Share

Julian to the Rescue

Hindi ko naman akalain na ganito magiging kahirap ang sitwasyon ko sa pagkakaroon ng ugnayan sa anak ng driver namin. Magmula ng araw na nagkaroon kami ng deal ay halos hindi na rin niya ako lubayan. Parati itong nagpapadala ng text message sa akin, nag-aabang sa pagdating ko sa umaga at maging ang pag-uwi ko.

Dalawang araw matapos ang Valentines party, hiindi na rin naputol ang usap-usapan patungkol sa amin. Pinagkakalat na kasi nito na nagdadate raw kami, na hindi naman totoo. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng alibi noon ay hindi ako makikipagdeal sa kaniya, mas gusto kong kumilos ng sarili ko lang. Kung si Joker nga’y hindi ko na ipinasok sa mga plano ko sa pamilya ko’y siya pa kaya.

“Pre, tignan mo nandiyan na nman ‘yong girlfriend mo.”

Sinulyapan ko ang tinutukoy niyon. Nabitiwan ko ang kutsarang hawak nang makita si Alliyah sa may pinto ng cafeteria. Masigla itong kumakaway sa gawi ko.

“Naku! Lagot ka na naman Julian,” sabat pa ni Janice na nasa tabi naan ni Joker,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status