Chapter Five
“Ay! Kainis!” iritableng sambit ko kasabay ng mariing paghilamos ng dalawang kamay sa aking mukha.“D*mn, Tamara! D*mn! D*mn! D*mn! Isa kang kahihiyan!” Pumadyak-padyak ako para ilabas lahat ng inis. Binagsak ko ang sarili sa kama padapa at napasabunot ng buhok.Gusto ko nang kalimutan ang kahihiyan na ’to pero paano ko magagawa kung nasa tabi lang ng unit ko ang place niya at siya pa ang Boss ko? Siguradong paulit-ulit ko lang maaalala ’yon sa tuwing makikita ko siya.Nakakahiya! Nagkakalat ako sa kakambal ni Alas!Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate na naman ang phone.Oo nga pala! Nawala sa isip ko si Alas.Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone ko. Sinagot ko ang tawag at itinapat ito sa aking tainga.“Hello, Alas?”“I’m here in the lobby of Ali Residences. Hintayin na lang kita rito sa baba. Thank your time, Tamara,” aniya mula sa linya.“Ay, sorry! Wait, magpapalit na ako,” sagot ko.“No need to say sorry, Tamara. Just take your time. Maghihintay ako kahit hanggang bukas pa ’yan,” sagot niya na nagpakilig sa ’kin.Nang maputol ang linya ay dali-dali akong naghanap ng damit na susuotin. Kinuha ko ang lahat ng dress ko para maayos na makapamili. Ikinalat ko ang mga ito sa kama ko nang makita lahat.“Kumalma ka na, Tamara. Mas isipin mo ang date ninyo ni Alas,” sabi ko sa sarili at pinipilit huminahon.Isa-isa kong sinukat ang mga dress ko at tiningnan sa salamin hanggang sa makapili ako ng bagay para sa paglabas namin ngayong gabi.“Dapat maging maganda ako sa paningin niya,” sabi ko sa sarili at kumuha ulit ng dress.Makalipas ang ilang minuto ay nakahanap na ako ng damit. V-neck fairy dress na kulay pula ang pinili ko. Black sandals naman ang partner nito.Iniisip ko kung magdadala pa ako ng jacket dahil malamig, pero hindi na. Baka may dalang coat si Alas, tapos isusuot niya sa akin. Tama, gano’n nga! Para mas lalong romantic.Nang makapag-ayos, dumiretso na ako sa lobby para puntahan si Alas.Ilang sandali lang ay natanaw ko na siyang nakaupo at naghihintay.Napalingon siya sa direksyon ko, napangiti siya at agad na tumayo para salubungin ako.“You look so gorgeous, Tamara,” nakangiting bati niya sa akin.“Thank you,” pabebe kong sagot ko at nagpigil ng kilig.Nagpaganda talaga ako para sa ’yo.“Let’s go?” pag-aaya niya.Nakangiti akong tumango bilang tugon.Ilang minuto ang lumipas. Nakarating kami sa isang five star restaurant. Sa labas kami pumwesto. Maganda ang view rito dahil bukod nakikita ang magagandang bituwin sa gabi, napapaligiran din kami ng mga bulaklak. Mayroon pa ritong banda ng musika na ilang distansya lang ang layo mula sa amin. Napaka-romantic.“Kumusta?” puno ng sensiridad na tanong ko.“I’m good.” Pilit siyang ngumiti pero bakas sa mga mata niya na malungkot siya.Mukhang iniisip niya ang nangyari kanina tungkol sa kakambal niya na pinakilalang bagong Boss ng Likha Studios. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na apektado siya.“Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ito, pero kung ako ang tatanungin kung sino ang karapat-dapat na maging CEO, ikaw ’yon, Alas. Kahit mga empleyado, ikaw ang gusto nilang ilagay sa posisyon,” sabi ko.“Thank you, Tamara,” nakangiting saad niya at pinisil ang aking pisngi. “Ang cute mo.”Napaiwas naman ako ng tingin at napainom ng juice. Hindi ko mapigilang kiligin. Feeling ko, namumula rin ang mukha ko dahil nag-iinit ito.“By the way, my twin also lives in Ali Residences. Mabuti hindi kayo nagkakasalubong,” aniya.Nasamid ako at naibuga ang juice na iniinom ko.“Are you okay, Tamara?” nag-aalalang tanong niya at inabutan ako ng paper napkin.Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. “O-okay lang.”Kung alam niya lang ang mga kagagahan na nangyari sa amin ng kakambal niya, pero hindi ko na ’yon sasabihin dahil ayokong masira itong date namin.“Didiretso sana ako sa condo mo pero baka makita tayo ni Apollo,” aniya.Bahagya akong napangiti. “Okay lang, much better.”“Alas, pinaglihi ba sa sama ng loob ang kakambal mo?” nagtatakang tanong ko.Lumabas naman ang kanyang dalawang dimple dahil sa pagtawa niya. Ang cute niyang tingnan. Parang nabawi ang lahat ng kabadtripan ko ngayong araw dahil sa ngiti niyang ganyan.“O baka nagtatamin ng galit sina Mr. Imperial at siya ang naging bunga?” inis na dugtong ko.Tawa lang siya ng tawa sa mga pinagsasabi ko.“Ay, sorry. Kakambal mo nga pala siya. Nadala lang ng emosyon,” aniko at huminto na.“No, it’s fine. Actually, you’re right,” pagsang-ayon niya habang tumatawa pa rin.“Marami ring nagsasabi na kahit magkamukha kami, madali kaming makikilala dahil palagi siyang nakasimangot,” kuwento niya.Natatawa akong tumango bilang tugon. “Oo nga.”Biglang sumagi sa isip ko ang kakambal niya at nagpatanto ang date na nangyayari ngayon sa amin.Hindi kaya ang awkward na may rule sa amin na no romantic relationship tapos nakikipag-date ako sa kakambal ng CEO na isa rin sa mga Boss ko?“Tamara.”Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako.“Are you okay?” tanong niya.“Ahm, Alas,” nag-aalangang tawag ko sa kanya.“Yes?”“Since date natin ito, ayoko sanang pag-usapan ang tungkol sa trabaho, pero hindi ko lang maiwasang mapaisip sa mga rules na sinabi ni Sir Apollo,” nahihiyang sabi ko.Dapat namin ’tong pag-usapan dahil relasyon at trabaho namin ang nakasalalay rito, pati na rin ang relasyon niya sa kanyang kakambal.“Does anyone else know about our relationship?” tanong niya.Bahagya akong napailing. “Wala pa akong nasasabihan.”“Paano kapag nahuli tayo?” dugtong ko na may halong pag-aalala.Ngumiti siya at marahang hinawakan ang kamay. “Tamara, calm down.”“If that happens, I will resign,” sambit niya.KINABUKASAN. Malalim akong napabuntong-hininga habang tinitingnan ang mga bakanteng puwesto sa opisina. Kahapon lang dumating ang bagong CEO, marami nang natanggal, ’yung iba naman ay nag-resign dahil hindi nila kinaya ang mga bagong polisiya sa pamamahala ni Sir Apollo. Lumingon-lingon ako para hanapin si Kayla.“Si Kayla?” tanong ko.“Si Kayla ang nagparaya. Kanina pa pumasok si Jom,” malungkot na kuwento ni Chanti sa tabi ko.Hindi ko rin maiwasang malungkot. Parang noong nakaraan lang, ang saya-saya pa namin sa araw ng kasal nila, nasaksikan pa namin kung paano sila nagkagustuhan dito sa Likha Studios. At bigla na lang itong matatapos dahil lang sa isang bagong dating na Boss.Bwisit na Apollo!“Hey, girls!” masiglang bati ni Ate Sam.Lumapit siya sa pwesto amin at isa-isang naglapag ng kung anong bagay sa desk ng bawat isa. Naagaw naman nito ang atensyon ko at napatingin dito.“Ano ’yan?!” gulat na tanong ko sa kanya.“V*brator, ano pa ba?” banggit niya.“Huh? Bakit mo ako binibigyan n’yan?!” gulat na tanong ko at mabilis itong inabot sa kanya para ibalik.“Oops! No!” pagpigil niya at pilit na iniiwas ang kamay sa akin.“Ipasok mo na lang sa bag mo. Thanks to me, magagamit mo ’yan lalo na sa oras ng sakuna,” sabi niya sabay kindat.“Ate Sam, naman,” umiiling na sabi ko at wala nang nagawa kundi ipasok ito sa bag ko.“Naku, Tamara! Kunwari ka pang inosente. Alam kong ang ganyang maaamong mukha, ’yan talaga ang malilib*g at t*ting-t*te!” walang prenong sambit ni Ate Sam.“Ate Sam, ang bunganga!” tawang-tawa na sita ni Chanti at tuluyan nang napahagalpak.“At saka kailangan na kailangan mo ’yan! Alam naming may gusto ka kay Alas,” pagbuking niya.“Ate Sam!” pagpapahinto ko sa kanya at sumenyas na tumahimik.“Pero mukhang hindi na kayo magkakatuluyan dahil kontrabida ba naman ng love story n’yo ang kakambal niya na CEO ng kompanya. Kaya ’yan! V*brator na lang ang jowain mo,” saad niya.Pilit na lang akong ngumiti at umiiling-iling na napasapo ng noo.Kung alam lang nilang kami na ni Alas. Walang makakapigil sa relasyon namin, kahit pa ang kakambal niya at Boss ng kompanya.Naagaw ang atensyon namin nang mapansin si Arya na pakembot-kembot na naglalakad papunta rito.“Tamara,” tawag niya sa akin.“Pinatatawag ka sa office ni Mr. Imperial,” mataray na dugtong niya.Napakunot ako ng noo at napatingin kay Chanti. Puno rin ng tanong ang reaksyon niya.“Bakit daw?” nagtatakang tanong niya.“I dunno,” walang kaide-ideyang tugon ko at napakibit-balikat.Tumayo na ako at pumunta sa office. Habang naglalakad ay iniisip ko ang mga puwedeng maging dahilan para ipatawag niya ako.“Sandali?” Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang isang bagay.Hindi kaya…Pagdating sa tapat ng pinto, huminga ako nang malalim at binuksan ito nang dahan-dahan.Natigil ako nang makita si Alas na nakaupo kausap si Apollo. Naagaw naman ang atensyon nila at napatingin sa akin.Bigla akong nakaramdam ng kaba, parang may hindi magandang mangyayari.Chapter Six“Come in,” malamig na saad ni Sir Apollo na nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.Tila ang bigat ng mga paa ko na humahakbang palapit sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang naririnig ko rin ang malakas na tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Alas. Nginitian niya ako at bahagyang tumango na parang sinasabi niya na huwag akong kabahan. Medyo nabawasan ang nerbiyos ko pero hindi pa rin nawawala.“Good morning, Sir Apollo,” kinakabahang bati ko. Halos nanginginig pa ang kamay ko na tinukod sa upuan para makaupo.Kalma, Tamara. Nang makaayos na ako ng pag-upo, napatikhim si Apollo at tumingin sa aming dalawa. “Do you have any idea why I called you?” tanong niya. Sinilip ko ng tingin si Alas. Tipid siyang umiling bilang sagot, ginaya ko naman siya. “W-wala po,” medyo nautal na sagot ko.“Really? I see,” aniya at bahagyang tumango kasabay ng paghimas ng baba niya.Ang totoo, may ideya na talaga ako, lalo na’t bago pa lang siya ipinakilala ay nakita na niya kami ni Alas
Chapter Seven“What if, isa sa atin ang mang-akit sa kanya hanggang sa ma-in love siya. Baka sakaling ’pag nakahanap na si Sir Apollo ng love sa office, matanggal na ang Love Ban?”Natahimik kami at nanatiling nakatingin sa kanya. Lumingon-lingon ako sa mga kasama ko para tingnan kung sinong tututol, pero hindi pa rin sila nagsalita at nakiramdam lang din. “Kapapanood mo ’yan ng drama, Ate Sam. Sa tingin mo ba ma-i-inlove ang d*monyo na ’yon?” natatawang komento ni Enzo. “Why not? Kahit si Hades nga na God ng Underworld ay na-inlove kay Persephone. Right, guys? Puwede naman ’yon?” tanong niya. “Yes. Magandang ideya ’yan,” pagsang-ayon ni Arya.“Pero, hindi ba delikado ’yan?” nag-aalangang tanong ni Chino.“Hindi magiging delikado kung hindi niya malalaman,” nakangisi at puno ng kumpiyansang sagot ni Ate Sam. “She’s right. Pero sino naman ang aakit sa kanya? Dapat mukhang anghel kasi nga d*monyo siya,” may gigil na tanong ko at napaisip. “Well, sino pa ba?” pagsingit ni Arya. “It
Chapter Eight“What the— fuck,” hindi makapaniwalang sabi ko at bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla.“F*ck!” malutong na mura niya. Agad siyang bumangon at tumingin sa akin. Kitang-kita sa mukha niya ang gigil.“What the f*ck is your problem?!” galit na sita niya, pagkatapos ay mariing pinunasan ang kanyang labi na tila ba diring-diri. Nanatili naman akong nakahiga habang nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. “N-nahalikan niya ako…” tulalang sambit ko. Wala sa huwisyo akong napatingin sa kisame. Tila umiikot ito sa paningin ko, nakakahilo. Naririnig ko na nagsasalita si Sir Apollo pero hindi ko ito maintindihan at parang nagiging ugong lang.Nanghihina akong napatingin sa kanya nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at itinukod ito sa sahig. Pumaibabaw siya sa akin. Napalunok ako nang makita ang mga mata niya na matalim na nakatingin.“Tell me! Ano ba’ng gusto mong mangyari?” singhal niya Binigyan ko siya ng mapang-inis na ngiti. “F*ck you, Apollo.”Unti-unting bumigat
Chapter NineTulala akong nakatitig sa aking repleksyon sa salamin habang sinusuklay ang basang buhok ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Sir Apollo at patuloy akong naguguluhan dito.‘My brother is not a he.’Napakunot ako ng noo habang iniisip ito. Ibig niyang sabihin, bakla si Alas?Paano nangyari ’yon? Saka kung bakla siya, paano magiging kami? Bakit siya umamin na may gusto siya sa akin?Ano ’yon? Pinaglaruan niya lang ako?Kaya ba ang bilis lang para sa kanya na itanggi ako? Sandali? Dapat ba akong maniwala?Malalim akong napabuntong-hininga. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. “Jusko! Mukhang hindi na dahil sa hangover kaya sumasakit ang ulo ko, kundi sa gender revelation ni Sir Apollo tungkol kay Alas,” daing ko. Ang hirap isipin na gano’n siya. Kung titingnan kasi si Alas, matikas siya at gentleman. Wala man lang akong nakita na kalambutan sa katawan niya kahit noong highschool pa kami. Baka naman sinisiraan lang siya ni Sir Apollo? Pero sarili niyang kakamb
Chapter TenPara akong naging tuod sa bawat dampi ng labi niya, pero ilang sandali lang ay nadala na rin ako at tumugon sa kanyang halik. Nagpatuloy ang aming paghahalikan hanggang sa maging agresibo na ito. Nag-aalab ang halik na binibigay namin sa isa’t isa habang naglalaro ang aming mga dila. Nararamdaman ko rin ang kamay niya na lumilibot na sa katawan ko.Hindi ako nagpatalo. Hinawakan ko ang mukha niya at mas idiniin pa ang aking halik. Sinabayan ko rin ang paglilibot ng kamay niya sa pamamagitan ng paghimas sa kanyang gitna.Napahinto siya sa paghalik at bahagya niya akong tinulak. Muntik pa akong matumba, buti na lang ay nakapagbalanse ako agad.Hinihingal kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Inaamin ko, ang intense ng halik na ’yon.Napansin ko na napahawak siya sa kanyang pag-aari na tila kinakapa ito. “F*ck, I came,” hindi makapaniwalang sambit niya. Napangiti siya nang malapad na tila ba’y tuwang-tuwa.Napataas ang isang kilay ko at naguguluhan siyang tiningnan. Natigil a
Chapter ElevenTULALA akong nakatitig sa kape na nasa harapan ko habang gumuguhit ng kung ano-anong linya sa papel. Hindi ako makapag-focus sa dino-drawing ko. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nalaman ko na bading si Alas tapos muntik nang may mangyari sa amin ng kapatid niya na Boss pa namin. Grabe! Nakakaloka!“Ano ba’ng nangyayari sa ’kin?” dismayadong tanong ko sa sarili. Napasapo ako ng noo at umiling-iling. Napayuko ako at mahinang tinutuktok sa ulo ko ang ballpen. “Jusko! Hindi na talaga ako iinom.”Sumandal ako sa swivel chair at nakapikit na tumingala. Tinakpan ng dalawang kamay ko ang aking mukha at huminga nang malalim. Nang tuluyan nang kumalma ay dumilat ako at tumingin sa papel na ginuguhitan ko.Nabaling ang atensyon ko sa aisle nang makarinig ng yapak. Napaayos ako ng pag-upo nang dumaan si Alas sa pwesto ko.Gusto ko siyang batiin, pero tila may pumipigil sa akin na gawin ito. Siguro dahil hindi kami okay, nakadagdag pa ang nakita k
Chapter Twelve“Make me hard.”Namilog ang mga mata ko at bahagyang napanganga. Natigil ako at nagproseso pa sa isip ko ang mga salita na sinabi niya. “A-ano po?” pag-ulit ko ng tanong.Gusto kong iklaro, baka mali lang ang pagkakarinig ko. “F*ck. How can I explain this sh*t?” namomroblemang tanong niya sa sarili at napahawak sa kanyang noo.Napalunok ako nang tumingin siya sa katawan ko pagkatapos ay inangat niya ulit ang matalim na mga mata sa akin.“Do something to make me hard,” dugtong niya sa nag-uutos na tono.Make him hard?“W-what do you mean, Sir?” naguguluhang tanong ko. Binaba ko ang tingin sa gitna niya. Gulat akong napatikhim at ibinalik agad ang atensyon sa kanya. Huwag niyang sabihin na ’yon ang tinutukoy niya?Napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Napalingon siya sa ibang direksyon kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa akin. “Tamara, listen… I have something to discuss with you,” mahinahong s
Chapter Thirteen“Deal?” tanong ko. Nanatili akong nakatingin para alamin ang kanyang magiging reaksyon. Kinakabahan pa ako dahil baka hindi siya pumayag.Huminga siya nang malalim at bahagyang tumango bilang tugon. “Fine,” aniya. “And as I said, I don’t want to have s*x with a pathetic girl,” malamig na dugtong niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Kumunot naman ang noo ko at sarkastikong napangisi. “Wow. How ironic na diring-diri ka sa akin pero kailangan mo ako para patigasin ang alaga mo,” mayabang na sagot ko.Kung manlait, parang hindi siya nanghingi ng tulong sa akin. Napaismid na lang siya na napailing at napairap pa talaga sa hangin. Aba! Siya pa talaga ang may ganang magtaray. Ang kapal ng mukha! Nakakapang-init din ng dugo. Tamara, kalma. Pinilit kong ngumiti kahit nagtitimpi na at gusto na siyang tirisin. Nasa gitna ako ng pakikipagnegosasyon kaya dapat kong kontrolin ang emosyon ko kahit gaano pa kabuwisit ang lalaking ito. “Ano, Sir?
Chapter Twenty Six Napakagat ako ng ibabang labi ko habang tinitingnan ang kanyang p*gkalalaki.Grabe, kaya ko ba ’to? Parang hindi. Nakakatakot!“Don’t be nervous. I’ll be gentle,” mahinahong sambit niya at marahan na hinawakan ang aking pisngi.Napalunok ako nang mapupungay na mga mata siyang tumitig sa akin. Sobrang nakakadala ang tingin niyang ganyan. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos at wala sa sariling napatango. Gumuhit naman ang ngisi sa kanyang labi. Hinawakan niya ulit ang magkabilang hita ko at lalong ibinuka. Muling nabuhay ang init ng katawan ko nang ikiskis niya ang kanyang kahabaan sa gitna ko. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Napansin kong mayroon muna siyang inilagay, mukhang proteksyon ito, hanggang sa naramdaman ko ang ulo ng p*gkalalaki niya na unti-unting pumapasok sa bukana ko. “A-aray!” d*ing ko dahil sa sobrang sakit. Parang may mapupunit na laman sa akin habang pinapasok niya ito. “Ah! A-ang sakit!” Mariin akong napakapit sa magkabil
Chapter Twenty Five“What?!” gulat na tanong ko. Agad kong tinakpan ang aking katawan.“Are you out of your mind?” inis na tanong ko.Tanging pagngisi lang ang sinagot niya sa akin at nanatili pa ring hawak ang camera sa tapat ko. “Itigil mo ’yan!” sita ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at seryoso ang mukha na nakatitig sa phone na nakatutok sa akin.Grabe! Hindi ko inaasahan na aabot siya sa ganito. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya, pero hindi ’yon sapat para gawin niya ito sa akin. Tumayo ako at galit lumapit sa kanya. Umakma akong kukunin ang phone pero iniwas naman niya ito sa akin.“Hey! Stop!” pagpigil niya sa ’kin habang pilit na inilalayo ang phone niya. “Ikaw ang tumigil! Akin na ’yan!” sagot ko at nakipag-agawan pa rin.Umibabaw ako sa kanya para ikulong siya at lalong maagaw ang kanyang phone. Wala na siyang kawala.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng matigas na bagay sa ilalim ko. “Ugh,” rinig kong ungol niya. Natigil kaming dalawa sa pag-aag
Chapter Twenty Four“Come in,” malamig na saad niya. Namimilog na mga mata ko siyang tiningnan. “P-po?” hindi makapaniwalang tanong ko.Hindi niya ako nilingon at pumasok na sa loob. Iniwan naman niya na nakabukas ang pinto para makapasok ako. Pumasok na ako sa loob na bakas pa rin sa mukha ang gulat. Medyo nakakabigla ang pagiging mabilis niyang kausap. Pumunta siya sa kitchen, nanatili lang akong nakatayo sa living room habang hinihintay siyang bumalik. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dalang isang basong tubig. Umupo siya sa couch at ininom ito. Hindi ko alam, pero parang ang hot tingnan ng paggalaw ang kanyang Adam's apple habang lumagok. Napansin ko rin na maganda talaga ang hugis ng panga niya. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nang bumaling sa akin ang matalim niyang mga mata.Sumenyas siyang umupo rin ako sa pwesto na katapat niya. Sinunod ko ito at umupo na roon. Ang bilis ng kabog ng d*bdib ko habang tinitingnan siya. Ibinaba niya ang b
Chapter Twenty ThreeMalalim akong napabuntong-hininga habang inililigpit ang mga gamit ko. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa tinginan ng mga empleyado na napapadaan sa aking puwesto. Napapansin ko rin na pinagbubulungan nila ako. Hindi naman nakapagtataka, siguradong laman ako ng chismis dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Bahagya akong napailing. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga gamit at nagmadali na itong niligpit. Nang matapos na, napatitig ako sa desk ko at hinawakan ito. Mapait akong napangiti at pinigilan ang luha na gusto nang pumatak."Mami-miss ko ang table na 'to," malungkot na sambit ko habang tinitingnan ang aking desk. Ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko para magpaalam sa kanila."Buti na lang hindi ka sinisante. Akala ko talaga, mapapatalsik ka," sabi ni Chanti na bakas sa mukha ang pag-aalala.Akala ko rin. Thirty days suspension and overtime without pay for one year. Ito ang sinabi sa akin ni Alas. Siya ang kumausap sa akin dahil masyado pan
