Share

The Plan

Author: Yurikendo
last update Huling Na-update: 2023-11-24 22:16:32

Hindi ako natutuwa sa pagkanta-kanta ni Joker habang lulan kami ng sasakyan, parehas kami nasa backseat habang nagmamaneho si Mang Nardo. Sa pagkakaalala ko’y si Mang Nardo ang isa sa personal driver ng pamilya namin na nakatalaga para sa aming magkakapatid. Araw-araw ay sabay-sabay kami sa pagpasok ng mga half-siblings ko ngunit nakapagtataka ngayon kung bakit hindi sila lulan ng kotse na ‘to. 

So, kung totoo man ang mga pangyayari na ‘toy napunta ako sa past life ko? O baka narito talaga ako tapos ay panaginip lang lahat ng nangyari sa tinuturing kong present time? Possible rin ang gano’n.

Patuloy ang pagtugtog ng musika na kung hindi ako nagkakamali ay kanta ng Cueshe na Ulan. Hindi rin magkamayaw si Joker sa pagsunod sa liriko no’n.

“Sa’n ba tayo pupunta?” mahinahon kong tanong sa kaniya.

Napatda si Joker sa tanong ko, kaya naman tumalima siya sa pagkakaayos ng upo’t hinarap ako. “Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo. Saan ba tayo palaging pumupunta kapag ganitong araw, ‘di ba sa University.” 

University? Sa BU?

“BUcian tayo, pre, remember?” conyo niyang sagot sa akin.

Bahagya kong hinilot ang ang sintido ko sa stress na nadarama, unti-unti ko nang napapagtanto na totoo nga ang mga ganapang ito. 

“Ano’ng petsa na?”

“February 7, pre one week bago ang Valentines kaya naman kabisaduhin mo na ang tula na pinagawa mo kung ayaw mong hindi mapapayag si Alice na maging date mo sa Valentines day,” ani Joker na siyang nakapagpatunganga sa akin.

“Heto na ‘yon, umpisahan mo na para makuha mo nang tama ang bawat linya, okay?” aniya pa pagkatapos ay muling bumalik sa malakas niyang pagkanta.

Tinignan ko ang papel na inabot niya sa akin.

         “Lihim ng Pagmamahal Sa’yo.” Pamilyar ang katagang ‘to sa akin.

“2006 ba ngayon?” maya-maya’y tanong ko habang nakatuon pa rin ang mga mata sa papel. Natatandaan ko ang tula na ‘to, oo, pinagawa ko nga ito kay Joker. At ito’y para pabilibin si Alice at maaya siyang manood ng sine sa February 14. Ang tulang ito ang naging daan sa pagkakalapit namin ni Alice.

“Tumpak, pre, nakabalik ka na ba sa katinuan mo? Umayos ka na’t tigilan ang pagkakaroon mo ng amnesia.” 

Simula ng magkaharap kami sa bahay ay naging marami ang tanong ko sa kaniya. Naitanong ko pa nga ang tungkol sa kung saan na siya nanirahan matapos nang nawalan kami ng komunikasyon. Na hindi naman niya nasagot dahil after graduation ‘yon nangyari at ngayon ay nasa ikalawang taon pa lang kami sa Kolehiyo. 

2006 ang taon na nagsimula ang pagiging miserable ng buhay ko. Naging tuta akong sunud-sunuran sa madrasta ko matapos mamatay ang Papa. Naging magkasintahan kami ni Alice na dapat ay hindi na lang nangyari dahil sa kataksilan niya. Namatay nga si Papa bago dumating ang Pasko nitong taon. Naging anino na lang ako dito ni Harold. At marami pang ibang bagay na naganap sa buhay kong labis kong pinagsisisihan. At kung sino man na may kapangyarihan ang nagbalik sa ‘kin sa panahon na ‘tong labis ko siyang pasasalamatan. 

May pagkakataon na ’kong maayos ang buhay ko. Ang una ko na dapat gawin ay ang paglayo sa presensiya ni Alice. Hindi ko kailangang kabisaduhin ang tula na ‘to dahil walang pagsuyo na magaganap. Hindi ko hahayaan na maging mag-asawa kami sa hinaharap.

Kinuyom ko ang papel na nasusulatan ng tula, galit ang pumupuno sa puso ko ngayon. Uunahan ko na sila sa pagtatangka sa buhay ko.

