Chapter FourteenMALALIM akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa larawan ng lalaki na tapos ko nang iguhit. Isa ito sa ipo-propose ko para sa Big Project na gagawin namin. Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang pamilyar ang mukha nito. Tinaas ko ang papel inilapit ko pa ang mukha ko para tingnan ito nang mabuti. “Parang si—”“Hi, Tamara!” “Ay, Apollo!” gulat kong sabi nang biglang sumulpot si Chino sa tabi ko. “Kumusta?” nakangiting tanong niya. Nabaling ang atensyon niya sa papel na hawak ko. “Teka? Si Sir Alas ba ’yan?” puno ng kuryosidad na tanong niya at kinuha ang papel para kilatisin. “Ah, no. Si Sir Apollo ’to, right? Nakasimangot, eh,” saad niya habang tinitingnan ang bawat anggulo nito. “Akin na nga ’yan!” singhal ko at hinablot sa kanya ang papel.Napabusangot naman siya sabay taas ng isang kilay. Tinaas ko rin ang kilay ko at nakipagtarayan sa kanya. “Hmm… sandali, parang may fishy,” aniya.Tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. Ilang sanda
Chapter Fifteen“Tamara… can I touch you?” may pagmamakaawang tanong niya. “What?!” Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Dumistansya rin ako at niyakap ang katawan ko bilang proteksyon. “Anong touch-touch? Pervert!” sigaw ko at hindi na napigilan ang sarili na hampasin ang gitna niya. “F*ck! Ouch!” mura niya. Namimilipit sa sakit siyang napahawak sa kanyang alaga. Inis ko siyang tiningnan. Bakas sa mukha ang pagkairita na napahawak siya sa noo habang ang isang kamay ay nakalagay pa rin sa gitna ng kanyang dalawang hita.Tumayo na ako. Nakabusangot akong pumunta sa tapat ng aking condo at binuksan ang pinto. Inis ko siyang sinilip ng tingin. Nakahiga pa rin siya at mukhang walang balak na gumalaw. “Bastos!” pahabol ko. Pumasok ako sa loob at marahas na isinarado ang pinto. D*mn it! Bastusin ba naman ako. At nagpaalam pa talaga siya. As if namang papayag ako. Kahit sabihin na ilang beses na niya akong nahawakan at muntik pang may mangyari sa amin, tatanggihan ko pa
Chapter SixteenNakatitig ako sa kape na hinahalo ko habang iniisip ang nakita kong litrato sa wallet ni Sir Apollo. Nasa akin pa rin ito. Kinatok ko siya sa condo niya kanina para ibalik pero mukhang nakaalis na siya noong oras na ’yon. Mukhang dito ko na lang sa office ito ibibigay. Bigla ko ulit naalala ang babaeng katabi ni Sir Apollo sa picture. Kamukha ko ito. Kung titingnan kaming dalawa, malaki talaga ang pagkakahawig namin. Kulay lang siguro ang pinagkaiba dahil maputi siya, morena naman ako. Mayroon din siyang maliit na nunal sa gilid ng mata na mas nakadagdag pa ng appeal sa kanya. Sigurado akong may past sila ni Sir Apollo. Hindi naman niya siguro ilalagay sa wallet niya ang picture nila kung wala. Ngiting-ngiti rin siya sa larawan. Sa tingin ko, ex-girlfriend niya ito. Siya rin siguro ’yung ‘Euphemia’ na tinatawag niya kagabi habang tulog. Umiiyak pa siya habang binabanggit ito nang paulit-ulit. Sumagi sa isip ko ang sakit na sinabi Sir Apollo sa akin. Er*ctile dysfu
Chapter SeventeenNang magtanghalian, magkakasabay kaming kumain ng girls sa canteen.“Mukhang mabait naman pala si Sir Apollo, ’di ba?” natutuwang saad ni Chanti sa amin. Kanina pa siya paulit-ulit na nagkukuwento ng tungkol sa mala-teleserye na nangyaring pagsalo ni Sir Apollo sa kanya. Medyo masakit na sa tainga lalo na kapag sinasabi niya niya na ‘mabait’ ang lalaking ’yon. “Kilig na kilig ka naman diyan,” mataray na sambit ni Arya. “Hays. Suko na, Arya. Mukhang si Chanti na ang tatapos ng laban para kay Sir Apollo. Tapos si Tamara, parang kay Chino nakaplano,” pang-aasar ni Ate Sam sa akin.“Si Ate Sam, issue,” buwelta ko at napailing.“That’s right, Tamara. Sumuko ka na kay Sir Apollo. You too, Chanti, because he’s all mine,” pang-aangkin naman ni Arya. Malalim naman akong napabuntong-hininga at napailing. Hindi na lang ako nagsalita at nanatili ang atensyon sa pagkain. Ayokong makisali sa usapan nila, lalo na kung si Sir Apollo ang topic. Pagkatapos naming kumain ay pinunt
Chapter Eighteen“G-gano’n na lang ’yon? Grabe… ” hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatingin sa asul na kalangitan.Nanatili akong nakahiga, nagpoproseso pa rin sa isip ko ang nangyari. Pagkatapos niya akong hubaran at gawin ang gusto sa ’kin, iiwan niya na lang ako nang basta-basta. Parang ginawa lang niya akong basura, pagkatapos gamitin, iiwan na lang na nakakalat. Hindi man lang niya ako hinintay na magbihis. Napakasama niya! Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Wala!Malalim akong napabuntong-hininga. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Sinuot ko ang slacks ko, binutones ko rin ang aking blouse.Mariin akong napahilamos ng mukha. Habang inaalala ang lahat ng nangyari. “D*mn it!”gigil na mura ko.Imbis na ako ang makaisa, ako pa ang naisahan ng bwisit na lalaking ’yon. Marahas akong napahampas sa sahig. Paulit-ulit din akong nagmura dahil sa sobrang inis. “Ikaw talaga, Tamara! Napakagaga mo!” inis na sabi ko sa sarili at sinampal-sampal nang mahina ang aking
Chapter Nineteen “A-ahm…” Tanging salitang lumabas sa aking bibig. Nanatili lang siya sa seryosong pagtitig sa aking mga mata at hinihintay ang sasabihin ko.Napababa ako ng tingin. Napansin ko ang hawak niyang wallet. Habang nakatitig dito, biglang sumagi sa isip ko ang pangalan na binabanggit niya kagabi, at ang babae na katabi niya sa litrato ng kanyang wallet na kamukha ko.Napatikhim ako at umayos ng upo. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa kanya at seryoso rin na tumitig. Kung makapagtanong sa akin na siya ang ginagawa kong paraan para mag-move on, parang hindi niya rin ako ginagamit para makuha ang pleasure na hinahanap niya sa kanyang ex. Hindi pa ako sigurado na gano’n nga ang ginagawa niya sa ’kin, pero malaki ang tsansa na totoo ito. “Bago ko sagutin ’yan… gusto ko munang tanungin kung sino si Euphemia?” puno ng kuryosidad na tanong ko.Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha nang marinig ito. Bakas din sa reaksyon niya na apektado siya sa pangalan na binanggit ko. “Kanin
Chapter Twenty "B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin at saktan siya, pero wala na talaga akong lakas na gawin ito. Parang kada kilos ko ay lalo akong nahihilo.Sinilip ko ng tingin ang direksyon ng mga kasama ko. Hindi nila ako napansin dahil abala pa rin sila sa pagsasayaw. Akma akong sisigaw pero hindi ko nagawa nang hinawi niya ang ulo ko at dinikit sa dibdib niya. "Magpahinga ka lang sa 'kin, baby," malanding sambit niya at binilisan ang paghakbang palayo sa table namin. “I’m sure na mapapagod ka sa gagawin natin mamaya,” dugtong niya.Bawat hakbang niya ay umiikot ang paningin ko at lalong bumibigat ang aking pakiramdam.“T-tulo—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. “Ssh. Behave,” rinig kong saad niya.Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak habang patuloy niyang inaakay. Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kanya. Nanghihina ako, nahihilo at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sigurado akong
Chapter Twenty OneUNTI-UNTI kong minulat ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nabibiyak ito sa sobrang sakit. Kinuha ko ang unan at idiniin ito sa aking mukha.“Aray…” d*ing ko habang nakaiidin pa rin ang unan sa akin.Ang bigat ng ulo ko, nararamdaman ko rin ang pananakit ng katawan ko. Parang kahit kagigising ko lang ay nanghihina ako. “Ano ba’ng nangyari?” wala sa huwisyong tanong ko sa sarili.Tinanggal ko ang unan na nakatabon sa akin at namimikit na mga matang tumingin sa itaas. Napaiwas ako ng nang makita ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. “Sh*t!” mura ko at hinilot ang aking sentido. Pinilit kong bumangon kahit pikit ulit ang aking mga mata. Gusto kong magtimpla ng kape para mahimasmasan na ako nang kaunti at mawala rin ang sakit ng ulo ko. Dumilat ako at bumuwelo muna bago tumayo. Natigil ako nang mapansin na parang may kakaiba sa buong paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ang kama. “Sandali?” nagtatakang sabi