Sunday. Bilang parte ng tradisyon ng pamilya Kordal ay parating may salo-salo sa kanilang Mansiyon. Lalo pa’t ang head ng kanilang Pamilya ay presente rin sa naturang araw na ito. Maaliwalas ang panahon, walang bahid na ulan o ano pa man. Busy ang mga kasambahay sa paghahanda sa hapag at paglilinis sa kabahayan. Ang mag-asawang Kordal ay masayang nagkukwentuhan sa labas ng kanilang mansiyon, sa tabi ng pool area. Maraming puno sa bakuran kaya naman ang simoy ng hangin ay napakarasap sa pakiramdam. Si Harold ay piniling pumuwesto sa kanilang gazeebo, nagkakalikot sa kaniyanang telepono habang nakadyekwatro. Ang babaeng anak ay namimitas ng bulaklak sa garden upang mailagay iyon sa paso, hilig ng dalaga ang pag crafting at designing. At sa kabilang banda, si Julian na pababa pa lang sa hagdan ay taas noong sinipat kung ano ang ginagawa ng kaniyang pamilya. Napapailing siya, kung iisipin kasi’y ang set-up na ganito ay hindi sa kaniya ayon. Siguro’y noon ay oo, ngunit ngayon na ha
Tahimik akong naghihintay na matapos ang buong araw na ‘to, nakahiga lang ako sa kama, nakatutok ang mga mata sa kisame, nag-iisip. Alas sais pa lang ng gabi kaya mamaya ay tatawagin pa ako para mag dinner. Sadyang nakakabagot ang araw na ito, pero dahil sa tinatamad din akong lumabas ay tiniis ko ang presensya ng lahat na nasa bahay. Toot! Hmp? At sino naman ang magtetext ng ganitong oras? [Joker Pre, labas tayo bukas sama ka ba sa amin ni Janice? Pupunta kaming park after class.] Hindi ako nagreply, ano ba ang balak niya gawin akong alalay sa date nila? Toot! [Joker Huwag mong isipin na gagawin kitang alalay. May makakasama ka naman kasi inimbitahan ni Janice si Alliyah para naman mas masaya.] “What?” Tsk. Ano naman ang balak nila sa isang ‘yon ngayon?” Inilapag ko na ang cellphone, tumayo at pumuwesto sa harapan ng study table ko. Sa sobrang boredom ko ay naghanap ako ng libro na puwedeng mabasa. Isang komiks na naipit sa pagitan ng ilang educational books ang naha
Tulad nga ng sabi ko ay mabait naman talaga ang papa ko basta ba’t hindi lang mama-manipula. Makalalabas na si Mang Nardo, wala namang taong napwersiyo sa car accident na kinasangkutan ng sasakyan namin kaya ayos na rin. Dahilan na rin sa koneksiyon na mayroon ang pamilya namin ay mabilis na naresolba ang problema. Ang lahat ng sangkot ay nakauwi na, at ang tanging nahuli ay ang ama ni Alliyah. Si Harold ay kasama na ni Papa sa pag-iuwi, hindi na nila nalaman na narito ako sa may tapat ng presinto nang papaalis na rin sila. Kahit ngayon lang ay iniwasan ko munang magkrus ang landas namin ni Harold. Tanaw ko mula sa kinatatayuan kung gaano kasaya si Alliyah sa pagsalubong sa kaniyang Papa. Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa, kitang-kita kung gaano sila katibay na pamilya. “Salamat po, sir Julian sa tulong na ginawa niyo,” yumukod pa ng bahagya ang matanda sa harapan ko. Wala namang kaso sa akin ‘yo kaya hindi na kailangan ang ano mang pormalidad. “Sige na ho, mauwi na kayo da