Chapter Twenty Two “What?!” gulat na tanong ni Sir Apollo.Hindi na ako nakapagpigil pa at dali-daling sinugod siya sa kanyang upuan. “Bastos! Manyak! R*pist!” singhal ko habang hinahampas siya nang malakas.Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang murahin, tadyakan at paluin ng kung anumang gamit na aking mahawakan. “Ouch! Stop! Tamara, enough!” pagpapatigil niya sa akin habang patuloy siya sa pagpoprotekta sa sarili. “Tamara!” rinig kong tawag ni Alas.May humawak sa magkabilang kamay ko mula sa likuran at hinila ako palayo kay Sir Apollo. “Get off me! Hindi pa ako tapos!” Sinubukan kong pumalag pero masyado siyang malakas. Mahigpit din ang paghawak niya sa akin, kaya kahit ano pang galaw ko ay hindi ako makaalis.“Stop it!” boses ni Alas mula sa likuran ko. Siya pala ang pumigil sa akin. “What is this mess, Mr. Imperial?” tanong ng isang investor. “It’s just a little misunderstanding, Mr. Sebastian,” kalmadong sagot niya. “R*pist!” sigaw ko at pinilit ulit na kumawala kay Alas
Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi
Chapter Twenty "B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin at saktan siya, pero wala na talaga akong lakas na gawin ito. Parang kada kilos ko ay lalo akong nahihilo.Sinilip ko ng tingin ang direksyon ng mga kasama ko. Hindi nila ako napansin dahil abala pa rin sila sa pagsasayaw. Akma akong sisigaw pero hindi ko nagawa nang hinawi niya ang ulo ko at dinikit sa dibdib niya. "Magpahinga ka lang sa 'kin, baby," malanding sambit niya at binilisan ang paghakbang palayo sa table namin. “I’m sure na mapapagod ka sa gagawin natin mamaya,” dugtong niya.Bawat hakbang niya ay umiikot ang paningin ko at lalong bumibigat ang aking pakiramdam.“T-tulo—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. “Ssh. Behave,” rinig kong saad niya.Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak habang patuloy niyang inaakay. Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kanya. Nanghihina ako, nahihilo at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sigurado akong
Chapter Nineteen “A-ahm…” Tanging salitang lumabas sa aking bibig. Nanatili lang siya sa seryosong pagtitig sa aking mga mata at hinihintay ang sasabihin ko.Napababa ako ng tingin. Napansin ko ang hawak niyang wallet. Habang nakatitig dito, biglang sumagi sa isip ko ang pangalan na binabanggit niya kagabi, at ang babae na katabi niya sa litrato ng kanyang wallet na kamukha ko.Napatikhim ako at umayos ng upo. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa kanya at seryoso rin na tumitig. Kung makapagtanong sa akin na siya ang ginagawa kong paraan para mag-move on, parang hindi niya rin ako ginagamit para makuha ang pleasure na hinahanap niya sa kanyang ex. Hindi pa ako sigurado na gano’n nga ang ginagawa niya sa ’kin, pero malaki ang tsansa na totoo ito. “Bago ko sagutin ’yan… gusto ko munang tanungin kung sino si Euphemia?” puno ng kuryosidad na tanong ko.Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha nang marinig ito. Bakas din sa reaksyon niya na apektado siya sa pangalan na binanggit ko. “Kanin
Chapter Eighteen“G-gano’n na lang ’yon? Grabe… ” hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatingin sa asul na kalangitan.Nanatili akong nakahiga, nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. Pagkatapos niya akong hubaran at gawin ang gusto sa ’kin, iiwan niya na lang ako nang basta-basta. Parang ginawa lang niya akong basura, pagkatapos gamitin, iiwan na lang na nakakalat. Hindi man lang niya ako hinintay na magbihis. Napakasama niya! Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Wala!Malalim akong napabuntong-hininga. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Sinuot ko ang slacks ko, binutones ko rin ang aking blouse.Mariin akong napahilamos ng mukha. Habang inaalala ang lahat ng nangyari. “D*mn it!”gigil na mura ko.Imbis na ako ang makaisa, ako pa ang naisahan ng bwisit na lalaking ’yon. Marahas akong napahampas sa sahig. Paulit-ulit din akong nagmura dahil sa sobrang inis. “Ikaw talaga, Tamara! Napakagaga mo!” inis na sabi ko sa sarili at sinampal-sampal nang mahina ang aking