Ang Panimula
Ang tunog ng matulin na yabag ni Ysabella Fuentes sa marmol na sahig ng Montenegro Industries ay sumabay sa mabilis na tibok ng kanyang puso. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya akalain na makakatungtong siya sa gusaling ito—isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa bansa. Nakahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng kanyang resume at credentials. “Kayang-kaya mo ‘to, Bella,” bulong niya sa sarili habang umaayos ng blouse na masyadong hapit para sa kanyang kaginhawaan. Napatingin siya sa paligid. Napaka-elegante ng opisina—malalaking chandeliers, malinis na marmol na sahig, at mga empleyadong tila laging nagmamadali. Parang hindi siya nababagay dito. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang makuha ang trabahong ito. Lumapit siya sa front desk kung saan naroon ang isang babae na mukhang busy sa computer. "Excuse me," mahinang sabi ni Bella. Tumingin ang receptionist sa kanya, tumaas ang kilay, pero ngumiti. “Yes? How can I help you?” “I’m here to apply for the secretary position,” sagot niya, pilit pinapalakas ang boses. Ang receptionist ay nagbukas ng logbook at sinenyasan siyang isulat ang kanyang pangalan. “Sign in here. Go straight to the 25th floor. HR will conduct your interview,” maikli nitong sabi. Tumango si Bella at nagsulat sa logbook. Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga habang pumapasok sa elevator. Sa loob ng elevator, sumilip siya sa salamin para ayusin ang kanyang buhok. Masyado siyang simple para sa ganitong lugar. Ngunit nagdesisyon siyang ipakita ang kanyang galing kaysa sa panlabas na anyo. Pagbukas ng elevator sa 25th floor, bumungad sa kanya ang isang modernong opisina. Malalaki ang glass windows na nagbibigay ng tanawin ng buong lungsod. Puno ng mga propesyunal na mukhang abala sa kani-kanilang gawain. Lumapit si Bella sa receptionist ng HR department. “Good morning. I’m Ysabella Fuentes. I’m here for the secretary position interview.” Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa bago tumango. “Please take a seat. The HR manager will call you shortly.” Umupo si Bella sa waiting area. Habang naghihintay, hindi niya mapigilang mag-isip ng negatibo. Ano bang ginagawa ko dito? Kayang-kaya kaya nila akong tapatan sa galing? Pero agad niyang iniwasan ang ganitong pag-iisip. Kailangan niyang mag-focus. Pagkalipas ng ilang minuto, isang babae ang lumapit sa kanya. “Ms. Fuentes? You may proceed to the conference room for your interview.” Tumayo si Bella, sinubukang itago ang kaba, at sumunod. Sa loob ng conference room, may tatlong tao—ang HR manager, isang babae, at isang lalaki na may hawak ng clipboard. “Good morning,” bati niya, pilit na ngumiti. “Have a seat,” sabi ng HR manager, na agad tinignan ang kanyang resume. “So, Ms. Fuentes, tell us about yourself and why you’re interested in this position.” Inisa-isa ni Bella ang kanyang credentials—ang pagiging scholar niya sa kolehiyo, ang kanyang internship experience, at ang dedikasyon niya sa trabaho. Hindi niya tinago na bago siya sa ganitong kalaking kumpanya, ngunit siniguro niya na handa siyang matuto at magbigay ng pinakamahusay na serbisyo. Natapos ang interview ng mas mabilis kaysa sa inaasahan niya. Ngumiti ang HR manager. “We’ll contact you if you’re shortlisted. Thank you, Ms. Fuentes.” Tumayo siya, nagpasalamat, at lumabas ng conference room. Ngunit habang papalabas siya ng opisina, halos mabangga niya ang isang lalaking papasok. “Careful,” malamig ngunit malalim ang boses nito. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang isang lalaki na tila galing sa magazine cover. Matangkad, matipuno, at may presensyang kayang tumigil ng oras. Ngunit ang malamig na tingin nito ay nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdib niya. “Pasensya na po,” nahihiya niyang sabi. Ngunit hindi ito sumagot at dumiretso sa loob ng opisina. Napansin niya ang lahat ng empleyado ay biglang naging seryoso. “Siya ba si…” hindi niya natapos ang tanong dahil hinarap siya ng receptionist. “Ms. Fuentes, you’re free to go.” Habang papalabas, hindi mawala sa isip ni Bella ang lalaking iyon. Sino kaya siya? Ngunit binalewala niya ito, piniling mag-focus sa resulta ng kanyang application. Hindi niya alam, iyon na ang unang pagtatagpo nila ng lalaking magbabago sa kanyang buhay—si Zachariel Ezekiel Montenegro. Katatapos lamang ni Bella ng kanyang interview nang makabalik siya sa maliit na apartment na inuupahan niya. Pagod siya, hindi lamang dahil sa biyahe, kundi dahil sa tensyon na dulot ng interview kanina. Nakahiga siya sa kanyang maliit na kama habang pilit iniisip kung paano niya mapapasa ang trabahong iyon. Baka hindi sapat ang sagot ko kanina, sabi niya sa sarili habang pinipigil ang kaba. Kahit pa alam niyang ginawa niya ang lahat, hindi niya maiwasang mag-alala. Habang nakatitig sa kisame, bigla niyang narinig ang tunog ng kanyang cellphone. Tumunog ang notification para sa kanyang email. Agad siyang bumangon, kinuha ang cellphone mula sa lamesita, at binuksan ang email app. Subject: Congratulations, Ysabella Fuentes! From: HR Manager @ Montenegro Industries Dear Ms. Fuentes, We are pleased to inform you that you have been selected for the Secretary position at Montenegro Industries. Your credentials and performance during the interview have greatly impressed us. You are required to report to the 30th floor of Montenegro Tower on Monday at 8:00 AM sharp for your orientation and initial briefing. Please bring the necessary documents as stated in the attachment. Welcome to Montenegro Industries! We look forward to working with you. Best regards, HR Manager Hindi makapaniwala si Bella sa kanyang nabasa. “Tanggap ako?” bulalas niya habang napapikit at napayakap sa cellphone niya. Para bang lahat ng kaba at pag-aalala niya kanina ay biglang nawala. Tumayo siya mula sa kama at nagsimulang maglakad paikot sa maliit na kwarto niya, hindi alam kung ano ang unang gagawin. Halos tumalon siya sa saya. Ang Montenegro Industries ay hindi basta-bastang kumpanya. Isa ito sa pinapangarap ng maraming tao, at siya, isang simpleng babae, ay tinanggap bilang secretary. Pero paano? tanong niya sa sarili. Alam niyang maganda ang kanyang performance sa interview, pero para matanggap agad? Hindi kaya nagkamali lang sila? Dahan-dahan siyang naupo sa silya at muling binasa ang email. Wala namang mali. Totoong siya ang pinili. Kinabukasan, habang naghahanda ng mga dokumentong hinihingi, hindi pa rin mawala sa isip ni Bella ang lalaking nakasalubong niya noong interview. Siya kaya ang dahilan kung bakit natanggap ako? Malamang hindi, dahil wala naman siyang nagawa na makaka-impress dito. Pero may kakaiba sa presensiya ng lalaking iyon. Iniling niya ang ulo, pilit inaalis ang iniisip. “Focus, Bella. Trabaho muna,” sabi niya sa sarili habang inilalagay ang mga papeles sa folder. Sa kabila ng lahat, hindi niya maitatanggi ang excitement na nararamdaman niya. Isang panibagong yugto ng buhay niya ang magsisimula, at kahit hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya, handa siyang harapin ito. Sa Lunes, makikilala niya ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries—ang lalaking may malamig na tingin at nakakatakot na presensya. Hindi niya alam na ang trabahong ito ay magdadala sa kanya sa mundo na puno ng lihim, panganib, at pagmamahal na hindi niya inaasahan. Maagang nagising si Ysabella Fuentes noong Lunes. Nagpalipas siya ng gabi na hindi mapakali, iniisip ang magiging unang araw niya sa Montenegro Industries. Habang hinaharap ang salamin, sinigurado niyang maayos ang kanyang suot—isang simpleng white blouse at pencil skirt na inarkila pa niya para magmukha siyang propesyunal. “First impressions matter,” bulong niya habang inaayos ang kanyang buhok sa isang neto na bun. Naglagay siya ng kaunting makeup upang magmukhang presentable ngunit hindi labis na magarbo. Pagdating niya sa Montenegro Tower, muling bumalik ang kaba habang tinitingnan ang mataas na gusali. Huminga siya nang malalim, bitbit