“Wow pre, ang ganda ng motor mo ha. So, ready to joinride na ba? Makakasama ka na sa akin niyan.”
Ipinakita ko kay Joker ang motor na hiningi ko mula sa aking madrasta, alam ko namang ibibigay niya sa ‘kin ‘to, kaya inexcpect ko na. At personal pa niyang inihatid sa eskwelahan ko, masiyado niyang pinapahalata kung gaano sya sa desperada na mapaamo ang papa.
‘Hindi rin, alam mo namang hindi ako mahilig magpaandar ng ganiyan. Gusto ko lang talagang galitin si Harold, siguradong nag-aalboroto sa galit ‘yon dahil bigla kong nakuha ang gusto ko galing sa nanay niya.” Nakatayo lang ako, habang panay ang kilatis ni Joker sa naturang motor. Ngunit ilang sandali lang ay seryoso itong lumapit sa ‘kin para magtanong. Una’y gusto niyang malaman kung ayos lang ba ako, wala akong sakit o anu pa man. Kaya naman naisip ko na baka naninibago siya sa kung ano mang mga ikinikilos ko.
Tiyak na alam niya na may kakaiba talaga sa ‘kin, siya lang naman ang pinakanakakakila sa akin bilang ako.
“Ayos lang ako, pre. Sa ngayon siguro ikaw muna ang magdala sa motor na ‘yan. Kapag itinanong kung nasaan ‘yan, sasabihin ko na lang na pinapatest drive ko pa sa ‘yo.”
‘Yon ang isa sa naisip kong dahilan, pero deep inside ay hindi ko talaga kaya ang magpaandar ng mga open vehicles, hindi sa naduduwag ako, ayoko lang na maulit ang isang aksidente na nangyari sa akin dalawampu’t dalawang taon na rin ang nakakaraan. I mean limang taon mula sa panahon na ito.
“Ikaw ang bahala pre, sa ‘kin ay wala naman problema. Ayon lang, hindi ko ‘to maidederetso sa bahay,” ani Joker habang nakanguso. “Pero puwede siya sa bahay nila Janice. Ano okay lang sa ‘yo ‘yon?” dugtong niya.
Janice? Napapikit ako nang mariin upang isipin kung sino ang Janice na tinutukoy niya.
“Ano, ayaw mo do’n?”
“Si Janice ba ay ‘yong girlfriend mong probinsiyana?’ Hindi ko kasi sigurado kung ito ba ang tinutukoy niya na Janice. Pero isang Janice lang naman ang kilalla ko sa buong buhay ko, at ‘yong probinsiyanang Janice Solomon lang ang naiisip ko.
“Grabe ka sa probinsiyana, kapag narinig ka no’n tiyak na mababatukan ka na naman. Pero oo, siya nga, wala naman atang ibang Janice sa buhay ko.” Medyo natatawa pa si Joker sa sinabi niya, halatang may kilig na nararamdaman.
“Sige, do’n na lang. Samahan na kita magdala nito. Nasa’n nga ba siya ngayon? Parang hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw,” tanong ko.
Hiningi ni Joker ang susi ng motor, pinaandar ang makina at ilang beses na pina bumusina. Nahatak niya ang pansin ng maraming estudyante na ikinatawa niya.
“Gulat na gulat sila, oh,” pag-igik pa ni Joker. Sadyang mapang-asar talaga ang taong ‘to kahit kailan.
“Tsk,’wag mo nang laruin ‘yan, kapag umagaw ka na naman ng pansin sa mga taong ‘yan ay malalaman na naman ni Gov kung anong kalokohan na pinaggagawa mo,” seryoso niyang pagpapaalala sa kaibigan. Hindi lang pagiging grounded ang kaya nitong ibigay sa kaniya, baka masaktan na naman siya ng amang politiko kapag nagkagano’n.
“Oo na, basta mamaya puntahan natin si Janice, sakto kakabalik lang niya galing probinsiya. Magpatulong na rin tayo kung sa blindate na gusto mo.”
…
“Welcome back dad,” masayang yumakap si Terra sa bussiness man nitong ama na kararating lang galing HongKong. Isang linggo rin itong nawala dahil sa usaping pangnegosyo.
