Chapter One
INIS kong tinitigan ang bouquet ng bulaklak na hawak ko habang naghihiyawan ang mga tao sa paligid. Hindi ako sumali sa bouquet toss pero sa akin pa rin ito napunta. Buti sana kung may boyfriend ako.“Insulto,” mariing bulong ko.Peke ko silang nginitian at itinaas ang bulaklak na kunwari’y tuwang-tuwa. Kasal ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa trabaho kaya sasakyan ko na lang muna sila. Ayokong masira ang pinakamahalagang araw sa buhay nila nang dahil lang sa kaartehan ko.Napalingon ako sa direksyon ni Alas. Nakangiti siya sa akin habang pumapalakpak. Kahit malayo ang distansya namin, kitang-kita pa rin ang lalim ng kanyang dalawang dimple. Sobra itong nakakaagaw ng atensyon.Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Ang maganda niyang mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at magkabilang malalim na dimple. Mas dumagdag pa sa appeal niya ang kanyang nunal sa gilid ng kaliwa niyang mata at hanggang balikat na buhok na nakatali, pati ang matipuno niyang pangangatawan. Katamtaman lang din ang kulay ng balat niya at nangingibabaw siya sa mga kasama niyang lalaki dahil bukod sa guwapo na, matangkad pa.Binaba ko ang tingin sa bouquet na hawak ko at nagpigil ng kilig. Kung si Alas ang ikakasal sa akin, I do agad ang isasagot ko. Matagal ko na siyang gusto mula noong highschool, sinundan ko rin siya sa college hanggang sa magkatrabaho na kami. Architecture talaga ang field na gusto ko pero naging artist ako nang dahil sa kanya. Hindi naman ako nagsisi dahil related pa rin ito sa passion ko na gumuhit at maganda rin ang sahod pati pakikitungo ng mga empleyado rito.Matapos ang picture taking at iba pang ganap ay bumalik na ako sa aming table.“Kumusta, guys? Okay lang ba kayo?” tanong sa ‘min ng bagong kasal na sina Kayla at Jom.“Yup! Congratulations!” bati ng mga kasama ko sa kanila.“Congrats ulit sa inyo and enjoy your honeymoon,” nakangiti ko ring bati.“Well, mukhang mauudlot pa. Remember, bukas na darating ang bagong Boss natin. Hindi kami puwedeng umabsent,” sagot ni Kyla na parang may panghihinayang.“Oo nga pala,” sagot ko.Ipakikilala na bukas ang bagong CEO ng Likha Studios. Balita ko, kapatid ‘yon ni Alas galing Japan. Base rin sa mga naririnig ko, magaling siya mamahala ng kompanya. Hindi ko lang alam kung mabait siya o medyo estrikto.“Uy! Mr. Pacco, tulala ka na riyan. Iniisip mo na ba ang magiging Boss natin?” Napatingin ako sa mga kasama ko.“Mabait naman siguro dahil alam natin na mababait ang mga Imperial,” saad ni Chanti na sinang-ayunan ko.Mabubuti sila, isa na si Alas sa patunay. Kaya nga ako nagkagusto sa kanya dahil bukod sa hitsura, sobrang bait pa, kahit anak siya ng may-ari, hindi siya umakto bilang isang boss at magaling siyang makisama sa mga empleyado.“But weird, ’no? Si Alas ang nakakaalam ng buong operation ng Likha Studios pero hindi siya ang prinomote ni Mr. Imperial,” nagtatakang saad ni Renzo.“Well, maybe wala siyang tiwala na mapapatakbo ni Alas nang maayos ang LS,” kumento ni Arya.“Hindi naman sa walang tiwala, baka hinahanda pa siya ni Mr. Imperial,” apela ko.Magaling na team leader si Alas at pinapakita niya ang buong makakaya niya para makatulong sa kompanya, kaya sigurado ako na napapansin din ni Mr. Imperial ang kakayahan niya.“Oo nga naman. Huwag kasing judger, Arya,” saad naman ni Chanti.Napairap na lang si Arya sa hangin at itinuon ang atensyon sa kinakain.“Oh, tama na ’yan. Huwag n’yo munang intindihin ang trabaho! Magpakasaya tayo!” puno ng siglang sabi ni Sam upang ibahin ang usapan.“Hmm, napapaisip lang ako. Kapag nagpakasal ako at bumuo ng family, gusto kong magkaroon ng kambal, boy and girl. Papangalanan ko sila nang Chou at Nichu,” saad ni Chino.Napakunot naman ako ng noo habang pinakikinggan siya. Ang out of nowhere madalas ng mga sinasabi niya.“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong ni Chantria.