“Hey! What are you doing?” Napatalon ako sa gulat ng mabosesan si Julian sa may likuran ko. Kasama niya ang magkasintahan na sina Joker at Janice papunta rin dito sa Canteen. Akala ko pa naman ay nasa loob na sila kaya panay ako silip dito sa labas para sana maiwasan siya. Biglang nag-iba ang balak ko, kung kanina’y napagdesisyonan kong kausapin siya’y ngayon ay hindi na. “Hey, Alliyah, papasok ka ba? Tara sumabay ka na sa amin.” Kumalas si Janice sa pagkakakapit sa braso ni Joker at dinaluhan ako. Inakay niya ako papasok, panay pa nga ang angal ko pero wala na ring kawala. “Sasama ka sa amin mamaya ha, napag-usapan niyo naman na ‘yon ni Julian, right?” Naibuga ko ang tubig na nasa aking bibig, buti na lang at otomatik naman na tumagilid ako ng puwesto dahil kung hindi ay masasapul ko si Julian sa mukha. Oo nga pala, kinausap ako ni Joker noong nakaraan tungkol sa pagsama sa kanila sa amusement park. Um-oo nga pala ako dahil sa nagkasundo kami na isasama si Julian sa pagla
“Saan ka naman pupunta?” Medyo nakakailang pero itinanong ko talaga ‘yon kay Julian. “Kahit saan.” Napangiwi ako’t kinurot ang braso niya. “Ouch! Para saan naman ‘yon. Ang sakit, ah.” “Hindi mo alam ang pupuntahan mo? Tapos ay mag-aaya ka na umalis, timang ka ba?” “Ang pagkakaalam ko ay hindi naman, baka ikaw ay oo.” Nagbibiro ba siya o natural niyang ekspresyon ‘yon? “Ewan ko nga sa ‘yo, tutal ay wala ka naman talagang balak na gawin, pumunta na lang tayo sa rooftop para naman mahanginan ‘yang utak mo. Pero bago ‘yon ay bumili muna tayong snacks, tara.” pag-aya ko sa kaniya. “Kanina lang parang ayaw mong magsalita o humarap sa akin, ngayon nagpapabili ka na ng snack?” “Oh, eh bakit ba? Nawala na ang pagkailang ko sa ‘yo bigla. Huwag mo na lang ipaalala.” “‘Yong paghalik mo sa ‘kin?” “Eh…” sinunggaban ko ang napakadaldal niyang bibig gamit ang aking kamay, kung malakas ako ay baka naitulak ko pa siya sa corridor. Masyadong maraming tao sa paligid, may isa lang n
“Ano bang ginagawa niya doon?” Tinatakbo ko paakyat ang patungong rooftop ng Nursing department. Walang naman sana akong balak na mangialam pa kung hindi ko lang napag-alaman na nagtungo si Alliyah sa babaeng gustong tumalon sa building. Hindi namans siguro tama kung pati siya ay madadawit sa problemang ‘yon, para naman na hindi rin ako masasali sa kung ano ang magiging sitwasyon niya. Wala pa ring dumarating na rescue para tulungan ang babae na mamulat sa kung ano ang ginagawa niya, tulad lang din ng nangyari noon, sa unang 2006 na kinalagyan ko. “Excuse me. Excuse me.” Maraming nakiki-usyoso sa daan patungo sa rooftop, ngunit walang nag-atubili na pumasok upang awatin ang babae, maliban kay Alliyah. “Alliyah.” Hinihingal na tawag ko sa kaniya. “Eli, please bumaba ka na riyan.” Panay ang ginawang pagmamakaawa ni Alliyah sa babaeng nakatayo sa railings ng rooftop, nakatalikod siya sa gawi naman, punit ang damit na suot niya’t inililipad ng hangin ang magulo ngunit mahaba niyang
“No, dad, I wouldn’t do it! Isa pa, wala namang proweba na ako nga ang may gawa sa kaniya ng ibinibintang niya. I am a Kordal, tiyak na may nanghihila lang sa akin pababa.” Hindi magkamayaw si Harold sa pagpilit sa kaniyang ama na wala nga siyang kinalaman sa mga ibinabato sa kaniya ni Elizabeth na patutsada. Hapon, matapos ang klase ay dinala ni Julian sina Alliyah at pinsan nito sa kanilang ama. Iniharap niya ang babaeng ilang beses na ginalaw ni Harold. Hindi lubos akalain ni Julian sa gano’ng edad ng kapatid ay sanay na sanay na ito sa gawing sekswal. Hindi na nga siya nag-atubili pa na ipaalam sa ama ang mga ginagawang kabulastugan ng anak niyang isa pa. Noon ay labis-labis ang tiwala ng ama kay Harold na halos ay ibinagay na nito sa lalaki at wala na sa kaniya. Pero dahil ngayon na narerealize naman ni kung bakit ay naiintindihan na niya. Walang hindi ikinilos ang ama na hindi dumaan sa madrasta niya. “Ikaw na naman Julian ay may pakana nito? Kailan mo ba lulubayan ang pang
