Pareho silang masaya na nakakita sila ng pamilyar na mukha makalipas ang maraming taon, at agad na nagtanong si Gina, “Anong ginagawa mo dito?’“Ah, nagkasakit lang si Mr. Yates at dinala siya dito sa ospital.” Ngumiti si Greg. “Pumunta ako dito para bisitahin siya.”“Si Mr. Yates?” Nagtatakang nagtanong si Gina.“Ang chief ng commerce guild ng Riverton, si Timmy Yates,” ang sagot ni Greg.Nabigla si Gina. “Kilala mo siya? Anong koneksyon mo sa kanya?”“Parang, partners,” natawa si Greg. “Nagsimula ako ng isang pharmaceutical company dalawang taon na ang nakakaraan at yumaman ako agad, at nagsimula akong makipag-usap kay Mr. Yates kamakailan sa pag-asang magkakaroon kami ng partnership. Natural lang na bisitahin ko siya dahil may sakit siya.”“Oh!” Ang sabi ni Gina. “Ang layo na ng narating mo, naging partner mo ang isang bigatin sa loob lang ng ilang taon mula noong huli kitang nakita.”“Swinerte lang ako,” ang sagot ni Greg. “Kung ganun, anong ginagawa mo dito, Gina?”Bumunto
Ang sabi ni Greg, “Helen Lane. Siya ang may-ari ng Lane Holdings at kamakailan ay nakuha niya ang partnership ng mga Turnbull.”May napagtanto si Dan at natawa siya, “Oh, hindi mo na kailangang alalahanin ang tungkol dun—mayroon nang taong gagamot sa kanya. Hindi magtatagal ay gagaling na siya.”Kung sabagay, alam ni Dan na wala siyang kailangang gawin dahil tutulungan ni Frank si Helen. Sa katunayan, kung hindi makakatulong si Frank, baka hindi rin siya mapagaling ni Dan.“Uhh…” Marami pang gustong sabihin si Greg, ngunit ibinaba na ni Dan ang tawag.“Greg? Anong sinabi ni Mr. Zimmer?” Agad na nagtanong si Gina.“Oh…” Nag-alinlangan sandali si Greg bago niya sinabi kay Gina na, “Huwag kang mag-alala. Pumayag si Mr. Zimmer na tulungan ang anak mo, pero medyo matatagalan bago niya siya matulungan. Magiging ayos lang ang lahat, pangako ‘yan.”Masayang-masaya si Gina. “Oh, maraming salamat, Greg! Hindi ko talaga inasahan na aasa ako ulit sa’yo kapag kailangan ko ng tulong—kasing hus
Tahimik na nakaupo si Helen sa kama, nasa isang tabi ang kanyang phone na naka silent mode.Biglang umilaw ang screen nito, at agad niyang nakilala na kay Frank ang number na tumatawag dahil kabisado niya ito.Ibinaba niya ang tawag ng walang pag-aalinlangan, iniisip niya na napakapangit na niya at natatakot siya na laitin siya ni Frank. Muling tumawag ng dalawang beses si Frank pagkatapos nun, ngunit paulit-ulit niyang binabaan ng tawag si Frank bago niya ibinlock ang kanyang number. Sa sandaling iyon, dumating si Gina kasama si Greg, at agad siyang nagtanong, “Tingnan mo kung sinong nandito, Helen!”Si Helen, na malungkot pa rin, ay agad na sumimangot. “Labas.”“Ayos lang ang lahat Helen. Nandito siya para tulungan ka…”Lumapit na si Greg kay Helen bago pa matapos sa pagsasalita si Gina, at lihim siyang humanga sa magandang mukha ni Helen. Hindi niya inakala na nagtataglay ng natural na kagandahan ang anak ni Gina… Nakakapanghinayang na sinira ito ng isang malaking peklat,
Umalis si Frank sa Verdant Hotel, at nagtungo siya sa silangan papunta sa isang restaurant.Isa itong magandang lugar na walang gaanong tao, at mas gusto niya ang ganitong tahimik na lugar.Inorder niya ang ilan sa specialty ng restaurant at masaya siyang kumakain noong narinig niya ang isang komosyon.Lumingon si Frank at nakita niya si Gina na kasama ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita.Tumingin si Gina sa paligid, at tumango siya. “Napakagaling mong pumili, Greg. Ang ganda ng lugar na ‘to.”“Haha,” natawa si Greg. “Dating tindero sa labas ng eskwelahan natin ang may-ari nito, at mayaman na siya ngayon. Magugustuhan mo dito.”Naging emosyonal si Gina. “Oo… Talagang ibinalik mo ako sa mga panahon na high school pa tayo, ngayong nabanggit mo ang tungkol dito.”“Tara, umupo tayo malapit sa bintana. Maganda ang tanawin dito,” ang sabi ni Greg habang naglalakad siya papunta sa mesa na katabi ng kay Frank, at hinila niya ang isang bangko ng parang isang maginoo para kay Gina