“Hoy! Ano ‘yan, ba’t mo nilukot pinaghirapan ko ‘yan pre,” tarantang wika ni Joker. Kinuha nito ang papel sa ‘kin at inayos mula sa pagkakalukot niyon. Inihip-ihipan niya pa ‘yon na akala mo naman ay maaayos sa hininga niya. 

“Hindi ko na kailangan niyan, iba ang goal na gusto kong makamit ngayon,” sabi ko na puno ng determinasyon sa balak na gawin. 

“Huh? Ano naman ‘yon?” maang na tanong ni Joker, may pag-isod pa siya sa tabi kong pilit akong pinapasalita.

“Teka lang, ‘wag mong sabihin na aalamin mo na lang talaga  kung sino ang pasikretong nag-iiwan ng sulat sa locker mo. Aba! Parang babagsak tayo riyan, pre. Out ako sa plano na ‘yan.” Hindi na sana ‘ko makikinig pa sa mga sinasabi ni Joker kung hindi lang niya nabanggit ang tungkol sa bagay na ‘yon. 

Saka ko lang naalala na may secret admirer nga pala ako simula no’ng first year College namin hanggang ngayong ikalawang taon. Parati akong nakakatanggap ng sikretong sulat mula kay ‘Azi’ o di kaya’y tula galing sa kaniya. No’ng una’y sinubukan kong hanapin kung sino ‘yon pero bigo akong malaman sa napakalawak niyang time management na kahit magbantay na ako hanngang alas dose ng hatinggabi ay hindi ko siya mahuli-huli. 

Natigil lang naman ang paghahanap kong ‘yon ng makilala ko si Alice dahil na rin sa common friends namin ni Harold. Simula no’n ay hindi na nawala ang mga mata ko sa kanya, well, ngayon napagtanto ko na kung bakit. Dahil gusto niya rin talaga na lumapit sa ‘kin at planuhin na kuhain ang loob ko, na nagawa niya naman. 

Siguro kung mas pinagtuunan ko ng pansin ang admirer ko na ‘yon ay mas iba ang naging takbo ng buhay ko. 

Mas magiging masaya kaya ako?

Magiging tapat kaya siya sa ‘kin?

O baka kagaya lang din siya ni Alice na gagamitin ang pagiging Kordal ko para sa sariling kapakanan.

No’ng gabi ng ika-tatlumput limang taong gulang ko’y nalaman ko na rin mula sa bibig ni Harold ang katotohanan. Una pa lamang ay plano na nila na bitagin ako sa pamamgitan ni Alice, noon pa lang ay may relasyon na sila. At dahil sa pera ay sinunod ni Alice ang lahat ng ipagawa sa kaniya ni Harold kahit na mali na iyon. Kasama ang tungkol sa akin, nais ni Harold na maging miserable ang buhay ko, makuha lahat ng mana ng ama namin at mapatalsik ako sa kanilang pamilya. Na sadyang napakawalang kwenta na excuse para sa ‘kin.

Hinarap ko si Joker at nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. Kailangan kong gawin ‘to para sa magiging kapakanan ko, at isa pa’y gusto ko rin na isalba ang pagkakaibigan namin. Hindi ako papayag na manipulahin ng kung sino, utusan kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko.

“Hahanapin ko kung sino man ang nagbibigay ng oras para pag-aksayahan ako ng panahon niya, sunod no’n ay aayain ko siyang magpakasal sa ‘kin.”

Nakarating kami sa University ng matiwasay, kagaya pa rin ng dati ang sitwasyon, lahat ay umaayon sa kung ano ang naaalala ko. Hindi na masiyadong accurate ang mga alaala ko dahil kung iisipin ay para bang labing pitong taon na ang lumipas kung ako ay nasa 2023, nakalimutan ko na ang ilang detalye sa bawat araw na nangyari. Pero kapag importanteng bagay o sitwasyon ay mabilis ko naman ‘yong maalala. 

Dumaan kami sa Canteen ni Joker upang bumili ng tubig at kay Joker naman ay pang snack daw niya. Ako ang nagbayad dahil ‘yon naman ang parati kong ginagawa. Hindi na sana ako papayag na maupo pa sa loob ng Canteen kung hindi lang din sa pamimilit ng kaibigan ko. Actually, ay may isang oras pa naman talaga kami para sa susunod na klase, ngunit mas gusto ko sanang mas maging makabuluhan ang sobrang oras na ‘to. Gaya na lang ng paghahanap sa taong gusto kong makilala.