Successful ang plano ko para kay Harold, pumayag si papa at na silang magagawa pa ro’n. Si papa pa rin ang batas sa bahay. Alas dos ng madaling araw, nagising ako para magbanyo. Umuulan, at malamig din ang aircon sa loob ng bahay kaya mukhang napuno na ang pantog ko dahil do’n. Nang matapos ay nakaramdam naman ako ng gutom. Hindi nakikisama ang katawan ko sa inaantok ko pang mga mata. “Kahit tubig lang, iinom ako.” Madilim ang kabuuan ng salas, pagdungaw ko mula sa hagdan ng second floor ay parang gusto ko na lang bumalik sa higaan. “Nakakatamad.” Pero dahil sa nandito na rin naman na ako ay itinuloy ko na. Nagsaling ako ng tubig sa baso at naghanap ng puwedeng makain sa refrigirator. “Ano ‘yon?” Isinara ko ang fridge at dinampot ang baso ng tubig, sinimulang inumin iyon. May kakaibang tunog akong narinig mula sa may labas ng kusina, sa bodega banda. Dahan-dahan ay naglakad ako patungo ro’n, maaring daga o pusa lang ‘yon ngunit possible rin na may taong naroon ngayon. Sa
“Salamat sa araw na ito Julian, kahit papaano’y nakalimutan ko ang tungkol sa nangyari sa akin.” Narito na kami sa tapat ng bahay namin, alam nila papa na kasama ko si Julian kaya nang magsabi ako na medyo malalate ako ng uwi ay hindi na sila tumutol pa. Sa tagal ng panahon na nanilbihan ang ama ko sa mga Kordal ay kabisado na nito kung sino ang dapat at hindi dapat na pagkatiwalaan, nasabi naman niya sa akin ang tungkol doon. “Walang anuman ‘yon, kapag kailangan mo ng makakausap ay tawagan mo lang ako.” Nakakagulat man ngunit napangiti pa rin ako sa tinuran na iyon ni Julian. “Sige, sabi mo ‘yan ha.” “Hmp. Isa pa’y ako naman ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ‘yo.” “Hala, parang makokonsensya pa ata ako ha, bakit ikaw ba ang nanakit sa akin? Hindi naman eh, kung hindi pa nga dahil sa ‘yo ay baka mas malala pa ang nangyari sa akin,” sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya sinisisi ang totoo pa nga niyan ay nahihiya ako sa kaniya. Simula pa lang ay ako naman
“Thank you, Julian.”Sa isang parke ako dinala ni Julian, sumikat na nang mataas ang araw kaya ramdam na ramdam ko ang init niyon sa aking mukha. Hindi gano’n karami ang tao na naririto dahil na nga rin siguro sa magtatanghali pa lang. “It’s nothing Alliyah, as long as you are safe,” sagot niya sa akin.Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.Nagpalinga-linga ako, nasa bayan pala kami ng aming lugar. Mula nga rito sa aking kinauupuan ay tanaw ko ang malaking Mall. Kaya naman bigla kong naisipan na ayain si Julian doon, mas malamig at maraming makikita roon. “Tutal narito na rin naman tayo, ano ba ang gusto mong kainin?”Nag-isip ako, as of the moment ay wala naman akong gusto, pero para hindi naman masyadong nakakahiya sa kaniya ay sinabi ko na lang ayos na sa akin ang burger. Wala namang turo-turo dito sa loob ng mall dahil kung mayroon lang ay ‘yon na lang para mas mura.Dinala niya ako sa isang fastfood chain, bale nagtake out na nga lang pala siya para sa aming dalawa. Tig isang bur