ang kanyang bag at folder ng dokumento. “Kaya mo ‘to, Bella,” sabi niya sa sarili bago siya pumasok sa revolving door. Sa loob, muling bumungad sa kanya ang marangyang interior ng building. Agad siyang nagtungo sa elevator patungo sa ika-30 palapag, tulad ng nakasaad sa email. Habang papalapit siya sa kanyang destinasyon, lalo niyang naramdaman ang tensyon sa paligid. Paglabas ng elevator, sinalubong siya ng isang babaeng naka-corporate attire, na mukhang nasa kalagitnaan ng kanyang thirties. “Ms. Fuentes?” tanong nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “Opo, ako po iyon,” sagot ni Bella, pilit ngumiti upang maitago ang kaba. “Ako si Ms. Reyes, ang iyong supervisor. Sumunod ka sa akin,” sabi nito nang walang anumang emosyon sa mukha. Dinala siya ni Ms. Reyes sa isang opisina sa dulo ng hallway. “Ito ang magiging desk mo,” sabi nito, sabay turo sa isang modernong table na malapit sa glass wall. “Dito ka magta-trabaho bilang personal secretary ni Mr. Zachariel Montenegro. Ang pangunahing tungkulin mo ay alagaan ang kanyang schedule, sagutin ang mga tawag, at siguraduhing maayos ang lahat ng detalye ng kanyang araw.” “Naintindihan ko po” mabilis na sagot ni Bella habang iniisip ang bigat ng responsibilidad. “Do you have any questions?" tanong nito napaisip naman si Bella. 'Siguro kailangan kong itanong kung ilan kaming secretary nito at kung ano ang mga naka sched na gagawin ko.' sa isip nito "Ilan po ba kaming secretary?" tanong niya nagulat naman si Ms. Reyes, kaya nagtaka si Bella "Para naman po alam ko yung mga dapat kung gawin at asikasuhin" "Your the only one." sagot nito na ikinagulat niya. 'Sa dami ng nag apply ay ako lamang ang nag iisang nakapasa? I guess I'm lucky!' sa isip nito Hindi pa man siya nagsisimula ay biglang bumukas ang pinto ng private office ni Zachariel. Lumabas ang isang matangkad na lalaki—si Zachariel mismo. Agad tumahimik ang buong floor, at naramdaman ni Bella ang paglamig ng paligid. Ang kanyang presensiya ay nakakapagpatigil ng oras. Naka-itim na tailored suit siya, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad, at ang malamlam niyang mga mata ay tila hindi natitinag ng mundo. Tumingin siya kay Bella, na parang sinisiyasat ang kanyang buong pagkatao. “Ms. Fuentes, I presume?” malamig niyang tanong. “Opo, Sir,” sagot ni Bella habang pilit kinakalma ang sarili. “Good. I don’t tolerate incompetence. Make sure you’re worth the position,” matigas na sabi ni Zachariel bago tumalikod at bumalik sa kanyang opisina. Pagpasok ni Zachariel, saka lamang huminga nang maluwag si Bella. Napansin niyang tahimik ang ibang empleyado, tila natatakot kay Zachariel. “Welcome to Montenegro Industries,” sabi ni Ms. Reyes na may bahagyang ngiti. “Good luck, Ms. Fuentes. Mukhang marami kang matutunan dito.” Sa unang araw pa lang, alam na ni Bella na hindi magiging madali ang buhay bilang secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro. Ngunit sa kabila ng takot at tensyon, alam niya na ito ang simula ng pagbabago sa kanyang buhay—isang simula na hindi niya kailanman inasahan.Maagang nagising si Ysabella Fuentes noong Martes. Alas-sais pa lang ng umaga, nakahanda na siya—nakaayos ang kanyang buhok sa sleek ponytail, at suot ang simpleng blue blouse at black slacks na napili niyang pormal pero hindi masyadong maporma. Habang iniinom ang kanyang kape, pinilit niyang ayusin ang kanyang isipan.Unang araw pa lang, halos mabaliw na ako. Ano pa kaya ngayon? Naisip niya, ngunit pinilit niya ang sariling mag-isip ng positibo.“Bella, kaya mo ‘to,” sabi niya sa sarili, gamit ang pamilyar na mantra na tumutulong sa kanya tuwing may kaba siya.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tumambad sa kanya ang nakakaintimidang ganda ng gusali. Ang harapang pintuan nito ay yari sa salamin, at kitang-kita ang logo ng Montenegro Industries na tila nagmamalaki sa taas nito.Huminga siya nang malalim at pumasok sa revolving door, ngunit agad siyang sinalubong ng isang abalang reception area. Sa harap, nakapila ang ilang empleyado at bisita, habang ang receptionist ay abala sa pakik
