ALAM ni Danica na galit si Steven pero sinundan pa rin niya ito. Hindi siya tanga para hindi mahulaan ang ginawa ng mga ito kanina sa silid ni Nicole. Bago pa ito makapasok sa silid ni Daniela ay hinila niya sa braso ang binata."Steven, gusto kong itakda na ang kasal natin sa lalong madaling panahon. Nang sa gayon ay matanggap na rin ako ni Sean bilang ikalawang ina niya.""Huwag ngayon, Danica. May mga bagay na dapat kong mas pagtuunan ng pansin." Malamig na tugon ni Steven dito at hindi nag-abalang lingunin ang dalaga."Kung ang inaalala mo ay wala kang oras sa pag-asikaso o pagsama sa akin sa pag-ayos ng dapat ayusin, huwag kang mag-alala at kami na ni Rita ang bahala doon." Giit ni Danica. Nasa tono niya na para bang mauubusan na ng oras."Alam mong hindi na tulad ng dati ang sitwasyon, Danica. Narinig mo naman ang sinabi ni Sean kanina.""What? Nakadepende na sa batang iyon ngayon ang kasal nating dalawa?!""Lower your voice," ani Steven sa nagtitimping tinig dahil baka marinig
"HINDI mo na kami kailangang ihatid at may susundo sa amin." Patuloy sa malamig na pakikitungo sa binata si Nicole.Naiinis siya sa binata at dito sinisisi ang lahat kung bakit nagkawatak-watak ang mga anak niya. Naiinis din siya dahil hindi niya magawang itulak ito kay Danica at pakasalan upang makita na ang anak. May bahagi sa puso niya ang tumututol na hindi niya nagugustohan. Napaaga ang uwi nila ni Sean dahil dumating na si Gaven. Kailangan niya rin ng payo ng ama-amahan tungkol sa kundisyon na ibinigay ni Danica."Tatawagan ko si Kanor para hindi na siya mapagod sa pagsundo sa inyo.""Hindi siya ang magsusundo sa amin." Pagmamatigas pa rin ni Nicole sa binata. Pwede naman na ito ang maghatid sa kanila kung gustohin niya, ngunit ayaw niya.Igigiit pa sana ni Steven ang kagustohan ngunit pumasok ang katulong sa sala at kasunod nito ang isang lalaki."Daddy Gaven!" Sabik na tumakbo si Sean palapit sa lalaking bagong dating.Naningkit ang mga mata ni Steven at nilukob ng selos ang b
MATAPOS ang isang mainit na tagpo sa pagitan nila ng binata ay biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Nicole. Mabuti na lang at wala na sa harapan niya ang binata dahil biglang naalala nitong may meeting ito. Kasama siya sa meeting pero hindi na siya pinapunta. Mahigpit ang bilin nito na huwag siyang lumabas ng opisina nito bago ito umalis kanina."Ayst, ano ginawa mo Nicole?" kausap niya sa kaniyang sarili habang inaayos ang buhok na nagulo.Lalong mahirapan siya ngayon mailayo ang sarili sa binata dahil sa nangyari sa kanila. Lalong hindi niya makumbinsi ang lalaki ngayon na pakasalan nito si Danica. Nang maalala ang posibilidad na mangyari ay mabilis siyang tumayo at nilisan ang opisina ni Steven. Kailangan niyang bumili ng pills at makainum. Ayaw niyang magbunga muli ang pagkakamali at hindi pwede ngayong malapit na niya mahanap ang isa pang anak.Matatalim ang tingin ni Danica na nakausnod kay Nicole. Alam niyang kanina pa ito sa opisina ni Steven at ayaw niyang isipin ang maaring
"IKAW ba talaga iyan, Nica?" nagdadalawang isip pa rin si Rita sa babaeng nagpakilala na kaniyang kaibigan."Yes, ako nga. Ako ang nagbigay sa iyo ng pangalan na Tata."Dahil sa pagkasabik na makita muli ang kaibigan ay agad na naniwala si Rita kay Danica. Marami pa itong sinabi na nagpapatibay na ito nga si Nica. Marami ang nagpakilala sa kaniya noon matapos niyang isapubliko ang tungkol sa paghahanap sa kaibigan. Ngunit hindi ng mga ito masabi ang mga pangalan na mapagkilanlan. Tanging si Danica lang ang tumugma na kaibigan niya.Mula nang matagpuan niya si Danica ay naging parte na ito ng kaniyang pamilya. Natuwa rin siya dahil nagkagusto ito sa kaniyang kapatid. Ngunit walang interest ang kuya niya dito. Lahat ay ginawa niya upang maging masaya ang kaibigan."Minsan mo na bang natanong sa kaniya ang isang bagay na tayo lang ang nakakaalam?" untag ni Nicole kay Rita nang hindi nito magawang makapagsalita na.Malungkot na umiling si Rita bilang tugon dito. Dahil naging kampanti siya