“Para Chou Pacco at Nichu Pacco,” buong kumpiyansang sagot niya.Nabalot ng tawanan ang table namin. Medyo nag-loading pa ako sa narinig pero natawa na rin nang mapagtanto ang sinabi niya.Iba talaga mag-isip si Chino ng kalokohan, palaging wala sa lugar.“Witty, ah?” natatawang sabi ko at binigyan siya ng thumbs up.“Naku, Chanti! Huwag na huwag mong kinakausap si Chino, malala na ‘yan!” ani Ate Sam.“Hmm. Speaking of our new Boss, sana hindi siya nakakatakot,” pagsingit ni Arya.Natahimik kami at nagkatinginan. Hindi ko alam pero, bigla akong nakaramdam ng kaba sa pagdating ng bagong CEO, at mukhang gano’n din sila.Pakiramdam ko, may kakaibang mangyayari bukas.“Paanong nakakatakot ba, Arya? Ganito? Finish your work now, rawr!” biro ni Chino at umakto na parang mahinhin at nangangalmot na liyon.“Baliw!” Nagtawanan ulit kami sa kakulitan niya.“Itigil na nga natin ‘yan. Bukas na tayo mag-isip tungkol sa trabaho. Sa ngayon, mag-celebrate tayo!” pagputol ni Enzo sa usapan at itinaas ang kanyang hawak na baso.Tumingin siya sa direksyon ng waiter at sinenyasan ito. Ilang minuto lang ay lumapit na ang waiter dala ang ilang bote ng alcoholic drinks.“So let’s cheers! Para sa bagong kasal at bagong CEO bukas!” malakas na sabi niya.Itinaas na namin ang mga hawak na baso at ipinaglapit. Matapos ibaba ay nagbukas na si Enzo ng bote.Napalnok ako habang tinitingnan sila. Hindi ako madalas uminom dahil mabilis akong malasing. Kailangan ko muna silang takasan lalo na’t may mahalagang mangyayari din bukas. Baka hindi ako makapasok kapag sinabayan ko sila sa inuman.Kinuha ko ang phone sa aking bag at umakto na may katawagan.“Excuse me, sagutin ko lang ‘to,” paalam ko.Pasimple akong tumayo. Gusto kong lumayo muna para hindi madamay sa pagpapakalasing nila, kaya gagamit ako ng isa sa mga ipinagbabawal na technique.“Naku, Tamara! Tatakasan mo lang kami,” usal ni Ate Sam.“Nope, mabilis lang ‘to,” palusot ko habang nakalagay ang phone sa ‘king tainga.“Sus! Sure akong hindi na ‘yan babalik,” pagsulsol ni Chino.“Loko, hindi!” tanggi ko at pinanlakihan siya ng mga mata. Nakuha naman siya sa tingin at hindi na nagsalita pa.“Damihan n’yo na lang ang lagay sa baso ni Tamara,” suhestiyon ni Arya na nagpakunot ng noo ko.“Sige, gano’n na lang. Huwag mo ‘tong itatapon.” Kinuha ni Ate Sam ang baso ko.Nanlaki ang mga mata ko nang halos punuin niya ito sa sobrang daming inilagay. Hindi na ako nagreklamo dahil itatapon ko rin ito mamaya.Mapait akong ngumiti nang ibigay niya na ito sa akin. “Thank you, Ate Sam.”“Bumalik ka, ha?” saad niya.Mabilis akong tumango bilang tugon at nagsimula nang lumayo sa table. Pumunta ako sa area na wala masyadong tao.May nakita akong bakanteng bench kaya doon na lang ako pumuwesto. Tumingala ako para pagmasdan ang madilim na kalangitan na puno ng mga bituwin.“Hey!” Napalingon ako sa nagsalita.Nagninging ang mga mata ko nang makita si Alas. Ang guwapo niya sa suot na white long sleeves na nakatupi hanggang siko at black pants. Malakas din ang dating ng mahaba at itim niyang buhok na umaabot sa balikat. Agad kong hinawi ang buhok ko sa likod ng tainga at umayos ng pag-upo.Nakaramdam ako ng kaba habang palapit siya sa akin.“H-hey, Alas,” muntik nang mautal na bati ko.“Why are you here?” tanong niya.“Umalis muna ako sa table. Medyo mahina ako sa alak, ‘di ko kayang sumabay sa kanila,” sagot ko.“I see. Medyo magugulo rin sila kapag nalalasing, mai-stress ka pa,” aniya at bahagyang tumawa.Umupo siya sa tabi ko. Tumingala siya at nakangiting pinagmasdan ang kalangitan.“The moon looks beautiful,” wika niya.“Pero mas maganda ang nasa tabi ko,” dagdag niya at lumingon sa akin.Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Natawa na lang ako para hindi masyadong nakakailang. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa basong hawak ko.Kailangan kong maging behave sa tabi niya. Di dapat niya mahalata na kinikilig na agad ako sa simpleng banat.“Tamara,” tawag niya.Agad ko siyang nilingon. “Yup?”“I have something to tell you,” seryosong sabi niya na mas lalong nagpakaba sa akin.“A-ano ‘yon?” Bigla akong napainom ng alak na hawak ko sa sobrang kaba.Ang lakas ng kabog ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kakaibang mangyayari.“I like you, Tamara.”Muntik ko nang maibuga ang alak sa mukha niya nang marinig ang ito. Mabilis akong napalunok at nanlalaking mata siyang tiningnan.“Lasing ka ba, Alas?” nagtatakang tanong ko.Kinuha ko ang drinks na hawak niya at ininom. Nilasahan ko ito hanggang sa huling patak. Matamis lang ito, mukhang walang ibang halo.“No, it’s just juice,” natatawang sabi niya.Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang seryoso siyang nakatitig. Pakiramdam ko, matutunaw ako sa ginagawa niya.“I’m serious, Tamara. Matagal ko nang gustong sabihin ’to sa ‘yo. I like you, and I want to know you more.”Ilang segundo akong natigil. Parang nag-loading pa ang isip ko sa narinig. Hindi ko alam ang una kong gagawin o sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ilalabas ang sayang nararamdaman ko. Parang gusto kong tumalon at sumigaw-sigaw sa sobrang tuwa pero tila nanigas ang buong katawan ko.Pagkatapos ng ilang taon na pagsunod ko sa kanya, nangyari na ang pinakahihintay ko. Nagkagusto rin siya sa ‘kin!“W-wow,” tanging salita na lumabas sa bibig ko. Malapad akong napangiti na halos mapunit ang aking labi.“Grabe,” tulalang sabi ko. Wala sa sarili akong tumayo. “Totoo ba ‘to?”Natawa naman siya sa ‘kin. Ang saya tingnan ng kanyang dalawang malalalim na dimple.“Yup, I really like you, Tamara. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ‘to,” sagot niya.“What the? Grabe! Gusto rin kita, Alas! Matagal na,” magkakasunod na sabi ko.Para akong baliw dahil sa sayang nararamdaman ko. Sa sobrang tuwa ay nainom ko ang alak na hawak ko nang isang lagukan lang kahit masakit sa ilong at gumuguhit sa lalamunan.Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng ilang taon na puro lihim na pagtingin sa kanya, ngayon, pareho na kami ng nararamdaman para sa isa’t isa.Ilang oras na ang nakalipas. Natapos na rin ang event pero hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko dahil sa dami ng alak na nainom. Parang bawat bagay na nakikita ko ay gumigiling. Masyado akong natuwa kanina kaya sumali na ako sa mga kasama ko at nakitagay pa sa ibang table.“Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo!” wala sa sariling sigaw ko habang inaalalayan ni Alas. Natawa lang siya at bahagyang napailing.“Dito ka rin pala nakatira sa ALI Residences?” tanong niya.“Yes, bakit?” sagot ko habang nakapikit.“Hmm, nothing,” sabi niya at sinimulan ulit akong akayin papasok sa elevator.“Fifth floor,” mahina kong sabi at sumubsob sa kanyang dibdib.Ang bango niya, parang maadik ako sa kanyang amoy.Napansin ko siyang nagsasalita pero ugong lang ang naririnig ko kaya hindi ko na ito pinansin. Matapos ang ilang minuto ng pag-alalay niya sa akin, nakarating na kami sa tapat ng unit ko.“Okay na ako rito,” sabi ko sa kanya at umayos na ng tayo kahit nahihilo pa.Humarap ako sa kanya at sumandal sa pinto. Napansin ko ang nagtatakang reaksyon niya habang nakatingin sa condo pero ibinalik niya rin ang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.“Gusto mo bang pumasok?” tanong ko.“Okay lang. Late na rin, you need to rest.” Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko. “Goodnight. See you tomorrow,” sabi niya at marahan na hinalikan ang aking noo.“Thank you sa paghatid. Goodnight din,” nakangiting paalam ko. Bahagya ko siyang kinawayan habang pinipigilan ang sarili na matumba.Hinawakan ko ang doorknob. Napakunot ako ng noo nang mapansin na hindi ito naka-lock.“Bahala na,” mahinang sabi ko at binuksan ito.Pumasok na ako sa loob. Kahit pagewang-gewang at papikit-pikit ay pinilit ko pa ring maglakad papunta sa kuwarto. Sumubsob agad ako sa kama nang makarating at pumikit.“Ah!” Bigla akong napadilat nang makarinig ng malakas na sigaw.Napatingin ako sa direksyon nito.“Who are you?” gulat na tanong niya.Chapter TwoNapakunot ako ng noo nang makita ang kanyang hitsura. Medyo nakapagtataka dahil naaaninag ko ang mukha ni Alas pero iba na ang kanyang suot at gupit. Parang may kakaiba.O baka kaya iba siya ngayon sa paningin ko dahil masyado lang akong maraming nainom na alak.“Alas, bakit parang nagpagupit ka yata ng buhok? Infairness ang guwapo mo riyan,” nakangiting sabi ko habang naniningkit na matang pinagmamasdan siya. Pero sandali? Hindi ba nakaalis na siya? Baka guni-guni ko lang at pinapasok ko talaga siya.Lumapad ang ngiti ko nang makaisip ng magandang ideya. Tumihaya ako at bahagyang binuka ang aking dalawang hita.“Wait, ano’ng ginagawa mo?” kinakabahang tanong niya.“Well, since nagkaaminan na tayo ng feelings for each other, iyong-iyo na ako!” “Mag-celebrate tayo!” Tinaas ko ang aking ang mga kamay. Lumiyad ako at tumingala para ipahiwatig na puwede niya na akong angkinin nang buong-buo.“Sige na, Alas. Don’t be shy, I’m already yours,” pag-aaya ko habang nakapikit at hi
Chapter Three“Move on, Tam.” Mahina kong tinuktok ang ulo ko ng hair brush. Sumubsob ako sa kama at gigil na nagtakip ng unan. Gusto ko mang gawing maganda ang araw na ‘to, hindi ko magawa dahil sa isang kagagahan na nangyari.“Nagkamali ako ng pintong pinasukan at ang mas malala, naghubad ako sa harapan ng isang stranger na kamukha ni Alas. Fudge! Sana hindi na kami magkita pa,” dismayado kong sabi sa sarili at idiniin ang unan sa akin.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa kama kaya agad ko itong kinuha at tiningnan. Bigla akong napabangon nang makita sa screen ang pangalan ni Alas na tumatawag.Sinagot ko ito at tinapat sa aking tainga. “Hello?”“Good morning, Tamara. I’m here outside your unit.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Nagmadali akong tumayo at dumiretso sa pintuan para pagbuksan siya. Napataas ako ng isang kilay nang makitang walang tao sa labas. Lumingon ako sa kabilang pinto.“Alas!” tawag ko. Kakatok pa sana siya roon, buti na lang napigila
Chapter FourNang matapos ang meeting ay dumiretso agad ako sa coffee station para magtimpla ng kape. Kailangan ko nito ngayon dahil bukod sa malalang hangover ay gusto ko rin gisingin ang sarili ko. Baka sakaling masamang panaginip lang itong lahat.“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili habang pinoproseso sa isip ko ang naganap kanina.No romantic relationship. Bawal ang pakikipagrelasyon sa pagitan ng mga empleyado sa kompanya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang gulat at takot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ’to pagkatapos ng pinakamagandang pangyayari sa buhay ko kagabi. Ang tagal kong hinintay si Alas, at sa wakas naging kami na. This is our first day as a couple, pero masisira lang ito dahil sa kakambal niya na kararating lang dito. Paano na ang love story namin ni Alas? Hindi pa nagsisimula, meron na agad kontrabida, at kakambal niya pa talaga. Higit sa lahat, Boss pa namin.Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kaninang
Chapter Five“Ay! Kainis!” iritableng sambit ko kasabay ng mariing paghilamos ng dalawang kamay sa aking mukha. “D*mn, Tamara! D*mn! D*mn! D*mn! Isa kang kahihiyan!” Pumadyak-padyak ako para ilabas lahat ng inis. Binagsak ko ang sarili sa kama padapa at napasabunot ng buhok. Gusto ko nang kalimutan ang kahihiyan na ’to pero paano ko magagawa kung nasa tabi lang ng unit ko ang place niya at siya pa ang Boss ko? Siguradong paulit-ulit ko lang maaalala ’yon sa tuwing makikita ko siya.Nakakahiya! Nagkakalat ako sa kakambal ni Alas!Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate na naman ang phone.Oo nga pala! Nawala sa isip ko si Alas.Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone ko. Sinagot ko ang tawag at itinapat ito sa aking tainga.“Hello, Alas?”“I’m here in the lobby of Ali Residences. Hintayin na lang kita rito sa baba. Thank your time, Tamara,” aniya mula sa linya.“Ay, sorry! Wait, magpapalit na ako,” sagot ko. “No need to say sorry, Tamara. Just take your time. Maghihintay ako kahi
Chapter Six“Come in,” malamig na saad ni Sir Apollo na nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.Tila ang bigat ng mga paa ko na humahakbang palapit sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang naririnig ko rin ang malakas na tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Alas. Nginitian niya ako at bahagyang tumango na parang sinasabi niya na huwag akong kabahan. Medyo nabawasan ang nerbiyos ko pero hindi pa rin nawawala.“Good morning, Sir Apollo,” kinakabahang bati ko. Halos nanginginig pa ang kamay ko na tinukod sa upuan para makaupo.Kalma, Tamara. Nang makaayos na ako ng pag-upo, napatikhim si Apollo at tumingin sa aming dalawa. “Do you have any idea why I called you?” tanong niya. Sinilip ko ng tingin si Alas. Tipid siyang umiling bilang sagot, ginaya ko naman siya. “W-wala po,” medyo nautal na sagot ko.“Really? I see,” aniya at bahagyang tumango kasabay ng paghimas ng baba niya.Ang totoo, may ideya na talaga ako, lalo na’t bago pa lang siya ipinakilala ay nakita na niya kami ni Alas
Chapter Seven“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”Natahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Lumingon-lingon ako sa mga kasama ko para tingnan kung sinong tututol, pero hindi pa rin sila nagsalita at nakiramdam lang din. “Kapapanood mo ’yan ng drama, Ate Sam. Sa tingin mo ba ma-i-inlove ang d*monyo na ’yon?” natatawang komento ni Enzo. “Why not? Kahit si Hades nga na God ng Underworld ay na-inlove kay Persephone. Right, guys? Puwede naman ’yon?” tanong niya. “Yes. Magandang ideya ’yan,” pagsang-ayon ni Arya.“Pero, hindi ba delikado ’yan?” nag-aalangang tanong ni Chino.“Hindi magiging delikado kung hindi niya malalaman,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sagot ni Ate Sam. “She’s right. Pero sino naman ang aakit sa kanya? Dapat mukhang anghel kasi nga d*monyo siya,” may gigil na tanong ko at napaisip. “Well, sino pa ba?” pagsingit ni Arya. “It
Chapter Eight“What the— fuck,” hindi makapaniwalang sabi ko at bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla.“F*ck!” malutong na mura niya. Agad siyang bumangon at tumingin sa akin. Kitang-kita sa mukha niya ang gigil.“What the f*ck is your problem?!” galit na sita niya, pagkatapos ay mariing pinunasan ang kanyang labi na tila ba diring-diri. Nanatili naman akong nakahiga habang nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. “N-nahalikan niya ako…” tulalang sambit ko. Wala sa huwisyo akong napatingin sa kisame. Tila umiikot ito sa paningin ko, nakakahilo. Naririnig ko na nagsasalita si Sir Apollo pero hindi ko ito maintindihan at parang nagiging ugong lang.Nanghihina akong napatingin sa kanya nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at itinukod ito sa sahig. Pumaibabaw siya sa akin. Napalunok ako nang makita ang mga mata niya na matalim na nakatingin.“Tell me! Ano ba’ng gusto mong mangyari?” singhal niya Binigyan ko siya ng mapang-inis na ngiti. “F*ck you, Apollo.”Unti-unting bumigat
Chapter NineTulala akong nakatitig sa aking repleksyon sa salamin habang sinusuklay ang basang buhok ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Apollo at patuloy akong naguguluhan dito.‘My brother is not a he.’Napakunot ako ng noo habang iniisip ito. Ibig niyang sabihin, bakla si Alas?Paano nangyari ’yon? Saka kung bakla siya, paano magiging kami? Bakit siya umamin na may gusto siya sa akin?Ano ’yon? Pinaglaruan niya lang ako?Kaya ba ang bilis lang para sa kanya na itanggi ako? Sandali? Dapat ba akong maniwala?Malalim akong napabuntong-hininga. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. “Jusko! Mukhang hindi na dahil sa hangover kaya sumasakit ang ulo ko, kundi sa gender revelation ni Sir Apollo tungkol kay Alas,” daing ko. Ang hirap isipin na gano’n siya. Kung titingnan kasi si Alas, matikas siya at gentleman. Wala man lang akong nakita na kalambutan sa katawan niya kahit noong highschool pa kami. Baka naman sinisiraan lang siya ni Sir Apollo? Pero sarili niyang kakamb
Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil
Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag
Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b
Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan
Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas
Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi
Chapter Twenty "B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin at saktan siya, pero wala na talaga akong lakas na gawin ito. Parang kada kilos ko ay lalo akong nahihilo.Sinilip ko ng tingin ang direksyon ng mga kasama ko. Hindi nila ako napansin dahil abala pa rin sila sa pagsasayaw. Akma akong sisigaw pero hindi ko nagawa nang hinawi niya ang ulo ko at dinikit sa dibdib niya. "Magpahinga ka lang sa 'kin, baby," malanding sambit niya at binilisan ang paghakbang palayo sa table namin. “I’m sure na mapapagod ka sa gagawin natin mamaya,” dugtong niya.Bawat hakbang niya ay umiikot ang paningin ko at lalong bumibigat ang aking pakiramdam.“T-tulo—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. “Ssh. Behave,” rinig kong saad niya.Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak habang patuloy niyang inaakay. Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kanya. Nanghihina ako, nahihilo at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sigurado akong
Chapter Nineteen “A-ahm…” Tanging salitang lumabas sa aking bibig. Nanatili lang siya sa seryosong pagtitig sa aking mga mata at hinihintay ang sasabihin ko.Napababa ako ng tingin. Napansin ko ang hawak niyang wallet. Habang nakatitig dito, biglang sumagi sa isip ko ang pangalan na binabanggit niya kagabi, at ang babae na katabi niya sa litrato ng kanyang wallet na kamukha ko.Napatikhim ako at umayos ng upo. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa kanya at seryoso rin na tumitig. Kung makapagtanong sa akin na siya ang ginagawa kong paraan para mag-move on, parang hindi niya rin ako ginagamit para makuha ang pleasure na hinahanap niya sa kanyang ex. Hindi pa ako sigurado na gano’n nga ang ginagawa niya sa ’kin, pero malaki ang tsansa na totoo ito. “Bago ko sagutin ’yan… gusto ko munang tanungin kung sino si Euphemia?” puno ng kuryosidad na tanong ko.Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha nang marinig ito. Bakas din sa reaksyon niya na apektado siya sa pangalan na binanggit ko. “Kanin
Chapter Eighteen“G-gano’n na lang ’yon? Grabe… ” hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatingin sa asul na kalangitan.Nanatili akong nakahiga, nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. Pagkatapos niya akong hubaran at gawin ang gusto sa ’kin, iiwan niya na lang ako nang basta-basta. Parang ginawa lang niya akong basura, pagkatapos gamitin, iiwan na lang na nakakalat. Hindi man lang niya ako hinintay na magbihis. Napakasama niya! Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Wala!Malalim akong napabuntong-hininga. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Sinuot ko ang slacks ko, binutones ko rin ang aking blouse.Mariin akong napahilamos ng mukha. Habang inaalala ang lahat ng nangyari. “D*mn it!”gigil na mura ko.Imbis na ako ang makaisa, ako pa ang naisahan ng bwisit na lalaking ’yon. Marahas akong napahampas sa sahig. Paulit-ulit din akong nagmura dahil sa sobrang inis. “Ikaw talaga, Tamara! Napakagaga mo!” inis na sabi ko sa sarili at sinampal-sampal nang mahina ang aking