Share

Chapter 2

Chapter 2: Boss

-

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking ayos. I am wearing a black sheath dress paired with a three inches stiletto. While I just let my ash brown wavy shoulder length hair flows down as it is.

I smirked. I'm good but I look pale.

Napabuntong-hininga ako saka nilagyan ng lip-tint ang aking mga labi. Nang presentable na akong tingnan ay saka pa ako bumaba sa salas at nagpaalam kina Tita. Nakapag-book na ako ng taxi kanina kaya may nag-aabang na sa akin sa gate.

"Sa BXU Complex ho, manong," saad ko sa driver na kaagad namang tumalima.

Plano ko sana ngayong araw ay ituloy ang paghahanap ng trabaho dahil hindi ko na iyon nagawa pa kahapon gawa noong nangyari sa coffee shop. Pero ginising ako kaninang umaga ng isang tawag na iniimporma ako sa aking job interview. Nagdadalawang isip ako noong una dahil wala pa naman akong inaapplyan hanggang sumagi sa isip ko iyong babae na kumuha ng resume ko kahapon. Seryoso pala talaga siya roon sa sinabi niyang bibigyan niya ako ng trabaho.

Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari kahapon. Naiinis ako roon sa ginawa ng pinsan niya dahil parang pinamukha ng lalaking iyon na mukha akong pera. But practically speaking, hindi ko rin naman magawang ibalik ang limang libong iyon dahil kakailanganin ko iyon. Ayoko namang manghinge kina Tito at Tita para sa panggastos ko araw-araw.

At saka, pakunswelo naman niya iyon sa muntik na niyang pagkasagasa sa akin kaya dapat ko ring tanggapin na lang iyong offer ng babae. It would be less hassle for me plus I can save time and effort. Hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng trabaho, makakapag-umpisa pa ako kaagad. So, here I am, heading towards Cradford Corporation and Industries.

After more or less forty five minutes of travel, natanaw ko na ang isang matayog na glass tower—which is the same as what I have seen on their website. Tila gawa sa makapal na salamin ang buong gusali at siguradong masisilaw ang sinumang titingin dito sa kintab nito lalo na kapag nasisinagan ng araw.

And by the looks of it, whoever owns the company suppress greater wealth and power. Patunay na roon iyong mga nabasa ko online tungkol sa kung gaano kalawak ang sakop ng naturang kompanya.

Malakas akong napabuga ng hangin nang makababa ako sa taxi. Bigla akong kinabahan kaya kinalma ko muna ang sarili.

C'mon, Lura Elise! Just smile and be confident. Pagpapalakas ko ng aking loob.

Chin up—I went inside the building with confidence and the moment I stood up at the entrance, a sliding door instantly open. Nginitian ko kaagad ang sumalubong sa aking guard pagkatapos ay dumeretso sa information desk.

"Excuse me," pagtawag ko sa atensiyon ng receptionist.

Kaagad naman itong humarap sa akin na may ngiti sa labi. "Yes, maam? Good morning. What can I do for you?" saad nito.

"Good morning din. Which floor is the Human Resource Department?" I humbly queried.

"Ah...kindly put your details here first, maam," ani nito saka iniharap sa akin ang isang touchscreen monitor. I quickly obliged what she wanted me to do and after that she gave me a thing with a lace on it. "Pakisuot po 'yan, maam. That will serve as your gate pass and the HR Department is on the eleventh floor."

Tinanguan ko na lamang ang babae at nagpasalamat sa kaniya bago ako nagtungo sa sinabi niyang palapag.

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga habang nakatayo sa labas ng opisina ng Human Resource Head. Dito na kasi ako pinaderetso ng isang staff dahil iyon daw ang bilin sa kanila kapag dumating ako. Kaya ngayon ay todo kabog ang dibdib ko sa kaba. Akala ko kasi ay staff lang ang kakaharapin ko ngayon. Hindi ko akalaing sa head agad nila ang bagsak ko. I'm not that prepared 'cause in the first place this interview in an ambush. I was also not able to fully read the whole details about the company. Damn! Bahala na!

Huminga akong malalim bago kumatok sa pinto ng tatlong beses.

"Come in," dinig kong tugon sa loob na sa tingin ko ay mula sa isang babae.

Pinihit ko ang siradora ng pinto at marahan itong itinulak. Tumambad sa akin ang isang malawak na opisina. Pinaghalong kulay lila at puti ang makikitang desensyo nito sa loob.

Habang inililibot ko ang tingin sa paligid ay nahagip ng mga mata ko ang isang sopistikadang babae na nakaupo sa swivel chair nito habang abala sa binabasang papeles. Pumasok ako sa loob at lumapit sa kaniyang puwesto. Pagkatapos ay tumikhim ako dahilan na nag-angat siya ng tingin sa direksyon ko at saka ko pa napagtanto na siya iyong babae kahapon. So, she's the HR Head. Kaya pala confident talaga siya kahapon na mabibigyan ako ng trabaho.