“Mabuti naman at pumasok ka na.” Nagkaroon kami ni Alliyah ng pagkakataon upang makapag-usap. Matapos kong i-deklara kay Coach kung ano ang gusto kong mangyari sa pilit nilang pagbawi sa posisyon na ibinigay nila sa akin ay nagbreak muna kami. Lumabas ng sabay sina Joker at Janice matapos ulit nai-congratulate ako. Ang sabi nila’y babalik daw sila kapag natapos na ang sunod na klase ni Janice. “Hmm. Napag-isip-isip ko kasi ang sinabi mo sa akin, salamat sa panenermon mo Julian. Kung hindi ka siguro pumunta’t naglaan ng oras para sa akin ay baka naroon pa rin ako hanggang ngayon, nagmumukmok sa nangyari,” mahabang sabi niya sa akin. “Ako ang dapat na manghingi sa ‘yo ng pasensiya, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka naman mapupunta sa gano’ng sitwastyon.” Naglalakad kaming dalawa patungo sa Canteen, balak ko siyang i-treat para sa kaniyang muling pagbabalik. “Naku! Hindi ko naman inisip ang tugkol do’n Julian, walang ibang may mali kundi sila lang. Sadyang makikitid lang kasi a
NAPANGISI ako nang malaman ang pinaggagawa ni Julian. Ang lakas ng loob niyang lumaban sa alam niyang mas mataas sa kaniya. Isa si Lizzy Burkinton sa superior sa University, bukod sa maganda at maagas siya ay ito pa ang bunsong anak ng may-ari ng Unibersidad. Hindi niya man lang ba naisip kung ano ang kalalabasan ng maling kilos niya? Pero ano nga bang pakialam ko do’n? Eh mas gusto ko nga na masaktan siya para mas masaya sa akin. Makaganti man lang sa mga pinapasok niya sa utak ni Papa tungkol sa akin. “Narinig mo na ba ang bagong balita, Harold?” lumapit ang isa sa kasa-kasama ko mula sa Department namin. “Hindi, ano ba ‘yon?” tanong ko. Isinalampak ko ang aking sarili sa upuan, magulo ang loob ng silid namin. Parehas lang naman kami ng kurso ni Julian pero magkaiba ng block. Ayaw ko siyang makasama, though may ilang subjects na nagkakasabay talaga kami. “Ang kapatid mo, talaga palang binasted na si Alice. Usap-usapan na ‘yon sa lahat ng Department.”Medyo nagulat ako sa sinabi
Wala akong pakialam sa kahit na sino ngayon, kahit na sina Joker at Janice ay hindi ko ring magawang pagtuunan ng pansin. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano-ano pa ang mga nangyari noon, sa panahon na ito. Gusto kong maalala upang mapaghandaan ko na. Batay sa obserbasyon ko ay nangyayari pa rin ang mga dapat, ngunit mayroon na parang nalilihis ng sitwasyon, lalo na sa mga events na tungkol sa akin. Sa tuwing may babaguhin akong kilos ay may kaakibat na rin na pagbabago iyon para sa iba na maaapektuhan. Tulad na lang ng hindi ko pagpatuloy sa panliligaw kay Alice, nang mawala siya ay bigla naman na dumating si Alliyah. Nang iligtas namin si Mang Nardo sa isang maling akusasyon ay si Harold naman ang naipit sa isang maling sitwasyon na hindi naman dapat na mangyari. Kumbaga, mangyayari pa rin ang mga dapat mangyari, kung iiwasan ang isang masamang mangyayari sa isang tao ay may sasalo niyo na iba dapat. Hindi maaaring wala kapalit, at baka maging magulo na ang hinaharap. At ngayon
