Share

Kabanata 100

Umalis si Frank sa Verdant Hotel, at nagtungo siya sa silangan papunta sa isang restaurant.

Isa itong magandang lugar na walang gaanong tao, at mas gusto niya ang ganitong tahimik na lugar.

Inorder niya ang ilan sa specialty ng restaurant at masaya siyang kumakain noong narinig niya ang isang komosyon.

Lumingon si Frank at nakita niya si Gina na kasama ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita.

Tumingin si Gina sa paligid, at tumango siya. “Napakagaling mong pumili, Greg. Ang ganda ng lugar na ‘to.”

“Haha,” natawa si Greg. “Dating tindero sa labas ng eskwelahan natin ang may-ari nito, at mayaman na siya ngayon. Magugustuhan mo dito.”

Naging emosyonal si Gina. “Oo… Talagang ibinalik mo ako sa mga panahon na high school pa tayo, ngayong nabanggit mo ang tungkol dito.”

“Tara, umupo tayo malapit sa bintana. Maganda ang tanawin dito,” ang sabi ni Greg habang naglalakad siya papunta sa mesa na katabi ng kay Frank, at hinila niya ang isang bangko ng parang isang maginoo para kay Gina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status