Share

Chapter 3

Chapter 3: Words

-

Damn! Is this a coincidence or someone’s playing a trick on me?!

Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na namamalikmata lang ako at hindi siya iyong nakikita ko ngayon.

But heck! It's him. It's really him.

That arrogant guy at the coffee shop. Iyong walang modong pinsan ni Miss Soren na binigyan ako ng limang libo.

Of course, there's a possibility that he's also working here. Magpinsan sila ni Miss Soren kaya hindi talaga malabo iyon. But I never thought he will be this big.

God! He's the CEO! My freaking boss!

And I can't help myself not to panic upon knowing the fact that I'll be working under him.

I heaved a sigh and eyed him, calculating if I should go near him or I'll just leave this damn room. But when my eyes meet with his deep ocean orbs giving me an intense gaze, para akong nawalan ng lakas at tanging sa kaniya nalang natuon ang atensyon ko.

Makailang beses akong napalunok sa tindi ng intensidad na ipinupukol niyang tingin sa akin. May kung anong mahika ang asul niyang mga mata na para akong hinihipnotismo. Ngayon ko mas napagtanto kung gaano kaperpekto ang pagkakahubog ng kaniyang mukha.

How can a man be as gorgeous as him? Like as if, he's out of this world!

Magandang lalaki rin naman si Yvor. He was even a campus heartthrob back then in college. But this man...he's way more than being handsome. And why the hell am I comparing them?

Jesus, Lura! What's gotten into you?!

Napailing nalang ako at iiwas na sana ang tingin sa kaniya pero naibalik ko rin naman dahil para talagang may magnet na hatid ang titig niya na pilit akong hinihila.

I stared at his face, more intent this time. His features were perfectly molded. From his luscious lips that every woman would surely want to taste, to his well-defined jaw, pointed nose, thick eyebrows and those deep ocean orbs that even it gives me chills with his cold gaze, still, he looks so ravishingly hot just by having it.

And hell! He's just only wearing a plain business suit yet, his appeal is overflowing.

"Stop ogling and just sit."

That deep and cold baritone voice woke up my senses.

"H-ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

I blinked and I saw his forehead creased but I can see his lips twitching.

"I said stop ogling and sit," he said with authority.

I bite my lower lip and gulped hard. 

Oh, Godness, Lura! Nakakahiya ka! Kastigo ko sa sarili habang dinadama ang pag-iinit ng aking pisnge.

I puffed a breath and went to his side. Without a word, I quickly took the seat in front of him. He's comfortably sitting at the long couch with his legs crossed.

Muli akong napabuntong-hininga para pakalmahin ang mabilis na pintig ng puso ko. Sinubukan kong iwaglit sa isip ang kahihiyang nagawa kanina sa pagmamasid ng kaniyang buong opisina. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa malaking office table—na mukhang gawa sa purong narra, kung saan nakalagay ang isang glass nameplate at doon magandang naukit ang kaniyang pangalan.

Lucio Gavin Cradford

Cheif Executive Officer

Lucio Gavin . . . I mumbled inside my head.

The side of my lips rose up. His name suits him.

"Do you think so?"

Nawala ang ngiti sa labi ko at napabaling ang atensyon sa kaniya nang umalingawngaw sa silid ang malamig niyang boses.

"P-Pardon?" I asked, clarifying what he just said. Hindi ko kasi iyon gaanong narinig dahil masiyado akong nawili sa kaniyang pangalan.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya sa halip ay tikom ang kaniyang bibig at madiin na naman akong tinitigan. Hindi ko na nakayanan pang salubungin ang paninitig ng kaniyang mga mata na tila ba sinusuri ang kaibuturan ko kaya kaagad akong nagbaba ng tingin.

Ngunit, ilang segundo lang matapos kong gawin iyon ay saka pa siya nagsalita.

"Look at me in the eyes when I'm talking to you," he firmly said which made me stiffened.

Tila may sariling utak ang katawan ko at sumunod nalang bigla sa kaniyang gusto. Napaayos ako ng upo at napatingin ng deretso sa kaniyang kulay asul na mga mata dahilan ng matinding pagkabog ng puso ko at hindi ko nagugustuhan ang pinapahiwatig nito!

N-no! Stop it, Lura! You shouldn't feel this way! It isn't right!

I closed my eyes and shook my head multiple times. Pilit kong kinukimbinse ang sarili na hindi maganda ang kahihinatnan kung patuloy akong magpapadaig sa sensasyong nararamdaman. Marahil naninibago lamang ang sarili ko dahil ngayon nalang ulit ako nakipaghalubilo sa ibang tao. Lalo na sa kagaya niyang lalaki.