Maagang naging usap-usapan ang tungkol sa pambubully sa isang babaeng estudyante. Maaga pa lang ay napuno na ng chismis ang buong BU. Ayon sa ilan ay brutal daw ang ginawang pananakit, habang ang iba naman ay hindi na magawang magkomento dahil na rin sa takot. Nang malaman kasi nila na ang may pakana niyon ay ang anak ng may-ari ng BU ay hindi na sila nagbigay ng komento.Dumating si Julian sa University, sakay ng motor na hiningi niya sa kaniyang madrasta noon. Mayroon siyang hindi magandang karanasan sa motor kaya nahirapan siyang ipush ang sarili na gamitin iyon. Ngunit ngayon ay hinanda na niya ang sarili. Ang motor na iyon kasi ang naging daan upang makapaningil siya sa nagkasala sa kaniya.Buong-buo ang kaniyang lakad, ni hindi siya tumititig sa kung sino man, poker faced at diretso lang ang tingin sa kaniyang dinaraanan. At at punta niya? Sa department kung saan naroon ang grupo na nanakit kay Alliyah.“Uy, si Julian Kordal ‘yan ha. Naku, ang usap-usapan di ba girlfriend niya ‘
“Ano’ng ginawa mo, Alice?” “W-wala akong ginagawa, J-Julian-” “Wala, eh ano ‘to?” Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan. “Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. “Hear me out Julian,” anito. Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok. Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang
Madiin ang ginawa kong pagtapak sa gas ng sasakyan ni Joker. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang mapuntahan ng mabilis si Alliyah. Sa tuwing sumasagi ang litrato niya na ipinakita ni Janice sa isipan ko’y nanggigigil lang ako sa kung sino ang may gawa niyon. Paano at bakit nila nagawang pahirapan ng walang kalaban-laban ang isang babae? Pangako, hind ko mapapatawad ang tao na ‘yon.Ilang pag overtake pa ang aking ginawa sa mga sasakyang nasa unahan ko. Higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa manibela, pansin ko ‘yon, konti pa ay baka masira ko na ito. “Hang on Alliyah, papunta na ako.”Sa BU ang tungo ko. Sinipat ko ang aking relo upang malaman nga kung ano’ng oras na. It was already 9:30 pm, siguradong wala ng tao doon maliban sa security guard na mahihirapan akong malusutan kapag nagkataon.Habang nasa daan nga ay napa-isip ako ng mabuti. Walang nangyari o naibalita sa eskwelahan namin noon tungkol sa isang bullying accident sa ganitong oras o araw. O baka hindi ko na nam
Hindi na natutuwa pa si Julian sa tagal ni Alliyah sa pagdating. Hndi na rin kasi biro ang mahigit isang oras at kalahati na nakalipas ay wala pa rin ang dalaga. Hindi na mapakali ang binata, panay ang paglalakad niya nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. “Julian, puwede bang manahimik ka sa isang lugar? Nahihilo na kami sa ‘yo, eh.” Pagsaway ni Janice sa lalaki. Gusto rin nitong magpanick ngunit wala namang magagawa kung gano’n ang gagawin niya. Kaya ang mas mabuting gawin ay magtanong-tanong sa mga kakilala niya, magbabakasakali kung nakita man lang nila si Alliyah. “Baka naman ayaw niya lang talagang pumunta,” ani Joker na ikinatigil ni Julian sa pagkakaparanoid. Possible ang sinabi nito, pero tama ba na hindi man lang mag-abiso si Alliyah at paasahin siya? “Impossible ‘yon, love, kasi tuwang-tuwa nga siya kanina no’ng sinabi natin na hinahanap siya ni Julian eh. Excited siya kaya napaka impossible talaga na bigla na lang itong hindi pupunta sa usapan.” Si Jan