BSBA Major in Finacial Management ang pinakuhang kurso sa ‘kin ni Papa kahit na ang gusto ko talaga ay ang maging isang Piloto. Ni hindi ko nagawang tumanggi pa dahil ang sabi niya’y balang-araw ay ako rin ang hahawak ng kumaniya niya bilang ako ang panganay. Naalala ko na labis ang pagtutol ng madrasta ko sa kursong ‘yon at pinagtutulakan ako sa BS in Avation. Halatang ayaw niyang maungusan ko ang anak niya, kaya naman ng mamatay si papa ay nagkaroon siya ng pagkakataon sa nais niya. Pinipilit niya ako ng ibang kurso na hindi ko sinunod. Siguro’y kaya niya pinadala si Harold sa ibang bansa noong ikatlong taon namin sa Collega ay upang mas lumamang ang kasanayan nito, na nangyari nga naman.

Napapailing ako sa mga alaala na sumasagi sa utak ko, napaka Unfair ng panahon para sa ‘kin no’n, halos lahat ng malas ay nasalo ko na ata. 

“Huy, Pre, sina Alice ‘yon ‘di ba?” pagsiko sa ‘kin ni Joker habang nilalantakan niya ang chichirya na nabili.

Sinulyapan ko ang itinuro niya. Tama, si Alice nga ‘yon na mas batang version. Tunay naman kasi talaga na maganda siya’t halos pantasya ng mga kalalakihan sa Unibersidad. Tila anghel ang mallit nitong mukha at biluging mga mata, isa pang nagpapatingkad sa kaniya’y ang maputi nitong balat.

Isa ngang Diyosa ang kinabaliwan ko noon.

“Lapitan mo na,” panunudyo pa ng kaibigan ko.

Ngunit hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Joker at iniyuko na lang ang ulo sa isang libro na kanina’y sinubukan kong buklatin. Naalala ko bigla ang senaryo na ‘to, dapat ay lalapit ako sa kaniya’t makikipagngitian, tapos ay aalukin niya kami na sumabay sa lamesang okupado nila. Maraming beses niya ‘kong hinuli sa mga tawa at bubbly niyang ugali, kaya  nga mas lalo pa akong naghabol sa kaniya noon.

Pero hindi na niya ako mauuto ngayon.

Kaugnay na kabanata

  • The Husband's Comeback   Ang Pagtatalo nina Julian at Harold

    “Hi Julian, kumusta?” Napatda ako sa napakapamilyar na boses na ‘yon. Hindi ko akalain na lalapit siya’t papansinin ako. Siguro’y nadissapoint siya dahil hindi ko ginawa ang paghabol-habol sa kaniya simula kaninang umaga. “Hi,” napakatipid kong sagot sa kaniya. Sinulyapan ko lang siya ng mabilis bago ibinalik ang paningin ko sa paglalakad. “Ahm, hindi mo ba ‘ko sasabayan sa pag-uwi?” mamaya’y tanong niya pa, medyo kumukulot pa ang boses nito na animo’y nahihiya sa pagtatanong niyang ‘yon. Ang totoo’y hindi naman galing si Alice sa marangyang pamilya na gaya ko. Ang alam ko’y isang government employee ang papa niya habang ang ina ay nagta-trabaho bilang isang public servant. Kumbaga nasa average ang income ng pamilya niya kada buwan na sumasapat naman basta ba’t hindi siya magluluho. Apat silang magkakapatid at pangalawa siya, kaya naman siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa buhay. Ang panganay kasi niyang kapatid ay nag-asawa na. Kaya rin siguro sinunod n

    Huling Na-update : 2023-11-26
  • The Husband's Comeback   The Change

    “Hoy pare! Ano’t naisipan mong magyaya para uminom?” takang-taka na bungad ni Joker sa kaibigan na kararating pa lang habang may bitbit na plastic na may lamang energy drink at ilang snacks. Ang utos ni Julian ay beer ang bilhin niya ngunit iba naman ang nadala nito sa kaniya. “Pampalipas oras pero ba’t ‘yan ang binili mo?” Napatingin muna si Joker sa bitbit niya bago sa kaniyang kaibigan, tapos ay napakamot ito sa kaniyang ulo sabay sabing hindi niya nadala ang identification card niya kaya hindi siya napagbigyan ng alak sa convinience store na binilhan. “Ayos na nga ‘yan,” ani Julian. Umisod siya sa pagkakaupo sa malamig na sementadong sahig, nakaharap sa dagat habang bahagya itong umahampas sa may gilid ng bay. Medyo malamig ang dalang hangin na dumadaan sa dagat kaya naman beer ang masarap na inumin sa mga oras na ‘yon, pero dahil wala ay wala na rin siyang magagawa. “So, ano ang tunay na nangyari, pre?” tanong ni Joker sabay abot sa kaniya ng energy drink na kulay berde.

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • The Husband's Comeback   Aliyah

    “So, sino ang gusto mo sa kanila?” tanong ni Joker sa kaibigang si Julian na nasa harapan niya’t kinikilatis ang detalye ng mga babae na ipangba-blindate niya rito. Sakto lang ang request ng kaniyang kaibigan dahil may nakalatag na naman ang kaniyang mama para nga sa kaniya, ang tatlong babae na ibinibida niya kay Julian ay para naman talaga sa kaniya. “Tignan na lang natin lahat,” ani Julian. “Wooh! Sigurado ka, pre?” sulyap ni Joker sa kaibigan. Nasa locker tapat sila ng kanilang mga lockers. Si Julian ay kinukuha ang kaniyang spare rubber shoes habang siya naman ay inilalagay ay inilalagay ang ilang paperworks na gawa niya na para pa naman mamayang hapon na pasok nila. “Oo naman,” gano’n katipid na sumagot si Julian. Ngunit ang kanilang tahimik na pag-uusap ay biglang napuno ng ingay ng magkaroon ng komosyon sa paligid. Ilang babaeng Bucian ang papalapit sa kanila habang nakangiting nagbubulungan. “Ano’ng mayro’n?” maang na tanong ni Julian. “Naku! Hindi mo alam? Poging pogi

    Huling Na-update : 2023-12-07
  • The Husband's Comeback   Blind date

    “Wow pre, ang ganda ng motor mo ha. So, ready to joinride na ba? Makakasama ka na sa akin niyan.” Ipinakita ko kay Joker ang motor na hiningi ko mula sa aking madrasta, alam ko namang ibibigay niya sa ‘kin ‘to, kaya inexcpect ko na. At personal pa niyang inihatid sa eskwelahan ko, masiyado niyang pinapahalata kung gaano sya sa desperada na mapaamo ang papa. ‘Hindi rin, alam mo namang hindi ako mahilig magpaandar ng ganiyan. Gusto ko lang talagang galitin si Harold, siguradong nag-aalboroto sa galit ‘yon dahil bigla kong nakuha ang gusto ko galing sa nanay niya.” Nakatayo lang ako, habang panay ang kilatis ni Joker sa naturang motor. Ngunit ilang sandali lang ay seryoso itong lumapit sa ‘kin para magtanong. Una’y gusto niyang malaman kung ayos lang ba ako, wala akong sakit o anu pa man. Kaya naman naisip ko na baka naninibago siya sa kung ano mang mga ikinikilos ko. Tiyak na alam niya na may kakaiba talaga sa ‘kin, siya lang naman ang pinakanakakakila sa akin bilang ako. “Ayos lan

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • The Husband's Comeback   Julian and Alliyah

    “Alliyah!” Nagulat ako sa pagtawag na iyon sa pangalan ko, ngunit mas lalo akong namangha ng malaman kay Julian nanggaling ang tinig na ‘yon. Anong ginagawa niya rito sa labas ng bar? “J-Julian?” “Wow, akalain mo ‘yon, may knight in shining armor ka ngayon?” Humagalpak ng tawa ang isa sa tatlong lalaki na kanina pa nanghaharass sa akin. Parati nila ‘tong ginagawa sa tuwing kailangan nila ng pera. Pinapapunta nila ako upang hingian ng ilang halaga kapalit ng pananahimik nila, ikakalat daw nila ang isang litrato kuha sa akin habang kita ang legs ko sa ilalim ng maikling paldang uniporme. Sadya ang pagkakakuha ng picture na ‘yon upang mangikil ng pera sa katulad ko. Hindi lang naman kasi ako ang target nila, marami kaming takot na ma-expose at masira ang dignidad. “Ano’ng nangyayari?” maang na tanong ni Julian ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan namin. Isa-isa ko rin munang sinulyapan ang tatlo bago nagbaling kay Julian. Tumakbo na ako sa tabi niya nang malingat sila sa

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • The Husband's Comeback   Starting a Deal