“Thank you, baby, I missed you. Anyway where are your brothers?”
“Hi hon,” pagkatapos ay ang asawa naman nitong si Hesusa ang niyakap at ginawaran ng halik sa noo. Parehas sila ng reaksyon ng asawang babae kaya naman parang nakabawi na rin sa jet lag ang matanda.
“Si kuya Harold po nagpunta lang sa restroom dad, si Kuya Julian naman ay on the way na po. May activity lang daw sila sa school na kailangan niyang matapos,” ani Terra sa ama.
“Hmm.. gano’n ba. Hayaan na natin, kung usaping pag-aaral naman. San niyo ba gustong kumain ngayon?”
Naging magaan na ang byahe ni Julius Kordal ng abutin sa kaniya ng kanilang driver ang maletang dala niya. Mas nagkaroon ito ng chance upang mahapit ang beywang ng asawa palapit sa kaniya.
“Naku dad, hindi pa po ba kayo pagod niyan? You should rest na po.”
“Oo nga naman, honey. Baka mamayay bumaba pa ang dugo mo sa sobrang fatique sa byahe. We can just order na lang then take it home.”
“Well, if that would all be okay to you guys, sige. Masakit na nga rin talaga ang likod ko, kailangan na ng massage from my beautiful wife,” pilyong ani ni Julius na siyang ikinatawa ni Hesusa at ni Terra.
Hindi talaga nawawala ang pagiging witty ng ama ng tatlong Kordal, kahit matanda na ito’y gusto pa rin niyang maayos ang lagay ng pamilya at napapasaya sila in simpe ways.
“Oh, nandiyan na si Kuya Julian pa, at si kuya Harold din po oh.” tinuro ni Terra ang dalawang magkaibang direksyon na pinagmulan ng dalawang binata. Parehong maayos ang porma nang mga ito, ngunit mas pormal ata ang suot ni Julian.
“Pa,” ani Julian, sabay yakap sa kaniyang ama. Sumunod naman si Hraold na yumakap kay Julius at binati ito. Tuwang-tuwa ang lalaking Kordal, parehas na pinuri ang kaniyang mga anak na lalaki.
Nang makapagtake out nga ng pagkain ay nagpaalam na rin si Julian sa kaniyang ama. SInabi nito na may ka-date siya kaya malalate siya ng uwi ngayong gabi. Baka abutin siya ng alas onse ng gabi sa labas.
Mabilis naman niyang napapayag ang ama pero si Harold ay hindi, ni hindi ito natuwa sa goal na gusto niyang makamit. Dahil kapag nag-iba ang babaeng interes niya ay magbabago rin ang lahat ng plano ni Harold para sa kaniya. Hindi na niya mamamanipula pa ang buhay nito.
….
At the Bar Two Cents.
Malakas ang dagundong ng musika sa loob, nagpapalit-palit ang makukulay na ilaw na nakadisplay sa itaas ng kisame. Magulo’t maingay ang lugar na ‘yon.
“Pre, narito na ‘yong dalawa sa natipuhan mo, seryoso ka ba na pagsasabayin mo na ang mga ‘to? Baka mamaya ay magkagulo, magsabunutan pa.’ Pilit na ibinubulong ni Joker ang mga iyon kay Julian. Sa lakas ba naman ng tugtog ay hindi sila magkakarinigan talaga, kaya ang pabulong na ‘yon ay parang pasigaw na rin.
Naging maayos ang pakikipagdate ni Julian sa dalawang magandang babae na dumating. Parehas galing sa mayamang panilya, parehong sopistikada, ngunit parehas din na hindi niya type. Wala sa mga ito ang qualities na gusto niya sa isang babae. Lahat sila’y matataas ang standard sa pagiging masaya, halos materyal na bagay ang kaligayahan ng mga ito.
“Wala akong nagustuhan sa kanila.” Deklara niya kay Joker, lumagok ito ng bottled beer nang nakatuon ang pansin sa kaniya.
“Seryoso? Eh mga chick-ass na ang mga ‘yon ah.”