"ANO ang ginawa mo sa silid ni Nicole?" nang-uusig na tanong ni Danica kay Rita. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya."Ikaw pala, kinausap ko siya tungkol kay Kuya."Nang-aarok ang tingin ni Danica sa kaibigan at hindi siya kumbinsido sa dahilan nito."Nahuli ko silang naghahalikan ni Kuya.""What?!" Nadidilat ang mga mata ni Danica at hindi napigilan ang pagtaas ng boses."Kaya sinugod ko siya sa kaniyang silid upang ipamukha na katawan lamang niya ang habol ni Kuya Steven." Paliwanag ni Rita dito."Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi na niya ginalang ako bilang fiancee ng kapatid mo!""Huwag ka ng magalit, sa sinabi ko sa kaniya ay tiyak na natauhan na siya."Napangiti si Danica nang mapansin ang pilyang ngiti sa labi ni Rita. Inakbay niya ito at isinama sa kaniyang silid."Sa tingin mo, natauhan na kaya siya?" Excited na tanong ni Danica kay Rita."Sa kapal ng mukha niya ay hindi iyon basta tablan ng katotohanan. Pero alam kong nabawasan ang confident niya." Kumpy
"ANONG balita?" tanong ni Danica kay Brando mula sa kabilang linya."Madidiin sa kaso si Soledad dahil si Steven na mismo ang nagsampa ng kaso sa kaniya sa salang pagtangka sa buhay ni Nicole at mga anak."Hayop siya! Mas pinili niyang paniniwalaan ang babaeng iyon! Hindi ako makakapayag!" lalong lumaki ang galit na nadarama ni Danica kay Nicole."Ano na ang plano mo ngayon kay Soledad, Ma'am?" tanong ni Brando dito."Hintayin mo ang tawag ko." Mabilis na ini-off ni Danica ang cellphone at matalim ang mga matang nakatutok sa isang sulok.Pakiramdam ni Rita ay para siyang magnanakaw na takot mahuli. Hindi niya alam kung nakita ba siya ni Danica. Pero siniguro naman niyang nakaalis na sa pinagkublihan bago pa ito lumingon sa gawi niya ang babae."Aalis ka?" Nakangiting tanong ni Rita kay Danica nang dumaan ito sa harapan niya."Yes, may mahalaga lang akong lalakarin."Hindi magawang salubongin ni Rita ang tingin ni Danica. Hindi siya sanay na makipag plastikan at mag-isip ng hindi magan
RAMDAM ni Danica ang malamig na pakikitungo sa kaniya ng mga magulang ni Nicole nang dalawin niya ang mga ito. Para siyang nabababliw na dahil pakiramdam niya lahat ng taong nakapaligid sa kaniya ay ramdam niyang nag-iba na ang tingin sa kaniya.Pasalampak na naupo si Danica sa loob ng kaniyang silid. Naroon siya ngayon sa kaniyang sariling bahay. Kailangan niyang mag-isip at malaman ang kung ano na ang tunay na saloobin ng lahat sa kaniya. Nag-inum siyang mag-isa dahil para na siyang nababaliw sa kakaisip. Hindi niya kayang tanggapin na mawala na lang sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan. Lalo na ang buhay na gustong marating at taong gustong makasama habangbuhay.Hindi alam ni Rita kung nakailang oras na siya doon sa labas ng building kung saan naroon ang condominium ni Danica. Mula nang malaman niya ang tunay na pagkatao nito ay lagi na niyang sinusundan ito. Tinawagan niya ito ng mainip, kailangan niya pa ring umaktong kaibigan nito upang hindi ito mag-isip ng hindi maganda."Hello
TAHIMIK na umiiyak si Rita mula sa pinagtalian sa kaniya. Gusto niyang lapitan ang pamangkin na umiiyak sa isang tabi ngunit hindi magawa dahil nakatali siya. Maging ang bibig niy ay may busal kaya hindi niya rin ito makausap. Kanina ang akala niya ay hindi siya napansin ni Danica na sumusunod dito. Nang tumigil ito sa isang tabi ay huminto rin siya at naka distansya dito. Ngunit biglang may kumatok sa kaniyang bintana, ang akala niya ay namamalimos dahil sa kasuotan nito. Bigla na lang siya tinutukan ng baril at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan ito. Wala siyang nagawa kundi ang magmaneho at sundin ang utos ng lalaki kung saan dadaan."Bakit ka po niya itinali?" Nanginginig ang tinig ni Natasha at takot na lumapit sa babae dahil sasaktan siya ng nagngangalang Danica kapag sinuway niya ito.Tanging iling lang ang nagawa ni Rita sa pamangkin. Naaawa siya dito dahil mukhang dumaan ito sa hirap ng buhay. Hindi mapagkailang pamangkin nga niya ito dahil kahawig ito ni Daniela. Payat din