Kinabukasan, nagising si Ysabella nang maaga tulad ng nakagawian. Matapos ang mabilis na agahan, nagbihis siya ng pormal ngunit simpleng damit—isang puting blusa at itim na pencil skirt—at nagdesisyong harapin ang araw nang mas kalmado kumpara kahapon. Hindi pwedeng paulit-ulit akong magkaproblema. Ngayon, tahimik at maayos ang lahat, bulong niya sa sarili habang papunta sa opisina.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tahimik na pinasadahan ng mata ni Bella ang reception area. Wala nang pila at abala sa harap ng desk, at agad siyang binati ng receptionist na kahapon ay mukhang iritable.“Good morning, Ms. Fuentes,” sabi nito, na ikinagulat niya nang bahagya. Wow, mukhang mas maganda ang gising niya ngayon, isip niya habang ini-scan ang kanyang ID.Sa elevator, wala nang masyadong tao. Nakapag-relax siya ng bahagya at naghintay nang may bahagyang ngiti sa labi. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula siya sa trabaho, naramdaman niya ang katahimikan.Pagdating sa kanyang cubicle, sinal
(Ysabella’s POV)Maaga akong dumating sa opisina ng araw na iyon. Ang lamig ng air conditioning ay parang nakakadagdag sa tensyon na hindi ko maintindihan. Tulad ng dati, diretso ako sa desk ko para ayusin ang mga dokumentong kailangan ng CEO. Isang normal na araw lang ito, Bella, pinilit kong kumbinsihin ang sarili habang hinahanda ang mga papeles.Ngunit pagdaan ko sa harap ng opisina ni Sir Zachariel, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Sa kabila ng kaunting siwang, rinig na rinig ko ang mabibigat na boses ng mga kalalakihan.Hindi ko mapigilang sumilip.May tatlong lalaki sa loob, lahat ay naka-suot ng dark suits. Ang kanilang postura at presensya ay parang nagbibigay ng bigat sa buong silid, pero hindi ko sila kilala. Ang isa ay may malaking peklat sa pisngi, ang isa naman ay kalbo at mukhang seryoso, habang ang huli ay tila mas bata pero may nakakatakot na aura sa kanyang mga mata.Nakatayo si Sir Zachariel sa likod ng kanyang mesa, ang postura niya ay matigas ngunit re
(Ysabella’s POV)Pagkatapos kong tapusin ang mga papeles na kailangang ipasa kay Sir Zachariel, napagdesisyunan kong bumaba muna sa may common area ng opisina para magpahangin. Medyo nakakakulong na kasi ang pakiramdam ko sa cubicle ko matapos ang tensyon kanina.Pagdating ko sa may lounge area, agad akong nakaramdam ng kakaibang aura. Tumigil ang usapan ng ilang empleyado nang makita nila ako. Yung tipong parang napatingin sila sa akin nang sabay-sabay.“Uy, andyan na si Miss Universe natin!” biglang bulalas ng isang lalaki mula sa accounting department. Natatawa akong ngumiti at bahagyang napailing.“Good morning po,” bati ko nang magalang, pilit na tinatago ang hiya. Pero sa totoo lang, medyo nakaka-awkward ang ganitong atensyon.“Grabe, Ysabella, parang hindi ka tumatanda! Ganda-ganda mo pa rin!” sabi naman ng isang babaeng staff mula sa HR. Ngumiti ako sa kanya, kahit pakiramdam ko’y nag-init na ang pisngi ko.“Ah,
(Ysabella’s POV)Pagkatapos kong tapusin ang mga papeles na kailangang ipasa kay Sir Zachariel, napagdesisyunan kong bumaba muna sa may common area ng opisina para magpahangin. Medyo nakakakulong na kasi ang pakiramdam ko sa cubicle ko matapos ang tensyon kanina.Pagdating ko sa may lounge area, agad akong nakaramdam ng kakaibang aura. Tumigil ang usapan ng ilang empleyado nang makita nila ako. Yung tipong parang napatingin sila sa akin nang sabay-sabay.“Uy, andyan na si Miss Universe natin!” biglang bulalas ng isang lalaki mula sa accounting department. Natatawa akong ngumiti at bahagyang napailing.“Good morning po,” bati ko nang magalang, pilit na tinatago ang hiya. Pero sa totoo lang, medyo nakaka-awkward ang ganitong atensyon.“Grabe, Ysabella, parang hindi ka tumatanda! Ganda-ganda mo pa rin!” sabi naman ng isang babaeng staff mula sa HR. Ngumiti ako sa kanya, kahit pakiramdam ko’y nag-init na ang pisngi ko.“Ah,