Hindi na niya ito sinagot pa, hanggang sa nagpaalam si Joker na makikipagsayaw. Pinaalalahanan lang siya na ‘wag mag-iinom ng marami dahil magda-drive pa ito pauwi. Balak niya siyang isumbong kay Janice kapag naging magulo siya ngayong gabi.
Kalaunan ay ianbot silang dalawa ng ten thirty ng gabi bago nagpasyang umuwi na. Hinila na ni Julian si Joker kahit na umaayaw pa ito. Nakaubos na rin si Julian ng tatlong bote ng beer, limit na niya dahil kung aapat pa siya’y baka magsimula nang umikot ang paningin niya sa daan.
“Kaya mo pa magdrive? O ikukuha na kita ng taxi?”
“Wala ka bang tiwala sa ‘kin, pre? Kaya ko, hindi ako lasing.” May kayabangan na ang boses ni Joker, tinatamaan na.
Napakamot si Julian sa noo sa siitwasyon ng kaibigan, ang tigas kasi ng ulo’t hindi nakinig sa kaniya.
“Hindi na, magtaxi ka na, halika na.” Anng kulit na ni Joker to the point na kung ano-ano na ang sinasabi nito sa kaniya. Mga hinanakit sa pamilya at pressure sa kaniyang pag-aaral. Hindi niya hinayaan na makipagmatigasan pa ang kaibigan, ang motor na bigay ng madrasta ang gamit nila pagpunta roon kaya inisip niya kaagad kung paano maiuuwi iyon gayong hindi nga siya basta-basta nagpapaandar ng motor.
“Tatawagan ko na lang si Mang Nardo, bakas sakaling matulungan niya ‘ko.”
Balak niyang biglang na lang nang dagdag na bayad ang matandang driver para sa tulong nito sa kaniya ngayong araw. Mahirap dahil off duty na ‘to pero gagawan daw ng paraan, ayon sa sinabi nto mula sa kabilang linya.
Maagap siyang naghintay sa matanda sa may parking slot ng Bar kahit na medyo naasiwa siya sa malalagkit na tingin sa kaniya ng mga dumadaang party girls. Ngunit sa pag-iwas sa puwestong ‘yon ay isang pamilyar na pigura ang natyempuhan niya na tila ba pinagtutulungan ng tatlong kalalakihan.Inisip niya munang mabuti kung sino at saan niya nakasalubong ang babae na ‘yon hanggang sa matanaw niya ang tricycle na binabaan ni Mang Nardo. Nagpalipat-lipat ang mata niya mula sa matandang driver, tapos doon sa babae.
Saka natiyak ni Julian na ang babae na ‘yon ay ang anak ng driver nila nang mapansin ang pagkakaparehas ng lakad ng dalawa.
“Alliyah!” Nagulat ako sa pagtawag na iyon sa pangalan ko, ngunit mas lalo akong namangha ng malaman kay Julian nanggaling ang tinig na ‘yon. Anong ginagawa niya rito sa labas ng bar? “J-Julian?” “Wow, akalain mo ‘yon, may knight in shining armor ka ngayon?” Humagalpak ng tawa ang isa sa tatlong lalaki na kanina pa nanghaharass sa akin. Parati nila ‘tong ginagawa sa tuwing kailangan nila ng pera. Pinapapunta nila ako upang hingian ng ilang halaga kapalit ng pananahimik nila, ikakalat daw nila ang isang litrato kuha sa akin habang kita ang legs ko sa ilalim ng maikling paldang uniporme. Sadya ang pagkakakuha ng picture na ‘yon upang mangikil ng pera sa katulad ko. Hindi lang naman kasi ako ang target nila, marami kaming takot na ma-expose at masira ang dignidad. “Ano’ng nangyayari?” maang na tanong ni Julian ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan namin. Isa-isa ko rin munang sinulyapan ang tatlo bago nagbaling kay Julian. Tumakbo na ako sa tabi niya nang malingat sila sa