Tumingin ng masama si Frank kay Greg. “Sino ka ba sa akala mo, para sabihin sa’kin na umGina snorted pompously. "Don't think yougMayabang na suminghal si Gina. “Huwag mong isipin na pwede mo nang gawin ang anumang gusto mo dahil lang ikaw ang lalaki ni Vicky Turnbull! Si Greg ang business partner ni Timmy Yates—maging. si Vicky Turnbull ay kakailanganin siyang igalang!” “Wala ‘yun.” ang sabi ni Greg sa kanya bago siya muling tumingin kay Frank. “Ayaw kang makita ni Gina, kaya umalis ka na, kung hindi ako mismo ang magpapalayas sa'yo.”Ngumiti si Frank at tumingin siya sa dalawa. “Kung ganun sa kabila ng lahat ng ‘yun, ang matandang ‘to ay ang bago mong boyfriend? Huwag mong pilitin ang sarili mo kung napakatanda mo na ngayon, tanda. Dapat manatili ka na sa bahay at ipahinga mo ang likod mo.”“Ikaw ang may gusto nito, bata!” Hindi inasahan ni Greg na ganoon kayabang si Frank at sinuntok niya ng kanyang kamao ang mukha ni Frank.Isa siyang atleta sa paaralan noong high school pa,
Ang sabi ni Gina, “Masyado kang mabait, Greg.”“Hindi natin kailangang ibaba ang lebel natin sa isang hampaslupa,” ang sabi ni Greg, at inakbayan niya ang balikat ni Gina.Yung totoo, kinikilabutan siya—maswerte siya na umalis si Frank dahil sa isang mahalagang bagay, kung hindi ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya!Walang kaalam-alam si Gina, at masaya siyang sumandal sa mga bisig ni Greg…-Samantala, sumakay si Frank ng isang taxi papunta sa Skystream Lodge at nakita niya si Yara sa may top-floor lounge.Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya si Frank. “Sa wakas nandito ka na, Mr. Lawrence!”“Anong nangyari?” Agad na nagtanong si Frank.“Nasa biyahe kami para makipagnegosasyon para sa isang business deal noong may kotseng bumangga sa sasakyan namin,” ang sabi ni Yara habang naglalakad sila. “Nasa higit sa isang dosenang hitman ang tumalon palabas mula sa kotseng bumangga sa’min, pero wala silang laban sa’min, hanggang sa sinabuyan ng isa sa kanila si Ms. T
Walang masabi si Janet at tumalikod siya upang tingnan ang oras. “Tutal nandito ka na, Mr. Lawrence, sa tingin ko pwede na akong umalis. May kailangan pa akong asikasuhin.”Tumango si Frank ngunit bigla niya siyang pinigilan nang may bigla siyang naalala. “Sandali lang, Ms. Zimmer.”“Ano ‘yun?”Inilabas ni Frank ang kahon ng ointment. “Kung may oras ka, gusto ko sanang ipaabot ‘to.”“Ipaabot? Saan?” Nagtanong si Janet at kinuha niya ang kahon. “Gagawin ko ‘yun bukas ng umaga.” “Sa Lane Manor,” ang sagot ni Frank. “Isa itong ointment para tanggalin ang mga peklat—para ito sa mukha ni Helen.”“Bakit hindi na lang ikaw ang mag-abot nito sa kanya?” Nagtanong si Janet, tiningnan niya si Frank ng may pag-aalinlangan.Ex-wife ni Frank si Helen, kaya hindi ba mas mabuti kung siya na ang mag-abot nito sa kanya?Kinamot ni Frank ang kanyang ulo. “Hindi maganda ang mga bagay sa pagitan ko at ng mga Lane, at iniisip ng nanay ni Helen na wala akong kwenta. Pero naisip ko na maniniwala sila
Ang sabi ni Frank, “Nalason ka. Pinapunta ako dito ni Yara para tulungan ka.”Bumilis ang tibok ng puso ni Vicky sa takot nang maalala niya kung ano ang nangyari, at agad siyang nagtanong, “Nasaan si Yara?”“Umalis siya, ang sabi niya may mahalagang bagay daw siyang kailangang asikasuhin sa bahay nila. Pinakiusapan niya ako na bantayan at alagaan ka.”Nanggigil ang panga ni Vicky. “Yung babaeng ‘yun, humanda siya sa’kin…”Maswerte sila na si Frank ang naiwang nagbabantay sa kanya. Anong mangyayari kung iniwan siya ni Yara sa ibang lalaki, habang wala pa siyang malay?⁴Muli siyang tumingin kay Frank ng may magandang ngiti, at sinabi niya na, “Wala kang ginawa sa'kin, hindi ba?”“Wala,” ang sagot ni Frank, at umiling siya. “Masyado kang nag-aalala. “Hoy ano ka ba—masaya ako na ka sa tabi ko para “alagaan ako,” Ngumiti si Vicky, mapaglaro niyang ibinaba ang balikat ng kanyang mga pajama. “Ayos lang sa'kin kung talagang may gusto kang gawin sa'kin…”Kinuskos ni Frank ang kanyang