(Ysabella’s POV)Maaga akong dumating sa opisina ng araw na iyon. Ang lamig ng air conditioning ay parang nakakadagdag sa tensyon na hindi ko maintindihan. Tulad ng dati, diretso ako sa desk ko para ayusin ang mga dokumentong kailangan ng CEO. Isang normal na araw lang ito, Bella, pinilit kong kumbinsihin ang sarili habang hinahanda ang mga papeles.Ngunit pagdaan ko sa harap ng opisina ni Sir Zachariel, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Sa kabila ng kaunting siwang, rinig na rinig ko ang mabibigat na boses ng mga kalalakihan.Hindi ko mapigilang sumilip.May tatlong lalaki sa loob, lahat ay naka-suot ng dark suits. Ang kanilang postura at presensya ay parang nagbibigay ng bigat sa buong silid, pero hindi ko sila kilala. Ang isa ay may malaking peklat sa pisngi, ang isa naman ay kalbo at mukhang seryoso, habang ang huli ay tila mas bata pero may nakakatakot na aura sa kanyang mga mata.Nakatayo si Sir Zachariel sa likod ng kanyang mesa, ang postura niya ay matigas ngunit re
Kinabukasan, nagising si Ysabella nang maaga tulad ng nakagawian. Matapos ang mabilis na agahan, nagbihis siya ng pormal ngunit simpleng damit—isang puting blusa at itim na pencil skirt—at nagdesisyong harapin ang araw nang mas kalmado kumpara kahapon. Hindi pwedeng paulit-ulit akong magkaproblema. Ngayon, tahimik at maayos ang lahat, bulong niya sa sarili habang papunta sa opisina.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tahimik na pinasadahan ng mata ni Bella ang reception area. Wala nang pila at abala sa harap ng desk, at agad siyang binati ng receptionist na kahapon ay mukhang iritable.“Good morning, Ms. Fuentes,” sabi nito, na ikinagulat niya nang bahagya. Wow, mukhang mas maganda ang gising niya ngayon, isip niya habang ini-scan ang kanyang ID.Sa elevator, wala nang masyadong tao. Nakapag-relax siya ng bahagya at naghintay nang may bahagyang ngiti sa labi. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula siya sa trabaho, naramdaman niya ang katahimikan.Pagdating sa kanyang cubicle, sinal
Maagang nagising si Ysabella Fuentes noong Martes. Alas-sais pa lang ng umaga, nakahanda na siya—nakaayos ang kanyang buhok sa sleek ponytail, at suot ang simpleng blue blouse at black slacks na napili niyang pormal pero hindi masyadong maporma. Habang iniinom ang kanyang kape, pinilit niyang ayusin ang kanyang isipan.Unang araw pa lang, halos mabaliw na ako. Ano pa kaya ngayon? Naisip niya, ngunit pinilit niya ang sariling mag-isip ng positibo.“Bella, kaya mo ‘to,” sabi niya sa sarili, gamit ang pamilyar na mantra na tumutulong sa kanya tuwing may kaba siya.Pagdating niya sa Montenegro Tower, tumambad sa kanya ang nakakaintimidang ganda ng gusali. Ang harapang pintuan nito ay yari sa salamin, at kitang-kita ang logo ng Montenegro Industries na tila nagmamalaki sa taas nito.Huminga siya nang malalim at pumasok sa revolving door, ngunit agad siyang sinalubong ng isang abalang reception area. Sa harap, nakapila ang ilang empleyado at bisita, habang ang receptionist ay abala sa pakik
Ang PanimulaAng tunog ng matulin na yabag ni Ysabella Fuentes sa marmol na sahig ng Montenegro Industries ay sumabay sa mabilis na tibok ng kanyang puso. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya akalain na makakatungtong siya sa gusaling ito—isa sa pinakamalalaki at pinakakilalang kumpanya sa bansa.Nakahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng kanyang resume at credentials.“Kayang-kaya mo ‘to, Bella,” bulong niya sa sarili habang umaayos ng blouse na masyadong hapit para sa kanyang kaginhawaan.Napatingin siya sa paligid. Napaka-elegante ng opisina—malalaking chandeliers, malinis na marmol na sahig, at mga empleyadong tila laging nagmamadali. Parang hindi siya nababagay dito. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang makuha ang trabahong ito.Lumapit siya sa front desk kung saan naroon ang isang babae na mukhang busy sa computer."Excuse me," mahinang sabi ni Bella.Tumingin ang receptionist sa kanya, tumaas ang kilay, pero ngumiti.“Yes? How can I help you?”“I’m here to a