"If you're sleepy, you shouldn't come here in the first place."

Kaagad akong napadilat dahil sa narinig at mabilis na umiling. "I'm not sleepy...sir," mariing turan ko.

"Then, don't ever close your eyes. You're disrespecting me," he warned.

Tumango ako sa kaniyang sinabi at huminge ng paumanhin, "I'm sorry, sir."

"Do you really want the job?" he suddenly querried, ignoring my apology.

Hindi ako kaagad nakahuma sa kaniyang itinanong. Biglain ba naman kasi ako. Pakiramdam ko tuloy ay nasa interogation ako imbis na simpleng job interview lang.

"The clock is ticking. Don't make me repeat my question, Miss..."

"Abejero..." I butted in, not minding his remarks. "Lura Elise Abejero, sir." I tried to smile—to lighten up the mood, but failed when he just gave me a sharp look.

Pasimple akong napaismid. What's his problem? Why is he so grumpy and arrogant? Is he too stressed out handling a big company like this? Well, if that's the case, he needs to loosen up a bit.

"I'm not asking for your name," he scoffed. "Just answer what I asked you to."

Natutop ako sa aking kinauupuan sa klase ng tunong kaniyang ginamit. Nahihimigan ko iyon  ng inis. Para bang nagtitimpi lamang siya sa akin at kung hindi ko pa aayusin ang sagot ko ay baka tuluyan na siyang sumabog.

I gulped hard and nodded. "I b-badly need a job...s-sir," I answered with trembled lips, afraid that any minute he might lose his patience and lashed out on me.

"Then, what can you offer me?"

I was taken aback by his sudden follow up question. It made me speechless. Hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ko alam kung anong dapat isagot. Taimtim akong nag-isip habang namamawis ang aking mga kamay.

I puffed a breath. "I c-can't offer you anything, sir but..." I trailed of, choosing the right words I should give him, "...you can have my loyalty and trust. I'll be patient with you too," I added. Though, I'm not quite sure if I could really do the last thing I said. Dahil talagang kailangan ng mahabang pasensya sa klase ng ugaling mayroon siya. Sana lang talaga magawa ko iyon.

Pasimple akong huminga ng malalim at bahagya siyang nginitian habang pinagmamasdan ang kaniyang reaksyon. Akala ko nagustuhan niya ang isinagot ko ngunit hindi ko makitaan ng kahit katiting na kasiyahan ang kaniyang mukha. He just remains stoic and didn't even blink an eye. He stayed still and didn't say anything. He's just giving me an intense gaze.

My smile faded. I can feel my cheeks heated up while my heart is back at it again, beating rapidly and pounding so hard. I quickly looked away, saving myself from drowning into him. 

Bigla kaming binalot ng katahimikan. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin at kahit anong pilit kung kalmahin ang puso ko ay hindi ko magawa. And it's frustrating me!

"You may leave," kalaunan ay saad niya.

Napamaang ang bibig ko habang namimilog ang aking mga mata. Gulat at naguguluhan sa kaniyang sinabi.

That's it? He's done? No further questions? Violent reactions? Or even objection from what I said to him?

Tumayo siya at tinalikuran ako. Naupo siya sa kaniyang swivel chair at itinuon ang buong atensyon sa laptop na nakapatong sa kaniyang lamesa. Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na umangal pa. Mas mainam na rin sigurong natapos kaagad ang pag-iinterview niya nang makaalis na ako rito at baka sakaling matigil na itong kakaibang pagkabog ng dibdib ko.

"Thank you for your time, sir. I'll go ahead," paalam ko saka yumuko bilang paggalang.

He just nodded and didn't even glance at me.

Napanguso ako at mabibigat ang hakbang na tinungo ang pinto.

"G'wapo nga napakabugnutin naman," hindi ko napigilang ibulong sa sarili.

"You're saying something?"

Napaigtad ako nang bigla siyang magsalita. Muli akong napalingon sa kaniya at mabilis na umiling. Hilaw akong ngumiti nang bigyan niya ako ng masamang tingin habang ang puso ko ay lumulundag na naman, hindi na sa kung ano pa man kundi sigurado akong dahil na sa kaba. Takot ko nalang masinghalan.

"W-wala po, sir. Alis na po ako," ani ko at bago ko pa man maisara ang pinto ng kaniyang opisina ay nagbitiw siya ng mga salitang hindi ko akalaing lalabas sa kaniyang bibig lalo na ang huling salitang ibinigkas niya.

"I'll hold on to your words....Elise."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myrna Elizaga Bartolome
grabe k Elise,Ang Dami k kasing moment habang may interview,dapt smart and focuse to ur CEO,wg k muna mangarap..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status