    “Huh? Ano’ng sabi mo/” Ngulantang ako sa sinabing ‘yon ni Julian. Dalawang araw ang lumipas bago niya ako kinontak, samantalang ako’y halos araw-araw kung magtext sa kaniya kinabukasan agad no’ng malaman ko ang number niya. “Kailangan ko pa bang ulitin?” Napakapamulsa niyang tanong. Hindi naman mainitin ang ulo niya dati, hindi nga pala siya palasagot sa mga tanong pero hindi naman siya ganito. Kung magreact kasi siya’y para bang pagalit o painis, samantalang wala naman akong ginagawang masama. “Ayaw mo ba o gusto? Maghahanap ako ng iba kung ayaw mo.” “Hindi. Ano ka ba, masiyado ka namang mainipin sa sagot. Puwede ko naman sigurong pag-isipan kahit saglit, hindi ba?” Kung hindi ko lang siya type ay baka nabatukan ko na siya kanina pa. Aba! Bigla na lang niya akong inalok para maging partner sa Valentines Party, like dapat masaya ‘ko pero kasi ang weird lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na si Alice ang kursunada niyang babae, na-public pa talaga ang issue na ‘yon. Ano’ng

    Huling Na-update : 2023-12-15
  • The Husband's Comeback   Valentine's Party

    February 14, 2006 BU Valentines’ Party Magarbo ang naging paghahanda ng Bekket University sa matagal ng plinanong party sa loob ng kanilang paaralan. Puno ng nagkukutitapan na mga ilaw ang stadium, malakas ang sounds na nagmumula sa malalaking speakers na pagmamay-ari rin nila. Seven thirty ang call time ngunit six pa lang ay halos naroon na ang lahat. Puno ng excitement ang crowd, iba’t-ibang uri ng Prom gowns ang masisilayan na suot ng BUcians. Bakit nga ba hindi, matagal nilang pinaghandaan ang pagkakataon na ito. Samantala, sa isang sulok ay mapapansin ang presensiya ni Harold kasama ang mga kaibigan nito. Katulad ng iba ay maaga rin siyang nagpunta, wala siyang date kagaya ng kaniyang mga kasamaan. Ang tanging dahilan lang naman niya kung bakit siya ay naroon ay para sa grado. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa kakaibang patakaran sa kung sino ang dadalo at hindi dadalo sa naturang pagtitipon. Gagawa ng report at bawas puntos sa kanilang art professor ang sino mang malaman

    Huling Na-update : 2023-12-16
  • The Husband's Comeback   Alliyah and Alice Confrontation

    “Puwede ba tayong mag-usap Julian?” “Tungkol sa’n?” Gusto kong matawa sa naging sagot ni Julian kay Alice, hindi ko naman inaasahan ang gano’n, lalo pa’y ang mindset ko pa rin tungkol sa kanila ay nagliligawan sila. Pero dahil sa mabuting tao ako’y nilagyan ko ng invinsible zipper ang labi ko. “Tungkol sa ilang bagay,” ani Alice. Sinulyapan ko siya sa kaniyang suot, maganda siya kahit na anong klaseng damit pa ang isuot sa kaniya. Simple man o magarbo ay tumitingkad pa rin ang likas nitong ganda. Pasulyap ko namang tinignan ang sarili ko, infairness nagmukha akong tao ngayon. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Julian, bago muling nagsalita. “Sa susunod na lang Alice, hindi ayon ang lugar at pagkakataon para sa gusto mong pag-usapan.” “Ano bang problema mo Julian? Okay naman tayo no’ng nakaraang mga araw ha. Ba’t parang bigla ka na lang nagbago?” tanong nito. “Tell me, may kinalaman ba ang babaeng ‘yan?” What? Bakit nasali naman ako sa usapan ngayon? Marami

    Huling Na-update : 2023-12-18

Pinakabagong kabanata

  • The Husband's Comeback   Episode 38

    “Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman

  • The Husband's Comeback   Episode 37

    “Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur

  • The Husband's Comeback   Episode 36

    “Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a

  • The Husband's Comeback   Episode 35

    NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi

  • The Husband's Comeback   Pursuing Alliyah

    Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon

  • The Husband's Comeback   Julian in Revenge for Alliyah

    Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘

  • The Husband's Comeback   I rescued her

    “Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang

  • The Husband's Comeback   Rescuing Alliyah

    Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam

  • The Husband's Comeback   Bullying Alliyah

    Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan

DMCA.com Protection Status