“Huh? Ano’ng sabi mo/” Ngulantang ako sa sinabing ‘yon ni Julian. Dalawang araw ang lumipas bago niya ako kinontak, samantalang ako’y halos araw-araw kung magtext sa kaniya kinabukasan agad no’ng malaman ko ang number niya. “Kailangan ko pa bang ulitin?” Napakapamulsa niyang tanong. Hindi naman mainitin ang ulo niya dati, hindi nga pala siya palasagot sa mga tanong pero hindi naman siya ganito. Kung magreact kasi siya’y para bang pagalit o painis, samantalang wala naman akong ginagawang masama. “Ayaw mo ba o gusto? Maghahanap ako ng iba kung ayaw mo.” “Hindi. Ano ka ba, masiyado ka namang mainipin sa sagot. Puwede ko naman sigurong pag-isipan kahit saglit, hindi ba?” Kung hindi ko lang siya type ay baka nabatukan ko na siya kanina pa. Aba! Bigla na lang niya akong inalok para maging partner sa Valentines Party, like dapat masaya ‘ko pero kasi ang weird lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na si Alice ang kursunada niyang babae, na-public pa talaga ang issue na ‘yon. Ano’ng
February 14, 2006 BU Valentines’ Party Magarbo ang naging paghahanda ng Bekket University sa matagal ng plinanong party sa loob ng kanilang paaralan. Puno ng nagkukutitapan na mga ilaw ang stadium, malakas ang sounds na nagmumula sa malalaking speakers na pagmamay-ari rin nila. Seven thirty ang call time ngunit six pa lang ay halos naroon na ang lahat. Puno ng excitement ang crowd, iba’t-ibang uri ng Prom gowns ang masisilayan na suot ng BUcians. Bakit nga ba hindi, matagal nilang pinaghandaan ang pagkakataon na ito. Samantala, sa isang sulok ay mapapansin ang presensiya ni Harold kasama ang mga kaibigan nito. Katulad ng iba ay maaga rin siyang nagpunta, wala siyang date kagaya ng kaniyang mga kasamaan. Ang tanging dahilan lang naman niya kung bakit siya ay naroon ay para sa grado. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa kakaibang patakaran sa kung sino ang dadalo at hindi dadalo sa naturang pagtitipon. Gagawa ng report at bawas puntos sa kanilang art professor ang sino mang malaman
“Puwede ba tayong mag-usap Julian?” “Tungkol sa’n?” Gusto kong matawa sa naging sagot ni Julian kay Alice, hindi ko naman inaasahan ang gano’n, lalo pa’y ang mindset ko pa rin tungkol sa kanila ay nagliligawan sila. Pero dahil sa mabuting tao ako’y nilagyan ko ng invinsible zipper ang labi ko. “Tungkol sa ilang bagay,” ani Alice. Sinulyapan ko siya sa kaniyang suot, maganda siya kahit na anong klaseng damit pa ang isuot sa kaniya. Simple man o magarbo ay tumitingkad pa rin ang likas nitong ganda. Pasulyap ko namang tinignan ang sarili ko, infairness nagmukha akong tao ngayon. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Julian, bago muling nagsalita. “Sa susunod na lang Alice, hindi ayon ang lugar at pagkakataon para sa gusto mong pag-usapan.” “Ano bang problema mo Julian? Okay naman tayo no’ng nakaraang mga araw ha. Ba’t parang bigla ka na lang nagbago?” tanong nito. “Tell me, may kinalaman ba ang babaeng ‘yan?” What? Bakit nasali naman ako sa usapan ngayon? Marami
“Ba’t kasi pinatulan po pa ang Harold na ‘yon? Lasing siya, sana’y pinabayaan mo na lang.” Hindi mapatda ang bibig ko sa kakasermon kay Julian habang nilalapatan ng yelo ang pasa sa kaniyang may labi. Aba naman kasi nakipagbanatan pa sa kapatid niyang wala naman ibang alam kundi ang magmayabang. “Ano’ng gusto mong gawin ko, pabayaan na insultuhin niya ang ina ko? Aray!” Napatigil ako sa sagot niyang ‘yon, It was not my point, pero ‘wag na baka hindi lang kami magkaintindihan parehas na rason namin. “Okay, sige na, mali na naman nga siya kung gayon. Siguro nextime ay mas lawakan mo na lang ang pasensiya mo. Para namang hindi mo kilala ang kapatid mo na ‘yon, sadyang mainit na talaga ang dugo no’n sa ‘yo noon pa.” Patuloy lang ang pagdadampi ko ng towel na may yelo sa kaniyang sugat. Nanggigigil ako sa kaniya, lalo na sa ganitong malapitan na posisyon namin. Kitang-kita ko kung gaano kakinis ang mukha niya’t kung ilan ang maliit na nunal sa may malapit sa kaliwang mata niya. “
