya ng bahagya at naghintay nang may bahagyang ngiti sa labi. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula siya sa trabaho, naramdaman niya ang katahimikan.Pagdating sa kanyang cubicle, sinal

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 3

    (Ysabella’s POV)Maaga akong dumating sa opisina ng araw na iyon. Ang lamig ng air conditioning ay parang nakakadagdag sa tensyon na hindi ko maintindihan. Tulad ng dati, diretso ako sa desk ko para ayusin ang mga dokumentong kailangan ng CEO. Isang normal na araw lang ito, Bella, pinilit kong kumbinsihin ang sarili habang hinahanda ang mga papeles.Ngunit pagdaan ko sa harap ng opisina ni Sir Zachariel, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Sa kabila ng kaunting siwang, rinig na rinig ko ang mabibigat na boses ng mga kalalakihan.Hindi ko mapigilang sumilip.May tatlong lalaki sa loob, lahat ay naka-suot ng dark suits. Ang kanilang postura at presensya ay parang nagbibigay ng bigat sa buong silid, pero hindi ko sila kilala. Ang isa ay may malaking peklat sa pisngi, ang isa naman ay kalbo at mukhang seryoso, habang ang huli ay tila mas bata pero may nakakatakot na aura sa kanyang mga mata.Nakatayo si Sir Zachariel sa likod ng kanyang mesa, ang postura niya ay matigas ngunit re

    Huling Na-update : 2025-01-09

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 4

    (Ysabella’s POV)Pagkatapos kong tapusin ang mga papeles na kailangang ipasa kay Sir Zachariel, napagdesisyunan kong bumaba muna sa may common area ng opisina para magpahangin. Medyo nakakakulong na kasi ang pakiramdam ko sa cubicle ko matapos ang tensyon kanina.Pagdating ko sa may lounge area, agad akong nakaramdam ng kakaibang aura. Tumigil ang usapan ng ilang empleyado nang makita nila ako. Yung tipong parang napatingin sila sa akin nang sabay-sabay.“Uy, andyan na si Miss Universe natin!” biglang bulalas ng isang lalaki mula sa accounting department. Natatawa akong ngumiti at bahagyang napailing.“Good morning po,” bati ko nang magalang, pilit na tinatago ang hiya. Pero sa totoo lang, medyo nakaka-awkward ang ganitong atensyon.“Grabe, Ysabella, parang hindi ka tumatanda! Ganda-ganda mo pa rin!” sabi naman ng isang babaeng staff mula sa HR. Ngumiti ako sa kanya, kahit pakiramdam ko’y nag-init na ang pisngi ko.“Ah,

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 3

    (Ysabella’s POV)Maaga akong dumating sa opisina ng araw na iyon. Ang lamig ng air conditioning ay parang nakakadagdag sa tensyon na hindi ko maintindihan. Tulad ng dati, diretso ako sa desk ko para ayusin ang mga dokumentong kailangan ng CEO. Isang normal na araw lang ito, Bella, pinilit kong kumbinsihin ang sarili habang hinahanda ang mga papeles.Ngunit pagdaan ko sa harap ng opisina ni Sir Zachariel, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Sa kabila ng kaunting siwang, rinig na rinig ko ang mabibigat na boses ng mga kalalakihan.Hindi ko mapigilang sumilip.May tatlong lalaki sa loob, lahat ay naka-suot ng dark suits. Ang kanilang postura at presensya ay parang nagbibigay ng bigat sa buong silid, pero hindi ko sila kilala. Ang isa ay may malaking peklat sa pisngi, ang isa naman ay kalbo at mukhang seryoso, habang ang huli ay tila mas bata pero may nakakatakot na aura sa kanyang mga mata.Nakatayo si Sir Zachariel sa likod ng kanyang mesa, ang postura niya ay matigas ngunit re

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 2

    Kinabukasan, nagising si Ysabella nang maaga tulad ng nakagawian. Matapos ang mabilis na agahan, nagbihis siya ng pormal ngunit simpleng damit—isang puting blusa at itim na pencil skirt—at nagdesisyong harapin ang araw nang mas kalmado kumpara kahapon. Hindi pwedeng paulit-ulit akong magkaproblema. Ngayon, tahimik at maayos ang lahat, bulong niya sa sarili habang papunta sa opisina.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tahimik na pinasadahan ng mata ni Bella ang reception area. Wala nang pila at abala sa harap ng desk, at agad siyang binati ng receptionist na kahapon ay mukhang iritable.“Good morning, Ms. Fuentes,” sabi nito, na ikinagulat niya nang bahagya. Wow, mukhang mas maganda ang gising niya ngayon, isip niya habang ini-scan ang kanyang ID.Sa elevator, wala nang masyadong tao. Nakapag-relax siya ng bahagya at naghintay nang may bahagyang ngiti sa labi. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula siya sa trabaho, naramdaman niya ang katahimikan.Pagdating sa kanyang cubicle, sinal

  • The Mafia Boss and His Muse   Chapter 1

    Maagang nagising si Ysabella Fuentes noong Martes. Alas-sais pa lang ng umaga, nakahanda na siya—nakaayos ang kanyang buhok sa sleek ponytail, at suot ang simpleng blue blouse at black slacks na napili niyang pormal pero hindi masyadong maporma. Habang iniinom ang kanyang kape, pinilit niyang ayusin ang kanyang isipan.Unang araw pa lang, halos mabaliw na ako. Ano pa kaya ngayon? Naisip niya, ngunit pinilit niya ang sariling mag-isip ng positibo.“Bella, kaya mo ‘to,” sabi niya sa sarili, gamit ang pamilyar na mantra na tumutulong sa kanya tuwing may kaba siya.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tumambad sa kanya ang nakakaintimidang ganda ng gusali. Ang harapang pintuan nito ay yari sa salamin, at kitang-kita ang logo ng Montenegro Industries na tila nagmamalaki sa taas nito.Huminga siya nang malalim at pumasok sa revolving door, ngunit agad siyang sinalubong ng isang abalang reception area. Sa harap, nakapila ang ilang empleyado at bisita, habang ang receptionist ay abala sa pakik

  • The Mafia Boss and His Muse   Panimula

    Ang PanimulaAng tunog ng matulin na yabag ni Ysabella Fuentes sa marmol na sahig ng Montenegro Industries ay sumabay sa mabilis na tibok ng kanyang puso. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya akalain na makakatungtong siya sa gusaling ito—isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa bansa.Nakahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng kanyang resume at credentials.“Kayang-kaya mo ‘to, Bella,” bulong niya sa sarili habang umaayos ng blouse na masyadong hapit para sa kanyang kaginhawaan.Napatingin siya sa paligid. Napaka-elegante ng opisina—malalaking chandeliers, malinis na marmol na sahig, at mga empleyadong tila laging nagmamadali. Parang hindi siya nababagay dito. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang makuha ang trabahong ito.Lumapit siya sa front desk kung saan naroon ang isang babae na mukhang busy sa computer."Excuse me," mahinang sabi ni Bella.Tumingin ang receptionist sa kanya, tumaas ang kilay, pero ngumiti.“Yes? How can I help you?”“I’m here to a

DMCA.com Protection Status