I hesitantly smiled. "Good morning. I'm Lura Elise Abejero. I was called for an interview," I informed her.

Tumango siya. "Yes, glad you came," she said with a wide smile plastered on her lips. "By the way, I'm Leila Soren. Please, have a seat," malumanay na aniya saka itinuro ang isang silya malapit sa gawing kanan ko.

"Thank you," I replied and took the seat she offered.

"So...before we proceed. I want to apologize again for what happened yesterday," wika niya. I can feel the sincerity in her voice. Kung sana kasing ugali niya ang pinsan niya, mas mainam.

I nodded. "Its fine, Ms. Soren," magalang na tugon ko nalang. Hindi naman kasi siya ang dapat humihinge ng despensa kundi iyong walang modo niyang pinsan—which I doubt he will do. "May I know about the job you'll offer me?" tanong ko nang maalalang hindi ko pa pala alam kung anong papasokin ko.

Umayos siya ng upo at may binuksang folder. Nang tingnan ko iyon ay namukhaan ko kaagad. Iyon ang resume ko na kinuha niya nalang basta sa akin kahapon. Pinasadahan niya ito ng tingin saka pa muling ibinalik sa akin ang kaniyang atensiyon.

"As what I have seen in your curriculum vitae, you graduated Business Management as Magna Cumlaude..." she mumbled, impressed. I just nodded. "But as much as I want to give you a good position fit to your credentials, for now, we only have one vacancy left open," she continued.

My forehead creased. "What is it? Can you elaborate the details?" I humbly asked, curiosity kicking in.

She smiled widely at me. "Executive Assistant. The CEO badly needs it right now and for me, you're perfect for the role. You will not undergo probation. Once you sign the contract, you'll be a regular employee right away and if there's already a new position available, I'll put you first on the list," she proposed, which made me silent for a moment.

An E.A for my first Job? Not that bad for experience but...

"You don't have to worry about your salary. It's negotiable. So, what do you think, Ms. Abejero?" she stated, eager to convince me.

Well, siguro naman maayos iyong magiging boss ko. Saka mas maraming gagawin, mas mabuti.

Tumuwid ako ng upo pagkatapos ay tumango.

"Is that a yes?" she asked, clasping her hands. She sounds hopeful.

I genuinely smiled. "Yes. I'll accept it."

"Great!" she exclaimed and stood up. "Welcome to the company, Ms. Abejero," aniya saka inilahad ang kamay sa aking harapan. Kaagad ko naman itong tinanggap.

"Thank you. I'll do my best," I uttered.

"Alright. You will sign your contract tomorrow. For now, you need to see the CEO for a final assessment. But don't worry, it's just for formality," imporma niya na tinangunan ko lang. "I'll just ask one of my staff to—"

"I'm back!"

Miss Soren's words were cut off when the door of her office suddenly opened and a high pitched voice echoed at the entire room.

"Oh, good thing you're already here, Fellice. Please accompany Miss Abejero to the executive's floor," utos ni Miss Soren sa kakapasok lang na babae na mukhang American model. Blonde kasi ang buhok nito at may maputlang balat.

"Miss Leila, naman! Kadarating ko nga lang pinapaalis mo na agad ako," Fellice grimaced, pouting her lips. She speak our language so well. Though, there's a bit accent but it's bearable.

How cute.

"Quit that childish act of yours, Fel and just do what I say."

"But—" Fellice grunted and was about to protest when Miss Soren glared at her. "Okay, sabi ko nga sasamahan ko na po siya," she mumbled and then smiled at me. "Tara na, ganda!"

Bahagya akong natawa sa iniusal niya at tumango nalang saka sumunod sa kaniya matapos magpaalam kay Miss Soren.

Nang maihatid ako ni Fellice sa mismong tapat ng chief executive office ay umalis din siya kaagad dahil marami pa raw siyang gagawin. So now, I was left alone, fidgeting and almost panicking. Bigla kasing rumigodon ang puso ko sa kaba. Mas tuminde pa ata ngayon kaysa kaninang nasa harap ako ng opisina ni Miss Soren.

Of course! Who wouldn't? I will face the owner of the company—the CEO itself! Ah! I need to calm—

"If you're just going to stay there the whole time, just leave. You're wasting my time."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang umalingangaw sa tenga ko ang baritonong boses na iyon na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nataranta ako sa narinig kaya kasing bilis sa kidlat akong napapasok sa loob ng opisina.

"I'm so—"

My jaw dropped—surprised on who I saw that's waiting for me inside, comfortably sitting at a long sofa with a frown on his face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status