Hindi ko naman akalain na ganito magiging kahirap ang sitwasyon ko sa pagkakaroon ng ugnayan sa anak ng driver namin. Magmula ng araw na nagkaroon kami ng deal ay halos hindi na rin niya ako lubayan. Parati itong nagpapadala ng text message sa akin, nag-aabang sa pagdating ko sa umaga at maging ang pag-uwi ko. Dalawang araw matapos ang Valentines party, hiindi na rin naputol ang usap-usapan patungkol sa amin. Pinagkakalat na kasi nito na nagdadate raw kami, na hindi naman totoo. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng alibi noon ay hindi ako makikipagdeal sa kaniya, mas gusto kong kumilos ng sarili ko lang. Kung si Joker nga’y hindi ko na ipinasok sa mga plano ko sa pamilya ko’y siya pa kaya. “Pre, tignan mo nandiyan na nman ‘yong girlfriend mo.” Sinulyapan ko ang tinutukoy niyon. Nabitiwan ko ang kutsarang hawak nang makita si Alliyah sa may pinto ng cafeteria. Masigla itong kumakaway sa gawi ko. “Naku! Lagot ka na naman Julian,” sabat pa ni Janice na nasa tabi naan ni Joker,
“Aray! Aray ko po, tama na ma’am. Pabayaan niyo na po ‘yan, pakilagyan na lang ng band-aid,” labis ang pagmamakaawa ni Alliyah sa school nurse. Nakailang pagpahid kasi ito sa kaniya ng alcohol sa noo na nasa may bandang kilay niya. Kamalasan niya’y naabot pa rin siya ng isa sa mga babae na nakaaway niya kanina lang. “Hindi puwde, masyadong mahaba ang sugat na ‘to. Namamaga pa, gaano ba kahaba ang kuko ng nakakalmot sa ‘yo?” “Hiindi ko rin po alam ma’am, siguro’y may sa-aswang ang isang ‘yon eh.” “Sa susunod kapag makikipagsabunutan ka’y sigraduhin mong hindi madadamay ang mukha mo, pangit naman kung matatadtad ka ng sugat riyan.” “Aray Miss,” sa huling pagkakataon ay napasigaw si Alliyah. Mabuti at iyon na ang huling dampi ng bulak na may alcohol sa may noo niya. “Sige na, ayos na ‘yan. Nalagyan ko na rin ng band aid, hindi mo naman kailangan pang magpaconfine kaya puwede na kayong bumalik sa mga silid niyo,” iyon ang huling sambit ni Ms. Gomez, ang dalagang school nurse bg
“Salamat sa pagpayag mo Julian, tiyak na matatapos ko kaagad ‘to, nahihirapan din kasi ako sa kung ano ang gagawin,” sinasalansan ni Alice ang kaniyang mga gamit na nasa desk na. 4pm na, tulad nga nang sinabi ni Julian ay wala ngang tao sa science lab ng ganoon oras. “May dala nga pala akong snacks dito, baka sakaling magutom ka, may drinks din.” “Busog ako, simulan na natin para matapos na ‘to. Gusto ko nang mauwi ng maaga,” hindi nagpakita ng pagkasabik sa kaniyang tono si Julian. Hindi nagustuhan ni Alice ang gano’n niyang pakikitungo sa kaniya, sana’y siyang binibigyan ng atensyon at pagmamahal. Ngunit dahil sa wala naman siyang magagawa bukod sa tanggapin ‘yon ay nanahimik na lang siya. Nagsimula ang dalawa hanggang sa umabot ng 5:30pm. “Tama na muna ito sa ngayon, marami na rin tayong nagawa,” sabi ni Julian habang inililigpit ang kaniyang mga gamit pabalik sa bag. Gano’n rin ang ginawa ni Alice ngunit nanatiling nakikiramdam sa bawat kilos ni Julian. Ang goal niya ngayong
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘
“Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang
Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam
Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan